Share

Chapter 62

Zeph Pov

Nang makita namin ang ginawa ni Hillary ay inalis ko na ang ginawa kong harang para makita niya kami. At nang makita nga niya kami ay hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Tumakbo siya palapit sa akin at umiiyak na yumakap. Sa pangatlong pagkakataon ay nagkatinginan kami nina Duffy at Ashley.

"Mabuti naman at nandito ka na, Zeph. Iligtas mo si Alpha Hunter. Papatayin na siya bukas ng aking ama. Papatayin siya sa harapan ng mga taga-north at south council para ipakita sa kanila na makapangyarihan siya," umiiyak na sumbong ni Hillary. Lalo lamang akong nakaramdam ng galit kay Keiver ngunit pinilit kong kinalma ang aking sarili. Hindi ako makakapag-isip ng maayos kung umiiral ang galit sa aking puso.

"Bakit mo ito ginagawa, Hillary? Hindi ba't galit ka sa akin noon pa man?" nagdududang tanong ko sa kanya.

"Oo nga, Hillary. Paano kami maniniwala na nagsasabi ka ng totoo? Baka naman gumagawa ka lamang ng patibong para mahuli ninyo si Zeph?" wika naman ni Duffy na katulad ko ay hindi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status