Share

Chapter 10. “You’re not alone”

Chapter 10. “You’re not alone”

Elyse’ POV

            Pauwi na kami ni Arkin sa condo. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Nakapaling ako sa bintana ng sasakyan niya at tulala lang. Nakatingin ako sa papalubog ng araw. And when the sun is about to set, is the chance of Yu-jun to went out of that painting. I am sure that when I got home, he is alrealy out of the painting. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na ang hinahanap niya at tuluyan na niyang hindi na makikita pa. Dumaan din kami ni Arkin sa cemetery kung saan nilibing si Elizabeth. Habang nakatingin sa paglubog ng araw ay naalala ko ang sinabi ni Kuya Guard kanina.

            “Wala na si Ms. Elizabeth, namatay siya noong huwebes at inilibing kahapon lang.”Malungkot na sabi ni Kuya Guard. Gulat na gulat naman ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

            “Kuya, sigurado po ba kayo?” Tanong ko. Tumango-tango naman si Kuya Guard.

            “Ang alam ko, matagal ng may cancer si Ms. Elizabeth.” Sabin i Kuya Guard. Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Yu-jun na pabalik-balik nga si Elizabeth sa hospital. Maybe because of her medication and treatment.

            Mabuti na lamang at alam ni Kuya Guard kung saan inilibing si Elizabeth at tinuro niya sa amin. Agad kaming pumunta ni Arkin sa cemetery at doon, nakita namin ang puntod ni Elizabeth.

            “Elizabeth Rhias…” basa ko sa buong pangalan niya at tiningnan ang picture niya sa may puntod. “Ikaw nga ‘yon.”

            “Are you alright?” Nagising naman ako mula sa pag-iisip at napalingon kay Arkin. Nginitian ko siya.

            “Yeah, I am just tired.” Sagot ko. Ngumiti rin siya sa akin. “Arkin…” tawag ko sa kanya.

            “Yes?” He responded. I took a deep-breath and look at him.

            “What will you feel if you’ve heard that the person you’ve been looking all this time passed away?” tanong ko sa kanya. Natahimik naman siya at tila nag-isip ng isasagot sa akin.

            “I would definitely be sad.” He answered.

Napabuntong-hininga ako. What a stupid question? Why did I ask that question anyway? Of course, every one will be sad if someone they love passed away. Napasandal ako at muling tinuon ang tingin sa labas ng sasakyan. Malapit nang magdilim, at malapit na ring makalabas si Yu-jun.

Madilim na nang makarating kami sa condo. Tulala pa rin ako at napapaisip habang nasa elevator. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung paano ko sasabihin kay Yu-jun na wala na si Elizabeth. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Habang paakyat ang elevator ay naisip ko ang nakangiting mukha ni Yu-jun. At sa hindi ko malaman na dahilan, ayokong makitang malungkot o umiiyak ang nakangiti niyang mukha.

            Nagising lang ako sa malalim kong pag-iisip tungkol kay Yu-jun nang kalabitin ako ni Arkin. Lumabas na kami ng elevator at naglakad papunta sa kanya-kanya naming unit. Nang nasa tapat na si Arkin ng unit niya, nagpaalam na siya sa akin at nagpasalamat naman ako sa pagsama niya sa akin ngayong araw. Hinarap ko na ang pinto ng unit ko at binuksan. Pagbukas ko, ay agad ko siyang nakitang nakatayo sa tapat ng pinto ko. Tama nga ako ng iniisip ko.

            “Ang tagal mo naman, Elyse!” Bungad niya sa akin. Halata ang sigla at saya sa kanyang boses. “Magpahinga ka muna at hahanapin na natin si Elizabeth.” Aniya at naglakad papunta sa sala. Napabuntong-hininga ako at napanguso. Paano ko ba sasabihin sa kanya?

            Sumunod ako sa kanya sa sala at nilapag ang bag ko sa center table. Nagulat naman ako nang makita kong bukas ang TV ko. Naupo ako sa sofa habang siya naman ay nakaupo sa kabilang sofa.

            “Bakit bukas ang TV ko?” tanong ko sa kanya. Nakangiti naman niya akong tiningnan.

            “TV ba ang tawag diyan?” tanong niya. “Ginamit ko ito.” Sabi niya sabay taas ng remote. “Natawa kasi ako sa mga tao sa kahon na ‘yan.” Natatawa niyang sabi at lumapit pa sa akin kaunti na parang may ibubulong. “Hindi nila tayo nakikita, Elyse.” Sabi niya. Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Nagtataka naman niya akong tiningnan. “Bakit ka tumatawa?”

            “Hindi naman talaga tayo makikita ng mga tao sa TV no!” Natatawang sabi ko sa kanya. Kita ko naman kung paano nabuo ang labis na pagkalito sa mukha niya.

            “Oo nga pala.” Tumigil ako sa pagtawa at tiningnan siya. “Hindi ba sabi ko sayo, layuan mo ‘yong lalaki na nakatira sa kabila?” Inis niyang sabi.

            “Si Arkin? Bakit naman?” Tanong ko. Inikutan niya ako ng mata at inis na tiningnan.

            “Bakit ba tila tuwang-tuwa ka kapag kausap mo ‘yong lalaki na ‘yon? Kaninang umaga abot tainga ang ngiti sa labi mo noong nakausap mo siya.” Sabi niya.

            “So, naririnig mo pala kami kanina?” tanong ko sa kanya.

            “Hindi ba sabi ko sayo, kahit nasa larawan ako at buhay ako, at nakikita ko at naririnig ang nasa paligid ng larawan.” Aniya.

            “Mabait si Arkin.” Sabi ko sa kanya.

            “Bahala ka, basta iba ang pakiramdam ko sa lalaking ‘yon.” Inis niyang sabi at tinuon ang sarili sa TV.

            Nagbihis na ako ng damit at naghanda ng makakain. Habang kumakain kami ni Yu-jun, muli kong naalala ang tungkol kay Elizabeth.

            “Yu-jun,” tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na nagtataka at hinihintay ang sasabihin ko. “Ano ba sayo si Elizabeth?” tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya.

            “Siya lang ang babaeng nakilala ko at umunawa sa kalagayan ko. Sa tagal na nakasama ko siya, masaya lang ako.” Sabi niya. Napabuntong-hininga naman ako. “Si Elizabeth at ikaw lang ang taong nakilala ko sa panahong ito na hindi natakot sa akin. Alam mo ba na kaya binenta ang larawan ko at dahil akala ng mga tao sa museum ay multo ako.” Natatawa niyang sabi. “Pero kakaiba si Elizabeth noong una niya akong nakita. Tinanggap niya ako.”

            Natahimik ako sa kwento niya. Base sa kwento niya, mahagalang-mahalaga sa kanya si Elizabeth.

            “Alam mo na ba kung nasaan siya?” tanong niya. Taimtim ko naman siyang tiningnan sa kanyang mga mata at marahang tumango.

            “Oo.” Sagot ko. Agad namang gumuhit ang tuwa sa kanyang mukha.

            “Talaga? Puntahan na natin.” Aniya. Mapait akong ngumiti at tumango bilang pagsang-ayon sa kanya.

            Pagtapos naming kumain ay nagbihis ako ng panglakad para pumunta sa cemetery kung saan nakalibing si Elizabeth. Nagbihis din si Yu-jun nong damit na binili ko sa kanya. Kinuha ko naman ang paying ko at nilagay sa bag ko. Paglabas ko ng kwarto, sinalubong niya agad ako at halata ang pananabik sa kanya. Lumabas na kami ng unit at nagpara ng taxi papunta sa cemetery. Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako habang malungkot na tinitingnan si Yu-jun. Bigla naman niya akong tiningnan kaya napaiwas ako agad ng tingin sa kanya.

            “Saan mo siya nakita, Elyse? Nakausap mo ba siya? Sinabi mo bang kilala mo ako?” sunod-sunod na tanong niya. Natulala naman ako sa kanya at hindi alam ang sasabihin. Huminga na lamang ako ng malalim at nginitian siya.

            “Excited ka masyado, malapit na tayo.” Sabi ko sa kanya.

            Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa cemetery. Mabuti na lamang at pinayagan pa kami ng guard na pumasok sa loob. Nakasunod sa akin si Yu-jun habang naglalakad kami papunta sa puntod ni Elizabeth. Habang naglalakad kami ay napatingala ako nang biglang malakas na kumulog at may kasamang pagkidlat. Wala ring bituin sa langit at madilim ang kalangitan. Napatingin ako kay Yu-jun.

            “Yu-jun, dalian natin at uulan.” Sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon at mabilis kaming naglakad.

            Nang makarating kami sa puntod ni Elizabeth at huminto ako at ganoon din si Yu-jun. Tiningnan ko siya at pansin ko ang labis na pagtataka niya at ang paglibot niya ng tingin sa paligid. Nakatalikod ako sa puntod ni Elizabeth.

            “Elyse, nasaan ba tayo? Nasaan si Elizabeth?” tanong niya sa akin.

            Huminga ako ng malalim at taimtim siyang tiningnan saka tumagilid para ipakita sa kanya ang puntod sa likuran ko. Kita ko kung paano magsalubong ang kanyang kilay at maging seryoso ang kanyang mukha.

            “Yu-jun,” tawag ko sa kanya at saka nilahad ang kamay ko paturo sa puntod ni Elizabeth. “Si Elizabeth.” Sabi ko at napayuko.

            Naramdaman ko naman ang mabagal niyang paglapit sa puntod ni Elizabeth. Hindi siya nagsasalita hanggang sa nakita kong napaluhod siya.

            “Elyse? Libingan ba ito?” tanong niya sa akin sa pagitan ng kanyang malalim na paghinga.

            “Oo…” maikli kong sagot at tiningnan siya. Nakatulala lang siya sa larawan ni Elizabeth sa puntod nito.

            “Elyse, kailan?” seryoso ang tono ng boses niya.

            “Noong huwebes daw. Matagal na raw namay sakit si Elizabeth at ito ang naging dahilan ng pagpanaw niya.” Paliwanag ko. Nabigla naman ako nang bigla siyang tumayo at tiningnan ako, isang seryosong tingin.

            “Sige na, Elyse. Maaari mo na akong iwan dito, hihintayin ko na lang ang pagbuhos ng ulan.” Aniya at halata ang pagpipigil na umiyak. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

            “Pero, Yu-jun mamamatay ka kapag iniwan kita rito!” Sigaw ko sa kanya. Bigla na namang kumulog ng malakas kasabay ng sigaw ko. Hindi ko alam pero may kung ano sa dibdib ko na ayoko siyang mawala. Hindi siya agad sumagot sa akin at tiningnan lang ako at doon nakita ko ang pag-agos ng kanyang luha.

            “Ayos lang, dahil wala na rin naman ang babaeng mahal ko.” Aniya at tuluyan nang umiyak. “Wala na siya!” Sigaw niya at napaluhod saka humagulgol ng iyak. Natulala ako nang makita siyang umiiyak. Napatingalan ako at nakita ko ang pagkidlat sa langit.

            “Yu-jun, wala na si Elizabeth pero kailangan mo pang mabuhay.” Sabi ko sa kanya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Muli ay bigla na namang kumulog at may kasama pang kidlat. “Yu-jun, tara na malapit nang umulan!” Sigaw ko sa kanya at hinawakan ang braso niya pero nabigla ako nang itaboy niya ako palayo.

            “Iwan mo na ako, Elyse. At bakit ko pa gugustuhing mabuhay kung mabubuhay naman ako mag-isa?”  nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Hingal na hingal siya habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mukha. That is all he wanted, a companion in life. And he found it with Elizabeth. Just like me, I was alone for a long time and all I wanted is to find someone who will stay by my side.

            Habang nakatingin ako sa kanya at kinuha ko ang payong sa bag ko at sakto ko itong nabuksan nang biglang bumuhos ang ulan. Sa hindi ko alam na dahilan, ay bigla ko siyang niyakap pasilong sa hawak kong payong. Humiwalay ako at tiningnan siya. Hinaplos ko ang pisngi niya. Sobrang lapit ng aming mga mukha sa isa’t isa. Nagtataka naman siyang nakatingin sa akin.

            “You’re not alone, Yu-jun. I am still here. Please, be with me.” Sabi ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng aking luha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status