Share

Chapter 49. "Losing you…my Prince"

Chapter 49. "Losing you…my Prince"

Elyse’ POV

"Hindi! Yu-jun!" malakas kong sigaw nang bumuhos ang ulan at mabasa si Yu-jun. Hindi maaari, mabubura siya!

Malakas na humalakhak si Arkin habang naliligo sa ulan at pinapanuod si Yu-jun. Masama siyang tiningnan ni Yu-jun. Napatingin naman ako sa mga makukulay na pumapatak galing kay Yu-jun na parang pintura.

Napaluhod si Yu-jun dahil unti-unti na siyang nalulusaw ngunit matalim pa rin ang tingin niya kay Arkin na walang tigil pa rin sa pagtawa habang ako ay lumuluhang nakatingin kay Yu-jun at kinakalag ang pagkakatali ko.

"Totoo nga! Ulan lang ang makakapaslang sayo!" galak na galak na sabi ni Arkin.

Tiningnan ko si Yu-jun at nahihirapan na siya. Unti-unti na siyang nabubura. Unti-unti na siyang nawawala.

"Ayos nang mawala ako dahil sa sumpa ng larawan, huwag lang matapos ang aking buhay sa iyong mga walang kasing samang mga kamay."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status