Share

Chapter 9. “Searching for you”

Chapter 9. “Searching for you”

Venice’ POV

            Sinagad na talaga ni Elyse ang pasensya ko. From that worker in the cafeteria, at nang bugbugin niya ang mga kaibigan ko dahil sa cheap niyang car, and now in my party. Aside from that, Dad is really mad at me because of that damn viral video. She’s really getting into my nerves! I gave these two stupid a dark glare.

“What the hell did you do there Edward and Adrian?” I shouted from the top of my lungs.

            “Nothing, we are just giving Elyse a threat.” Edward answered.

            “He’s right and then out of nowhere that freak long-haired guy punched him.” Adrian added. I sighed as I heard their explanation.

            I sat in the bar’s couch and grab a glass of my brandy. Habang hinahalo ko ang brandy ay muli kong naalala ang ang lalaking ‘yon. The way he moved and fight with Edward and Adrian. Napangisi ako habang naiisip ang mukha ng lalaking ‘yon. Sino ba siya? Where the hell of Earth he came? And why he is always with Elyse? As far as I remember, he is not a student in our campus.

            “What are you thinking there, Venice?” Denice asked. I looked at her and gave her a sweet smile.

            “Just wondering something interesting.” I answered and drink my brandy. I heard Denice chuckled with Janice.

            “You’re thinking of that guy with Elyse, don’t you?” Janice said. Nagulat naman ako and I almost burst out my drink.

            “What did you say?” I unbelievably asked. They both laugh and gave each other a hi-five. I rolled my eyes.

            “Well, that guy is quite attractive.” Sabi naman ni Denice.

            “Yeah, he’s like a hot-Korean actor or something.” Dagdag pa ni Janice.

            “Will you girls cut it out? I don’t care about that guy. I just want to give Elyse a hard time.” Sabi ko sa kanila. They both looked to each other and shrugged.

            After the commotion earlier, we decided to transfer to another bar to continue our party. That damn bitch Elyse, almost ruined my night. At hindi pa ako tapos sa kanya. But that guy, who is he? I am eager to know who is he and where did he came from?

            A couple of minutes had past; I need to go to the rest room to do my thing. Palabas na sana ako ng restroom nang marinig ko sila Edward at Adrian.

            “You’re a jerk dude! If Venice found out the truth what you really tried to do with Elyse, she will kill you.” Sabi ni Adrian.

            “Why? I just want to kiss her.” Edward answered and laughed. Tumaas ang kilay ko at binuksan ang pinto. Nagulat silang dalawa nang makita nila ako.

            “Do you like her?” Tanong ko kay Edward habang palapit sa kanya. “I am not mad Ed, actually I want to help you to make your wild fantasy come true.” I said and winked at him.

            I will make you life as miserable as hell sweet half-sister.

            The next day, nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto ko. Nang buksan ko ito, it was Dad. Inaantok pa ako kaya nahiga ako ulit sa kama ko.

            “Why? It’s too early for a nag Dad.” Sabi ko.

            “I am not here to nag on you, Venice. I need you to go to Elyse’ place now.” He said with authority. He is really sounded like a Governor. Napabangon ako sa inis.

            “Why would I do that?” I asked.

            “You have to give this to her.” Sabi ni Dad at inabot ang isang sobre. Napangisi ako at tiningnan si Dad. “May sakit si Yaya Miding kaya hindi siya makakapunta kay Elyse. Now, give this to your sister.” Utos ni Dad.

            “She is not my sister.” Pagtatama ko at mariin kong sabi kay Dad. “Well, okay pupunta na ako.”

Elyse’ POV

            Bago kami umuwi sa condo ay dumaan muna kami sa bukas pa na pharmacy para bumili ng mga pang-gamot sa mga galos namin. Pagdating sa condo ay niligpit lang namin ang mga gamit ko at ang biniling kong mga gamot sa center table. Pumunta ako sa bathroom para maghilamos. Habang naghihilamos ay napapadaing pa ako sa hapdi ng kalmot ni Venice sa mukha ko. Habang nakatingin ako sa salamin at kita ang kalmot ni Venice, naisip ko ang mga ginawa niya. Sa pagsira niya sa kotse ko at ngayon naman sa bar. Maging ang mukha ni Yu-jun na puro galos.

            “Sana naman tapos na siya.” Sabi ko habang nakatingin sa reflection ko sa salamin at napabuntong-hininga. “Kaya mo ‘yan, Elyse, kaya mo yan.” Sabi ko at pilit na ngumiti.

Paglabas ko ng bathroom, hinanap ko si Yu-jun sa sala pero wala siya roon. Pumunta naman ako sa kwarto ko at pagbukas ko ng pinto napahinto ako nang makita ko siya. Natalikod siya sa akin at hubad ang pang-itaas na damit. Bigla naman siyang napalingon sa akin at napasigaw.

            “Sinisilipan mo ba ako, Elyse? Tampalasan ka!” Sigaw niya sa akin habang takip-takip ang dibdib niya gamit ang mga palad niya. Napasinghap ako at inis siyang tiningnan.

            “Excuse me? Kwarto ko kaya ‘to.” Sabi ko at saka mabilis na tumalikod at sara ng pinto. Pagsara ko ng pinto, natulala ako at naalala ang nakita ko. All my life, this is the very first time na makakita ako ng lalaking hubad sa harap ko! “Hays, ano ka ba naman, Elyse!” Nasabi ko na lang sa sarili ko saka pumunta muna sa sala.

            Ilang minuto pa at lumabas na si Yu-jun sa kwarto ko. Tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakasuot ulit siya ulit ng damit niya sa painting. Napansin ko naman ang masamang titig niya. Napakunot ako ng noo.

            “Maninilip.” Rinig kong inis niyang sabi bago ako lampasan at tumuloy sa sala. Hindi na ako sumagot sa kanya at pumunta na lang sa kwarto ko para magbihis.

Pagtapos kong magbihis ay bumalik ako sa sala para gamutin ang sugat ko at sugat niya.

            “Akin na ‘yang mukha mo.” Utos ko sa kanya at naupo sa tabi niya.

            “May pagnanasa ka ba talaga sa akin?” Tanong niya na kinainis ko. Ganto ba talaga siya?

            “Pwede ba? Gagamutin ko lang ‘yong mga sugat mo sa mukha.” Inis kong sabi at hinila ang damit niya para mapalapit siya sa akin. Hindi naman na siya sumagot at hinarap na lang ang mukha niya sa akin.

            Kumuha ako ng cotton at nilagyan ito ng konting alcohol saka pinahid sa sugat niya sa may labi. Napadaing siya sa hapdi ng alcohol at masama akong tiningnan. Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinagpatuloy ang ginagawa kong pag gamot sa sugat niya. Habang pinapahiran ko ng alcohol ang sugat niya, napatingin naman ako sa mga mata niya at saktong nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Napaiwas ako agad ng tingin.

            “Pwede wag mo akong tingnan?” inis kong sabi sa kanya at diniinan ang pagpahid ko ng alcohol sa sugat niya dahilan para mapasigaw siya sa sakit at saka tumawa.

            Pinagpatuloy ko ang pag gamot sa kanya. May sugat siya sa labi, medyo maga rin ang pisngi niya at mayroon din siyang sugat sa gilid ng kilay. Habang pinagmamasdan ko mga galos niya, biglang sumagi sa isip ko ang pagligtas niya kanina sa akin. Kung tutuusin, ito na ang pangalawang beses na niligtas niya ako.

            “Salamat sayo.” Sabi ko na kinabigla niya saka ngumiti sa akin.

            “Wala ‘yon, ginawa ko lang ang nararapat.” Sagot niya at masayang ngumiti. With that smile, I felt my heart skip a beat and my feet swept off the ground. Natulala ako sa kanya pero agad kong iniwas ang tingin ko at kumuha ng panibagong cotton at nilagyan ito ng betadine.

            “Dahil sa pagtulong mo sa akin, tutulungan din kitang hanapin si Elizabeth.” Sabi ko sa kanya. Muli ay ngumiti siya.

            “Salamat, Elyse.” Aniya. Nginitian ko na lang siya at tinapos ang pag gamot sa sugat niya.

            The next day, pag gising ko agad akong napatingin sa painting at napangiti.

            “Good morning.” Bati ko sa painting at natawa. “Para kang sira, Elyse.” Naiiling kong sabi sa sarili ko. Tumayo ako at pumunta sa balcony ko nang paglabas ko ay nabigla ako sa tumawag sa akin sa kabilang balcony.

            “Good morning, Elyse.” Bati ni Arkin mula sa balcony niya. Nginitian ko siya at binati rin.

            “Good morning din.” Masigla kong bati. Napansin ko naman basa ang balcony ko. “Umulan ba kagabi?” tanong ko kay Arkin.

            “Oo mga madaling araw na. Medyo malakas nga e, sabi sa news may bagyo raw na parating.” Kwento ni Arkin. Bigla ko namang naalala si Yu-jun dahil sabi niya, hindi siya pwede mabasa ng ulan at kapag nabasa siya ng ulan, mabubura siya sa painting dahilan para tuluyan na siyang mawala o mamatay.

            “Buti na lang umuwi kami ng maaga kagabi.” Bulong ko sa sarili ko.

            “Bakit Elyse?” tanong ni Arkin. Nabigla naman ako at tiningnan siya at tumawa.

            “Wala, buti na lang maaga akong nakauwi kagabi mula sa raket ko.” Pagdadahilan ko. Tumango-tango naman siya.

            “Anong oras ang class mo? Gusto mo sabay na tayo?” Tanong niya.

            “8:00AM ang first class ko.” I answered.

            “Good, same pala tayo. Sabay na tayo pumasok.” Aniya at ngumiti sa akin. Tumango-tango naman ako bilang pagsang-ayon.

            Pumasok na ako sa unit ko para maligo at kumain ng breakfast, pero palabas na sana ako ng kwarto ko, nang may mapansin ako sa painting ni Yu-jun. Tiningnan ko naman ito ng maigi at kita kong mas seryoso ang expression ng mukha niya sa painting na parang galit. Natawa na lang ako at hindi na siya pinansin pa.

            Pagtapos kong maligo ay naghanda na ako ng breakfast ko at kumain. Habang kumakain ay nanuod ako ng news sa TV at doon ay nakita ko na naman ang balita tungkol sa election. And of course, the famous Governor Reynaldo Montes is in the news again. I turned off the TV and stood up in my couch. Niligpit ko na ang pinagkainan ko at sandaling binuksan ang laptop ko. Nag-search ako ng mga hospital around Manila na pupunta ko mamaya para hanapin si Elizabeth.

            “Shocks! Ang dami namang hospital. Saan ko naman hahanapin ‘yon?” Sabi ko pagkakita ko sa result ng list ng mga hospitals sa Manila. Bigla ko namang naisip ‘yong museum. “Tama! Sa museum muna, baka bumalik siya don.” Sabi ko saka sinara ang laptop ko nang biglang may nag-door bell. Baka si Arkin na ‘yan.

            Inayos ko na ang gamit ko for school at ang suot ko sa while body mirror ko at dali-daling pumunta sa pinto para umalis na, pero pagbukas ko ng pinto, hindi ko ini-expect na nandito siya. Tiningnan ko lang siya at mataray naman siyang nakatingin sa akin.

            “Hindi mo ba ako papapasukin?” mataray niyang sabi saka pumasok sa unit ko. Sinundan ko naman siya sa loob. Iniikot niya ang tingin niya sa buong unit ko. “You got a good unit huh, but it is still cheap like you.” Pang-iinsulto niya. Napabuntong-hininga ako at humalukipkip saka siya tiningnan.

            “What do you need now, Venice? Really? In a morning?” tanong ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng nakataas ang kilay at nginisian.

            “Don’t worry, it won’t take too long.” Sabi niya at naupo sa sofa ko. “Ikuha mo naman ako ng water, be hospitable, Elyse.” Utos niya. Muli akong napabuntong-hininga at hindi na nagreklamo sa gusto niya saka pumunta sa kusina para ikuha siya ng asido, I mean tubig pala. Pagbalik ko sa sala ay wala na roon si Venice. Hinanap ko naman si Venice at nanlaki ang mga mata ko nang papunta siya sa kwarto ko. Baka makita niya ang painting ni Yu-jun.

            “Venice!” Sigaw ko at napalingon siya sa akin. “Where are you going?”

            “Oh, I was looking for your restroom.” Aniya.

            “Doon ang restroom.” Seryoso kong sabi sabay turo sa daan papuntang restroom.

            Pagtapos ni Venice gumamit ng restroom ay may binigay siyang isang sobre, at alam ko na ang laman non. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit siya ang nagbigay nito.

            “Nasaan si Yaya Miding?” tanong ko.

            “Oh, she’s sick and by the way favour ni Yaya na pahingi daw ng key ng unit mo, she lost her key.” Sabi niya.

            “Sandali,” sabi ko at pumunta sa kwarto para kumuha ng spare key ko at saka binigay sa kanya. “Pakisabi magpagaling si Yaya.” Sabi ko. Ngumiti naman siya at saka na naglakad palabas ng unit ko.

            Ilang sandali lang ay lumabas na rin ako ng unit ko para pumasok at saktong kakalabas lang din ni Arkin. Sabay kaming pumasok sa school at mabuting na lang ay may sasakyan si Arkin kaya nakalibre pa ako ng fare sa taxi.

Pagdating sa school, kilig na kilig naman si Emerald nang makita kaming dalawa na magkasama. Pansin ko rin na pinagtitinginan kami ng mga students. With Arkin’s side, talaga namang agaw atensyon ito dahil isa yata si Arkin sa pinaka-sikat at crush ng bayan sa campus. Nakita ko pa si Venice na nakatingin sa akin ng masama habang kasama naming ni Emerald si Arkin. Humiwalay na si Arkin sa amin ni Emerald para pumunta sa klase niya. Habang papunta kami ni Emerald sa room namin ay panay naman ang intriga niya tungkol sa amin ni Arkin.

            Hanggang alas-tres lang ng hapon ang klase ko. Niyaya pa ako ni Emerald na mag-milktea muna pero sabi ko ay may pupuntahan pa ako. Hindi ko naman na siya niyaya na samahan ako. Nasa tapat ako ng school gate at naghihintay ng masasakyan para pumunta sa museum nang may nagbusina sa tabi ko na agad kong tiningnan at nabigla ako nang si Arkin ito.

            “Going home? Hop in.” Yaya niya.

            “Sorry may pupuntahan pa kasi ako.” Sabi ko sa kanya. Nagtaka naman siya sa sinabi ko.

            “Where? Maybe I can take you a ride.” Sabi niya.

            “Sa museum.” Nahihiyang sabi ko.

            “Malapit lang naman, tara samahan na kita. Wala naman na kasi akong class and pupunta lang sana sa gym but I can skip this day.” Natatawa niyang sabi.

            “Talaga? Okay lang?” Masayang sabi ko. Tumango-tango naman siya. Hindi na ako tumanggi pa at sumakay na sa kotse niya.

            Habang papunta kami sa museum pinagusapan lang namin ni Arkin ‘yong course niyang engineering at course kong interior design. Natanong din niya ang tungkol sa boyfriend at sabi ko wala pa akong nagiging boyfriend.

            “How about crush?” natatawa niyang sabi saka ako saglit na tiningnan. Nahiya naman ako sa tanong niya at natawa na lang. Kung alam lang niya na matagal ko na siyang crush pero biglang pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Yu-jun.

            “Wala.” Sagot ko na lang. “And I am too old to have a crush.” Natatawang sabi ko. “Ikaw?” tanong ko naman sa kanya.

            “I have one.” Natatawa rin niyang sabi saka ako tiningnan. Hindi ko alam if that look he is referring to me as his crush or I am just being assuming?

            “She’s really lucky to be your crush.” Sabi ko sa kanya at nagtawanan kami.

            Nakarating na kami sa museum. Tinanong ni Arkin kung anong gagawin ko sa museum at nagdahilan na lang ako na may research ako. Pagdating namin sa loob ay tinanong ko ‘yong guard.

            “Kuya, may tanong lang po ako.” Tanong ko sa guard.

            “Yes po?” he responded.

            “May kilala po ba kayong babaeng artist or palaging nakikita dito? Uhm, maganda siya, maputi at medyo mahaba ang buhok.” Napansin ko namang malalim na napaisip si Kuya Guard sa tanong ko.

            “Si Ms. Elizabeth ba ang tinutukoy mo?” tanong ni Kuya Guard. Agad akong nabuhayan nang sabihin niya ang pangalan ni Elizabeth.

            “Opo, Kuya! Alam mo po kung taga-saan siya? I really need her advice for my school report.” Pagdadahilan ko kay Kuya Guard pero nagtaka ako nang napa-iling si Kuya Guard at malungkot akong tiningnan. “Bakit po?” naguguluhang tanong ko. Huminga naman ng malalim si Kuya Guard.

            “Wala na si Ms. Elizabeth, namatay siya noong huwebes at inilibing kahapon lang.” Nanlaki ang mga mata ko at nagpanting ang tainga ko sa sinabi ni Kuya Guard.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status