Share

Part 6

Part Six

Miggy was left standing mystified. Casey's voice echoes around the corners of his head. That seldom happens when he’s mind is being preoccupied by a woman’s thought or rather – a girl’s thought.

“Ayoko ngang hawakan ang baril mo, m-malaki kasi saka…m-mabigat…”…”

Damn!

Napatanga siya kasi ay umigting ang pagkalalaki niya. Iba ang pakahulugan niya sa salitang malaki at mabigat. Sure he is humongous and heavy for he’s 10 inches. Hindi lang basta umuungol ang babae sa kama niya kapag nagtitikiman sila, kung hindi humihiyaw pa.

Mataas ang kontrol niya kahit na gaano pa niya kagusto ang isang babae, pero bihira pa sa bihira na maiwan siyang natitilihan at nauubusan ng salita. He’s always in control and he must always be in control.

He calms himself and takes his steps. Pumasok siya nang walang imik sa bahay at saka siya dumiretso sa may kusina para libutin naman ang loob nito. May kalakihan din ang nabiling bahay ni Casey at mukhang American inspired and architect, renovated naman at safe sa ibaba. Hindi lang niya alam ang mga kwarto. May nakita kasi siyang ilang baitang ng hagdan sa gawing kanan kanina ng main door. He saw three bedrooms and he has to check on those rooms later.

Sinulyapan niya ang mga magbabarkada nang dumaan siya sa may sala. Nandoon ang mga ito at nakaupo, nagkukwentuhan, samantalang si Casey ay may kinukuha na sa cabinet na mga canned goods sa kusina. Halos maputol na ang mga litid nito sa binti sa pag-abot sa mataas na hanging cabinet na nakadikit sa kisame. The hem of her white tank top was pulled upward as she tried to reach for the processed foods. He stood still for a brief moment and watched her, scanned her up and down. Napako pa ang mga mata niya sa balakang nito at sa mapuputing hita, paakyat ulit sa baywang na sumisilip sa suot nitong damit.

“Bwisit ka!” Inis na padyak ni Casey sabay kamot sa ulo. Napamasahe pa ito sa binti at pinisil-pisil pa dahil malamang ay namimitig na.

She can use the chair as a ladder, bakit kaya hindi nito gamitin ang kukote para roon?

He simply walks and heads behind her, standing really closer behind her back. “Which of these, corned beef, meat loaves or pork and beans?” Tanong niya rito pero parang lalo lang itong napasimangot nang i-angat niya ang kanyang kanang braso para abutin ang mga bagay na inaabot nito.

“Pakikuha mo na lang lahat, Tito Miggy.” She answered.

Iyon naman ang ginawa niya. Ibinaba niya ang mga lata at inilapag sa tiled working table. “These foods are high in sodium and these can cause Alzheimer’s disease, not to count kidney stones, anemia and high blood pressure that can lead to heart attack.” He pretended he’s reading one of the cans’ nutritional facts, but she immediately grabs the corned beef off his hand.

“Malayo kasi ang palengke at ito lang sa ngayon ang pwede kong ipakain sa inyo.” She did a full eye roll which really looked good on her. She looks like a stubborn little girl who’s having her tantrum.

Wala sa kanyang umiirap na babae, lahat iyon nagpapapungay ng mga mata at ngumingiti. Ang isang ito ay mataray na, tinitirikan pa siya.

“Well, I’m sorry Kitty, but I’m a vegetarian.” He shrugs and keeps his distance. Naglakad siya papunta sa may banyo at hindi nilingon ang dalaga na nagbubukas na ng mga iyon gamit ang abrilata.

Heck! She smells really good. It’s not an expensive perfume, and he thinks it’s her shampoo mixing her baby cologne. Ibang-iba ang amoy ni Casey sa mga nagiging babae niya. Those women most of the times smell awful. Madalas na amoy ng pinaghalong sigarilyo at nakakasukang perfume dahil parang naligo na sa isang baldeng pabango. Minsan naman ay amoy alak na hinaluhan ng pabango ng lalaki at pabango ng babae. Those scents he had mastered to memorize all those years being one fuck of a womanizer. Ngayon lang siya napadikit sa isang inosenteng college student na amoy inosente at amoy baby.

Christ…

Umiling siya at iwinaksi ang laman ng isip. He inhales sharply as he focuses on the things that he must stick with. Itinulak niya ang pinto ng banyo at tiningnan ang kabuuan noon, may grills ang bintana at walang pwedeng makapasok na tao. Good.

And damn because his heart is racing too fast for a much unknown reason.

Hindi normal sa kanya ang ganitong epekto ng isang babae sa katawan niya na kahit wala na ay apektado pa rin siya. He’s aware that it’s pure lust but there’s something about the girl which he wants to capture. Hindi niya matukoy kung ano ang gusto niyang madiskubre sa katauhan nito pero mayroon sa mga mata nitong kung anong nagpapagulo sa isip niya, kung may inililihim ba ito o kung ano? Mailap ang mga mata ni Casey lalo kapag tumitingin sa lalaki. Kahit na sa abogado ay ganoon din ito at iyon ang napansin niya simula kanina. Kapag kaharap naman ang mga kaibigang babae ay masaya at kaya naman makipagtitigan sa mata. Bakit sa kanila ni Attorney Lagoste ay hindi? He’ll figure it out.

“Where’s your key? Bukas ba ang mga pinto ng kwarto sa itaas?” Tumayo si Miggy sa may hamba ng banyo at tumingin sa dalaga na nililinisan ang rice cooker.

“Wait. Nasa bulsa ko, Tito. ‘Yong isa roon sa gitna, banyo. Ang pinto ng kwarto ko ay tinutumbok ng hagdan.” She informed him while she’s busy on her stuffs.

Siya naman ay nakatingin lang sa mukha nito. Maganda talaga. “How about the door on the basement?”

“It’s just a mini library.” Kibit-balikat ng dalaga saka dinukot ang susi mula sa bulsa ng suot nitong short at iniabot sa kanya. Hindi niya kaagad iyon kinuha at tinitigan na muna niya nang saglit pa si Casey sa ilalim ng suot niyang sunglass, iyon nga lang ay nagbawi kaagad ito ng paningin at iniiwas ang mga mata kahit na hindi naman literal na nagtatama ang mga iyon.

What’s with those evading gazes, Casey?

“I have to check your room.” Maikling paalam niya saka kinuha ang susi mula sa kamay nito at saka siya lumabas sa kusina.

He picks up the traveling bag on the sofa and walks to the other wing of the house. Susunod-sunod sa kanya ang matabang pusa at maya't maya ang kiskis ng katawan sa binti niya. Hinayaan lang naman niya. Ang totoo mahilig siya sa mga hayop, kaya lang nawalan siya ng pagkakataon na mag-alaga noong bata pa siya dahil ayaw ng Daddy niya. His Dad used to tell him that he must focus on becoming a successor and not an animal vet. Kailan na lang ba siya nagkaroon ng aso? Noong nasa military school na siya at namatay pa dahil napabayaan noong mapunta siya sa Britain bilang isang Royal Navy.

Pagdaan niya sa may pintuan ay napatingin siya sa labas ng bahay. He noticed a man standing beside his car, studying it. Kaagad niyang binitiwan ang bitbit na bag at walang pag-aalinlangan na lumabas ng bahay. Iyon lang ay mukhang nakaamoy ang lalaki nang mapansin siya kaya pasimpleng umalis iyon sa tabi ng kotse niya. He took wide steps but the man was gone. Nawala na iyon na parang bula at may hinala siya na sa mga talahib na iyon sumuot. He’s not sure if that was a thief or one of the murderers. Alam niya at kahit hindi niya itanong pa kay Atty. Lagoste ay may kasulatan iyon galing sa korte na hindi pwedeng lumapit ang mga sangganong iyon kay Casey, pero hindi siya pwedeng umasa roon. He won’t wait until he sees her dead before he takes too much discretion, and before he practices careful and sensible defense against those bastards.

He inhaled deeply and walked back inside the house.

Eksakto naman na nag-ring ang smartphone niya at nakitang Mommy na naman niya ang tumatawag.

“Mom,” Walang buhay na sagot niya. Alam na kasi niyang mangungulit na naman ang ina niya dahil wala na naman siya sa mansyon.

“Miggy, anak. Where are you?” Bungad kaagad nito sa kanya.

“I’m working, Mom. I’m quite busy. I’ll call you later.” Itinikal na niya ang aparato sa tainga pero nagsalita ulit ang matanda.

“Don’t you dare hang up on me now, Miguelito Arturo.” Masungit na palatak ng matandang ginang kaya nailing na lang siya.

He’s not Miguelito Arturo for Jesus' sake. Bakit ba sa tuwing naiirita ang Mommy niya ay ganoon ang nagiging tawag noon sa kanya?

“Mommy, please. I’ll explain next time. Pero kung pakikiusapan mo ako na iiwan ang trabahong ito, I'm sorry but I can’t. You know how hungry I am when it comes to helping other people.” Inunahan na kaagad niya ang ina.

Kontrang-kontra rin kasi ito sa pagiging sundalo niya at wala lang magawa dahil mas matigas pa sa tingga ng bala ang ulo at paninindigan niya. He has a mentality that if he leaves his job behind, it seems like he’s also trashing the poor people who are badly in need of his help, like Casey. Hindi man talagang mahirap ang dalaga ay wala naman kakayanan na mag-hire ng isang protector. Sayang naman ang ganda kung mapapatay lang at magagahasa ng mga masasamang tao.

He heard an audible sigh on the other side of the line.

“Wala naman akong sinabi. Sana lang naman ay huwag maubos ang dalawang buwan mo. Sinabi na sa akin ng ate mo ang tungkol diyan at best friend pala ni Empress ang batang tinutulungan mo. I know that girl, quite about her. And I know what happened to her family. Bisitahin mo lang sana ako paminsan-minsan naman at huwag mong kalimutan na may Mommy ka pa. Kagabi nasa babae mo na kaagad ikaw at ewan ko ba kung bakit ang secretary mo ay nakaka-sampung tawag na ngayong araw at nangungulit daw iyong babaeng ikinama mo. Ano na ba, Miguelito Art – t” Daldal nooon na inalog-alog niya ang phone niya.

“M-Mom? Choppy. Choppy Mom. Bye. I’ll call you later.” Pagkukunwari niya sabay ngiwi.

“H-Hello – Arturo?”

“Love you, Mom.” He hangs up.

Para siyang natanggalan ng bala sa katawan matapos ang tawag at maisiksik ang smartphone sa bulsa ng pantalon. Arturo nang Arturo hindi naman Arturo ang pangalan niya. Sermon nang sermon na akala ay kinse pa lang siya. Matanda na siya at tuli na. Kumakama na nga siya ng babae kaya hindi na niya kailangan ng pangaral ng ina niya. He’s so very independent and he doesn’t need a mentor. He can learn on his own and he can figure out what’s better for his life and that’s no other than his job.

Marahan niyang sinusian ang doorknob ng kwarto ni Casey at itinulak ang pintuan. Balot ang buong kwarto ng kulay orange at pulang wallpapers. Mainit sa mata pero maganda. The orangey color is bouncing back at each wall. Even the lamp is orange in color though heart in shape. Halos lahat ng makita niya ay korteng puso, parang araw-araw Valentine’s Day sa kwarto nito but he knows all the decorations and even the colors represent something about her personality he want to dig into. May misteryo sa mga mata nito at may takot na hindi mailabas. Hindi siya duktor sa pag-iisip at hindi niya kailanganng maging duktor para mabasa ang isip ni Casey pero ramdam niya na hindi buo ang tiwala nito sa mga tao lalo na sa mga kalalakihan. Tama lang naman iyon dahil babae ito, pero hindi dapat na ganoon sa kanya.

Hindi nga ba dapat na matakot sa iyo? Kontra ng isip niya.

Hell, he’s a dangerous guy. He’s more dangerous than those culprits who tried to rape and kill Casey. He’s dangerous in bed but harmless. He doesn’t beat a woman and he will never hurt a woman physically. Kaya nga ayaw niyang magkaroon ng girlfriend dahil ayaw niyang makasakit ng iba. Mas mabuti na ang malinaw na purong one time affair lang ang mayroon kaysa sa umasa ang mga iyon at masaktan sa bandang huli.

Sinilip niya ang walk-in closet ng dalaga at nandoon ang mga laruang pambata. May isang bintana roon na salamin pero hindi naman nabubuksan. Binuksan din niya ang mga cabinet at nakita ang mga damit ni Casey na nakatupi at ang iba ay naka-hanger.

His lips parted involuntarily when his eyes caught some sexy lingerie hanging inside the closet. Napaangat ang mga kilay niya at naibaba pa niya ang suot na sunglass sa may ilong niya.

She wears these sexy outfits?

Mga maluluwang iyon na kamiseta at may kapartner na mga sobrang iikling silk at cotton shorts. Mukhang wala nang itatago pa roon sa mga damit na iyon. Kaunting bukaka lang, langit na kaagad.

Holy fuck! Kung ano-ano na ang pumapasok sa kukote niya. Kaagad niyang isinara ang panara ng aparador at hinubad ang sunglass. Parang pinagpawisan siya nang malalamig. Masama ang epekto sa kanya ni Casey at nararamdaman niya iyon. Normal iyon pero para sa kanya ay abnormal.

Miggy tilts his head to the side when someone clears her throat. There he finds Casey leaning on the jamb crossing her arms over her chest. He swears to hell he looks so cute at the same time looks like a vixen.

“Hindi naman po yata kasama ang pagbulatlat ng wardrobe ko sa trabaho mo, Tito Miggy.” Mataray na saad ng dalaga sa kanya at inangatan pa siya ng isang kilay.

At first look, he was lost but he managed to get back his stance. “You should never question me, Casey Daniella. I have to check all the things that I have to pay closer enough attention to. I know what I’m doing and you must let me do my job. That is, kung ayaw mo na mawalan ng libreng security.” Iniliyad niya ang dibdib at saka naglakad papalabas ng walk-in closet. Hindi naman umimik ang dalaga at halata sa mukha na parang napahiya dahil sa sinabi niya.

Sa pinakaunang pagkakataon sa tanan ng buhay niya ay parang siya pa ang mas nasaktan dahil sa nabitiwan niyang salita. Kita kasi niyang napayuko ito nang kaunti at parang nawalan ng taray ang mukha. It was replaced by regret and sorrow and he felt so guilty for that. But it’s never his nature to apologize and even swallow back his own words. Nagtuloy-tuloy lang siya at nagkunwari na hindi niya iyon nakita.

“Kakain na po Lt-Gen.” Casey declared lifelessly.

Nilingon niya ito. She’s looking at him but immediately darts out of the room. So, Casey is sensitive. Ngayon ay may isa na siyang ugaling nalaman tungkol dito. Mukhang maramdamin kahit na hindi ipinapahalata, malamang ay matampuhin din.

He stares and smiles on his own. She reminds him of someone from his past, si Denisse, ultimate crush niya ang babae noong high school. Idinaan niya sa galawang Alonde kaya napasakanya. He was her first and she was her first, too. Mas matanda sa kanya ng dalawang taon pero nang sumampa ng 18 ay biglang mabuntis ng ibang lalaki kahit na mag-boyfriend pa sila. Ngayon hindi na niya alam kung nasaan na ang kaisa-isang babaeng naging kasintahan niya. Iyon lang naman ang sineryoso niya at hindi na niyang nakuha pang magseryoso ulit. Kaya ayaw niya ng commitment kasi alam niyang masakit ang maloko at masaktan, worse is to wait for nothing in return and be left stranded all alone in the middle of nowhere after falling in love too deep.

And Casey reminds him so much of Denisse – sensitive.

MM16

Comments po kayo. 🫶

| 1
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Marieta Sumampong Tubil
ang ganda po.
goodnovel comment avatar
Ruby Cristobal
gusto ko lahat ng books mo.tenk u so much .🫰🫰🫰
goodnovel comment avatar
Mjlyn Clemente
ang ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status