Share

Part 7

Part Seven

Nakasimangot na inihanda ni Casey ang pagkain sa mesa at halos ibagsak niya ang mga pinggan at kutsara matapos niyang bumaba mula sa kwarto niya. Parang trumpo na paikot-ikot sa tuktok ng ulo niya ang pang-iinsulto sa kanya ni Miggy kaya sumama nang husto ang loob niya at alam niyang kahit pinilit niya na huwag ipahalata ay alam niya na nakita iyon ng binatang matanda.

“Ay, may ayaw magpakain.” Biro ni Dana sa kanya kaya lalong nanulis lang ang mga labi niya.

“Paano napaka-ungentleman naman ng Tito ni Em-Em. Wala ka na bang ibang tiyuhin na pwedeng maging security ko? Alam ko naman na libre nga ang service kasi wala nga akong pera ‘di ba? Pero dapat ba na i-emphasize pa?” Inis na pinukol niya ng tingin ang kausap na kaibiga. Hindi naman iyon nasaktan dahil parang nalukot lang din ang mukha.

“Wala na. Maliit lang naman ang family nina Mommy, alam mo rin ‘yan, at si Tito Miggy lang ang kaisa-isa niyang pinsan. Pagtyagaan mo na, masasanay ka rin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status