Share

Chapter 15

Kumakalam na sikmura ang tuluyang nagpagising sa inaantok pang diwa ni Angielyn. Tila nagrarambulan ang mga alaga niya sa loob. Wala na yatang sinasanto ang mga ito at balak pa yatang gawin na umagahan ang nananahimik niyang bituka.

Nang tingnan ni Angie ang banda ng bintana, para siyang kinikiliti sa nakikitang pagpupumilit ng sinag ng araw na pumasok para lang batiin siya. Rinig niya ang pagpapalitan ng pagtilaok ng mga manok sa bakuran. Noong una niyang pagtungtong sa lugar na ito, nagdalawang-isip talaga siya kung makakayanan ba niyang mamalagi at magtagal sa ganito kaliit na bayan. Hindi ganoon kalakas ang signal ng cellphone at bihira lang na may taga siyudad na mapapadpad dito. Limited lang din ang mga kainan at pasyalan hindi tulad sa nakagawiang siyudad. Naiirita siya sa tuwing sasapit ang umaga dahil walang kuryente at maaga pa siyang nagigising dahil sa maiingay na tilaok ng mga manok pero ngayon ay tila musika na sa kanyang pandinig ang natural na alarma ng mga 'y

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Maluz Dumancas Diaz Amistoso
Hahahhaaaa naku naku wag kawawang atty,di ma take!hehe
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji Buenaflor
uy air, totohanan ba yan??? .........
goodnovel comment avatar
Ma Teress Osias Delpilar
next chapter pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status