Share

CHAPTER 21

Author: Michelle Vito
last update Last Updated: 2024-08-09 20:49:36

“MADAM FIRST LADY,” Halos sabay-sabay na yumukod ang tatlo sa kanya. Ngumiti lang siya sa mga ito saka lumabas na ng banyo. Hindi pa siya gaanong nakakalayo ay naririnig na niyang nagsisipagbungisngisan ang mga ito.

Hindi na lamang niya ininda ang mga ito. Totoo namang hindi siya nakapag-aral at totoo ring mas nababagay si Atty. Lianela Mendez kay Gabrielle kesa sa kanya. Kung malalaman lamang marahil ng mga itong palabas lamang naman ang papel niya bilang asawa ni Gabrielle, mas lalo siguro siyang pagtatawanan ng mga ito.

Nang makabalik sa event ay nakita siya ni Atty. Lianela Mendez at hinila palapit sa grupo ng mga kababaihan. Ramdam kaagad niya ang mapanuring mga mata ng mga ito at ang mababang pagtingin ng mga ito na lalo pang dinagdagan ng mga sinabi ni Atty. Lianela Mendez.

“Hindi sya umaarte lang, talagang no read no write sya kaya huwag na kayong magtaka kung ako ang gaganap bilang first lady ni Mr. President at madalas na kasama nya since hindi rin naman madali ang magi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 11

    Napalakas yata ang tama ng alak sa kanyang katawan dahil bawat gawin ni Rod ay nakapagpapahatid ng kakaibang kaligayahan sa kanyang bawat himaymay ng katawan."Ahhhh Rod," daing niya habang waring pinapanawan ng ulirat. Never niyang naisip na ibibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking hindi naman niya mahal pero bakit nawala na ang lahat ng disposisyon niya sa buhay? Bakit hinahayaan niyang namnamin ni Rod ang kanyang katawan?Sumisigaw ang utak niya na itulak si Rod palayo sa kanya at awatin ito sa ginagawa ngunit ng mga sandaling iyon ay tinatalo siya ng tawag ng kanyang mga kalamnan. Mas malakas ang pwersa ng kaligayahang nararamdaman kaysa sa tamang wisyo.Talaga nga yatang nagiging mahina ang isang tao kapag may spirit ng alak sa katawan.Samantala ay para namang mababaliw si Rod habang ninanamnam ang sarap ni Becka. Marami rami na rin naman siyang natikman na mga babae. Mas bihasa at sanay na sanay pang gumiling pero ewan ba niya kung bakit parang iba ang babaeng ito.Na

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 00010

    NAPAPAILING SI ROD habang pinapanuod si Becka na umiinom. Kanina pa niya ito inaawat pero mukhang gustong ubusin ang isang bote ng whisky. Hinayaan lang niya itong pakawalan ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagawa itong ipagpalit ng ex nito sa pinsan nito, hindi hamak namang angat na angat si Becka kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan.At saka ano bang nagustuhan ni Becka sa lalaking iyon? Kung itatabi ito sa kanya mukha lang sakong ng kanyang mga paa ang lalaking iyon. "Hindi ko alam na ganun pala kababa ang standard mo pagdating sa mga lalaki," patuya niyang sabi dito, "Saka bakit kailangan mong lunurin sa alak ang sarili mo sa ganung klaseng lalaki. Hindi ba dapat masaya ka na hindi mo nakatuluyan ang ganun? Imagine, kung hindi sa pinsan mo, hindi mo makikilala ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. . .""Alam mo ba kung bakit masama ang loob ko, ha? Dahil hindi man lang ako nakapaghanda.

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 0009

    KASALUKUYANG nasa shopping mall sina Rod at Becka para ipamili siya nito ng mga gamit nang matanawan niya si Edward, ang kanyang exboyfriend kasama ng pinsan niyang si Jean. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito mula sa pagha-honeymoon sa Amerika. Magtatago sana siya, pero nakita na siya ni Edward. At ewan kung bakit parang malalaglag ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi nakaligtas kay Rod ang pagkabalisa sa mukha niya, napalingon ito sa tinitingnan niya.Kaagad na umakbay si Rod sa kanya, at tila nanadyang nilakasan pa ang boses, "Sweetheart, pumili ka lang ng kahit na ano, sky is the limit para saiyo," sabi nito sa kanya habang abot tenga ang ngiti, "Alam mo namang love na love kita."Bagama't may pagtataka, sinamantala niya iyon, "Ay ang sweet mo naman talaga sweetheart, ang swerte ko namang talaga saiyo. Mabuti na lang nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pano na lang pala kung hanggang ngayon, nagtitiyaga pa rin ako sa ex ko?" Sinad

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPER 8

    TINIYAK NI BECKA na nakalock ang pinto ng kanyang kuwarto lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya ang namumukol na hinaharap ni Rod. Hindi na niya papayagang maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala siyang matandaan pero bakit pakiwari niya ay sumasayad sa kanyang katawan ang maiinit nitong mga labi? At bakit parang nag-iinit siya habang naiisip iyon?Kinilabutan siya. Pinilit niyang burahin sa utak niya ang mga naglalarong kung anu-ano duon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit tila nanadyang nang-aasar sa utak niya ang mukha ni Rod kung kaya’t nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung kay Rod nga ba siya naiinis or sa kanyang sarili dahil hanggang sa kanyang pagtulog ay apektado siya ng lalaking iyon. Muli niyang naalala ang kanyang tatay. Talagang wala na itong natitirang kahit na anong pagmamahal sa kanya. Kapalit ng bisyo nito ay nagawa siya nitong traydurin. Napaiyak na naman siya sa sama ng loob. Naawa siya sa kanyang mga kapatid pero naiinis rin siya

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 7

    HINDI MAKAPANIWALA SI BECKA na napapayag siya ng ama na magpanggap bilang asawa ni Rod. Kung hindi nga lamang ayaw niyang makuha ng lalaking ito ang bahay nila, hinding-hindi sya papayag sa kalokohang ito. Pero ito lang ang tanging paraan para maisalba niya ang bahay nila.Hindi siya makapapayag na ipagiba ni Rod ang bahay kung saan siya nagkaisip at lumaki. Napakaraming masasayang alaala ng bahay na ito. Ito na lamang ang mayroon sya. Hindi siya makapapayag na pati ito ay mawala pa sa kanya. Kaya kahit parang hinahalukay ang dibdib niya kasama ng lalaking ito, wala siyang nagawa sa gusto nito. Six months lang naman silang magasasama sa iisang bubong. Siguro naman ay kakayanin niya.Duon siya dinala ni Rod sa condo nito sa Makati. “Siguro naman alam mo na kung ano ang papel ng pagiging may bahay. Don’t worry hindi ako nagbe-breakfast. Lunch time naman madalas sa labas ako kumakain. Kaya make sure, masarap na dinner ang dadatnan ko sa gabi. Ayoko rin ng selosang may bahay. .

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 6

    ILANG beses nang nakapagbanlaw ng katawan si Becka ngunit hanggang ngayon, pakiwari niya ay naamoy pa rin niya ang katawan ni Rod sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya na hindi niya mawari habang naiisip na sa isang iglap, ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa lalaking iyon. Muli na naman siyang napaiyak. Sumabay pa ang tatay niya na panay ang tawag dahil kailangan daw nito ng pera. Bakit ba pati tatay niya, naging pabigat na sa kanya?Feeling tuloy niya, pasan niya ang daigdig ng mga sandaling iyon. “Tay naman, bakit parang gusto nyong akuin ko ang lahat ng responsibilidad? Hindi ko naman kayang mag-isa iyon. Okay sana kung nakikita ko kayong nagsusumikap. Ang kaso, inuubos nyo lang sa bisyo nyo ang mga pinaghihirapan ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya sa ama, “Tay, napapagod rin ako.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapahagulhol, “Sa halip na ipapakain nyo na sa mga kapatid ko iyong iniaabot ko, ginagamit nyo pa sa sugal. . .kung kailan kayo tumanda

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status