Share

Chapter seven

Penulis: Seirinsky
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-26 17:26:51

Nagising ako na parang may nakayakap sa akin kaya kinabahan ako at napatingin sa paligid.

Napakunot ang noo ko nang makita ko na iba ang kwarto na kinalalagyan ko kaya ginalaw ko ang katawan ko.

Si Gabriel pala ang katabi ko at nakaramdam ako ng inis kaya tumayo ako.

Nandito na ako sa silid niya ang naalala ko lang ay nasa kwarto ako ng mga bata. Napailing na lang ako sa ginawa niya at dahan-dahan na lumabas ng kwarto.

Maaga pa naman kaya alam ko na wala pang gising at lumipat ulit ako sa kwarto ng mga bata.

Tulog na tulog pa sila kaya napangiti ako at kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan ko ang temperatura nito.

Inayos ko ang kumot ni Anthony at napangiti ako, napakunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi talaga kamukha ni Gabriel ang mga anak niya.

Hindi ko na lang ito binigyan ng pansin at nang masiguro ko na maayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto.

Bumaba na ako at inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at pumunta na ng kusina.

Naabutan ko si tiya at Carla na nagluluyo na ng almusal kaya nang mapatingin sa akin si Carla ay nilaputan niya ako agad.

“Kumusta ang mga bata?“ Tanong niya kaya ngumiti lang ako at binati sila ng magandang umaga.

“Okay naman nakatulog ng maaga hindi ko na nga namalayan na nakatulog ako at hindi na nakababa.“ Sabi ko sa kanya kaya tumango lang siya.

Nagulat rin sila kahapon dahil sa pamamalo ni Gabriel sa mga bata.

“Bihirang magalit ng ganyan si Sir Gabriel, minsan kase ay may pagkapasaway rin yang kambal.“ Sabi ni Carla na naiiling na lang.

“Pero hindi na bago na napapalo ni Gabriel ang dalawang bata.“ Sabi naman ni tiya kaya napatango ako at lihim na napabuntong hininga.

Pinagbubuhatan pala niya ng mga kamay ang dalawang bata kaya marahil ay hindi malapit ang dalawa sa kanilang ama.

Nag-agahan na kami ni tiya at Carla dahil maaga pa ay nagsimula na ako sa trabaho ko, tinulungan ko si Carla na maglinis ng attic dahil ayaw niyang mag-isa doon.

Inutusan siya kanina ni Ma'am Cynthia na linisin ang attic pinapatapon na ang mga gamit roon na mga nakasalansan.

Ang mga canvas raw iyon kaya sinunod na lang siya ni Carla, masama ang tingin nito sa akin pero hindi ko na lang ito pinansin pa.

Napaubo ako dahil maalikabok na at may mga agiw na rin dito at napakaraming gamit pero mga naka-plastic naman.

“Ilang taon na itong hindi nalilinisan mula ng mamatay ang asawa ni Sir Gabriel.“ Sabi ni Carla kaya napatingin ako sa kanya at nilibot ang tingin ko sa malawak na silid.

“Bakit? Dito ba siya naglalagi?“ Tanong ko kaya tumango si Carla.

“Ilang taon na ako rito at narinig ko na ang kwento tungkol sa dating asawa ng amo natin.“ Sabi niya na napahinga ng malalim.

“Mahilig raw iyong magpinta at tumugtog ng piano, dito siya madalas mamalagi lalo na nang pinagbubuntis pa lang niya ang kambal.“ Kwento ni Carla may iba pa siyang sinabi pero nakuha ng pansin ko ay ang nakasalansan na mga canvas at halos pare-pareho lang lahat ang naka-pinta dito.

Karagatan at bundok at may isang lalake na nakatalikod at nakapamulsa.

“Si Sir Gabriel yan, mahal na mahal niya ang amo natin kaya lagi niya raw yan na pinipinta.“ Sabi ni Carla kaya napatango ako at napatitig dito.

Base sa pagkakatitig ko ay mas matangkad ang lalake kaysa kay Gabriel at tila may pumapasok sa isip ko na hindi ito si Gabriel.

Napahinga na lang ako ng maluwag at nagsimula na akong maglinis dahil masyadong madumi ay nahirapan kami ni Carla.

Napatingin kami sa pinto ng bigla itong bumukas kaya nagulat pa ako ng makita ko Gabriel.

“Sino ang nagutos na linisin ang attic?“ Kinabahan ako at napatingin kay Carla kaya napalapit siya sa akin.

“Pinalinis ho ni madam ipapatapon na raw niya ang ilan sa mga gamit dito na naiwan ng kapatid niya.“ Sagot ni Carla kaya nagulat kami ng magmura ang amo namin kaya napatingin ako sa kanya.

“That woman is testing my patient.“ Galit niya na turan saka lumabas ng kwarto kaya nagkatinginan kami ni Carla.

“Away na naman ito ng malala.“ Sabi ni Carla na pinaligpit na ako at saka na niya ako niyaya na lumabas na.

Bago ako lumabas ay tinignan ko pa ang buong silid at pakiramdam ko ay napakalungkot talaga ng lugar na ito.

Naabutan namin na nag-aaway na naman ang amo namin at ngayon nga ay tuluyan na nito na pinaalis ang sister-in law niya.

Dito ko nakita kung paano magalit si Gabriel kaya niyaya na muna ako ni Carla na bumalik sa kwarto namin.

Papanhik ako mamaya kapag gising na ang kambal, nag-tetext naman si Angelo kapag gising na ito.

“Napuno na talaga ang boss natin.“ Komento ni Carla kaya napailing na lang ako at napahinga ng malalim.

“Sinabi mo pa pero kawawa ang alaga ko.“ Sabi ko sa kanya kaya napatango lang siya at huminga ng malalim.

“Halika na nga magsimula na tayo ulit magtrabaho.“ Niyaya na ako ni Carla na lumabas muli ng kwarto namin kaya nagpahila na lang ako sa kanya.

Sumapit ang tanghali na hindi bumaba ang kambal dahil bawal sila lumabas utos ng ama nila kaya kahit ako ay walang nagawa.

Hindi ko rin ito pinapansin dahil naiinis ako dito kaya ginagawa ko ay lagi akong nakabuntot kay Carla at ginagawa ko na busy ang sarili ko.

“Okay na ang tanghalian ng mga bata?“ Tanong ko kay Carla kaya tumango siya at inayos ang tray na may laman ng pagkain.

“Tulungan na kita iakyat ito para hindi ka na bumalik.“ Sabi ni Carla kaya tumango ako.

Habang paakyat kami ay siya naman na pagsulpot ni Gabriel kaya nagulat ako at napayuko.

“Ihahatid niyo ba yan sa mga bata?“ Tanong nito na sinagot naman agad ni Carla.

“Ako na nito Carla sige na.“ Sabi nito na kinuha ang dala ni Carla kaya nagulat ito, maging ako ay ganun rin.

“Come on Sonata.“ Sabi nito kaya napasunod ako sa kanya sinenyasan na lang ko ni Carla na bababa na siya kaya tumango ako sa kanya.

“Mag-usap tayo mamaya Sonata!“ Sabi ni Gabriel kaya napahinto ako kaya napatitig siya sa akin at napatango na lang ako.

Ayoko nang dagdagan pa ang galit niya ngayong araw kaya tumango na lang ako sa kanya, saka na ako sumunod papasok sa kwarto ng mga bata.

Iniwan na kami ni Gabriel dahil alam ko na hindi makakain ng maayos ang dalawang bata kung nandito ang daddy nila.

“Kain na kayo wala ang daddy niyo.“ Masaya ko na turan sa dalawa kaya pareho na silang umupo dito sa lamesa.

Pinaghimay ko sila ng isda at maya't maya ay sinusubuan ko si Angelo na naglalambing na naman.

“I wish you are our mom.“ Biglang sabi ni Anthony kaya napatingin ako sa kanya at napangiti.

Sana nga ito ang nasa isip ko dahil sino ba ang hindi gugustuhin na maging anak ang dalawang ito.

“Pwede niyo naman akong maging mama pero wag niyong papalitan ang mommy niyo.“ Sabi ko sa kanya kaya nakita ko ang ngiti ni Anthony na hindi umabot sa mga mata niya.

Sinubo ko na sa kanya ang huling nasa kutsara at bahagyang pinisil ang pisngi nito.

“Mula ngayon hindi ka na namin tatawagin na nanny, mama na po pero kapag tayong tatlo lang.“ Masaya na turan ni Angelo kaya napatawa ako sa sinabi at tumango.

Nang matapos ko na pakainin ang mga bata ay naghugas ako ng kamay dito sa banyo nila at napahinga ako ng malalim.

Naaawa ako sa mga bata dahil lumaki sila na walang ina at ni hindi nga nila gusto na banggitin ang pangalan nito.

Paglabas ko ay nandito na sa kwarto si Gabriel at pinagsasabihan ang dalawang bata na parehong nakayuko kaya napailing na lang ako.

Lumapit ako dito at tinabihan ang dalawang bata kaya tila nakahinga ng maluwag ang dalawa.

“Sa susunod na may gawin pa kayo na ikapapahamak ni Sonata ay pauuwiin ko na siya sa bahay nila at hindi niyo na siya makikita pa.“ Seryoso nito na turan sa dalawa kaya napailing na lang ako.

“Maliwanag ba?“ Tanong nito na may kasama nang pagbabanta sa boses kaya napatitig ako sa kanya na nakatingin rin pala sa akin.

Dapat talaga kaming mag-usap ng lalakeng ito bata pa lang ang mga anak niya pero baka magkaroon na ang dalawa ng sakit puso dahil sa nyerbyos.

“Wag niyo intindihin ang sinabi ng daddy niyo okay.“ Lambing ko na lang sa dalawa na pareho kong hinalikan sa pisngi matapos kong pagsepilyuhin at pinunasan po pareho ang mga basa nila na pisngi.

“Takot pa rin po kami ganyan po magsalita si daddy.“ Sabi ni Angelo na naglalambing na yumakap sa akin kaya napailing na lang ako.

Matapos kong maibaba ang mga pinagkainan ng dalawa ay bumalik ulit ako dito sa taas, nagpaalam ako kay tiya na may pinapagawa ang amo namin na masungit.

Huminga muna ako ng maluwag saka kumatok sa pinto ng kwarto ni Gabriel nang bumukas ito ay agad niya akong hinila papasok.

Pero kasabay nito ay ang paghalik niya sa akin kaya nabigla ako at napaungol na lang sa ginagawa niya.

Mukhang hindi lang paguusap ang gahawin niya kundi ang papakin na rin ang labi ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Special Chapter : Gael and Amaris Story

    Nagising ako na may tumatawag sa akin, kaya agad kong kinapa ang cellphone ko. Inaantok pa ako nang sagutin ko ito. "Where are you? Can i see you today?" Boses ng isang lalaki ang narinig ko at napamulat ako ng wala sa loob. Kinabahan ako dahil si Xerxes ang tumawag sa akin. "Busy ako." Sabi ko dito kaya natahimik ng ilang sandali ang nasa kabilang bahagi ng telepono. "So you are defying me now?" Tanong ni Xerxes sa seryosong boses kaya kinabahan ako. "Bukas makikipagkita ako sayo, pero ngayon hindi pwede kasi busy ako." Sabi ko dito saka ko pinatay ang tawag. Napahinga ako ng malalim at kinabahan ng husto, natatakot talaga ako na baka malaman nito na nagkikita kami ni Gael. Although wala naman akong pakialam kung malaman nito, pero ayokong mapag-initan nito si Gael. Baka mamaya ay gamitin nito ang kapangyarihan nito bilang mafia, ayokong mapahamak si Gael ng dahil sa akin. Dito ko naramdaman ang mahigpit na yakap ni Gael sa likuran ko. "Bakit ka nakatayo dito?" Malambing n

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Special Chapter : Gael and Amaris Story

    Nagising ako na masakit ang buong katawan, at nang maalala ko ang nangyari kagabi ay namula ng husto ang pisngi ko.Binaon ko sa unan ko ang mukha ko at hindi makapaniwala sa nangyari, napakabilis pero napakasaya ko.Nagulat ako dahil may gumalaw sa tabi ko, napatingin ako sa kabilang bahahi ng kama at nakita ko si Gael na nakadapa at mahimbing pa ang tulog.Napalunok ako dahil ang kalahati ng katawan niya ay nakatambad sa akin, ang ibabang bahagi naman ay may kumot.Pero nakahubad baro ito, napakaganda ng katawan nito at moreno.Ang may kahabaan nitong buhok ay nakatabing sa kalahati ng pisngi nito."Good morning." Nagulat ako dahil nagsalita ito at agad akong napausog."Good morning din." Mahina ko na bati rin dito, gumalaw ito at kinabig ako bigla kaya napangiti ako.Niyakap ako nito at narinig ko ang mahina nitong ungol.Oh, gosh hindi naman ganito ang inaasahan ko pero bakit pakiramdam ko ay isa na ako sa pinakamaswerteng babae na nabubuhay sa mundong ito."Bumangon na tayo, ihah

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Special Chapter: Gael and Amaris Story

    Tapos nang simulan na ng mga kasamahan namin ang misyon kanina ay dito na nga nagkaputukan.Buti na lang may isang lalaking gwapo ang tumulong sa akin, ang he is cooking now for me.Kinikilig ako habang nakatitig sa nakatalikod nitong likod, he is so manly. Walang nagbago dito, napakagwapo pa rin niya. I saw his brother one time before.That man is also handsome, but Gael is more handsome than any other man i saw."How do you like the adobo, with chili or without chili?" Tanong ni Gael kaya napatigil ako sa pag-iisip at napatingin dito.Kiryuu is one of my favorite friend, he is good at cooking and his adobo is the most delicious iever taste."I like it with chili and csn you fried the potato, and don't add laurel. I don't like it." Sabi ko dito kaya napatitig ito sa akin at saka ito tumango."Kailan ka pa natutong magluto?" Tanong ko dito mayamaya habang naggigisa na ito ng bawang at sibuyas.Base sa nakikita ko ay isasangkutsa muna niya ang manok.Well, Kiryuu did that too kaya nga

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Special Chapter: Gael and Amaris Story

    I am Amaris Regner an orphan, my family got killed in car accident when i was just ten years old.Pero hindi naman aksidente talaga ang ikinamatay ng pamilya ko, they got killed. Because my father is a former intelligence officer.Ang pumatay sa pamilya ko ay ang kalaban ng daddy ko sa negosyo, namatay ang daddy, mommy ko at ang dalawa kong nakababatang kapatid.And me, i am miraculously alive even i have been in coma for two years.When i was finally awake, ang una kong nakita ay mukha ng isang binatilyo marahil na gulat na nakatitig sa akin.The boy whom i always saw in my dream, isang pambihirang pagkakataon o kung ano man na penomena pero ito ang dahilan kung bakit ako nagising.Pero bigla na lang itong nawala nang tuluyan na akong gumaling.Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan nito, he is Gael San Diego.The boy who is bestfriend of the son of my ninong, the man who took care of me when i was in coma.And now, i am gonna see him atlast for how many years of trying to meet hi

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Special Chapter : Pierre and Carla

    Ako si Carla, kikay, madaldal, masayahin at syempre maganda.Hindi naman ganon kaganda, pero sapat na para apat na sabay-sabay pa ang nanliligaw sa akin.Pero pag-aaral muna at pagtulong sa pamilya ko ang naging priority ko, na halos kinalimutan ko na rin ang salitang lovelife.Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan ako na huminto sa college, para makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga kapatid ko.Kaya yon, dahil dito ay nagtrabaho na lang ako bilang kasambahay sa Manila.At suwerte ako dahil nakapasok ako sa pamilya ng mga San Diego.I mean, napakaganda ng benipisyo na binibigay sa amin ng pogi at single father namin na amo.Si Sir Gabriel, na pantasya halos lahat ng kababaihan, lalo na ako ako pero ayoko nang maging ambisyosa pa.Kaya hangang paghanga na lang ang ako dito sa gilid, pero nang makita ko at makilala sa unang pagkakataon ang dalawa nitong kaibigan.Si Sir Ken at Sir Pierre, hindi na ito ang number one ko na crush.Si Sir Pierre na, i mean napakagwapo ni Sir Ken, dahil sa pag

  • The Probinsyana and the Heartless CEO   Special Chapter : Gabriel San Diego

    I've already met Sonata, when she was younger. And of course when i was in my twenties.I am ten years older to my wife, pero ni minsan hindi namin ito pinag-usapan man lang. Ang tungkol sa agwat ng edad namin.Ito ang naalala ko nong unang beses na makilala ko ito, ito ang batang babae na hindi natakot na patuluyin ako sa bahay nito.Lalo na ang kabutihan na pinakita sa akin ng mga magulang nito.Tumakas kasi ako noon kay Gustavo, matapos ako nitong isama sa isa sa mga trabaho nito sa Bicol noon.I was twenty three years old that time. And this girl is just thirteen years old when i met her.Kahit binalaan ako ni Gustavo na manatili lang sa hotel ay hindi ko ito sinunod, bagkus ay umalis pa rin ako.Napadpad ako sa isang barangay na hindi ko alam kung saan itong lupalop ng lugar na iyon.And this is what i really want to tell to my wife, it took so many years bago ko ito naisipan na ikwento dito."Wala akong maalala pero, naalala ko ang isang lalaki na tila dayuhan noon na napadpad s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status