Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
ดูเพิ่มเติมImpit na iyakan ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong iyon kung na saan ang ama ni Sonata na nag-aagaw buhay.
Napakasakit para sa kanya ang unti-unti nitong pagkawala at wala siyang magawa kundi ang yumakap ng mahigpit sa pinakamamahal na ama. "Sonata anak ko..." Pilit na nagsalita ang kanyang ama kahit hirap na hirap na ito pinilit niyang tumingin sa ama, ang kanyang ina at mga kapatid ay iyak rin ng iyak at nakayakap ng mahigpit sa aming ama. "Tay..." Nakita niya ang ama na itinaas ang kamay nito kaya agad niya itong inabot at hinalikan ng mahigpit at impit na umiyak. "I-kaw...na ba-hala sa mga...ka-patid mo...at sa na-nay mo." Napatango siya habang pinipilit na sumagot sa ama. "Ma-hal na ma-hal...ko kayo..." Mahinang muling sabi ng ama niya. "Mahal na mahal rin kita tatay, mahal na mahal kita..." Bulong ko at kahit hirap ako na magsalita ay nagawa niyang magsabi sa tatay niya kung gaano niya ito kamahal. Ang mga sumunod na sandali ay ang unti-unting pagbagal ng tibok ng puso ng kanyang ama at ang pagpikit nito na siyang senyales na linisan na nito ang mundo at iniwan na sila. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni nanay habang nakatingin sa harap ng puntod ng aking ama, nailibing na ito at kanina pa nakaalis na ang mga nakipaglibing pati ang mga kapatid niya ay pinauna na rin ng nanay niya kaya silang dalawa na lang ang natira dito. Hindi ko magawang umalis sa harap ng aking ama napakabigat pakiramdam ko at parang tinutupok siya ng sobrang kalungkutan, panay rin ang tulo ng kanyang luha hindi ito maubos ubos kahit pigilan ay hindi niya magawa. Wala na ang kanyang pinakamamahal na ama, ang kanyang superhero, ang taong nagturo sa kanya kung gaano kahalaga ang pamilya at kung paano maging mabuting tao, at ang pagiging maka-diyos, hindi perpekto ang kanyang ama dahil wala namang ganoon pero para sa kanya ay ito na ang pinakamabait na tao na nakilala niya at ipinagmamalaki niya ito dahil kung wala ito ay walang Sonata sa mundong ito. Napatingin ako kay nanay na umupo sa tabi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko, nakita ko ang sobrang kalungkutan niya pero ramdam ko rin ang katatagan sa kanya. "Magiging maayos rin ang lahat anak, nakapagpahinga na ang tatay mo hindi na siya mahihirapan pa alam ko na masakit sobrang sakit pero kailangan nating magpakatatag." Napahagulhol akong muli at yumakap sa kanya hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayong wala na ang aking ama. Pero kailangan kong magpatuloy ito ang panghahawakan ko. Si Nanay Nelda ay hindi ko totoong ina, pangalawa siyang asawa ng aking ama. Namatay ang tunay kong ina noong ipinanganak ako at si tatay ang nagpalaki sa akin dalawang taong gulang ako ng mag-asawang muli ang ama ko at nagkaroon ako ng tatlo pang kapatid, napakaswerte ko kay nanay dahil tinuring niya akong totoong anak at ni minsan ay wala akong naging problema sa kanya dahil para sa kanya ay anak niya ako mula sa puso niya. Umuwi kami ng bahay at lalo akong nakaramdam ng kalungkutan ng wala na ang presensya ni tatay sa apat na sulok nitong bahay. "Paano na po tayo nanay, ate." Napatingin ako kay Iggy ang sumunod sa akin na labing limang taong gulang. "Magpapatuloy tayo at sama-samang babangon." Matatag na turan ni nanay kaya gusto kong ngumiti kahit malungkot ako dahil sa sinabi niya. "Hindi na po muna ako magpapatuloy ng pag-aaral nay." Lakas loob ko na turan kaya napatingin siya sa akin. "Pero anak nasa ikalawa ka nang taon sa kolehiyo sayang naman." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay. "Di bale nay kapag nakaipon ako saka po ako magpapatuloy ng pag-aaral." Sabi ko sa kanya at ngumiti kaya niyakap na lang niya ako at nakisali na rin ang mga kapatid ko. Sabi nga nila talagang ganito ang buhay talagang kakabit na sa buhay ang hirap ang kailangan lang ay wag sumuko at magpatuloy lang. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng bus na sinakyan ko papunta rito sa Manila. Isa sa mga pinsan ni nanay si Tiya Pining ang mayordoma sa pinagtatrabahuan niya na mansyon dito sa Manila. At kinuha niya ako dahil tamang-tama ay kailangan nila ng isa pa na katulong sa bahay. "Sonata?" Napatingin ako sa may katandaan na babae ang lumapit sa akin kaya napatango ako. "Tiya Pining." Nakangiti ko na turan saka ako nagmano sa kanya. "Aba at dalaga ka na at napakagandang bata." Nakangiti niyang turan at tinulungan ako sa bitbit ko na bag. "Nakikiramay pala ako sa pagkawala ng tatay mo." Malungkot niya na turan tumango lang ako. Sumakay kami sa isang van at ang driver ay si Tiyo Narding na asawa ni tiya. Ilang minuto lang ay pumasok na ang sasakyan sa isang subdibisyon at nalula ako sa laki ng mga bahay dito. "Ang laki po ng mga bahay dito tiya." Mangha ko na sabi sa kanya at tumawa lamg ito. "Ganyan rin kalaki pagtatrabahuan mo Sonata." Nakangiti niyang turan kaya napahinga ako ng malalim. Mayamaya pa ay isang napakalaking bahay ang hinintuan namin at napakaganda. Bumaba na kami at pumasok sa pinto ng bahay. "Halika ipapakilala kita sa amo natin." Sabi ni tiya kaya kinabahan aoo bigla. May pinuntahan kami na isang kwarto at kumatok si tiya saka binuksan ang pinto. "Sir Gabriel nandito na ang pamangkin ko galing Bicol." Magalang na turan ni tiya sa lalakeng nakatayo sa may bintana. At ng humarap siya ay para akong mawawalan ng hangin sa dibdib dahil ang lalkeng kaharap namin ngayon ay kulang ang salitang gwapo. "Dumating na pala siya ikaw na lang ang bahala manang." Seryoso nitong turan at tumingin sa akin kaya bahagya akong napaatras. "Anong pangalan mo? Ilang taon ka na?" Magkasunod niya na tanong kaya nagulat ako. "Ako po si Sonata at labing walong taong gulang na po ako." Magalang ko na sagot tumango lang ito at pinalabas na kami. Napansin ko sa amo namin ay seryoso itong tao at mukhang masungit. Napatunayan ko na masungit talaga ito at seryoso pero lahat ng mga kasamahan ko dito ay crush siya at pinapangarap na mapansin nito. Napailing na lang ako sa kanila at natawa na lang. "Darating na pala ang triplets naku magulo na naman ang mundo natin nito." Sabi ni Carla na napatingin sa akin. "Bakit naman?" Tanong ko kaya natigilan sila lahat at napabuntong hininga kaya nagtataka ako sa kinikilos nila. "Ikaw ang naatasan na magbantay sa kanila diba?" Tanong ni Kuya Omar na isa rin sa mga driver dito tumango ako at napailing na lang siya. "Marami ng yaya na umalis dahil sa tatlong iyon at sana kayanin mo." Sabi na lang ni Carla na tinapik ako sa balikat. Hindi ako masyadong nahirapan na mag-adjust dito dahil lahat ng mga kasamahan ko ay mababait lahat. Ako ang pinakabata dito at walang asawa dahil ang lahat ng mga kasamahan ko dito ay may mga asawa na. Nagwawalis ako sa sala ng biglang bumukas ang pinto at napatingin ako rito. Dumating na pala ang amo kong lalaki na diretso lang paakyat sa taas kaya napailing na lang ako. Ang gwapo pero may sariling mundo at nakakatakot. Nagulat ako ng biglang tumunog ang intercom at sinagot ito ni tiya na saktong lumabas ng kusina. "Sonata dalhan mo raw si Sir Gabriel ng kape sa taas." Utos sa akin ni tiya kaya napailing lang ako at pinakita na may ginagawa ako. "Sonata hija bilisan mo na balikan mo na lang yan." Sabi niya at pumasok ulit sa kusina kaya nagkakamot ako na sumunod sa kanya. "Ano po ang timpla ng kape?" Magalang ko na tanong kay tiya. "Saktong kape lang at walang asukal dapat iyong mainit pa na hihigupin niya." Sagot niya kaya ginawa ko na ang kape ng boss namin na masungit. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa silid ni sir, ito ang unang beses na makakapasok ako sa silid niya. Bumukas ang pinto at nagulat ako ng bumungad ang mukha ng amo ko. "Ito na po ang kape sir." Magalang ko na turan. "Ilapag mo na lang diyan." Sabi nito kaya maingat ko itong nilapag. Nasamyo ko ang mabangong amoy sa buong silid at itim at puti lang halos ang kulay dito sa loob halata talaga na panlalaki ang silid na ito. Akma na akong lalabas ng tawagin ako ng amo ko kaya napatingin ako sa kanya. "What is your name again?" Tanong nito kaya kinabahan ako bigla. "Sonata po sir." Sagot ko sa kanya. "You have a beautiful name." Mahina nito na turan kaya napatingin ako sa kanya. "You may go now." Seryoso na ulit nitong turan kaya lumabas na ako. Nakahinga ako ng maluwag at napahawag sa dibdib ko muli na akong bumaba at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. Napailing na lang ako at sana ay maging maayos pa rin ang lahat sa mga susunod na araw. Sana rin ay hindi ko na masalubong o makita ang amo ko na lalake dahil palaging bumibilis ang tibok ng puso ko. Baka magkasakit ako sa puso nito kapag lagi ko siyang makikita.Nagising ako na may tumatawag sa akin, kaya agad kong kinapa ang cellphone ko. Inaantok pa ako nang sagutin ko ito. "Where are you? Can i see you today?" Boses ng isang lalaki ang narinig ko at napamulat ako ng wala sa loob. Kinabahan ako dahil si Xerxes ang tumawag sa akin. "Busy ako." Sabi ko dito kaya natahimik ng ilang sandali ang nasa kabilang bahagi ng telepono. "So you are defying me now?" Tanong ni Xerxes sa seryosong boses kaya kinabahan ako. "Bukas makikipagkita ako sayo, pero ngayon hindi pwede kasi busy ako." Sabi ko dito saka ko pinatay ang tawag. Napahinga ako ng malalim at kinabahan ng husto, natatakot talaga ako na baka malaman nito na nagkikita kami ni Gael. Although wala naman akong pakialam kung malaman nito, pero ayokong mapag-initan nito si Gael. Baka mamaya ay gamitin nito ang kapangyarihan nito bilang mafia, ayokong mapahamak si Gael ng dahil sa akin. Dito ko naramdaman ang mahigpit na yakap ni Gael sa likuran ko. "Bakit ka nakatayo dito?" Malambing n
Nagising ako na masakit ang buong katawan, at nang maalala ko ang nangyari kagabi ay namula ng husto ang pisngi ko.Binaon ko sa unan ko ang mukha ko at hindi makapaniwala sa nangyari, napakabilis pero napakasaya ko.Nagulat ako dahil may gumalaw sa tabi ko, napatingin ako sa kabilang bahahi ng kama at nakita ko si Gael na nakadapa at mahimbing pa ang tulog.Napalunok ako dahil ang kalahati ng katawan niya ay nakatambad sa akin, ang ibabang bahagi naman ay may kumot.Pero nakahubad baro ito, napakaganda ng katawan nito at moreno.Ang may kahabaan nitong buhok ay nakatabing sa kalahati ng pisngi nito."Good morning." Nagulat ako dahil nagsalita ito at agad akong napausog."Good morning din." Mahina ko na bati rin dito, gumalaw ito at kinabig ako bigla kaya napangiti ako.Niyakap ako nito at narinig ko ang mahina nitong ungol.Oh, gosh hindi naman ganito ang inaasahan ko pero bakit pakiramdam ko ay isa na ako sa pinakamaswerteng babae na nabubuhay sa mundong ito."Bumangon na tayo, ihah
Tapos nang simulan na ng mga kasamahan namin ang misyon kanina ay dito na nga nagkaputukan.Buti na lang may isang lalaking gwapo ang tumulong sa akin, ang he is cooking now for me.Kinikilig ako habang nakatitig sa nakatalikod nitong likod, he is so manly. Walang nagbago dito, napakagwapo pa rin niya. I saw his brother one time before.That man is also handsome, but Gael is more handsome than any other man i saw."How do you like the adobo, with chili or without chili?" Tanong ni Gael kaya napatigil ako sa pag-iisip at napatingin dito.Kiryuu is one of my favorite friend, he is good at cooking and his adobo is the most delicious iever taste."I like it with chili and csn you fried the potato, and don't add laurel. I don't like it." Sabi ko dito kaya napatitig ito sa akin at saka ito tumango."Kailan ka pa natutong magluto?" Tanong ko dito mayamaya habang naggigisa na ito ng bawang at sibuyas.Base sa nakikita ko ay isasangkutsa muna niya ang manok.Well, Kiryuu did that too kaya nga
I am Amaris Regner an orphan, my family got killed in car accident when i was just ten years old.Pero hindi naman aksidente talaga ang ikinamatay ng pamilya ko, they got killed. Because my father is a former intelligence officer.Ang pumatay sa pamilya ko ay ang kalaban ng daddy ko sa negosyo, namatay ang daddy, mommy ko at ang dalawa kong nakababatang kapatid.And me, i am miraculously alive even i have been in coma for two years.When i was finally awake, ang una kong nakita ay mukha ng isang binatilyo marahil na gulat na nakatitig sa akin.The boy whom i always saw in my dream, isang pambihirang pagkakataon o kung ano man na penomena pero ito ang dahilan kung bakit ako nagising.Pero bigla na lang itong nawala nang tuluyan na akong gumaling.Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan nito, he is Gael San Diego.The boy who is bestfriend of the son of my ninong, the man who took care of me when i was in coma.And now, i am gonna see him atlast for how many years of trying to meet hi
Ako si Carla, kikay, madaldal, masayahin at syempre maganda.Hindi naman ganon kaganda, pero sapat na para apat na sabay-sabay pa ang nanliligaw sa akin.Pero pag-aaral muna at pagtulong sa pamilya ko ang naging priority ko, na halos kinalimutan ko na rin ang salitang lovelife.Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan ako na huminto sa college, para makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga kapatid ko.Kaya yon, dahil dito ay nagtrabaho na lang ako bilang kasambahay sa Manila.At suwerte ako dahil nakapasok ako sa pamilya ng mga San Diego.I mean, napakaganda ng benipisyo na binibigay sa amin ng pogi at single father namin na amo.Si Sir Gabriel, na pantasya halos lahat ng kababaihan, lalo na ako ako pero ayoko nang maging ambisyosa pa.Kaya hangang paghanga na lang ang ako dito sa gilid, pero nang makita ko at makilala sa unang pagkakataon ang dalawa nitong kaibigan.Si Sir Ken at Sir Pierre, hindi na ito ang number one ko na crush.Si Sir Pierre na, i mean napakagwapo ni Sir Ken, dahil sa pag
I've already met Sonata, when she was younger. And of course when i was in my twenties.I am ten years older to my wife, pero ni minsan hindi namin ito pinag-usapan man lang. Ang tungkol sa agwat ng edad namin.Ito ang naalala ko nong unang beses na makilala ko ito, ito ang batang babae na hindi natakot na patuluyin ako sa bahay nito.Lalo na ang kabutihan na pinakita sa akin ng mga magulang nito.Tumakas kasi ako noon kay Gustavo, matapos ako nitong isama sa isa sa mga trabaho nito sa Bicol noon.I was twenty three years old that time. And this girl is just thirteen years old when i met her.Kahit binalaan ako ni Gustavo na manatili lang sa hotel ay hindi ko ito sinunod, bagkus ay umalis pa rin ako.Napadpad ako sa isang barangay na hindi ko alam kung saan itong lupalop ng lugar na iyon.And this is what i really want to tell to my wife, it took so many years bago ko ito naisipan na ikwento dito."Wala akong maalala pero, naalala ko ang isang lalaki na tila dayuhan noon na napadpad s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น