Share

Chapter 5

Jehiel's P. O. V

Kakatapos ko lang mag trabaho, pauwi na sana ako pero nakita ko ulit si Scarlet na nasa tabi ng Motor ko.

"Excuse me" cold kong sabi saka kinuha ang helmet ko.

"Jehiel, pinagpapalit mo na ba talaga ako?" tanong niya saakin.

"Oo, malapit na" sabi ko at sumakay na sa motor ko.

Akmang bubuksan ko na ang makina pero hinawakan ni Scarlet ang braso ko.

"SCARLET!" sigaw ko pero hindi parin siya bumibitaw.

Hindi ako makapaniwala na ganito ka kapal ang mukha ng babaeng to. Tatlong taon niya akong pinaglololoko! Hindi parin ba siya nakukuntento?

"Jehiel! Alam mong mahal kita! Nagkamali lang naman ako, diba lahat naman ng tao nagkakamali?" pagpapaawa niya habang nakakapit parin saakin.

Nainis naman ako dahil para siyang linta kung makakapit sakin.

"Ang pagkakamali, hindi yon sinasadya, Tanda tanda mo na makitid parin utak mo!" Sabi ko at hinawi ang kamay niya.

"JEHIEL! MAHAL MO AKO DIBA!" sigaw nito.

Napatingin naman ako sa paligid at may ilang pasyente at nurse ang napatingin saamin dahil sa bunganga ni Scarlet.

Kanina si Zahra, ngayon naman si Scarlet. Mga babae talaga!

"Alis, o gusto mong sagasaan kita" pagbabanta ko kaya gumilid siya.

Pina andar ko na ang motor ko at pinaharurot iyon pauwi sa bahay ko.

Pag uwi ko naman ay nagulat ako nang makitang bukas ang ilaw ng apartment na tinutuluyan ko.

"Shit" bulong ko at agad na pumasok, inisip ko na baka may magnanakaw o ano.

Nagulat naman ako nang makita ko ang tita ko na kumakain kasama ang anak niya.

"Jehiel! Nandito ka na pala! Kumain ka na muna" sabi nito at inalok ako na maupo.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

"Jehiel, hindi ba alam mo namang ang tito mo gipit dahil maliit lang ang kita sa talyer baka naman--"

"Magkano ho ba ang kailangan niyo?" tanong ko at nilabas ang wallet ko.

"Limang libo sana, pinag aral--"

"Opo tita, pinag aral niyo po ako, hindi ko po makakalimutan yon" sabi ko at naglabas ng limang libo saka inabot sakanya.

"Maraming salamat! Mabuti talaga at samin ka napunta, swerte ka talaga samin! Kumain ka na tara! Sabi ko kase sayo mag asawa ka na, trenta ka na at hindi na pabata, bakit ayaw mo pa pakasalan si Scarlet?" napabuntong hininga naman ako.

"Wala na po kami ni Scarlet, niloko niya po ako kaya... Ako na mismo ang lumayo sakanya" sabi ko at tinabihan sila.

"Hello po kuya Jehiel" bati saakin ni Chloe, pinsan ko at sampung taong gulang palang siya. Late nagka anak si Tita at Tito.

"Hi bunso" bati ko at ginulo ang buhok niya.

"Maghanap ka na ng mapapangasawa mo, para may katuwang ka na dito. Doctor ka na, madami ka ng pera kaya pwede ka na magpamilya" sabi ni Tita saakin.

Tumango lang ako at kumain na.

Si Tita Helen at ang asawa niya ang kumupkop saakin, trese anyos palang ako nang mamatay si Mama at Papa sa car accident, rason kung bakit ayoko sa kotse. Namatay ang magulang ko at ako lang ang nabuhay, parang isang himala.

Napahawak ako sa hita ko, bakas parin ang peklat ng tahi ko, lumubog sa laman ko ang basag na bintana ng kotse noong na aksidente kami, akala ko mapuputulan na ako ng paa noon. Mayroon din sa likod ko, tatlong tahi dahil din sa hiwa.

Pinag aral nila ako ng high-school. Napabarkada ako, mabuti nalang at may pangarap sa buhay sila Fred. Nung college ako ay sinasama nila ako sa gig kung saan kumikita kami, nag part time job din ako at nakuha akong scholar kaya naging madali ang pag aaral namin. Masyado lang kaming naadik sa alak noon.

Simula nang naging Doctor ako ay hindi naman ako makahindi kala tita, kahit ba wala rin akong pera ay inaabot ko parin ang kailangan nila. Hindi naman palagi ay may pera ako. Syempre meron din akong pinag gagastusan pero dahil may utang na loob ako sakanila ay kailangan ko palitan.

"Dito na po kayo matulog, gabi na ho wala nang masasakyan" sabi ko.

Natulog sila sa kama ko at ako naman ay sa sofa.

Nakita ko ang sarili kong naglalakad papasok sa sasakyan, ligayang ligaya ako dahil aalis kami.

"Ma! Ice cream po ang gusto kong kainin pagdating natin don!" Maligaya kong sabi at naupo na sa sasakyan.

"Oo naman anak, lahat ng gusto mo ibibili namin ng Papa mo" sabi ni Mama at sinuotan ako ng seatbelt.

"Salamat Mama! Salamat Papa!" Sambit ko.

"Handa na ba kayo? Pupunta na tayo sa mall" sabi ni Papa.

"Opo! Opo!" Sambit ko.

"Ilang buwan na kaming hindi nakakabawi sayo anak, pasensya na. Alam mo namang mahirap ang trabaho namin bilang doktor" sabi ni Mama na nakaupo sa passenger seat.

"Okay lang po yon Mama! Gusto ko din pong maging doktor kagaya niyo ni Papa!" nakangiti kong sabi.

"Kung ganon, dapat mag aral ka ng mabuti" sabi ni Papa at ngumiti.

Napangiti naman din ako pero nawala ang ngiti na iyon sa labi namin nang biglang may isang kotseng mabilis ang takbo na sumalubong saamin.

Mabilis ang pangyayare at tanging sigaw lang namin ang narinig ko.

Napadilat ako at naiyak ako nang makitang nakabaliktad kami.

Napakasakit ng buong katawan ko at magmamanhid na ang hita at likod ko.

"M-mama!..." tawag ko at umiyak nang makita silang duguan.

Mayroong basag na salamin na nakatusok sa ulo ni Mama at si Papa naman ay hindi ko na makita ang mukha dahil naliligo na ito sa sarili niyang dugo.

"Mama... Papa..." tawag ko.

"ONE SURVIVOR! I REPEAT THERE'S ONE SURVIVOR!" rinig kong sigaw ng isang lalake.

"MAMA! PAPA!" sigaw ko.

*******

Napabangon ako mula sa isang bangungot, pinunasan ko ang luha ko at agad na kumuha ng tubig. Habol ko ang hininga ko habang nakasandal sa lamesa.

"Mama... Papa..." bulong ko at muling napaluha.

17 years na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyare ang aksidenteng iyon.

Napakatagal na. Sobrang tagal na pero hindi ko parin.. Hindi ko parin makalimutan, palagi akong sinusundan ng pangyayareng yon.

*****************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status