Nakakatakot ngiti mo West T.T
“They won’t come for me.”Ngunit hindi nagsalita ang lalaki. Kinuha nito ang tasa at sumimsim sa tsaa. Tahimik na napaismid si Amber at muli binuka ang bibig.“If you want to threaten the Lee Family, you—”Hindi natapos ni Amber ang sasabihin niya nang askidenteng tumama ang kanyang kamay sa belo na nasa bandang dibdib niya at bahagyang dumulas iyon sa kanyang ulo dahilan para makita ang kanyang mukha.Bago niya pa tuluyang mahawakan iyon ay nakarinig ito ng putok ng baril na siyang tumama sa kanyang kamay, tamang nadaplisan ang gilid nito, pero sapat na para mapaiyak si Amber sa sakit.“Sht!” sigaw niya habag namimilipit sa sakit. Ang kanyang gintong gown ay nabahiran na ng dugo, sunod-sunod rin ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.Naglakad na palayo ang lalaki, pero tumigil rin ito para tignan ang babaeng nasa damuhan na namimilit sa sakit. Ginamit nito ang tungkod na hawak saka niya hinila pababa ang belo sa mukha ng babae.“Don’t let me see your face,” he coldly said an
“I’m hungry,” mahina niyang sabi. “If you want anything, I can give you money or what, name your price… Just don’t kill me.”Pero parang gustong mapasapo ng ulo si Amber sa kanyang sinabi. “Money? Mukhang hindi naman kailangan ng pera ang lalaking ito!” Aniya nang makita ang lalaki base sa porma at sa tinutuluyan nito.Kung hindi pera ang gusto ng lalaki, edi ano? Siya? Bakit?Biglang kumirot ang dibdib niya sa takot at pagkalito. Bakit siya? Ano’ng koneksyon niya sa lalaking ito? Ano ang gusto nito sa kanya?Litong-lito si Amber, pero sa ngayon ay kailangan niyang maging mabait at makahanap ng tamang panahon para makatakas. She can’t stay here forever!Hindi siya sinagot ng lalaki at agad din siyang pinabalik sa silid nito. Buong araw lang nasa silid si Amber, ni hindi man lang siya pinapakain kahit isang beses.“Really? Papatayin ata ako sa gutom!” Kahapon pa siya walang kain at dumidilim na naman. Makakatulog na naman itong walang kain. Nanghihina na siya, nakaramdam na rin siya
Nagising si Amber na may kirot sa ulo. Napatingin siya sa kisame at gulat na gulat nang mapansin ang mamahaling chandelier sa itaas. Mabilis siyang napabalikwas at tumingin sa paligid—isang napakaluwag at marangyang silid, punô ng antique na kasangkapan, tila kwarto ng isang prinsesa.“Nasaan ako?” bulong niya, habang pilit inaalala ang huling nangyari—pero lalo lang sumasakit ang ulo niya.Lumapit siya sa bintana, at humawi ng kurtina. Napaawang ang labi niya sa tanawing bumungad: isang mala-kristal na dagat at malawak na gubat sa ibaba. Nasa mataas na lugar siya… isang isla?Biglang bumalik ang takot sa dibdib niya. Naalala niyang may dumakip sa kanya. Ang unang inalala niya? Ang tiyahin niya.Agad siyang lumabas ng silid nang malamang bukas ang pinto. Tumambad sa kanya ang isang hallway na may European na disenyo. Mga lumang painting ang nakasabit sa pader—mga banyagang mukhang kabilang sa isang maharlikang angkan. Ngunit may isa sa dulo na umagaw sa pansin niya: isang babae na mai
“I have to,” nanginginig ang boses ni West, halos mapiyok sa samu’t saring emosyong nararamdaman. “I have to rescue my wife.”Matapos makipag-usap sa kanyang ama, marahan niyang binuksan ang drawer at kinuha ang isang lumang picture frame—isang larawang matagal na niyang tinatago, tanging siya lang ang nakakakita.Nandoon si Amber, bagong panganak at nakangiti habang buhat ang sanggol—si Maverick. Isang larawang kuha ng kanyang ina noong araw ng kapanganakan.He wasn’t there. Hindi siya naglakas-loob na pumasok noon. Lagi lang siyang pumapasok kapag tulog si Amber, saka niya tahimik na binabantayan ang kanilang anak.Hinaplos ni West ang mukha ng babae sa litrato. “I told you not to leave, Amber… I did everything I could to protect you… Why? Bakit ang tigas ng ulo mo?”Agad niyang pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.Mapaklang napatawa siya habang dinadampian ng palad ang kanyang mga mata, binalikan sa isip ang isang alaalang matagal na sana niyang nilibing.“Are you sure yo
“HINDI BA SABI niyo okay na ang lahat?” sigaw ni Natasha nang makarating siya sa tapat ng hospital room ni Eliza Rivera matapos niyang malaman na nawawala ang kanyang kaibigan. “Kakarating lang namin! Ni wala pa ngang isang oras and someone’s already gone missing? Tapos ano? Dito sa sinasabi niyong ‘heavily guarded top floor? Are you kidding me?!” Ang kanyang mga mata ay namumula habang nanlilisik na pinagtitinginan ang mga tao sa itaas na floor.Kita ni Natasha ang hindi mabilang na bodyguard, pero nahayaan pa nila na mawala sa paningin nila si Amber.Ni hindi pa nga siya nakakapagpahinga ng maayos nang makarating sa bahay ni Eliza Rivera. Matapos ng isang oras ay may tatawag sa kanya sinsasabing nawawala si Amber.Walang bakas. Tila bula na biglang nawala.At mula pa sa pinakatuktok na floor ng ospital? Sa 20th floor. Ano ito, si spiderman o superman na ang kalaban?For Natasha, it was indeed an absurd thing. Ridiculous. Pero nangyari.She clenched her fists in frustration, strug
“AAAAARGGHHH!!!!” sigaw ni Zendaya nang makapasok ito sa kanyang silid at agad na pinagtatapon ang mga gamit.Nasa kanyang likod si West at walang emosyong nakatitig sa kanya. Nang mailabas ni Zendaya ang lahat ng galit ay napatingin ito kay West.“You let her humiliate me, West!” sigaw ni Zendaya saka ito pinagsusuntok sa dibdib. “You let her ruin me!”Sasampalin pa sana ni Zendaya si West nang agad nitong nahuli ang kanyang pulsuan at mabilis na idiniin sa dingding.“What did you do to her?” malamig na tanong ni West. Napaismid si Zendaya. “At siya talaga ang kakampihan mo? You promised me, West!”“Wala akong kinakampihan dito, Zendaya! If you felt humiliated by her, it was because of your actions!” diing saad ni West sa babae. “You provoked her.”Namuo ang luha ng babae sa mga mata nito. “You love her…”West didn’t answer. Nagpakawala ng nakakakilabot na tawa si Zendaya.“You really love her.” Kasabay no’n ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Bigla siyang ngumiti.“You love