LOGINSi Graciella Cortez ay isang waitress, inatake ang kanyang ama at kailangan ng heart surgery. Kailangan niyang maghagilap ng pera para sa operasyon. Kaya nang may ibinulong na oportunidad ang manager, isang lihim na auction, kinain niya ang hiya at prinsipyo, ibinenta niya ang virginity. Sa madilim na silid, pataasan ang alok hanggang dumating si Jayden Valencia, isang bilyonaryong CEO. Isang numero lang ang binanggit nito, isang milyong piso. Isang gabi sana ng init ngunit sa nerbyos ay nilibang niya ito. Tumawag ang ospital, nag-aagaw-buhay ang ama niya. Tumakas si Gracie, iniwan ang lalaking nakabili sa kanya nang walang nangyari. Sadyang mapagbiro ang tadhana dahil nang kailangan niyang maging kasambahay sa isang mansyon kapalit ng kanyang inang nagbabantay sa ospital, doon niya nalaman, ang lalaking nakabili sa kanya ay amo niya! Ang isang gabi ba ay posibleng maging habambuhay?
View More“Miss Cortez, we need the deposit tonight.”
Parang may humampas na bato sa dibdib ni Gracie. Nakatayo siya sa hallway ng ospital, hawak ang lumang sling bag na puno ng resibo at barya. Sa loob ng kuwarto, napasulyap siya sa amang nasa ICU. Inatake ito sa puso.
“Pwede po bang… bukas?” halos pabulong niyang tanong. “Maghahanap pa ako ng pera--”
Umiling ang nurse, maingat pero matigas ang boses. “Ma’am, we understand. Pero may protocol kami. Kung walang deposit, hindi namin maitutuloy ang procedure.”
Nang bumukas ang pinto, lumabas ang doktor. “Miss… I’m sorry. Time-sensitive ’to.”
Time-sensitive. Parang buhay na may expiration.
Lumunok siya, pilit pinapanatili ang boses na hindi nanginginig. “Magkano po?”
“Miss maghanda po kayo ng isang milyon, diabetic pa ang pasyente.”
Nang marinig niya ang halaga, nanlamig ang batok niya. Saan siya kukuha ng ganoong kalaking pera?
Paglabas niya ng ospital, dumilim ang langit na parang nakikisama sa bigat sa dibdib niya. Umupo siya sa waiting shed, tinignan ang screen ng cellphone, tatlong missed calls mula sa landlord, limang text mula sa mga lending apps at taong inutangan niya, dalawang message ng kapatid niyang bunso na nanghihingi ng pambayad sa school.
Sa sobrang higpit ng hawak niya sa phone, sumakit ang palad niya. Natulala na lang siya sa laki ng problema.
Kaya nang pumasok siya sa bar nang gabing iyon, mas mabigat ang paa niya kaysa dati.
“Gracie,” tawag ng manager niya, si Marla, habang inaayos ang listahan ng reservations. “Sa office tayo.”
Naghintay si Gracie sa loob ng office, amoy yosi at mamahaling pabango. Isinara ni Marla ang pinto at umupo sa harap niya na parang may sasabihing bawal marinig ng iba.
“Nabasa ko ang message mo, may problema ka,” mahinang sabi nito. “Hospital bill?”
Namula ang mata ni Gracie. Ayaw niyang umiyak, pero parang nakaabang ang luha niya. “Kailangan namin ng deposit bago operahan si itay.”
Tumango si Marla. “May solusyon ako sa problema mo.”
Nanlaki ang mata niya. “Ano pong solusyon?”
Huminga nang malalim si Marla. “May private event. Discreet. May mga taong… willing magbayad nang malaki para sa exclusive company ng isang babae. Walang drugs. Walang violence. May contract at security. You can back out anytime.”
Parang may kumalabit na takot sa sikmura niya. “Madam, anong ibig mong sabihin?”
Tumingin sa kanya si Marla. “Auction.”
Parang biglang nawala ang ingay ng mundo. Nadidinig na niya ang salitang ‘yun dati pa.
“Hindi… hindi ko kaya ’yan, madam.”
“Gracie,” pabulong nitong tawag, “I’m not forcing you. Pero sinabi mo… kailangan mo ng malaking pera. Saan ka kukuha, aber? Isang pirasong hymen lang ang kapalit, solve ang problema mo!”
Tinakpan ni Gracie ang bibig niya, at doon na sumabog ang luha.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak, pero nang tumayo siya, masakit na masakit ang dibdib niya. Hindi lang dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa katotohanang may oras na hinahabol ang buhay ng tatay niya.
“Kung pumayag ako,” basag ang boses niya, “magkano po?”
“Depende sa ibabayad ng kliyente. Pero dahil virgin ka pa. Tiyak na daang libo o baka milyon ang labanan.”
Daang libo. Milyon.
Naiisip niya ang ospital deposit, gamot, pagkain, renta, lahat na parang biglang naging possible kung sasali siya sa auction.
Pero ang kapalit? Ang kanyang iniingatang puri.
Pero ang isang pulubi ay walang karapatang mamili.
“Paano po kung walang mag-bid sa akin?”
“May aaminin ako sa’yo. Nandoon si Boss Andres. Alam mong patay na patay sa’yo ‘yun pero ayaw mong patulan. Tiyak na magbi-bid ‘yun kaya tiyak ang kliyente mo.”
“Madam, may asawa po ‘yun.”
Si Boss Andres ang may-ari ng bar na matagal ng nanliligaw sa kanya. Binibigyan din siya ng sideline sa pagdedeliver ng package at malaki ang bayad.
“Gaga, ang isipin mo ang kwartang makukuha mo. Hindi naman ikaw ang unang kabit sa history. Tsaka isang gabi lang. Oh wala ng atrasan. Heto ang damit, bag, at sapatos na isusuot mo. Binili ko ‘yan! Kailangan lumutang lalo ang ganda mo!”
Habang nakaupo siya sa harap ng salamin sa dressing room, pinagmamasdan niya ang mukha niyang maputla. Nilagyan siya ng light makeup, dress na elegante at revealing. Parang sinadya, para mas mukhang presentable sa mga mata ng mga bibili.
“Napakaganda mo talaga. Iba ang ganda mo. Hindi nakakasawa. Ready?” tanong ni Marla, hawak ang susi ng kotse.
Hindi siya ready. Pero tumango siya.
Pagdating sa venue, isang hotel penthouse na may pulang ilaw at bumabaha ng champagne. May mga lalaking may pera at mga ngiting sanay manalo. At bawat tingin sa kanya, parang may kamay na humihipo kahit wala pa.
Sa gitna ng room, may stage. May number card. May auctioneer na nakangiti na parang laro lang ito.
“Number nine,” anunsyo nito sa numero niya. “First-time. A hundred percent virgin.”
Lumiit ang mundo ni Gracie hanggang sa dinig niya ang tibok ng puso niya na halos lumabas na sa dibdib.
Then, the bids started.
Isang lalaki, 100k.
Isa pa, 200k.
At nakita niya si Boss Andres. “Five hundred thousand,” anitong nakatingin sa kanya.
Gusto niyang tumakbo. Pero hindi niya magawa, dahil sa isip niya ang buhay ng ama. Mukhang magtatagumpay na itong makuha siya.
Bumukas ang pinto.
At pumasok ang lalaking nagpalamig ng hangin sa buong penthouse.
Matangkad. Naka-black suit. Walang masyadong ekspresyon. Pero ang aura nito… makapagyarihan. Hindi ito nagmamadali, pero lahat kusang umiwas.
Nang tumama ang tingin nito sa kanya. Kumabog ang dibdib niya.
“One million.”
Isang numero lang. Final.
Nanahimik ang buong room.
Walang nagtangkang taasan ang bid. Well, sino ba namang nasa katinuan ang magbi-bid ng isang milyon para sa isang gabi?!
“Sold.”
Nanlambot ang tuhod ni Gracie.
Dahan-dahang lumapit ang lalaki. Gwapo, oo pero nakakapanginig ng tuhod.
Inabot nito ang kamay niya hindi marahas, pero imposibleng tanggihan.
Naupos ang hangin sa dibdib niya.
Hindi dahil takot lang.
Kundi dahil… may ibang init na gumapang sa kanya. Napatingin siya sa lalaki, gwapo at matipuno. Pero bakit nagbabayad ito ng babae para lang may maikama?
Saglit na katahimikan.Tumayo si Jayden. Lumapit sa bintana, nakatalikod. Parang pinipili ang salita.“I have no plans of ruining her life,” sabi nito sa wakas. “She chose her path.”Napakurap si Gracie.“But…” dugtong ni Jayden, mas malamig, “I’ll make sure she’ll be happy and protected.”Protected.Parang may tumama sa dibdib niya. Kasi biglang pumasok sa isip niya, ganito pala magmahal ang isang Jayden Valencia? Yung hindi kanya, pero binabantayan pa rin? Nagmamahal mula sa malayo.Nag-vibrate ang phone ni Jayden. Sinulyapan niya ang screen, tapos kumunot ang noo.May pumasok na message mula kay Tanya at mabilis nitong nireplyan.Bumukas ang office.“Sir, they’re ready,” sabi ng assistant.Jayden’s jaw tightened. He looked her.“Come,” sabi niya. “You’re coming in.”Nang pumasok sila sa boardroom, nakatutok ang lahat ng mata, mga investors, executives, at staff.Ramdam niyang hindi lang tsismis ang kapalit ng pagiging malapit kay Jayden. Pero kakapit siya para sa pera at pangarap.
“Nagtatrabaho lang po ako,” mahinahon na sagot ni Gracie, pilit nakatayo nang tuwid kahit nanginginig ang dibdib niya.Mabango ang air freshener, pero mabigat ang hangin sa pagitan nila ni Tanya.Tinaasan siya nito ng kilay, saka ngumiti nang marahan. ‘Yung ngiting hindi mo alam kung ano ang pakay.“Jayden is mine,” sabi ni Tanya, mababa ang boses pero matalas. “Kaya dumistansya ka sa kanya.”Napasinghap si Gracie, pero pinigilan niyang umurong. Hindi siya pwedeng magmukhang guilty. Hindi siya pwedeng magmukhang kabit. Hindi siya pwedeng magmukhang… anything, except employee. Walang dapat makaalam ng relasyon nila ni Jayden base sa pinirmahan niyang kontrata.Pero hindi niya napigilan ang sarili.“Hindi po ba… may asawa na kayo?” lumabas sa bibig niya, bago pa niya mahabol.Tumalim ang tingin ni Tanya, parang biglang nagbago ang temperatura sa loob ng comfort room.“Matalas ang dila mo,” anito, halatang nasaktan ang ego. “Pipiliin mo ang kalaban mo, ha?”Nilunok ni Gracie ang kaba. “Hi
“Why are you protecting her?” tanong ni Donya Margie.Hindi kumurap si Jayden. “Mom, she’s my personal maid. Masyado kayong advanced mag-isip.”Bahagyang ngumiti ang Donya. “Nagtatanong lang ako. If you like her, walang problema.” Sumulyap ito sa hagdan kung saan nakatayo si Gracie, pilit nagkukubli sa anino. “Tanya is already married. Time to move on.”Tumigas ang panga ni Jayden. “Mom, I’m busy.” Tumayo siya, ayaw patagalin ang usapan. “Let’s talk some other time.”“Busy,” ulit ng Donya, halos pabulong. “Sige, anak.”***Kinagabihan, halos hindi na gumana ang katawan ni Gracie sa pagod. Pagbalik niya sa kwarto, bumagsak siya sa kama. Nakatulog siya nang hindi man lang nakapagdasal.Kaya nang may kumatok kinaumagahan, pupungas-pungas siyang bumangon.“Annie?” tawag niya habang binubuksan ang pinto, akala niya ay dumating na ang kaibigan.Pagbukas niya, nanlaki ang mata niya.Si Sir Jayden.Naka-long sleeves, maayos ang buhok, parang pagkabango-bango. Sa kamay nito, may garment bag at
Nakataas ang kamay ni Yaya Rosie, hawak ang relo gamit ang dalawang daliri. Kumislap ang brilyante sa ilaw ng chandelier.“Ayan nga!” sigaw ni Jewel, halos mangiyak-ngiyak pero halatang may arte. “Ayan nga ang nawawala kong watch!”Nanigas si Gracie.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Biglang nanikip ang lalamunan niya. Gusto niyang sumigaw, pero walang lumabas.“Tatawag na ako ng pulis,” banta ni Yaya Rosie. “Para ipakulong ang magnanakaw na ’yan.”“Hindi akin ‘yan,” basag ang boses niya, nanginginig. “Please, maniwala po kayo. Hindi ako magnanakaw.”May mga kasambahay na nagbulungan. May mga mata na umiwas. Yung iba, parang natakot madamay.At sa gitna ng kaguluhan, dumating si Donya Margie.“Mommy!” umiyak si Jewel, mabilis lumapit at kumapit sa braso ng Donya. “Natatakot ako. Hindi na tayo safe sa sarili nating bahay dahil may magnanakaw!”Hinaplos ni Donya Margie ang buhok ni Jewel, pinapakalma ito. “Sshh… okay, hija. Calm down.”Si Gracie, nakatayo lang. Namumutla. Paran
Kinabahan si Gracie. Parang wala na siyang kawala, pero sa totoo lang, gusto na rin niyang matapos. Gusto na niyang mabawasan ang utang, mabawasan ang bigat sa dibdib niya.Tumalikod si Jayden at naglakad papunta sa maliit na bar counter ng condo.“Gusto mong kumain ng dinner?” tanong nito, hindi m
Nagkatinginan sila Gracie at Jayden.Binuksan ni Gracie ng bahagya ang pinto at bumungad agad si Yaya Rosie sa hallway.Nanlaki ang mata niya.Nakatapis lang siya. Basa pa ang kanyang buhok. At sa loob, nasa likod mismo ng pinto si Jayden.“Yaya Rosie…?” halos mautal si Gracie habang hinigpitan ang
“Sino kang pakialamero ka?!” sigaw ni Boss Andres sa speaker. Nai-imagine niya ang itsura nito. Tiyak na naglabasan na ang ugat sa leeg ng lalaki.Hindi kumurap si Jayden. Hawak ang phone ni Gracie.“Someone you shouldn’t challenge.” Mababa ang boses nito, kontrolado, pero may bigat na parang bakal
Natakot si Gracie. Parang hindi naman galit si Jayden.Pero mas nakakatakot yata.Hindi siya makagalaw.“Sir…bakit po kayo nandito?” basag ang boses niya.Umangat ang mata ni Jayden mula sa tuwalya niya papunta sa kanyang mukha.Napahawak siya sa dibdib, para masigurong mahigpit pa rin ang tuwalya s


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore