Beranda / Romance / The Ring of Truth and Lies / KABANATA 2 (His Story)

Share

KABANATA 2 (His Story)

Penulis: MZTERIOUS
last update Terakhir Diperbarui: 2022-02-01 11:48:22

“Let’s eat,” usal ng kanyang lolo kasabay ng marahang paghiwa nito sa karne na nasa plato.

Ilang minutong tahimik silang kumakain nang ang isa sa kanyang mga pinsan na kasalo nila sa hapag ang nagsalita.

“Lo, I want you to meet my girlfriend, Lilian. Hon, this is my lolo, Don Graciano Hermuenez. The one and only founder of the best winery in the Philippines. Ang El Hermuenez.” Pagmamalaki nya.

Tumikhim ang matandang Hermuenez at tinitigan ang dalaga. Ngumiti ito sa kanya ngunit hindi man lang sya nito ginantihan maski tipid na ngiti. Sa halip, ipinagpatuloy nito ang pagkain. Medyo napahiya ang dalaga at itinuon na lamang muli ang atensyon sa kanyang plato. Hinawakan sya sa kamay ng kanyang nobyo at sabay silang napatitig sa isa’t-isa ng may kahulugan.

Napuna naman ito ng asawa ng Don na si Donya Eloisa Hermuenez. Kaya agad syang nagsalita.

“Napakaganda mo naman iha, saan kayo nagkakilala ni Achilles? Naku, alam mo bang napaka pihikan ng apo kong iyan.” Nakangiting turan ng donya.

Ginawaran din naman sya ng ngiti ng dalaga at tumugon, “One of our common friends po ang nagpakilala sa amin, then naging friends po muna kami hanggang sa manligaw sya sa akin.”

“It’s nice to know na may bumihag na sa puso ng apo ko. Kapag umiral ang pagkasutil nya, don’t hesitate to tell me at ako ang unang pipingot sa tenga ng batang iyan.” Aniya ng ginang habang tatawa-tawa ng malumanay.

“Ikaw Haniel, kailan mo balak magpakilala ng nobya? Hindi ka na bumabata. Baka naman mamatay na lamang ako ng hindi naa-abutan ang magiging apo ko sa tuhod sa iyo,” masungit na tanong ni Don Graciano kay Haniel na tahimik na kumakain.

Tumigil sa paggalaw ng kobyertos ang kamay ni Haniel at uminom ng tubig, bago nagsalita.

“Humahanap pa ho ako ng tamang babae na nararapat sa apelyidong Hermuenez. I don’t want to give our precious surname to anyone who doesn’t deserve it,” makahulugang sambit nya bago tinapos ang huling subo ng pagkain.

“Ikaw naman oh, bata pa naman ang Haniel natin. Don’t pressure him. Malay mo naman ay may napupusuan na ang apo nating ito at humahanap pa ng magandang tyempo upang lumigaw. Hindi ba Haniel?” tugon ng donya.

“Siguraduhin mo lamang na may maipakikilala ka. Wala sa pamilya natin ang duwag pagdating sa panliligaw ng babae. Walang nakatatanggi sa isang Hermuenez, tandaan mo iyan, Haniel!” muling tugon ng Don.

Natahimik ang lahat, maging ang mga pinsan nya ay hindi na nagawa pang magsalita. Habang ang Donya ang napangiti na lamang.

Ilang saglit pa ay tumayo na si Haniel at nagpaalam dahil tapos na s’yang kumain. Ngunit sa totoo lamang ay halos hindi nya malunok ang pagkain dahil sa tuwing magkakaroon sila ng family dinner kasama ang mga pinsan nya ay lagi na lamang napag-uusapan ang tungkol sa girlfriend o kaya naman ay ang pag-aasawa. Sawang-sawa na sya sa topic na ito sa kanilang pamilya.

Pakiramdam nya na ang tanging misyon lamang ng kanyang lolo ay siguraduhing magtutuloy-tuloy ang apelyido ng kanilang pamilya at walang sinuman ang makakapigil dito.

Kinaumagahan ay sinabihan sya ng kanilang kasambahay na pumunta sa study room ng kanyang lolo. Hindi nya alam kung bakit kaya agad s’yang sumunod.

Pagbukas nya ng pinto ay nabungaran nya ang kanyang lolo at lola kasama ang abogado nito na si Mr. Edmer Salvador. Mukhang may seryosong pinag-uusapan ang dalawa na hindi napansin ang kanyang pagdating.

Kaya naman tumikhim muna sya bago nagsalita, dahilan upang maagaw nya ang atensyon ng dalawa.

“Ipinatawag nyo raw po ako, lolo.”

“Yes, come here. Umupo ka at may mahalaga akong gustong sabihin sa iyo,” pag aanyaya ng kanyang lolo na agad naman n’yang tinugon at naupo katabi ng kanyang lola Eloisa.

Nagkatitigan silang maglola ngunit may kakaiba sa mga titig ng kanyang lola na hindi nya maipaliwanag. Bigla tuloy s’yang kinabahan.

‘May kung ano sa pag-uusap na ito, I smell something fishy,’sambit nya sa kanyang sarili.

Tumikhim ang kanyang lolo bago tumingin sa kanya ng matalim at nagsalita, “Mr. Salvador is done writing my last will and testament. At bilang ikaw ang aking ka isa-isang tagapagmana ng lahat ng aking ari-arian ay karapatan mong marinig ang bawat salitang nasasaad sa testamento.”

Tumango sya bilang tugon sa sinabi ng kanyang lolo, kaya naman tumingin ito kay Mr. Salvador hudyat na maaari na s’yang mag-umpisa sa pagbabasa ng testamento.

“Ako si Graciano Hermuenez, ay isinasalin ang lahat ng aking kayamanan sa ka isa-isang apo ko na si Haniel Hermuenez, ang ka isa-isang anak ng aking anak na si Michael Hermuenez. Mula sa mga sakahan sa Zambales, hanggang sa El Hermuenez winery kasama na rin ang lahat ng shares ko sa kumpanya at maging ang lahat ng bank accounts sa mga bangko na nakapangalan sa akin.”

Nagbubunyi ang buong pagkatao ni Haniel sa tagpong ito, hindi nya alam kung bakit biglaan ang pagpapasyang ito ng kanyang lolo ngunit napakasaya nya na sa wakas ay ipapasa na sa kanya ang nararapat para sa kanya.

“Maging ang lahat ng mga bahay, kotse at mga paupahan ay ililipat ko sa kanyang pangalan. Ito ay magkakaroon lamang ng bisa kung…”

‘Kung? May kundisyon? May ipapagawa sya sa akin? Oh, come on! Sinasabi ko na nga ba at hindi maaaring ibigay lamang sa akin ng basta-basta ni lolo ang lahat ng pagmamay-ari nya ng walang hinihinging kapalit’ Paghihimutok nya sa sarili.

“Ang aking apo na si Haniel Hermuenez ay magdadala ng kanyang nobya na kanyang pakakasalan sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon. Mas mainam kung sya ay may maipapakita ring anak. Dahil kinakailangan ng mga Hermuenez ang tagapagmana at kailangan itong mag tuloy-tuloy sa mga susunod pang henerasyon. Kung hindi sya magkapagpapakita sa itinakdang araw, ang lahat ng mga ari-ariang nabanggit ay paghahati-hatian ng magpipinsang sina Achilles H. Castillo, Harold H. Faustino, Rafael H. Garcia, at Lucas H. Castillo.”

Nanlaki ang mga mata ni Haniel sa kanyang narinig, kaya naman napatayo sya at nagsalita,

“What? Is this some kind of a joke, lolo? Ano? Nobya? As in girlfriend? Tapos pakakasalan ko pa? Tapos anak? Ano ba naman ‘yan lolo. Ano ‘to sapilitan?” bulalas nya habang nakapamewang na rin dahil sa kanyang nalaman.

“Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako? Kung sa tingin mo ay isa itong biro, well try me, Haniel. Provoke me. Let’s see kung sino ang mai-iwang walang ni isang kusing sa bulsa!” Pang hahamon ng kanyang lolo.

“Graciano! Huwag ka namang masyadong marahas sa ating apo. Sya na lamang ang natitira sa atin simula nang mawala ang mga magulang nya,” pag-aalo ng asawa habang hinihimas ang braso.

“Iyon na nga ang punto, Eloisa! Sya na lamang ang nag-iisang taong nagdadala ng apelyido ng pamilya Hermuenez. Bakit hanggang ngayon ay wala parin syang naihaharap sa atin kahit isang babae man lang? simula nang nagbinata sya hanggang ngayon ay wala ni isa. Ano na lamang ang mukhang ihaharap ko sa mga ninuno natin kung mapuputol sa kanya ang apelyidong matagal nilang iningatan?” Pagmamatigas ng matandang Hermuendez.

“This is not fair, lolo! Sinabi ko na sa inyo noon, na hindi ko pa nakikita ang babaeng karapat-dapat sa apelyido natin. Hindi ako katulad ng mga pinsan ko na kung sino-sino na lamang ang ipinakikilala sa inyo tapos makaraan lamang ang ilang buwan ay ibang babae na naman ang ipapakilala. At bakit po ba atat na atat kayong makilala kung sino ang babaeng pipiliin kong makasama habang buhay? May lakad ho ba kayo? Sinusundo na po ba kayo ni San Pedro?” matatas n’yang sagot na ikinabigla ni Donya Eloisa.

“Haniel! Ipreno mo ang bibig mo! Hindi lahat ng salita ay pwde mong sabihin porke’t alam mo! Mukhang nakakalimutan mo na yata ang salitang paggalang!” Nagulat din si Haniel sa naging tugon ng kanyang lola ng mabanggit nya ang salitang San Pedro. Mukhang may hindi sya nalalaman dito.

“Sorry po. Hindi ko po sinasadya, lola,” mas malumanay na ang kanyang pananalita at natauhan sa naging reaksyon ng kanyang lola, bihirang bihira ito magalit kaya naman hindi nya inaasahan na magiging ganito ito ngayon.

Bumuntong hininga ang kanyang lolo, tinanggal ang salamin sa mata at kinusot ang mga mata gamit ang likod ng kanyang kamay bago muling ibinalik ang salamin.

“I am dying, Haniel. I have cancer, stage 3 liver cancer.” Humagulhol na lamang ng iyak ang kanyang lola nang banggitin ng kanyang lolo ang tungkol sa kanyang sakit.

Maging sya ay hindi makapaniwala, na ang magiting na si Don Graciano Hermuendez ay gugupuin ng isang kanser. Hindi nya lubos maisip na hahantong sa ganito ang kanyang sitwasyon. Nanlalambot ang mga tuhod na napaupo s’yang muli.

“H-how come? W-when did it happen? W-why?” utal-utal n’yang tanong. Hindi nya aam kung ano ang dapat na maging reaksyon sa pangyayaring ito.

Oo nga at masungit at may pagka diktador ang kanyang lolo pagdating sa kanilang pamilya, ngunit ito ay may mabuti ring puso, lalo na sa kanyang mga tauhan. Nasaksihan nya kung paano nito tulungang makabangon sa kahirapan ang lahat ng mga empleyado nya. Kahit na dis oras ng gabi ay babangon ito para lamang pagbuksan ang mga tauhan n’yang nangangailangan.

Kaya napaka imposibleng paniwalaan na ang katulad ng kanyang lolo na bukas palad sa mga tao ay pagdaraanan ang ganitong karamdaman.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 27.1(Don't get in my way)

    Nasa sala si Haniel at nagkakape habang nakaharap sa kanyang laptop nang may magbukas ng pinto at iniluwan niyon si Shierra.“Hi, good morning, gising na ba si Nigel? Pinababantayan kasi sa akin ni Gayscent eh.” Tanong ni Shierra habang papasok sa loob.Biglang napatingin si Haniel sa babae, “Bakit? wala ba si Glayscent?” takang tanong nya, ang buong akala nya ay natutulog pa ito hanggang ngayon kaya naman hinihintay nya itong bumaba upang makapag-usap sila.Kumunot ang noo ni Shierra dahil sa narinig, “Hala sya? Magkasama kayo sa iisang bahay tapos hindi mo alam na maagang umalis si Glayscent para umorder ng mga pang live selling nya? May problema ba kayo?”Dahan-dahang bumalik ang tingin nya sa harap ng kanyang laptop at nag-scroll ng kung ano rito.Napangisi si Shierra na iiling-iling din, “Naku, may problema nga kayo. Ano na naman ang

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 26(Problem is like a rain)

    Nasa byahe na pauwi sina Glayscent at Nigel nang bigla na lamang tumirik ang bus na sinasakyan nila. Sinubukan nya rin tawagan si Haniel upang ipaalam ang kanilang sitwasyon ngunit naubusan na ng baterya ang kanyang cellphone.Tumingin sya sa kanyang relo at nakitang pasado alas nuebe na ng gabi at halata na ang pagod sa mukha ng anak. Mabuti na lamang at nakakain na silang mag-ina kanina bago bumyahe pauwi kaya busog ito. Ganyun pa man ay bumili pa rin sya ng makakain nito para makasiguro.“Manong, matagal pa ba iyan? Anong oras na kami makakauwi nito?” tanong ng isang ginang na halata na ang pagkairita sa hitsura.“Ginagawa na po namin ang lahat ma’am, konting tiis lang po. Pasensya na po sa inyo. Biglaan ang nangyari eh, kinundisyon naman ito kanina,” sagot naman ng kunduktor ng bus habang abala pa rin sa pagtulong na maayos ang makina ng sasakyan.Pinakinggan na lama

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 25(Angels in heaven)

    His heavy breathing continues as his face slowly reaches Glayscent’s lips… until…He stumbles and falls from the couch, “Aray!” Napahawak sya sa kanyang pwetan nang tumama ito sa matigas na sahig.“Wait? Why Am I here? Am I dreaming? With… with Glayscent? Seriously?” sunod-sunod na tanong nya sa sarili makaraang matauhan at magising sa kanyang panaginip.He looked around, madilim pa ang paligid at tanging bukas na ilaw lamang sa labas ng kanilang bahay ang nagsisilbing liwanag kaya naman sa hinuha nya ay madaling araw pa lamang. Tumayo sya upang maglakad patungo sa kanyang kwarto.“You’re impossible, Haniel. Bakit mo naman napanaginipan si Glayscent? At ang matindi pa, you almost kiss her. Mabuti na lang at nagising ako, kung hindi baka kung ano pa ang nangyari.” Bigla s’yang nanginig sa naiisip. Kinilabutan ang buong katawan nya sa isipin

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 24(Haniel's desire)

    “You don’t know the mystery of love, bro. Sometimes, we fall in love with someone we didn’t expect to love. The more we resist, the more it will get deeper and deeper until you cannot handle feeling.” Nagbalik sa ala-ala nya ang mga sinabi ng kaibigan patungkol sa kanyang nararamdaman.“That’s bullshit!” Pinalis nya sa isipan ang naalala at muling itinutok ang atensyon sa trabaho.Kahit pa dalawang araw na ang nakararaan nang magkita sila ng kaibigan ay umuulit pa rin sa kanyang isipan ang sinabi nito kaya naman hindi nya magawang tapusin ang mga dokumentong kailangan n’yang i-approve dahil doon. Napagdesisyunan na rin n’yang iuwi ang ilan sa mga ito para sana mas mapadali sya, ngunit nagkamali sya rito.“Argh! I quit!” Ginulo nya ang buhok dahil hindi nya talaga magawang makapag-isip ng maayos dahil sa gumagambala sa kanya, kasunod ng pagsara nya sa kanya

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 23(Haniel's feelings)

    “Sir, Haniel, here are the documents you need to approve by the end of this week po. I already compiled them according to what you instructed me yesterday,” ani ng secretary ni Haniel na si Abby ngunit parang walang naririnig si Haniel na nakatulala lamang sa kawalan habang nakangiti.Naka-ilang tawag ang kanyang secretary bago sya hinigit nito sa reyalidad. “Sir, Haniel?” iwinagayway nito ang isang kamay sa harap ng mukha ni Haniel at doon sya natauhan.“W-why?” tumikhim pa sya at umayos sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair na itim.“Sir, are you daydreaming?” natawa ang kanyang secretary at nagtakip pa ng bibig gamit ang mga folder na hawak.“Ako? N-no… No I’m not. Psh!” mabilis na tanggi nya.“By the way, what are you doing here again?”&ldq

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 22(Andrei and her two angels)

    Halos isang pulgada na lamang ang layo ng kanilang mga labi sa isa’t-isa nang biglang dumating sina Nigel at Shierra.“Mama? Nand’yan ka po pala, akala ko umalis kayo ni papa Haniel?” malakas na naitulak ni Glayscent palayo si Haniel dahil sa gulat nang marinig nila ang boses ng bata.“Ugh!” Sa sobrang lakas ng pagkakatulak nya ay tumama ang likuran nito sa kanto ng kitchen table dahilan para mapaigik ito.Napatakip si Glayscent ng kanyang bibig dahil sa ‘di sinasadyang nagawa kay Haniel, “Ayos ka lang ba? Sorry,” usal nya habang pabulong na humingi ng tawad sa lalaki na tinanguan lamang ng huli.“Akala ko wala kayo rito kaya umuwi na kami para hintayin na lang kayo, ano’ng ginagawa n’yong dalawa ha? Nakaka-istorbo ba kami ni Nigel?” makahulugang tingin ang ipinukol ni Shierra kay Glayscent ka

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 21.4(Cooking lesson)

    “Bwisit talaga ang ungas na ‘yon! Nakakagigil sya.” Halos mapatay na nya si Haniel sa kanyang isip habang kinukwento kay Shierra ang naging bangayan nilang dalawa.Nagpunta sila ni Nigel sa bahay ni Shierra upang doon nya sabihin lahat ng hinanakit kay Haniel.“Ah, Glay? Glay…” untag nya kay Glayscent ngunit nanatili itong nakatulala.“Glay!” sa pangatlong pagkakataon ay nilakasan na nya ito kaya naman agad na napalingon sa kanya ang kaibigan.“Wala ka naman sigurong balak tanggalan ng ulo iyang teddy bear ng anak mo 'no?” ininguso nya ang hawak na stuff toy ni Glayscent.“Ha?” dahan-dahan s’yang yumuko at nagulat nang makita ang kawawang stuff toy na pilipit na ang ulo habang mahigpit n'yang hawak. Bigla nya rin itong nabitiwan at napatingin sa anak.“Mama, galit ka po ba sa bear ko?” takang tano

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 21.3(White lie)

    Nagising si Glayscent nang maramdamang parang namamanhid ang kanyang kanang kamay. Nang magmulat sya ng mga mata ay nakita nya ang isang anghel na himbing na himbing sa pagkakatulog, ay hindi pala. Si Haniel na nakapikit at…at…“Ano to? Laway ba ito?” Napansin nya ang isang likido na nasa kanyang pulsuhan kung saan din nakadantay ang ulo ni Haniel. Unti-unting nanlaki ang mga mata nya nang mapagtantong laway nga ito.“Hoooy! Kadiri ka! ‘Yung laway mo natulo sa kamay ko! Waaaaah!” sigaw nya kasabay ng biglaang paghatak ng kamay at pinunas-punas pa ito sa pisngi ni Haniel na nagising naman dahil sa sigaw nya kasabay ng pagkatama ng ulo nya sa kama nang hatakin ni Glayscent ang kamay nito.“Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo!” pupungas-pungas pa sya habang inaaninag si Glayscent.“Hoy, ungas ka talaga! Nakakadiri ka, ang gwapo mo sana per

  • The Ring of Truth and Lies   KABANATA 21.2(Her past)

    Naghihintay si Haniel sa pagbukas ng elevator, katatapos lamang ng kanilang meeting. Nalaman nya mula sa kanyang secretary na nandito si Glayscent ngunit nalimutan nya ang kanyang cellphone sa opisina kaya naman babalikan nya ito upang matawagan si Glayscent. Habang naghihintay ay ipinaling ni Haniel ang kanyang ulo sa kanan at may napansin s'yang isang pamilyar na bulto ng katawan sa bandang pinto ng kanilang kumpanya. Mabagal s’yang naglakad upang masiguro kung tama ba ang kanyang hinala, habang lumalapit sya ay nagiging mas malinaw ang dalawang tao sa kanyang harap. Tama nga sya, si Glayscent ito ngunit kasama ang pinsan n’yang si Lucas. “Bakit kasama ni Glayscent ang mokong na iyon?” Napangisi pa sya nang makita ang paghampas ni Glayscent sa braso nito, “Aba, may paghampas ka pang nalalaman ha, close na talaga kayo, huh?” Nakita n’yang tumalikod si Glayscent, bigla s’yang nataranta dahil

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status