“Maaari na po kayong makalabas ng ospital, but I suggest that Nigel should undergo the operation as soon as possible. Alam kong ayaw nyo naman na maisa alang-alang ang kaligtasan ng inyong anak. Lalo na at napaka bata nya pa. Sana po ay makapag desisyon agad kayo sa lalong madaling panahon.” Ito ang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan magmula nang sila ay umalis ng ospital pagkaraang matahi ang ulo ng kanyang anak.
“Glay, kailangan mo na agad magdesisyon, para ito sa anak mo. Kung ako sa iyo ay tanggapin mo na ang inaalok ko. Promise, hindi kita ipapahamak. Walang mangangahas na mambastos sa iyo sa bar, magiging waitress ka lang talaga. No more no less, at isa pa maganda magpasahod ang bar na iyon at magaling magbigay ng tip ang mga customers.” Muling pangungumbinsi ni Shierra kay Galyscent na pumayag nang magtrabaho sa bar na kanya ring pinapasukan.
“Iniisip ko si Nigel, walang mag-aasikaso sa kanya habang nagtatrabaho ako sa bar, kung sakaling pumayag ako sa alok mo.” Nakatitig sya sa ngayon ay himbing na himbing na si Nigel, naaawa sya sa kalagayan ng kanyang anak, bukod sa may dinaranas itong kirot dulot ng sugat sa ulo, ay may mas mabigat pa itong dinadala na hindi nya malalaman kung hindi pa nangyari ang aksidente sa anak kamakailan.
“Huwag kang mag-alala, Glay, pwde mong iwan si Nigel sa bar, mayroon doong kwarto para sa mga empleyado na walang matutuluyan o kaya naman ay gustong magpahinga habang wala pang customer. Sabi ko naman sa iyo na maganda magpalakad ang may-ari niyon, sigurado akong papayag sya na dalhin mo si Nigel sa trabaho basta hindi lang sya makakagulo sa trabaho mo. Matalino si Nigel, maiintindihan nya naman kapag sinabihan mo sya,” nakangiting turan ni Shierra sa kanya.
“Hindi ko malaman kung bakit namin dinaranas ang ganitong pagsubok, Shierra. Hindi naman ako masamang tao, pero bakit lahat ng hirap dinaranas ko, matindi pa ang pinagdaraanan ko sa kaysa sa mga bida dyan sa tv.” Tumingin sya kay Shierra nang may namumuong luha sa kanyang mga mata.
Hinawakan ni Shierra ang magkabila n’yang kamay. Nakaramdam sya ng kapanatagan sa ginawang iyon ni Shierra, pakiramdam nya ay may handang making sa kanyang mga hinaing sa buhay.
“Simula nang mamatay si Andrei ay hindi na kami tinantanan ng problema. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayanan ang mga ito. Napapagod na ako Shierra.” Bumuhos na ang matinding luha sa kanyang mga mata. Mula ng mamatay ang kanyang asawa ay ito na lamang ang pagkakataon na muli s’yang umiyak ng sobra.
Inalo naman sya ni Shierra at hinagod-hagod sa likod habang tahimik lang na nagmamasid at nakikinig sa kaibigan. Pagakatapos umiyak ni Glayscent ay nabuo sa kanyang isipan ang isang desisyon na alam nyang mas ikabubuti ng kanyang anak.
“Sige, Shierra, pumapayag na ako. Sana hindi ako magsisi sa desisyon kong ito. Gagawin ko ang mas makabubuti para kay Nigel.” Muli n’yang tinitigan ang anak at h******n sa pisngi.
~
“Bro, What will you do? Susundin mo ba ang gusto ng lolo mo?” Bradly, his close friend said while stirring at his glass of whiskey.
Nag-iinuman silang dalawa ni Haniel sa bar na pagmamay-ari ng kaibigan. Hindi pa rin nya alam kung susundin nya ang kagustuhan ng kanyang lolo o babalewalain ito.
“I don’t know bro, where can I find a girl na pwdeng magpakasal sa akin without even knowing me. Sino’ng baliw ang papayag sa ganu’ng set-up?” he said, caressing his forehead.
Mariin s’yang napapikit, hindi nya malaman ang dapat gawin sa pagkakataong ito. He couldn’t handle the pressure, lalo pa at walang nakaa-alam ng sikreto nya ni isa man lang sa kanyang pamilya. At wala rin s’yang balak na sabihin sa mga ito.
He’s gay, that is the secret he couldn’t say to anyone. Lalo na at kabilang sya sa isa sa mga pinaka kilalang pamilya sa Pilipinas. Ayaw n’yang maging isang malaking kahihiyan sa pamilyang matagal nang namamayagpag ang pangalan. Hindi nya kayang pagpiyestahan ng kung sino-sino ang buhay nya, lalo na ang kanyang pagkatao.
The only person who knew what he is, is Bradly. His childhood bestfriend at hindi sya nito ikinahiya o nilayuan kahit na noong mga bata pa sila ay nalaman nitong may lihim s’yang pagtingin sa kaibigan. Hindi sya nito hinusgahan, bagkus ay inintindi, dahil na rin siguro sa mayroon s’yang tiyuhin na kabilang din na katulad nya.
Pero ipinaliwanag naman sa kanya ng kaibigang hanggang doon lang ang kaya n’yang ibigay rito at wala nang iba pa, kaya naman magpahanggang sa ngayon ay matalik silang magkaibigan ni Bradly. Lumipas din ang panahon at nawala na ang nararamdaman nya rito, ipinakita lamang siguro ng mundo kung ano ba talaga ang totoong pagkatao nya, at ginamit na kasangkapan si Bradly upang matuklasan nya sa sarili ang nais ng kanyang puso.
“Well, if that woman is so desperately in need. Babayaran mo sya upang magpanggap, then after the transfer of your heritance, it’s a win win situation for the both of you. Magkakapera sya at makukuha mo naman ang mana mo mula kay Don Graciano.” Napa isip sya sa sinabi ng kaibigan, he has a point. But the one million question is, who?
Sino ang desperadang makikipagkasundo sa kanya upang maging kanyang asawa para sap era at matatanggap kaya ito ng kanyang long-time boyfriend? Isa pa ito sa kanyang pinoproblema, may karelasyon sya sa loob ng limang taon at hindi nya pa ito nababanggit sa kasintahan. He doesn’t know if he will understand the situation.
“I need a desperate woman with kid, and also need to explain my situation to Ryker. Paano ko sasabihin sa kanya na kailangan ko makahanap ng babaeng pakakasalan upang makuha ko ang mana ko. Siguradong magagalit iyon.” He brushed his hands through his hair out of frustration.
“Bro, you have to think quickly. Alam mo naman ang pwedeng mangyari sa yaman ng lolo mo kung totoong ipapamana nya ito sa mga mokong mong pinsan, mauuwi lahat sa wala ang mga pinaghirapan ng pamilya Hermuenez kapag ang mga pinsan mo na ang humawak ng lahat.” At nilagok ang natitirang alak sa kanyang baso, bago nagpaalam na gagamit muna ng restroom.
He’s right. His cousins are all useless. Puro pagpapapogi at pambababae ang alam ng mga ito, ginagamit lang nila lagi ang apelyido ng Hermuenez upang makapang-akit ng mga babae. But in reality they are all good for nothing jerks.
Tumayo sya at tumungo sa smoking area, ngunit habang papunta sya roon ay may nasalubong s’yang isang maliit na nilalang, ikinagulat nya ito. Hindi nya malaman kung sya ay namamalikmata lamang o tama ang kanyang hinuha na may batang tumatakbo sa bar.
Ngunit paano naman mangyayari iyon kung dis oras na ng gabi at bawal naman sa loob ng bar ang mga bata. Biglang nabalot ng takot ang kanyang sistema.
“Did I just see a ghost? O lasing lang ako?” He couldn’t define if this was just a hallucination or something he can’t explain.
Sa sobrang curious nya, sinundan nya ang bata kung saan ito patungo. Nakita nya itong pumasok sa isang kwarto malayo sa mga tao.
“Bakit hindi ko alam na may ganito sa bar ni Bradly, is he hiding something? Baka naman may naanakan sya at dito itinatago, loko ‘yun ah,” he whispered to himself.
Nang marating nya ang kwartong pinasukan ng bata, doon nya narinig ang tinig ng isang babae.
“Anak, saan ka ba nagpunta? Hindi ba sinabi ko sa’yo na bawal ka sa labas, gusto mo bang mawalan ako ng trabaho? Sige ka, wala na akong pambili ng pagkain natin.” Malamang sya ang ina ng batang sinundan nya, dahil na rin sa pagtawag nito ng anak sa bata.
But why did Bradly let this woman bring her child here? Nasaan ang tatay ng bata? Wait why is he curious about her. Gusto lang naman nya masigurong tao ang nakita nya at hindi multo.
“Ma, sorry po, naiihi kasi po ako, may tao doon sa cr sa dulo kaya nakigamit po muna ako sa ibang cr,” malambing na sagot ng bata kasabay ng pagyakap nito sa mga hita ng babae.
Napagmasdan nya ang kabuoan ng babae. Nakasuot ito ng pang waitress, hanggang balikat ang maitim at deretsong buhok nito, may maliit ngunit matangos itong ilong at may mapupungay na mga mata, ang mga labi nito ay manipis at halatang walang make-up pero mamula-mula. Sa tantya nya ay nasa 25 taong gulang lamang ito.
“Infairness, maganda sya.” Kasunod n’yang pinagmasdan ang batang lalaki, cute ito at bakas ang pagiging matalino at independent kahit pa bulol pang magsalita.
Dahil sa tagpong ito, may nabuong plano sa kanyang isipan. “Mukhang may sagot na ako sa isa kong problema.”
Tatalikod na sana sya nang biglang may humawak sa kanyang kamay, dahan-dahan n’yang pinagmasdan ang kamay at nalaman nya kung sino ang nagmamay-ari niyon. Ang nanay ng bata.
“Sino ka? Bakit ka nandito? Hindi ito para sa mga customers. Hindi ka ba marunong magbasa? Napakalaki ng nakapaskil sa harapan mo.” Napangisi sya sa sinabi ng babae sa kanya, hindi nya akalain na masungit ito.
Napalingon naman sya sa itinuturo ng babae at tuambad sa kanya ang isang malaking karatula na may nakasulat na ‘Authorized personnel only’. Napa-awang ang kanyang bibig.
“I know miss, marunong akong magbasa, sinun…” ngunit bago pa sya makapagpaliwanag ay agad tumawag ng bouncer ang babae, na nakita nya malapit sa kanilang pwesto.
“Kuya Toper! May customer rito, paki escort po si sir, mukhang lasing na po at hindi na nya alam ang palabas ng bar.” Sigaw nito sa kinawayang lalaki na napaka laki ng katawan at may nakasulat sa damit na security.
Lumapit naman ang lalaki at agad s’yang hinawakan sa braso, “Sir, dito po ang daan palabas ng bar. Para lamang po sa mga empleyado ang kwarto na iyan.” Mahinahong sabi ng bouncer. Ikinainis naman nya ang tagpong iyon, mukhang parehas bago sa bar ang mga ito kaya hindi sya kilala.
“Teka lang, hindi ako lasing pre, let go of my arm. Bago lang kayo rito sa bar ano? Hindi nyo ako kilala? Kaibigan ko ang may-ari ng bar na ito. If I were you, bibitawan mo na ang kamay ko.” Pagmamatigas nya, hindi nya hahayaang pahiyain sya ng dalawang ito.
“Sir, opo hindi kayo lasing, ang mga tao po sa bar na ito ay hindi lasing, kundi nakainom lamang. Ganyan naman po ang sinasabi ng lahat ng nandito. At pasensya na po kung hindi namin kayo kilala, pero hindi po naming obligasyong kilalanin ang lahat ng customers na napasok dito. So, sumunod na lamang po tayo ng maayos para wala ng masaktan pa.” Inilahad ng babae ang kamay upang igiya sya palabas ng bar.
“Wait! Masaktan? Bakit sasaktan nyo ako? Teka brad, bitiwan mo ako. Ano ba! Humanda kayong dalawa sa akin! Hindi nyo talaga ako kilala!” Sigaw na rin nya. Nang mapadako ang tingin nya sa pintuan kung saan nya nakitang pumasok ang bata ay napansin n’yang dumungaw ito. Kaya naman agad s’yang nagsalitang muli.
“Ayan! Nakita ko lang ‘yang bata na iyan na patakbo-takbo sa bar, kaya sinundan ko. Akala ko nakakita ako ng multo! Bakit ba kasi may bata rito? Bawal ‘yan hindi ba?” Pinipilit nya pa ring kumawala sa pagkakahawak ng bouncer. Bigla namang napatingin din sa direksyon ng bata ang babae at sinenyasan ang bata na pumasok sa loob. Napansin nya ito kaya agad n’yang tinapunan ng tingin ang babae.
“Oh? Ano yan?” Sabay turo nya sa ginagawa ng babaeng pagpapasunod sa kanyang anak na pumasok sa kwarto.
“Kita mo! Bakit mo, pinapapasok ‘yung bata ha? Alam mong malalagot ka sa amo mo noh! Humanda ka pag nalaman nya ‘yan, siguradong matatanggal ka!”
Nasa sala si Haniel at nagkakape habang nakaharap sa kanyang laptop nang may magbukas ng pinto at iniluwan niyon si Shierra.“Hi, good morning, gising na ba si Nigel? Pinababantayan kasi sa akin ni Gayscent eh.” Tanong ni Shierra habang papasok sa loob.Biglang napatingin si Haniel sa babae, “Bakit? wala ba si Glayscent?” takang tanong nya, ang buong akala nya ay natutulog pa ito hanggang ngayon kaya naman hinihintay nya itong bumaba upang makapag-usap sila.Kumunot ang noo ni Shierra dahil sa narinig, “Hala sya? Magkasama kayo sa iisang bahay tapos hindi mo alam na maagang umalis si Glayscent para umorder ng mga pang live selling nya? May problema ba kayo?”Dahan-dahang bumalik ang tingin nya sa harap ng kanyang laptop at nag-scroll ng kung ano rito.Napangisi si Shierra na iiling-iling din, “Naku, may problema nga kayo. Ano na naman ang
Nasa byahe na pauwi sina Glayscent at Nigel nang bigla na lamang tumirik ang bus na sinasakyan nila. Sinubukan nya rin tawagan si Haniel upang ipaalam ang kanilang sitwasyon ngunit naubusan na ng baterya ang kanyang cellphone.Tumingin sya sa kanyang relo at nakitang pasado alas nuebe na ng gabi at halata na ang pagod sa mukha ng anak. Mabuti na lamang at nakakain na silang mag-ina kanina bago bumyahe pauwi kaya busog ito. Ganyun pa man ay bumili pa rin sya ng makakain nito para makasiguro.“Manong, matagal pa ba iyan? Anong oras na kami makakauwi nito?” tanong ng isang ginang na halata na ang pagkairita sa hitsura.“Ginagawa na po namin ang lahat ma’am, konting tiis lang po. Pasensya na po sa inyo. Biglaan ang nangyari eh, kinundisyon naman ito kanina,” sagot naman ng kunduktor ng bus habang abala pa rin sa pagtulong na maayos ang makina ng sasakyan.Pinakinggan na lama
His heavy breathing continues as his face slowly reaches Glayscent’s lips… until…He stumbles and falls from the couch, “Aray!” Napahawak sya sa kanyang pwetan nang tumama ito sa matigas na sahig.“Wait? Why Am I here? Am I dreaming? With… with Glayscent? Seriously?” sunod-sunod na tanong nya sa sarili makaraang matauhan at magising sa kanyang panaginip.He looked around, madilim pa ang paligid at tanging bukas na ilaw lamang sa labas ng kanilang bahay ang nagsisilbing liwanag kaya naman sa hinuha nya ay madaling araw pa lamang. Tumayo sya upang maglakad patungo sa kanyang kwarto.“You’re impossible, Haniel. Bakit mo naman napanaginipan si Glayscent? At ang matindi pa, you almost kiss her. Mabuti na lang at nagising ako, kung hindi baka kung ano pa ang nangyari.” Bigla s’yang nanginig sa naiisip. Kinilabutan ang buong katawan nya sa isipin
“You don’t know the mystery of love, bro. Sometimes, we fall in love with someone we didn’t expect to love. The more we resist, the more it will get deeper and deeper until you cannot handle feeling.” Nagbalik sa ala-ala nya ang mga sinabi ng kaibigan patungkol sa kanyang nararamdaman.“That’s bullshit!” Pinalis nya sa isipan ang naalala at muling itinutok ang atensyon sa trabaho.Kahit pa dalawang araw na ang nakararaan nang magkita sila ng kaibigan ay umuulit pa rin sa kanyang isipan ang sinabi nito kaya naman hindi nya magawang tapusin ang mga dokumentong kailangan n’yang i-approve dahil doon. Napagdesisyunan na rin n’yang iuwi ang ilan sa mga ito para sana mas mapadali sya, ngunit nagkamali sya rito.“Argh! I quit!” Ginulo nya ang buhok dahil hindi nya talaga magawang makapag-isip ng maayos dahil sa gumagambala sa kanya, kasunod ng pagsara nya sa kanya
“Sir, Haniel, here are the documents you need to approve by the end of this week po. I already compiled them according to what you instructed me yesterday,” ani ng secretary ni Haniel na si Abby ngunit parang walang naririnig si Haniel na nakatulala lamang sa kawalan habang nakangiti.Naka-ilang tawag ang kanyang secretary bago sya hinigit nito sa reyalidad. “Sir, Haniel?” iwinagayway nito ang isang kamay sa harap ng mukha ni Haniel at doon sya natauhan.“W-why?” tumikhim pa sya at umayos sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair na itim.“Sir, are you daydreaming?” natawa ang kanyang secretary at nagtakip pa ng bibig gamit ang mga folder na hawak.“Ako? N-no… No I’m not. Psh!” mabilis na tanggi nya.“By the way, what are you doing here again?”&ldq
Halos isang pulgada na lamang ang layo ng kanilang mga labi sa isa’t-isa nang biglang dumating sina Nigel at Shierra.“Mama? Nand’yan ka po pala, akala ko umalis kayo ni papa Haniel?” malakas na naitulak ni Glayscent palayo si Haniel dahil sa gulat nang marinig nila ang boses ng bata.“Ugh!” Sa sobrang lakas ng pagkakatulak nya ay tumama ang likuran nito sa kanto ng kitchen table dahilan para mapaigik ito.Napatakip si Glayscent ng kanyang bibig dahil sa ‘di sinasadyang nagawa kay Haniel, “Ayos ka lang ba? Sorry,” usal nya habang pabulong na humingi ng tawad sa lalaki na tinanguan lamang ng huli.“Akala ko wala kayo rito kaya umuwi na kami para hintayin na lang kayo, ano’ng ginagawa n’yong dalawa ha? Nakaka-istorbo ba kami ni Nigel?” makahulugang tingin ang ipinukol ni Shierra kay Glayscent ka