Share

Kabanata 9.3

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-07-14 16:31:01

Abala si Caroline sa mga trabaho niya sa sarili niyang opisina. Itinuon niya na lang ang oras niya sa mga trabaho niya para hindi niya maalala si Caleb. Napatingin siya sa cellphone niya ng makita niya na namang may tumatawag dito. Alam niyang si Caleb ang tumatawag dahil kahapon pa ito tumatawag sa kaniya pero hindi niya sinasagot. Paano niya nalaman na number ito ni Caleb? Dahil sinagot niya ang tawag nito kahapon at sa boses pa lang ni Caleb ay kilalang kilala niya na ito.

Ayaw niyang makipagkasundo kay Caleb. Kung makikipagkita man siya kay Caleb, wala silang ibang pag-uusapan kundi ang tungkol sa annulment nilang dalawa. Alam naman ni Caroline na gagamitin lang siya ng mga Adams para mapalapit sa mga Thompson at sigurado siyang magbabago ang pagtingin nila kay Caleb oras na nalaman nilang siya ang asawa niya. Ayaw niya namang gamitin ng pamilya niya si Caleb pagkatapos makatanggap nito ng mga masasakit na salita mula sa pamilya niya.

Bumukas ang pintuan niya pero nakatuon pa rin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mar IA
salamat po miss A.sa update
goodnovel comment avatar
Nelen Nicolas
salamat po sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 9.3

    Abala si Caroline sa mga trabaho niya sa sarili niyang opisina. Itinuon niya na lang ang oras niya sa mga trabaho niya para hindi niya maalala si Caleb. Napatingin siya sa cellphone niya ng makita niya na namang may tumatawag dito. Alam niyang si Caleb ang tumatawag dahil kahapon pa ito tumatawag sa kaniya pero hindi niya sinasagot. Paano niya nalaman na number ito ni Caleb? Dahil sinagot niya ang tawag nito kahapon at sa boses pa lang ni Caleb ay kilalang kilala niya na ito.Ayaw niyang makipagkasundo kay Caleb. Kung makikipagkita man siya kay Caleb, wala silang ibang pag-uusapan kundi ang tungkol sa annulment nilang dalawa. Alam naman ni Caroline na gagamitin lang siya ng mga Adams para mapalapit sa mga Thompson at sigurado siyang magbabago ang pagtingin nila kay Caleb oras na nalaman nilang siya ang asawa niya. Ayaw niya namang gamitin ng pamilya niya si Caleb pagkatapos makatanggap nito ng mga masasakit na salita mula sa pamilya niya.Bumukas ang pintuan niya pero nakatuon pa rin

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 9.2

    Hindi makapaniwalang tiningnan ni Caroline ang ex-boyfriend niya. Ang lakas ng loob nitong magloko pagkatapos ay sasabihin na siya ang gustong pakasalan? Napapailing na lang siya. Siya ang niloko pero tila ba ang ex-boyfriend niya ang naiwan.“Tigilan mo na ako Isaac, ikakasal ka na tapos ako pa rin ang iniisip mo?” natawa si Caroline pero seryosong nakatingin sa kaniya si Isaac.“Anong gusto mong gawin ko? Ikaw ang gumugulo sa isip ko at sa tuwing nakikita ko ang lalaking pinakasalan mo gusto ko siyang suntukin, gusto kong sirain ang pagmumukha niya. Bakit mo pa ba ako pinapahirapan Caroline? Alam ko namang mahal mo pa rin ako, nasaktan ka lang sa ginawa ko kaya mo pinakasalan ang lalaking yun. Handa akong hintayin ka hanggang sa magdivorce na kayong dalawa. Handa akong tulungan ka na makipag-annul sa kaniya para mapabilis ang paghihiwalay niyo just marry me after.” Ramdam ni Caroline ang pagiging seryoso ni Isaac. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Caroline, bakit naaawa siya

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 9.1

    Simula nang huling makausap ni Caroline si Caleb ay hindi na ulit sila nagkita. Bahay at trabaho lang naman ang pinupuntahan niya. Ayaw niyang makita si Caleb ngayon at kung maaari lang sana ay huwag ng magsalubong ang mga landas nila. Bumaba na si Caroline sa mula sa kwarto niya. Naabutan niya namang abala si Aubrey sa pag-aasikaso para sa magiging kasal nila ni Isaac. Inilibot ni Caroline ang mga mata niya hindi niya naman makita si Isaac kaya nakahinga siya ng maluwag. Ayaw niya ng gulo.Nang makita ni Aubrey si Caroline ay ngumisi ito.“Ikinukulong mo ang sarili mo dahil iniwan ka na ng pulubi mong asawa?” pang-aasar ni Aubrey. Hindi naman siya pinansin ni Caroline. “I’m sure, marami na siyang ninakaw sa bahay natin pero hindi lang natin alam.” Masama namang tiningnan ni Caroline si Aubrey dahil sa pagbibintang na naman nito kay Caleb na wala namang proweba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng pamilya ni Caroline na si Caleb na asawa niya ay si Caleb Thompson na CEO ng Thompso

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 8.3

    “This is Winston Adams, Mr. Thompson. Thank you for calling me. Gusto ko sanang malaman kung anong dahilan ng pagcancel niyo sa partnership ng mga business natin? Kung may nagawa man o nasabi ang anak kong si Caroline ako na lang ang humihingi ng pasensya in her behalf.” aniya. Hindi naman kaagad sumagot si Caleb dahil si Caroline pa talaga ang sinisisi nito.Napatikhim si Winston dahil nag-aalala siyang may nasabi siyang hindi nagustuhan ni Caleb.“Ano po bang kailangan naming gawin para ibalik niyo ang partnership natin?”“Are you willing to do everything?” seryosong tanong ni Caleb.“Of course, Mr. Thompson. Anything just say it.” Walang paligoy-ligoy niyang saad. Ngumisi naman sa kabilang linya si Caleb.“I want your daughter,” saad ni Caleb. Napakunot naman ng noo si Winston. Sino sa dalawa niyang anak ang gusto ni Mr. Thompson? Tiningnan ni Winston si Caroline, iniisip niyang hindi niya naman pwedeng ibigay si Caroline lalo na at kasal pa ito. Ayaw niyang madisappoint sa kaniya

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 8.2

    Nang makaalis si Caroline ay mabilis namang lumabas ng office si Caleb para sundan si Caroline. Naabutan niya naman itong naghihintay na magbukas ang elevator.“Caroline,” seryoso at blangko niyang tawag. Nilingon ni Caroline ang tumawag sa kaniya pero mabilis niya ring ibinalik ang paningin sa number ng elevator kung nasaang floor na ito. “Do you want to continue our partnership? Then don’t file our annulment at sumama ka sa akin as my wife.” Aniya. Hilaw namang natawa si Caroline. Wala siyang magawa kundi ang matawa na lang.Tanga ba ang tingin sa kaniya ng ibang tao? Bakit ba gustong gusto siyang lokohin ng mga taong akala niya ay mapagkakatiwalaan niya at matatawag niyang kakampi? Hindi pinansin ni Caroline ang sinabi ni Caleb. Wala siyang pakialam sa partnership ng mga kompanya nila. Ginawa niya na ang trabaho niya at hanggang dun na lang ang magagawa niya. Hindi niya na kasalanan kung ayaw na talaga ng mga Thompson na ituloy ang partnership nila.Nang bumukas ang elevator ay akm

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 8.1

    Naupo si Caroline sa sofa kahit na medyo naaapektuhan siya ng presensya ng CEO ng Thompson Legacy Group. Dala-dala niya ang proposal na idinala niya na rin noong mga nakaraang araw. Nakatitig lang siya sa lalaking nasa harapan niya habang abala ito sa pagtingin ng mga papeles. Nang tingnan siya nito ay mabilis na iniwas ni Caroline ang paningin niya saka siya tumikhim.“I’m Caroline Adams, Mr. Thompson from Adams Global Finance. Nabalitaan namin na gusto niyo pong i-cancel ang partnership sa kompanya namin? Maaari ko po bang malaman kung anong kailangan naming gawin para lang huwag niyong ituloy ang plano niyong pagkansela ng partnership ng mga kompanya natin?” seryoso niyang tanong pero hindi niya matagalan na titigan ang mga mata ng taong kausap niya.Pakiramdam niya kilala niya ito dahil ang mata ng taong nasa harapan niya at ni Caleb ay parehong-pareho. Napalunok si Caroline, malamig naman ang buong kwarto pero ramdam niya ang init. Kahit na hindi siya nakatingin kitang kita niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status