ログインTuluyang nasira ang ang mood ni Ashley. Kaya kahit ang paborito niyang singer na professor ang nag-p-perform, hindi pa rin nawala ang pagkakabusangot sa mukha niya. Naka-cross ang mga braso niya habang nakasandal sa upuan, paminsan-minsang napapairap na para bang pinipilit lang niyang tiisin ang buong concert. Sinubukan ko namang libangin ang sarili ko dahil napakagaling din lahat ng nagpepeform. Iniisip ko na lang na wala sa paligid sina Kaiden at dinadama ang ganda ng musika.Hanggang sa makita ko ang susunod na performer.Napaawang ang labi ko, kasabay nang malakas na palakpakan. Suot ang kulay pula na strapless corset dress, umakyat sa entablado si Gelly. Naka-updo ang mahaba niyang buhok na lalong nagpatingkad sa ganda niya. Nagsinghapan ang mga audience. Halos lahat ay naglabas ng cellphone para kumuha ng litrato niya.Hindi ko namalayang napalingon ako sa direksyon ni Kaiden. Mula sa kinauupuan ko, kitang-kita ko ang side profile niya, ang matalim na linya ng panga, ang tuwi
Pinilit kong lunukin ang tila bukol na bumara sa lalamunan ko.Sandali kong ipinikit ang mga mata ko bago ko muling itinaas ang tingin sa kanya. Mabigat ang dibdib ko, pero pinilit kong patatagin ang sarili ko.Kung ngayon pa ako magpapatalo, lalo lang niyang iisipin na tama siya. Mahigpit kong kinuyom ang kamao upang hindi niya mahalata ang bahagyang panginginig ng mga kamay ko.“Think whatever you want to think,” marahan kong sabi. Hindi ko siya diretsong matingnan sa mga mata niyang puno ng pagdududa. Sa noo niya ako tumingin kaya nakita ko kung paano lalong lumalim ang linya nito sa sobrang pagkakakunot.“Kung gusto mo…” patuloy ko, pilit pinapatatag ang boses ko kahit ramdam kong parang may pumipiga sa dibdib ko, “…si Prof. Roman na lang ang tanungin mo.”Unti-unti kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.“Ask him yourself kung sinisiraan ba kita sa kaniya.”Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa silid. Napansin ko pang bahagyang gumalaw ang panga niya. Napakabigat ng titig niya
THIRD PERSON POVPagkatapos magpirmahan ng kontrata, humingi ng kaonting oras si Kaiden para kausapin si Senyor Roman. Hindi naman tumutol ang senyor dahil may nais din siyang sabihin dito. Sa hardin ng paaralan sila nagtungo. Pareho silang tahimik. Hanggang sa tuluyang nagsalita si Senyor Roman."Have you decided what name to give your child?"Huminto ang mga hakbang ni Kaiden. Dahan-dahan siyang napalingon kay Senyora Roman. Saglit niya pang tinimbang ang iniisip ni Senyor Roman bago nagsalita."We'll wait until she's born," aniya na lang nang walang maisip na tamang isagot.Huminga nang malalim si Senyor Roman bago muling nagsalita."No matter what happened, the child is always innocent. You are already a father with social responsibility. I hopes that you can also shoulder the responsibility of your family."Sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa siyang aamin si Kaiden sa kanyang mga pagkakamali at itatama ang mga ito.“If you don’t handle matters of marriage and relationships we
Gaile POVNang lumapit sa amin ang waiter, sinabi niyang bayad na raw ang bill namin. Napatingin ako sandali kay Laurence bago bahagyang ngumiti. Kagaya nga ng sinabi ni Aldrin, siya na ang sumagot sa pagkain namin.Sandaling nagpaalam si Tiya Jessa para mag-restroom. Nang makabalik siya, sabay-sabay na kaming lumabas ng restaurant.Pagbukas pa lang ng pinto, agad kaming sinalubong ng malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko at bahagyang napangiti.Huminga nang malalim si Laurence habang tumitingala sa madilim na langit.“Magpapasko na talaga,” komento niya.Napatingin ako sa paligid.“Oo nga,” sagot ko habang nakangiti pa rin. “Mukhang mas magiging malamig ang taglamig ngayong taon.”Maingat akong inalalayan ni Tiya Jessa pababa ng hagdan ng restaurant. Hawak niya ang braso ko. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa parking area.Nag-alok si Laurence na ihatid kami pauwi pero tumanggi ako dahil si Jarrem na ang magd-drive sa amin. Nagpaalam na kami sa kaniya bago tuluyang pumaso
"Grandpa!”Umalingawngaw ang malambing at masayang boses ng isang batang babae sa buong courtyard.Agad na napalingon sina Justine at Kaiden.Nakita nila si Dayne, suot ang isang kulay rosas na floral dress at ang kaniyang flush hat na may mahahabang tainga ng kuneho. Mabilis siyang tumakbo papunta sa dalawa habang maingat na sinusundan ng yaya. Sa bawat pagtakbo niya ay tumatalbog ang mga iyon, kaya nagmumukha siyang parang isang maliit at malambot na kunehong tumatakbo sa damuhan.“Miss Dayne, dahan-dahan lang po,” nag-aalalang paalala ng yaya habang halos tumatakbo na rin sa likod niya.Pero hindi ito nakinig. Dere-diretso siyang tumakbo.Agad namang lumakad si Justine palapit sa kaniya. Yumuko ito at sinalubong upang buhatin ito.“Oh dear, my darling. Don't run like that, you might fall,” sabi niya habang karga-karga ang cute na bata.Mahigpit na niyakap ni Dayne ang leeg ng kaniyang lolo at mabilis itong hinalikan sa pisngi.Napangiti si Justine. Lumalim ang maliliit na guhit sa
Iniwas ko ang tingin ko kay Kaiden.Pero sa gilid ng paningin ko, ramdam ko ang mabigat niyang titig sa akin. Pakiramdam ko ay hindi siya natutuwang close ako sa pinsan niyang si Maverick. Baka iniisip niya na panibagong paraan ko na naman ito para mapalapit sa kanya.Huminga ako nang marahan at bahagyang itinaas ang baba ko. Wala naman akong ginawang mali.At kung may iniisip man siyang negatibo tungkol sa akin… wala na rin akong pakialam.“Saan kayo galing?” tanong ni Senyora Leticia."Sa gazebo, Mommy-La,” sagot ni Maverick habang nakangiti. “Nagpatulong lang ako kay Gaile for my company.”Lumiwanag ang mukha ni Senyora nang marinig ang salitang kumpanya. "I see. Settled na ba?"Tumango si Maverick.“Yup! Thanks to my couz-in-law.” Tinuro pa niya ako nang pabiro. “I owe her a lot now. She deserves to be treated to a fancy meal.”Bahagya siyang natawa bago nagpatuloy.“She’s also the reason why I closed the deal with my Italian business partner.”Unti-unting lumawak ang ngiti ni Se







