author-banner
dangeroni
dangeroni
Author

Novels by dangeroni

The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me

The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me

May karapatan pa ba ang lalaking itinapon ka noon na bawiin ka ngayon? Sa ika-25 linggong pagbubuntis, nahuli ni Gaile Enriquez ang sarili niyang asawa, hindi sa kama, kundi sa ospital, habang siya’y nagpapa-check up para sa anak nilang ipinagbubuntis niya. Tinawag pa siyang “Aunt” ng bata at magandang babaeng na kabit ng asawa niya. Ang mas masakit, walang makikitang kahit kaunting hiya, ni katiting na awa sa mga mata ni Kaiden Montelvar, isang ruthless trillionaire CEO na sanay mangwasak hindi lang sa negosyo, pati na ng puso. Para sa kaniya, si Gaile ay isang babaeng social climber, isang babaeng handang gawin ang lahat para umangat, kahit gamitin ang kama upang itali siya sa isang kasal. Ang hindi niya alam, walong taon na siyang lihim na minamahal ni Gaile. Kaya sa isang iglap, walang paliwanag. Walang awa. Divorce papers ang inabot niya. Sa araw na iyon, gumuho ang mundo ni Gaile. Walong taon ng pagmamahal, sakripisyo, at pananahimik, lahat binura sa isang pirma. Nanganak siya. Umalis. At tuluyang naglaho. Limang taon ang lumipas. Bumalik si Gaile, malayo sa dating babaeng minamaliit. Isa na siya ngayong makapangyarihang negosyante. Elegante, matalino, at hinahabol ng mga lalaking handang ibigay ang mundo sa kanya. Ngunit... hindi pa pala sila tuluyang na-divorce ni Kaiden. At nang ipinahayag ni Gaile ang kanyang engagement sa ibang lalaki, tuluyang nawala sa kontrol si Kaiden. “Marry another man?” aniya, mapait at puno ng sakit ang boses habang kinukulong sa kaniyang bisig si Gaile nakadantay sa pader. “Over my dead body, Gaile. I’ll take you back, kahit sa anumang paraan. You’re still my wife. Sa akin ka lang.”
Read
Chapter: Kabanata 5
Nanlalaki ang mga mata ni Ven habang namumula sa galit."Ang kapal mo!" Imbes na bigyang-pansin, tumalikod na ako at iniwan na siya. Pangit lang ako pero alam kong mahusay ako kumpara sa kaniya. Hindi ko hahayaan na maliitin nila ako mula ngayon.Pagbalik ko sa puwesto ko, kumuha ako ng maliit na salamin at tiningnan ang bahagyang bakas ng dugo sa isang gilid ng aking pisngi. Hindi naman malalim ang sugat, kaya pinunasan ko na lang ito ng wet wipes. Hindi ko na rin ginamot sa pag-iisip na sa ganitong mukha, ano pa ba ang halaga ng isa pang pilat? Hindi ko na rin pinasa pa ang panibagong kopya ng files ng report ko.Bigla kong naalala ang histsura nung Gelly. Hindi ko alam kung bakit mukha siyang pamilyar...Nang halos patapos na ang trabaho, nakatanggap ako mg tawag mula kay Papa at sinabing nakabalik na ang Kuya Miguel ko."Akala ko sa akinse pa dating niya?" gulat na tanong ko."Nagulat din kami, eh, maaga raw natapos ang trabaho niya," sagot ni Papa."Sige po, uwi po ako diyan sa
Last Updated: 2026-01-28
Chapter: Kabanata 4
"Financial statement analysis for del Vedas should be completed before the end of the workday at noon," utos ni Ven pagkabalik na pagkabalik ko palang sa workstation ko. Kahit nalipat na ako sa mababang posisyon, sa akin pa rin niya binabato halos lahat ng mga gawaing mahihirap na hindi naman na sakop ng responsibilidad ko. At kahit ayaw ko, hindi ako tumututol. Akala ko kasi na kapag nagpatuloy ako sa pagsisikap sa trabaho ko ay bibigyan na ko ni Kaiden ng kahit kaonting pansin. Pero, niloloko ko lang pala ang sarili ko dahil kahit isang sulyap wala akong natanggap mula sa kaniya. Halos isang oras lang ginugol ko upang tapusin ang analysis report. Pilit pang tinatago ni Ven ang pagkamangha sa bilis ko nang iniabot ko sa kaniya ang flashdrive for the soft copies and the paper versions. Oras na ng tanghalian at wala na akong gagawin kaya umorder na lang ako ng vegetables salad at cheese maraconi sa isang food app delivery. May cafeteria naman sa loob ng kumpanya pero laging crowde
Last Updated: 2026-01-28
Chapter: kabanata 3
Sandaling namangha at hindi pa yata ako nakilala nang itinaas ni Prof Laurence ang tingin sa akin. “Good morning, Professor Laurence,” bati ko at doon niya lang ako tuluyang nakilala.Namilog ang labi nito at kaagad na inayos ang sarili sa upuan. “You really arrived." Parang hindi pa rin makapaniwala na nakikita ako ngayon sa harapan niya. Nahihiya akong napangiti. “Ang tagal din nating hindi nagkita, Prof.”Matamis siyang ngumiti. "Yeah. Long time no see, I almost didn't recognize you."Nakagat ko ang labi ng maramdaman ang panliliit.“Nahihiya nga akong pumunta sa harap mo ng ganito ang anyo ko.”Kaagad na kumuot ang noo niya. Tumayo ay nilahad ang upuan sa akin. “Normal lang naman na magbago ang katawan mo habang nagdadalang-tao. Ayos lang ‘yan pagkatapos mong manganak. Please sit down."Para akong nakahinga sa sinabi niya at naupo na sa sofa habang nagsasalin ito ng tubig sa baso. "Here. Warm yourself up."Kaagad ko itong tinanggap. "Thank you, Prof.""Drop the formalities.
Last Updated: 2026-01-28
Chapter: Kabanata 2
Hindi ako lumingon. Hindi rin siya nagsalita, pero dama ko ang bigat ng kanyang titig sa akin.“Linggo bukas,” dugtong ko, pilit pinatatatag ang boses na muntik nang mabasag. “May oras ka ba sa hapon?”Mahina akong huminga, sapat lang para hindi ako manginig. “Kung gusto mo… puwede na nating asikasuhin nang mas maaga.”Hindi ko alam kung hormones lang ba ito o pagod na pagod na ang puso ko. Pero sa sandaling iyon, iisa lang ang malinaw sa isip ko, ayoko nang maghintay. Ayoko nang umasa. Gusto ko na lang tapusin ang lahat bago pa tuluyang maubos ang natitira sa akin.Walang divorce sa Pilipinas, annulment lang. Pero dahil dual citizen si Kaiden, Filipino at Spanish, may karapatan siyang mag-file ng divorce bilang isang dayuhan. Kapag isinampa niya iyon pagkatapos kong manganak, kailangan pa naming dumaan sa isang buwang cooling-off period. Pero kung sisimulan namin ngayon, magiging opisyal na ang divorce sa mismong oras na ipanganak ko ang anak namin.Hindi pa rin siya kumikibo.Kumura
Last Updated: 2026-01-28
Chapter: Kabanata 1
Gaile Enriquez POVNatigilan ako sa paglalakad nang matanaw ang sobrang pamilyar na pigura ng isang lalaki sa 'di kalayuan. Pinagsingkit ko pa ang mga mata ko, pilit inaaninaw kung tama ang hinala. Matangkad ito at nakasuot ng itim na coat. At kahit nakatalikod ito, hindi ako maaaring magkamali.Awtomatikong gumihit ang ngiti sa aking labi, ako mismo ang namalantsa kanina ng coat na iyon kaya sigurado akong si Kaiden ang natatanaw ko ngayon... ang asawa ko.Nandito ba siya para sunduin ako?"Kaid–"Naputol ang sana'y pagsigaw ko nang biglang lumapit sa kaniya ang isang magandang babae... Pinulupot nito ang kamay sa bisig ni Kaiden. Kasabay ng paglaho ng ngiti ko ang pagguhit naman ng ngiti mga labi nila. Inayos niya ang puting fur coat na suot ng babae, tila ayaw madapuan kahit kaunting lamig. Ang sinumang makakakita sa kanila ngayon ay masasabing magkasintahan silang dalawa.Hindi sinasadyang humigpit ang hawak ko sa resulta ng pregnancy test. Bumaling sila sa gawi ko dahilan para m
Last Updated: 2026-01-28
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status