SYD Feeling ko, mapuputulan na ako ng hininga nang walang hiya niya nang iniunan ang ulo niya sa aking mga hita. “Gusto ko munang magpahinga, kahit sandali lang.” Nakapikit siya habang sinasabi ang mga iyon sa akin. Hindi ko magawang makasagot. Feeling ko nga parang umurong ang dila ko at kahit simpleng hmm... lang ay ‘di ko pa magawang masabi. “Can you do it again for me, please? Mas mare-relax ako kapag ginawa mo ‘yon,” parang batang naglalambing na pakiusap niya. “O-okay...” Gamit ang nanginginig na mga kamay, sinimulan ko na ulit ang paghihilot sa kaniya. Pasimple kong tiningnan ang kinahihigaan niya. Tila lumiit ang malapad na couch dahil sa laki ng katawan ni Mr. Antonio. Nakabaluktot ang dalawang tuhod niya at naka-krus ang mga braso. Halata namang pinagkakasya niya lang ang sarili para lang makahiga rito. Hindi ko namalayan kung kailan pa ako nagsimulang huminto sa paghilot sa kaniya at kung gaano na rin ako katagal na nakatitig lang sa natutulog na lalaking ‘to.
SYD HINDI pa man siya tuluyang nakakalapit ay nasinghot ko na agad ang pamilyar niyang amoy. “Hi,” bati sa akin ni Mr. Antonio pagkasara niya sa pintuan ng sasakyan. “H-hello,” alanganing tugon ko sa kaniya. Ni hindi talaga sumagi sa isip ko na makikita ko siya rito— dito mismo sa amin. Iginala ko pa ang tingin sa kabuuan ng kotse niya. Baka kasi lumabas din mula ro’n si Sir Resty. Pero himala dahil mukhang hindi yata ‘yon nakabuntot sa kaniya ngayon. Pinagmamasdan ko siya habang naglalakad palapit sa nakabukas na gate kung saan ako nakatayo. Kahit sa malayo, kitang-kita ko kung gaano ka-attractive ang mokong na ‘to. Ang ganda pa ng pagkakangiti niya, ha? Samantalang kanina, halos hindi na maipinta ang nakasambakol n’yang pagmumukha bago pa man kami maghiwalay sa opisina. Nakatingala ko siyang tiningnan nang tuluyan na s’yang tumigil sa harapan ko. Wow! As in wow! Mas lalo ko tuloy napagmasdan ang kaguwapuhan niya. Matangos na ilong, chinitong mga mata, makakapal na kilay, a
SYD Wala na akong nagawa nang pumuwesto si Mr. Antonio sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Inabot niya ang tagay na binigay ni Noreen at walang alinlangang nilagok ito. Aaminin ko... medyo na-amaze ako ro’n, ha! Umiinom din pala ng Empi Light ang katulad niya? Sa pagkakaalam ko kasi, mga mamahaling alak lang ang iniinom ng mga mayayamang katulad niya. Hindi kaya mangati ang lalamunan niya dahil mumurahin lang itong sa’min? MAAYOS naman ang naging bonding namin kay Sir Yuan. Ready siyang makinig, kahit madalas ay wala namang ka-sense-sense ang mga ikinukuwento sa kaniya ng mga kaibigan ko. Nasasakyan niya ang mga biro at nasasabayan niya rin ang kakulitan ng mga ito. Walang alinlangan niya ding sinasagot ang bawat itinatanong ng mga ito sa kaniya. Habang ako naman, heto... nananahimik at nakikiramdam sa kaniya. Hindi talaga ako kumportable sa presensiya niya. Hindi ko rin puwedeng alisin ang boundary na pumapagitan sa amin bilang siya, na amo ko at ako, bilang empleyado niya.
SYD Lima lang kami na nasa loob ng conference room. Inilapag ko sa may gilid ng projector ang box na bitbit ko kanina dahil iyon ang iniutos ni Mr. Antonio, bago niya ako pinaupo kasunod ng isang representative ng board. Sa tabi ko naman pumuwesto si Randy. May pagtataka kong tiningnan si Sir Yuan, nang umupo ito sa gitna imbes na ang CFO sana ang pupuwesto roon. Napataas ang kilay ko. Oo nga pala, apo nga pala siya ng may-ari kaya may K siyang umupo roon. Tungkol sa approval ng budget ng gagawing commercial ng bagong ilulunsad na produkto ng AGC ang idi-discuss nila ngayon. Agro-chemicals, fertilizers pati na rin mga binhi ang pangunahing produkto ng kompanya nila Mr. Antonio. Basta lahat ng may kinalaman sa agricultural stuffs, meron sila. Isa sila sa mga nangunguna sa bansa pagdating sa ganitong negosyo. Apat lang muna sila sa ngayon dahil partial review pa lang naman ito ng proposal ni Mr. Antonio. Lilinisin lang nila ang ilang mga detalye bago i-present sa gagawing board meet
SYDPILIT kong ikinikilos nang normal ang nanginginig kong mga kamay. Alam kong imposible na, ngunit sinusubukan ko pa ring tanggalin ang bubble gum na dumikit sa americana ni Sir Yuan. Dama ko ang pagtitimpi niya. Napalunok ako.Bakit ba kasi hindi ko naramdaman na may tao na pala sa likuran ko?! Don’t tell me, na kanina pa s’ya nahandito? Teka... narinig kaya niya ang mga pinagsasabi ko? Mga katanungan na lalong nagpapalala sa pagkakaba ko.Nanigas ang katawan ko nang maramdaman ko ang paghawak niya sa isang kamay ko. Para bang may kung anong kakaibang kuryente na dumaloy sa bawat himaymay ng kalamnan ko, no’ng oras na naglapat ang mga balat namin. Ang weird, pero parang pamilyar ang feeling. Parang... parang nangyari na ito dati.“Will you please stop it? Lalo mo lang pinalala, eh,” saway niya na nakapagpahinto sa akin.May pag-aalinlangan ko siyang tiningnan. Muli ko na namang nasilayan ang kaguwapuhan niya— este... ang masungit niyang awra. Hindi ako makatagal sa tila nag-aarok na
SYD“Hello?... still there?” ani Kuya Migs na kahihimigan nang pagtataka. Nagkandapili-pilipit na ang dila ko, pero pinilit ko pa ring makapagpaalam nang maayos kay Kuya Miguel hanggang sa abot ng aking makakaya. “O-oo... oo, kuya. Mamaya na lang. Okay, bye.”Saktong nasa tapat ko na si Mr. Antonio pagkababa ko ng cellphone ko. Halos matuyot na ang lalamunan ko dahil sa ginawa kong sunud-sunod na paglunok. Yumuko siya at itinukod ang magkabilang siko sa ibabaw ng table ko. Hinawi ng isa niyang kamay ang laptop na humaharang sa pagitan naming dalawa. Pinagtaasan niya ako ng kilay at pailalim na tumingin sa akin. “What do you think you’re doing? Hmm?” walang emosyong tanong niya.“A... hmm... s-sir, k-kasi—” Feeling ko, nalunon ko na ang mga sasabihin ko at hindi ko na nagawang makapagsalita nang tama.“I don’t need any excuses, Miss Santos,” putol ni Mr. Antonio sa sasabihin ko. Suminghap siya. “Let me remind you, na hindi kasali sa job description mo ang makipaglandian sa oras ng tra
SYDJUAN Benedicto Madriano y Antonio III. A 25-year-old bachelor and one of the well known youngest millionaire in the Philippines. Kung pagbabasehan ang ilang araw na nakasama ko siya, masasabi kong ibinibigay niya ang buong puso niya sa trabaho, taliwas sa mga sinasabi sa kaniya ng ilan, na kesyo tamad at walang pakialam sa magiging future ng AGC. Nakikita ko siyang palaging naka-focus sa kaniyang mga ginagawa at organisado. Nasaksihan ko rin kung paano at gaano siya kagaling makipagtransaksiyon sa kaniyang mga nakakausap. Gamay na gamay niya at kalkulado ang bawat hakbang na ginagawa niya.Nagpapasalamat ako, dahil tinanggap ni Sir Yuan ang pakikipagkaibigan na inalok ko sa kaniya. Mas nakabuti iyon sa naging takbo ng working relationship naming dalawa sa loob ng opisina. Magaan na sa pakiramdam. Iyong tipong wala na kaming ilangan at komportable na kami sa presensiya ng isa’t isa. First name basis na nga ang tawagan namin, kapag kami lang dalawa ang magkasama. Kumontra pa ako non
Chapter 17SYD "HI," nakangiting bati ni Yuan, habang naglalakad patungo sa pinagpapahingahan ko. Nilingon ko lang siya at seryosong tiningnan. Nagawa niya pang sipatin ang kabuuan ng duyan na inuupuan ko bago siya tuluyang nakalapit sa akin. "What are you doing here?" tanong niya. Hindi pa rin ako kumibo. Ewan ko ba… hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kanina pa 'ko wala sa mood, habang kumakain kami ng hapunan. Tahimik lang ako sa harap ng hapag at magsasalita lang kapag may itinatanong sa akin. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang lahat at pinagmamasdan ang masaya nilang pagkukuwentuhan. Naguguluhan nga ako sarili ko, kung para saan ba talaga itong ipinaghihimutok ng butse ko. Dahil ba 'to sa naramdaman kong pagka-out of place sa kanila kanina? O dahil sa bulaklak na ibinigay ni Yuan kay mama? Hay! Ang daya n'ya naman kasi! Bakit si mama lang ang meron? Tapos ako, wala!? Nakakainis siya! Alam n'ya ba 'yon?! Hindi siya nagpatinag sa pagngiti kahit pa magkasalubong na