The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

last updateLast Updated : 2024-08-02
By:  latebloomerOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
8
4 ratings. 4 reviews
47Chapters
3.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

 Mataman ko lamang siyang pinagmamasdan mula rito, sa may ‘di kalayuan. Batid ko na kanina pa siya sa akin naghihintay.  Halata ang labis na pagkainip na mababanaag sa kaniyang hapong mukha, ngunit sadyang hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa palapit sa kaniya… hindi ko pa kaya.  Alam ko, na sa sandaling gawin ko ang bagay na iyon ay ito na rin ang magiging simula nang tuluyan kong paglimot sa kaniya— na matagal ko na sanang ginawa.      ●  SA edad labing-anim, labis na nasaktan ang murang puso ni Cinderella, nang malaman nito na ang lalaking lubos n’yang hinahangaan ay may napupusuan na palang iba.  Dahil sa nangyari, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya muling iibig pa. Na si Miguel Balbuena lamang ang nag-iisa at natatanging lalaki na kakikiligan niya –wala ng iba.  At para maisakatuparan ng dalagita ang bagay na iyon, napagpasyahan nito na baguhin ang sarili niyang katauhan– ang maging isang tomboy.   Hanggang kailan mapaninindigan ni Syd ang pagtotomboy-tomboyan, kung makasalamuha niya na ang lalaking katulad ng isang Juan Benedicto Antonio III?   Juan Benedicto Antonio III, a 25-year-old future CEO of Antonio-Go Corporation, one of the largest distributor of Agro-Chemicals, fertilizers and seeds in the Philippines. A certified womanizer at never pang nagseryoso sa isang babae. Ayaw nitong pinagsasabay ang business and pleasure,kaya naman agad nitong sinisibak sa trabaho ang sinuman sa mga nagiging sekretarya, na nagpapakita ng mga kakaibang motibo sa kaniya.  Paano kung makasalamuha na ng binata ang kakaibang sekretarya sa katauhan ni Syd Santos, isang lesbiyana at nang nagsabog ang Diyos ng lakas ng sex appeal sa mundo ay sinalo na nito lahat.  May mamuo kayang love story sa pagitan ng dalawang nilalang na ito, na parehong nakararanas ng Pogi Problem Syndrome?

View More

Chapter 1

Chapter 1 Cinderella Santos

SYD

NAGAGANAP ngayon ang championship game ng Inter-Barangay Women’s Basketball Summer League sa aming lugar. Halos hindi mahulugang karayom ang loob at labas ng covered court dahil sa dami ng mga taong nanonood.

Kaniya-kaniyang pusta. Kaniya-kaniyang sinusuportahang kuponan. At siyempre, hindi mawawala ang mga diehard na fans. Halos mapatiran na nga sila ng litid sa leeg, basta mai-cheer lang ang mga manlalarong hinahangaan.

“Tumira ng tres... pasok! NUMBER 14, Santos! Three points!”

Kasunod na ay ang mga nakakabinging hiyawan mula sa mga taong nanonood. Sinabayan pa nang napakalakas na pagdagundong ng tambol, na sinadya pa talagang dalhin sa loob ng mga sira-ulo kong katropa.

Talaga namang nakakabuhay ng dugo ang naging mainit na pagsalubong sa akin ng mga kabaranggay ko. Na-miss ko talaga ang pakiramdam nang kakaibang adrenaline rush na ito— sobra!

Halos limang taon din kasi akong namalagi sa probinsya ng Ilocos Sur, simula noong kupkupin ako ng bunsong kapatid na babae ni papa. Sa loob ng mga panahon na iyon ay nagtrabaho ako sa grocery store ni Tita Allyson. Nakapangasawa ng Afam si tita, kaya ayon, nakaluwag-luwag siya sa buhay.

Minsan, bagger ako roon o 'di naman kaya ay tagasalansan ng mga bagong deliver na produkto. Pero madalas, sa kaha ako itinotoka ni tita.

Na-stroke kasi dati si papa. Mga nasa dies y siete años na ako noong mga panahon na iyon at kasalukuyang naka-enroll bilang second year college student sa Unibersidad ng Saint Clare.

Parehas kaming dalawa ng kababata kong si Maggi ng kinuhang kurso, BS in Secondary Education, Major in History. Magkaklase pa nga kami noon, eh. Iyon nga lang hindi ko na nagawa pang makapagpatuloy dahil nga sa nangyari.

Ako na ang nagkusang huminto sa pag-aaral. Kinailangan kong gawin iyon upang matulungan ang pamilya ko sa pang-araw-araw namin na gastusin. Tutol man si mama sa naging desisyon ko ngunit wala na rin siyang nagawa. Hindi man siya magsalita, alam ko at nararamdaman ko na nahihirapan na siya sa kakaisip kung paano niya kami bubuhayin na mga anak niya.

Pang-apat ako sa magkakapatid at mayroon pang apat na mas nakababata ang sumunod sa akin. In short, walo kaming lahat. At sa walong iyon ay ako lang ang nag-iisang lumabas na babae, na nagpakatomboy pa.

“Wow! Ang galing talaga ng babyloves ko! I love you, my Baby Syd! Galingan mo pa ang pag-shoot!” Namumukod tanging matinis at malakas na sigaw na rumehistro sa aking tainga. Grabe iyon, ha! Dinaig pa ang megaphone sa lakas ng bunganga.

Otomatikong lumaki ang butas ng ilong ko nang mahagip ng mga mata ko kung kanino nagmula ang nakaririnding boses na iyon. Sinasabi ko na nga ba at si Ate Sol iyon, ang makulit na kasambahay ng mga Balbuena.

Napailing ako ng de oras. Mabilis kong iniiwas ang walang kaamor-amor na pagkakatingin sa kaniya at sinulyapan ang malaking digital timer na patuloy pa rin sa pagbabawas sa mga natitirang minuto ng laro.

Kasama rin si Maggi sa mga nanonood ngayon. Hindi rin nagpapahuli sa kakatili ang kulasa, kasama ang ilan pa naming mga kaibigan, na kapit-bahay lang din naman namin.

Nagkatinginan pa nga kaming dalawa, sabay kaway niya sa akin. Bilang tugon, tinanguan at nginitian ko naman siya. Pero wala naman talaga sa kaniya ang atensyon ko.

Sinipat ko ang mga nasa tabi ni Maggi. Nagbabakasakali na masilayan ang taong tunay na dahilan kung bakit ko kina-career ang pagpapasikat dito. Ngunit bigo akong makita siya. Bigla tuloy akong nawalan ng gana.

Habang tumatakbo ay nagagawa ko pa ring hagurin ng tingin ang bawat tao na madaanan ko. Nagbabakasakali na baka natabunan lamang siya ng ibang mga nanonood.

Nasaan ka na ba kasi? protesta ng utak ko.

“CINDERELLA, salo!” sigaw sa akin ni Lhian, na siyang ikinagulat ko. Masasalo ko na sana ang bola, ngunit huli na. Hindi ko na nagawang mahawakan pa ito dahil mabilis na itong naagaw ng isa sa mga kalaban namin.

“Buwisit!” himutok ko.

Hindi nakalusot sa akin ang pagkunot ng noo ni Lhian. Iiling-iling na lang nitong sinundan ang tomboy na nakaagaw ng bola.

“Focus, tsong! Focus! Lumilipad na naman iyang utak mo, eh!” inis na singhal sa akin ng isa pa naming kakampi na si Penpen. Aba at inismiran pa ako ng loka! Hindi ko na lang pinansin ang topakin na iyon at sumunod na lang din ako sa kanila sa pagtakbo.

“Ang galing mo talaga, crush! Wala ka pa ring kupas! Welcome back sa Barangay Maharlika!”

“Ipanalo mo na ‘yan, idol!”

“Love you, lods You’re the best!" Ilan lamang sa mga pahapyaw na sigaw ng mga lalaking nalalampasan ko.

Napaismid ako. Alam ko naman kasi na para sa akin ang ginagawa nilang pagpapalipad-hangin na iyon.

WALA kaming humpay sa pag-aasaran ng mga ka-teammates ko, habang masayang tinatahak ang daan papunta sa amin.

Sa bahay na rin namin nagpahanda nang kaunting salo-salo para sa Team Maharlika si Kapitan Ely. Pa-congratulate niya raw iyon, para sa pagkakapanalo namin sa liga. Bukod pa roon, sa amin din kasi talaga ang tambayan ng mga katropa kong tomboy sa tuwing natatapos ang laro namin sa court.

“Oh, ‘di ba? Ang galing ko? Kung hindi dahil sa pamatay kong tira, hindi sana tayo ang magcha-champion ngayon!” nagmamalaking saad ko habang hawak-hawak ang natanggap kong tropeo sa pagkakapanalo bilang Most Valuable Player ng liga.

“Sus! Yabang nito!” pambabara sa akin ni Penpen. “Ang sabihin mo, mabuti at sumablay iyong last free-throw ng number 23 kanina. Kung hindi, malamang na sa kangkungan tayo pupulutin ngayon!” natatawang tugon niya, habang pinupunasan ang namumutaktak na pawis sa kaniyang ulo. Senegundahan naman nang katakot-takot na kantiyaw ng iba pa naming katropa ang pang-aasar na ginawa sa akin ng impaktang tibo na iyon.

Natahimik ako. Tinaasan ko na lang sila ng kilay, sabay tulis ng nguso. Hindi ko na lang pinatulan ang toyo ni Penpen.

Balewala naman talaga sa akin ang lahat ng mga pang-aasar na sinasabi nila. Alam ko naman kasi na biruan lang sa amin ang lahat. Simula no'ng napagpasyahan kong magpakatomboy ay nasanay na ako sa mga kalokohang lumalabas sa bunganga ng mga kababata kong ito.

Sumabay na rin sa amin sa paglalakad sina Maggi at Ate Sol. Iisang kalsada lang din naman kasi ang dadaanan namin pauwi.

“Kumusta na ang baby mo, Maggi?” Pang-uusisa ko sa kaniya. “Mabuti at pinayagan ka pa ng Ku– este... ng mommy mo na lumabas kahit gabi na. Sino ang nagbabantay ngayon kay Heaven? Si Tita Lillian, kumusta?” magkakasunod na tanong ko.

Napangiting bigla si Maggi at tinapunan ako ng isang nang-aasar na tingin. Nahulaan ko na ang ibig sabihin ng mga tingin niyang iyon kaya pinamulahanan tuloy ako ng mukha.

“Okay naman si mommy, Cin–“

“Syd, Maggi... Syd.” Mabilis na pagtatama ko sa sana ay itatawag niya sa akin.

Napakagat naman siya sa kaniyang pang-ibabang labi bago muling nagsalita. “O-okay... Syd!” Mariin niyang bigkas.

“So, ayon na nga, okay naman si mommy. Kahit papaano ay unti-unti na rin siyang nakaka-recover sa pagkawala ni daddy. Hmm... gano'n din naman si baby. Ayon at si Callex na muna ang nagbabantay sa bulinggit,” sagot niya.

Tumango-tango ako. “Mabuti naman kung ganoon,” mahinang sagot ko.

“Teka... mukhang may nakalimutan ka pa yatang itanong, ah?” Panunuksong turan niya sa akin.

Inirapan ko si Maggi, ngunit hindi ko mapigilan ang mapangiti.

“Uy! Nagba-blush siya!” pang-aasar niya ulit.

Grabe! Nag-init bigla ang magkabilang pisngi ko! Ganoon ba talaga ako kahalata, pagdating sa kaniya?

“Sira!” birong singhal ko, para naman hindi ako magmukhang guilty sa sinabi niya. “Ah, basta! Ipakilala mo ako sa bago mong boyfriend, ha?” panlilihis ko sa usapan. “Para makilatis natin kung talagang matino ba o baka kasing baliw lang din ng ex mo.”

Napatawa tuloy si Maggi sa sinabi ko.

“Hay, naku! Baby Syd! Mabait talaga si Sir Callex, promise!” sabat ni Ate Sol. Napakislot ako nang bigla na lamang itong lumingkis sa isang braso ko.

“A-ano ba, ate... kailangan pa po ba talagang gumanyan?” asiwang saad ko sa kinikilig pa ngayong babae.

Kung hindi lang masamang pumatol sa nakatatanda, malamang na kanina ko pa ito pinatalsik!

“Ito talaga si Ate Sol. Simpleng tsansing din, eh!” natatawang panggagatong ni Maggi.

Hinawakan na rin niya ang isang braso ni Ate Sol upang maihiwalay ito sa akin. “Oh, siya, Syd, mauna na kami sa inyo,” pagpapaalam ni Maggi nang makarating na kami sa kanto ng Street nila. “Don’t worry. Next time, ipapakilala na kita sa Honey Ko, okay? Congratulations ulit sa inyo!” huling saad niya bago sila tuluyang nagpaalam.

“Syd, sandali!” Napalingon ako sa gawi ng lalaking biglang tumawag sa pangalan ko, si Nikki. Tumatakbo na ito palapit sa amin.

Ilang beses ang ginawa kong pagtango ng ulo sabay fists bump, pagkalapit niya sa kinapupuwestuhan ko. “Tsong, kumusta? Ano ang sa atin?” pabungad ko sa kaniya.

“Napanood ko pala iyong laro niyo,” hinihingal niyang saad nang hindi natatanggal ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi.

“Ah, ganoon ba? Salamat, ha,” nahihiyang sagot ko.

“Oo, grabe! Ang galing mo talaga, Syd! Lalo na iyong pagdribol mo... nakakabuhay.”

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa nakakalokong banat ng sira-ulong ito. “Ano ang sabi mo?” pikon na tanong ko sa kaniya. Napansin din niya siguro ang pag-iiba ng timpla ko kaya agad din niyang binawi ang kalokohang sinabi niya.

“Este– i-ibang klase. Oo, oo! Ibang klase! Tama! Ibang klase nga!” kandautal na sagot ni Nikki.

“Ahh... okay, akala ko kung ano na, eh. Oh? Bakit mo nga pala ako hinahabol, ha? May kailangan ka ba?” may pagtataray na tanong ko.

“Ahm... puwede ba magpa-picture? Ipo-post ko lang sana sa social media account ko,” nahihiyang tugon niya.

“Noreen, paki-picturan naman kami ng crush ko, oh!” sabay abot ng cellphone niya sa isang kasama ko.

“Uy! Grabe siya! Kay Syd ka lang talaga magpapapicture? Aba! Paano naman kami? Kasali rin naman kami sa mga nagpanalo sa Team Maharlika, ah!” panlolokong hirit ni Noreen habang may pang-aasar na tinitingnan si Nikki.

“Oo nga, Nikki! Hindi naman puwedeng si Syd lang!” makulit na singit ni Lhian. Nagsunuran na rin sa kaniya ang iba pa naming kagrupo at kaniya-kaniya na ang ginawang pagpo-posing ng mga ito. Wala nang nagawa pa si Nikki nang matabunan na siya sa puwesto ng mga lesbiyanang kasama ko.

“Ang lagay ba niyan, eh, si Syd na lang ang palaging bida? Siyempre dapat kami rin. Kaya sige na, Noreen, picturan mo na kami!"

ILANG lote na lang ang pagitan at malapit na rin kaming makarating sa amin.

“OMG!” mahinang usal ko. Bahagya akong napahinto sa paghakbang nang masilayan ko ang isang pamilyar na motorsiklo na nakaparada sa harapan ng aming bakuran.

Hindi na ako mapakali. Tila may nagsisirko ngayong mga bulate sa loob ng aking tiyan! Ilang beses ang ginawa kong paglunok, kahit na tuyot naman ang aking lalamunan. Ang puso ko... hindi na magkandahupa sa paglundag! Ang taong kanina ko pa gustong makita, nasa amin pala?!

“Hoy! Ano na? Napahinto ka na riyan?” sita sa akin ni Lhian na nakapagpabalik sa akin sa katinuan.

“O–oo, oo. A–ano nga ba ulit iyon?"

Inismiran ako nito sabay arko ng isang kilay.

“Bahay mo kaya ito kaya ikaw ang maunang pumasok!”

“O-oo nga... sabi ko nga. Ito na, oh! Papasok na!” Sabay irap ko sa kaniya. Iiling-iling na naman itong sumunod sa akin. Nagsunuran na rin pumasok ang iba pa naming mga kasama.

“Oh! Nandito na pala ang prinsesa namin, eh!” masayang salubong sa akin ng Kuya Lemy ko. Napansin ko na marami na ang mga bisita sa loob, pero hindi ko nakita kung sino-sino ang mga iyon dahil nahaharangan sila ni kuya.

Napayuko ako sabay kamot ng ulo. Hindi ko maiwasang sumimangot. “Kuya naman, eh! Parang tanga lang? Nakikita mo naman ang hitsura ko, tapos sasabihan mo akong prinsesa? Baliw ka ba?” himutok ko.

Nilapitan ako ni kuya. Ni hindi niya man lang pinansin iyong sinabi ko. Mukha ngang tuwang-tuwa pa ito sa ginawa kong pabalang na pagsagot sa kaniya.

Nalipat ang tingin niya sa hawak kong tropeo. Kinuha niya ito mula sa akin at may pagmamalaking iniharap paangat sa mga bisitang nakatunghay sa amin.

“Tingnan niyo, mga ‘tol! May umuwi na namang MVP sa pamilya!” tuwang-tuwang balita ni kuya sa mga ka-tropa niya.

“Hi, Cinderella!” mula sa pamilyar na boses ng taong tumawag sa akin.

Dahan-dahan ang ginawa kong pagtingin sa kaniya. Tila ba nag-slow motion ang lahat ng nasa paligid ko.

Naestatwa ako dahil sa hindi inaasahang makikita. Para bang may kung anong bumara sa dibdib ko, na siyang pansamantalang ikinatigil ng aking paghinga.

"Miguel?” mahinang usal ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Jared Altez
hanep sa pogi problem syndrome mabasa ka nga hahaha ...
2023-01-25 07:41:28
2
user avatar
Magic Heart
Highly recommended.
2023-01-04 17:25:57
1
user avatar
Sophia Sahara
The story is well written. Highly recommended.
2022-12-30 19:03:47
1
user avatar
Gurang Gampol
bakit wala na po update
2025-02-25 07:59:36
0
47 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status