Share

Chapter 7

Penulis: Yzecream
last update Terakhir Diperbarui: 2024-06-15 00:45:20

Napaigtad ako sa lakas ng katok sa pintuan kaya napatingin ako sa orasan ko. 

"Aba, Meggay! Gumising ka na wala ka na sa hospital, aba 7:30 first subject natin!" sigaw ni Savannah kaya napakamot ako ng ulo at padabog tumayo mula sa higaan. Gusto ko pa matulog kaso may pasok.

"Oo na maliligo na ako!" 

Tumayo ako at pumunta sa closet para kumuha ng mga damit at pumasok sa banyo para maligo. Nang makaligo ay lumapit ako sa vanity table ko at nag suklay, blinower ko rin ang buhok ko; hinayaan kong bumagsak ang mahaba at wavy kong buhok, I put powder and liptint pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at bumaba.

"Jusko senorita ala-siete na! Aba'y porket malapit ang eskwelahan natin dito ay kailangan mong matulog ng sobrang tagal!" asik ni Savannah kaya tinakpan ko ang tenga ko at ininis s'ya . Akala mo naman kung speaker s'ya nung past life, e. Ang ingay ingay. Umupo na ako at kumuha lang ng Toasted Bread para kainin.

"Eto na chocolate milk mo, Minx," Napabaling ang atensyon ko sa mug at kinuha 'yon kay Phoebe.

"Thank you, Ivory," sincere na saad ko kay Phoebe at uminom habang kumakain. Nang matapos ay umalis na rin kami para pumunra sa school. Nang makarating sa school ay dumiretso na kami sa room ko napatigil ako ng makita kung sino ang nasa building ko. Jusko ang aga aga para makita ko 'to.

"Girlfriend ko!" sigaw ni Patricio kaya sinenyasan ko siyang manahimik dahil pinagtitinginan siya.

"Patricio, manahimik ka nga nasa school ka," bored na sabi ko sa kanya, malawak ang ngiti n'ya habang nakatingin sa akin. Minuwestra noya ang magkabilang braso n'ya at parang sinasabi na yakapin ko siya, wala akong ibang magawa kung hindi bigyan siya ng yakap .

"Good morning, girlfriend ko!" masayang bati n'ya kaya umirap ako. Why not sa chat n'ya na lang sabihin 'to?

"Morning din."

"Nangako kang bibigyan mo ako ng kiss!" 

"Hindi ako nangako, Patricio."

"Dali na, please?" saad niya, nagkukunwaring bata. Kahit nagkukunwari s'ya ay para pa rin siyang Bata.

"Bumalik ka na sa room mo pag kiniss kita, ah?" mahinang saad ko tumango naman s'ya at malawak ang ngiti sa labi. Lumapit ako at hinalikan s'ya sa pisngi at tumakbo papasok ng room, napatingin ako kay Patricio na stay lang don at umiiling iling malawak pa rin ang ngiti, tinapik niya pa ang pisngi n'ya at umalis.

"Shems, ako kinikilig dito!" nang-asar na wika ni Savannah na inirapan ko lang.

"Gago, ansakit kinagat ako ng marami ng langgam!" asik naman ni Olivia.

"Nakakain ko na 'yung buhok ni Minx," saad naman ni Phoebe habang nakanguso. Umupo ako at binaba ang bag ko, napatingin ako kina Trisha na masama ang tingin sa akin. Umiling iling ako at naghintay ng Proff.

"Grabe talaga mga malalandi ngayon, 'no? Pati bagong transferi kinanti, gosh," asik ni Trisha kaya hindi ko pinansin, my phone beep so kinuha ko ang phone ko, only to see Patricio chat. Iniba talaga ng lintek na 'to ang nickname n'ya.

My boyfriend:

Ingat ka, mamahalin mo pa ako.

Lalo akong napailing at sinagot ang Chat niya. Ang corny.

Your girlfriend:

Oo mag aral ka dyan, tsk.

Mukha s'yang jejemon, jusko. Tinago ko ang phone ko ng lumapit si Trisha sa amin kaya napataas ang kilay ko.

"Remember this bitch Patricio is mine," maarteng wika niya. Eto 'yung ayaw kong part sa kanya. Lahat ay inaangkin na animo'y pati School ay sa kanya.

"Kung sa'yo siya bakit na sa akin siya ngayon?"

"Wooaaaah!" sigaw ni Savannah, kaya napangiti ako.

"Barsssss!" sigaw naman ni Olivia.

"Kasi inakit mo siya." Pinandilatan pa ako ng mata ni Trisha. Natawa ako ng sarkastiko, kusang lumapit si Patricio sa akin at never ko s'yang inakit.

"Nagpa-akit naman siya," pabalang na sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pamumula ng mukha n'ya ng sabihin ko 'yon.

"How dare you malandi ka?" asik niya sa akin. Kalmahan niya sana dahil mali mali pinaparatang nito.

"Kung malandi ako mas malandi ka."

"Boom, panesss!" sigaw uli ni Savannah. Napahawak pa sa ulo si Savannah na parang proud na proud sa akin

"Inagaw mo si Patricio sa akin!" asik ni Trisha. Nanlilisik ang mga mata n'ya habang nakatingin sa akin.

"Hindi ko s'ya inagaw, sadyang hindi lang talaga ikaw ang gusto." I pointed out because my classmates is looking at us.

"Kung hindi ka sana nagpakita sa kanya hindi mo siya makukuha!" sigaw nito sa akin. May Point naman siya, pointless.

"Kasalanan ko bang mas maganda ako sa 'yo?" 

"My face is pretty!" Inis na saad n'ya so I chuckled and put the palm in my chin. Yes, pinanlalaban si Trisha sa mga Pageant dahil tinake-down ko ang mga offers.

"How dare you babalaan kita babagsak ka ngayong fourth year!" inis na saad niya like she can. I am in the top and Trisha is in 45 position. Hindi na ako muling sumagot at ngumisi na lang sa kanya.

"How dare you, ano sabunutan tayo?!" inis na sigaw niya tumalsik pa ang laway n'ya sa inis! Hindi ba 'to tatahimik? Nakakarindi na, ah. Highschool ba 'to?

"Kung utak high school lang din ang makakaaway ko, bakit pa ako makikipag away sa'yo, eh nasa college naman na tayo," malamig na wika ko na nagpagulat sa mga kaklase ko.

"I'm not in high school!" 

"Kasi utak mo 'yung high school."

"Sa high school kasi maraming away do'n, kung gusto mo doon ka na lang makipag away nasa college na tayo pero ganyan pa rin ang utak mo. I-try mong bumalik sa high school para naman maki-jamming 'yang utak mo." Nakataas na kilay pang malamig na wika ko. Nanlilisik ang mata n'ya habang nakatingin sa akin

"Tatandaan mo 'to hindi ka makakapasok sa Foreister Company kasi professional lang ang pwede ro'n at ang katulad mo ang hindi allowed do'n," inis na saad n'ya. Hindi pa ba siya tapos sa mga nonsense speech niya?

"Ano pa ba ibabanta mo sa akin? Sabihin mo na, kasi hindi naman ako matatakot sa'yo." 

"Hindi ka makakapasok do'n, Minx! Hindi ko hahayaan na makapasok ka ro'n." 

Narinig ko ang pagtawa nina Savannah, Phoebe at Olivia sa sinabi ni Trisha. "First, paano ka makakapasok sa high class Company when you're in lower part of this class." Pinakita ko ang pangalawang dalire ko.

"Foreister ang apelido ko hinde Minx." Malamig na pagpapatuloy ko na ikinagulat n'ya, hindi lang s'ya but the whole class seems shocked. Ang Foreister Company ang goal nila. "Baka kasi ikaw ang hindi makapasok sa Companyang pagmamay-ari ng Mama at Papa ko." I tilted my head while saying those words that makes my Three friends laughed. 

"Ha?! Ngayon naman sinasabing mong anak ka nila, eh mukhang mahirap ka nga!" inis na saad n'ya kaya tumawa ako. Dapat ay nasa Ateneo ako but I choose this place for my friends.

"Kung mahirap ako bakit ka nandito? Edi mahirap ka rin?"

I bought my phone and went to the Gallery to show her our Family Photo. "Ngayon mo sabihin na makakapasok ka sa Companyang sinasabi mong makakapasok ka," malamig na saad ko, gulat pa rin ang mukha n'ya habang nakatingin sa akin, nawalan ng emosyon ang mukha ko.

"You're a fucking liar!" sigaw n'ya at bumalik sa upuan n'ya kaya napabuntong hininga ako.

"Woah, akala ko magsusuntukan na kayo eh," natatawang saad ni Savannah.

"Grabe ang cool mo, Minx," masayang sambit ni Phoebe.

"Grabe 'di ko akalain na ganyan ka pala makipag ratratan!" saad naman ni Olivia.

Umiling ako at kinuha ang tumbler ko para uminom ng tubig, naubos ang lakas ko ro'n, ah? Dumating na rin ang Proff namin at Binigyan na naman kami ng bagong ipapasang plates na s'yang hindi ko na ikinagulat.

"Class dismissed," wika ng Proffessor at lumabas. Nag-aayos ng itsura sina Phoebe, Savannah at Olivia. Lumabas kami at nagulat ako ng nasa labas na si Patricio, Caelum, River at Kyle. Honestly, anong ginagawa nila rito?

"Girlfriend ko!" sigaw ni Patricio kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko, tumingin ako uli kina Savannah, Phoebe at Olivia. Lumapit si River kay Olivia, lumapit si Kyle kay Savannah at lumapit si Caelum kay Phoebe kaya napailing ako, mukhang magjojowa din ang mga 'to. Umakbay si Patricio sa akin kaya sa kanya na bumaling ang atensyon ko.

"Girlfriend ko ba't sa kanila ka nakatingin? Ayaw mo na ba sa akin?" Napakunot naman ang noo ko at tumingin sa kanya nakanguso na s'ya. Napakaisip bata talaga nito.

"No, I'm just curious bakit sila lumapit sa mga best friends ko." 

"Hindi mo alam? Na-kwento nila sa akin na may jowa na sila at ako na lang wala nung sinabi nila 'yon!" asik n'ya kaya napataas ang kilay ko at Bumaling ang paningin ko sa kanila. Nakita ko ang matatamis nilang ngiti habang kasama ang mga 'jowa' nila, lalo si Phoebe masaya s'ya hinde ko nakita ang ganyan ngiti na meron s'ya. Hindi man lang nila sinabi sa akin na may jowa na sila. Napailing ako at naglakad papuntang canteen, nakasunod lang sa akin si Patricio.

"Order mo ako," utos ko sa kanya ngumiti naman s'ya at lumapit sa counter. Napatingin muli ako kina Savannah, Olivia at Phoebe na masayang nagtatawanan sa table nila. 'Wag na sana makuha pa ang mga ngiting meron sila ngayon dahil makakapatay ako.

"Oh, eto na oh." Binaba n'ya ang tray na may dalawang cheese sandwich at Isang delight at tubig. Ngumiti naman ako dahil mukhang alam niya ang pagkain na gusto ko.

"Kain na tayo," nakangiting saad ko tumango naman s'ya at umupo sa harap ko. "Nung nasa hospital ba ako ro'n sila nagkaroon ng relationship?"

"Oo, katulad nung ginawa kong paghalik sa'yo ganon din ginawa nila, edi ginawa ko na rin sa 'yo, epektibo pala," wika n'ya at kumain. "Kaya ako minsan ang nagbabantay sa'yo dahil nagda-date sila!" natatawang pang dagdag n'ya kaya nagsalubong ang kilay ko. hindi dahil sa hindi pagsabi ng mgha kaibigan ko about sa Relationship pero sa sinabi n'ya nung una.

"Mukha ba kaming practisan ng halik?!" inis na saad ko napatingin naman s'ya sa akin at kumain ng food n'ya at parang walang ako sinabi kaya hindi ko s'ya pinansin at kumain na lang. Kumakain lang ako ng tahimik dahil ayoko s'yang pansinin! Ginawa ba naman kaming practisan ng halik! Are they toying us?

"Oyy sorry na, Pumpkin," pagso-sorry ni Patricio pero hindi ko pa rin s'ya pinapansin kumakain pa rin ako. "Sorry na, Love."

"Paano mo ba ako papansinin?" tanong n'ya uli. Hinde ako umimik at kumain na lang

"Woah, andyan na ung isa pang transferi!" Hiyaw ng isang senior high kaya napako ang tingin ko sa pinto, pumasok ang isang pamilyar na tao sa akin, walang emosyon itong naglalakad habang hawak ang backpack niya. Napatingin siya sa gawi ko, lumiwanag ang mukha n'ya at dali daling lumapit sa akin.

"Ate!" asik n'ya habang nakangiti. Akalain mo na naman. Normal bang may transferi sa gitna ng klase?

"Oh, magaling kana pala?" 

"Oo, kahapon na-discharge na ako," nakangiting wika nito. Hindi na siya maputla. Napatingin ako sa gawi ni Patricio na madilim ang mukha. Mukhang nagseselos.

"Hmm, thats good." Nasagot ko na lang at uminom ng delight. Lumapit din sina Savannah, Olivia, at Phoebe dito kaya napako ang mga mata ni Calvin sa mga kaibigan ko. Hindi ko pa pala sila napapakilala kay Calvin. Napaayos si Calvin ng tayo ng nakalapit na sila dito. Huh? Sumaludo ito bigla kina Savannah, Olivia at Phoebe, kaya nagkunot ang noo ko.

"I'm Calvin Hart," madiing saad nito na akala mo ay sundalo. Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Who are you?" tanong ko. He's creeping me, how the hell Calvin know them?

"Maasahan n'yo ako!" madiing saad pa nito kay Savannah, ngumiti naman si Savannah at sinensyasan s'yang manahimik. Kilala ni Savannah si Calvin. Tumango ito at parang sundalong umupo. Napatingin ako kay Patricio na kumakain at hinde pinapansin ang mga nangyayare madilim din ang mukha n'ya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sino ba s'ya?" malamig na tanong ko kasi parang ako lang ang hindi nakakaalam kung sino s'ya.

"I'm m-,"  Tinakpan ni Olivia ang bibig ni Hart kaya kumunot ang noo ko. Nagkibitbalikat si Savannah at umiwas ng tingin. Ano bang meron?

"Calvin, balik ka na sa room mo," seryosong utos ni Savannah kaya nagtaka ako kasi hindi ganto ka seryoso si Savannah.

"Opo, ma'am!" sumaludo ito at mabilis na umalis sa canteen, bumalik din si Savannah, Phoebe at Olivia sa mga jowa nila na parang walang nangyari. No, they have to explain this to me! What happened?!

"You okay?" tanong ko kay Patricio na madilim pa rin ang mukha. Tumango soya at kumain ng tahimik, kumain na lang din ako. Hindi ako makakain ng maayos dahil apakatahimik ni Patricio, lumabas na sina Savannah, Olivia at Phoebe.

"Love," malambing na tawag ko sa kanya.

"Balik ka na sa room mo pagtapos tatapusin ko pa 'yung nasa Blueprint ko," saad niya at tumayo, ngumuso ako at kumain. Hinila ko ang uniform n'ya at ngumuso ako, tumaas naman ang kilay n'ya habang nakatingin sa akin.

"Love." 

"Hmm?" 

"Bati na tayo, please?" Nakanguso at nanlalambing na boses kong saad sa kanya, he bit his lower lip at umiwas. Sige iwas pa. Ngayon ko lang 'to ginawa sa buong buhay ko.

"Hinde naman tayo nag away."

"Sige na kasi, Love," pinipilit kong wag mainis. He sighed.

"Babalik na ako," saad n'ya at pilit tinatanggal ang kamay ko sa uniform n'ya. Good thing I'm strong. Hinigpitan ko ang hawak at pilit wag mainis.

"Ano ba kasing problema?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

"Wala tayong problema."

"Eh, bakit ganyan ka kung umasta kung wala?" tanong ko at kalaunan ay napabuntong hininga. "Bwiset na 'yan! Nilalambing kana't lahat lahat ay ikaw pa ang galit?! Ako 'yung galit sa'yo 'di ba?!" inis na asik ko sa kanya. Inalis ko ang hawak ko sa uniform n'ya at padabog kinuha ang delight ko at lumabas

"Bwiset!" 

Naglakad ako pabalik sa room ng may mapansin ako sa malayo, nagkunot ang noo ko habang nakatingin kina Savannah at Calvin na naguusap ng seryoso, may pinapakita si Calvin kay Savannah sa laptop nito at kinakausap n'ya ng seryoso si Calvin.

Hindi ganyan si Savannah pero bakit apakaseryoso n'ya? Ano ang connection ni Calvin kay Savannah Olivia at Phoebe?

Aalamin ko yan lahat para hindi na ako ma-curios dito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Secret Mafia   Special Chapter: The Second Gen

    "Kuro! Get your ass back here!" Oliver shout as he run towards to Javier boy, Augustus just shrugged and rolled his eyes before facing his friend.Oliver is River and Olivia's son and Augustus Kuro Javier is Meggay and Ken's son."Why? It's early in the morning and we have to go to school before we get late," Kuro said bored and tighten his grip on the expensive bag that Meggay brought him."We can just ditch it! My dad found a good club in Manila, we can just go there for this day!" Oliver protested but for Augustus, he needs to study for the practical exam."I will tell that to your moms!" Harmony shout and they both looked at Phoebe's daughter, She was glaring at Oliver."I know Kuro! He will not ditch but you, Oliver, I'm sure you will ditch the class today!" Harmony protested and flick Oliver's forehead, despite being of different ages they are still going to the same school."Oh, goodness! This kid!" A shout was heard from far away and this time it was Savannah and Kyle, daughte

  • The Secret Mafia   Special Chapter: Patricio

    I went back to France after the marriage of Foreister Twins.I smiled bitterly when I feel the wind braising me and I remember how lonely I am to begin with. I'm alone now."Ganito pala 'yong feeling na makita mo 'yong mahal mo na ikinasal sa iba." I whispered and went to the kitchen to make coffee."Kumusta na kaya si Hannah?" naiusal ko na lang habang hawak ang cup ng kape ko.Masaya ako para kay Meggay dahil nakita niya na 'yong taong para sa kanya... pero andito pa rin 'yong panghihinayang na hindi ako 'yon pero ako naman ang may kasalanan ng lahat ng iyon kung bakit nauwi sa ganito.Nang matapos sa pagkakape ay natulog na lang ako dahil may pasok pa ako bukas sa companya. Everything went back to normal now.Pagkadiretso sa companya ay nandoon na naman ang empleyado ko."Boss, you're back now! Finally boss!" he said while following me."I just attend to the invitation from someone I know and went back here. I still have lot of works to do," I answered."That's really good, boss. W

  • The Secret Mafia   Book #2 Epilogue

    Meggay's P.O.V"Congrats sa bagong kasal! Maraming anak ang naghihintay sa atin!" malakas na sigaw ni Savannah habang umiinom ng champagne.Habang si Phoebe naman ay nakaupo lang dahil due na siguro bukas, pinigilan namin na wag na pumunta pero sabi niya pag hindi siya pumunta ay mababaog ako, hinayaan niya na lang siya ni Caelum, pero nakabantay.Kausap ni Ken si Kevin at kami lang ni Ate ang nakaupo.Patricio is here too, Kinausap ko siya na 'wag niya na dapat sisihin pa ang sarili niya sa mga nangyari noon.Akala ko noon ay mawawala na ako, Akala ko ay hindi na ako makakaligtas pero salamat sa Ate kong tumulong sa akin sa lahat."Bigayan na ng message sa ating mga bagong kasal!" sigaw na naman ni Savannah kaya natawa ako. Ang lakas pa rin ng boses niya. Built in ata ang speaker sa lalamunan."Ako mauuna!" sigaw ni Phoebe at binaba ang hawak nitong gatas, Bawal siya uminom nang champagne eh. Inalalayan siya ni Caelum patungo sa stage."Since, eto na ang araw ng kasal niyo and I'm re

  • The Secret Mafia   Chapter 61

    Ken's P.O.VI waited for you that day. Akala ko uuwi ka ng walang sugat, Akala ko ay gising ka pa noong umuwi ka. Ngunit ngayon nandiyan ka at natutulog nang mahimbing.Sinalag mo ang balang hindi naman para sa'yo. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong salagin iyon. Bakit kailangan mong salagin ang balang dapat ay para sa kanya?!Mahal mo'ko pero bakit kailangan mong salagin 'yon?!Napahilamos ako sa buong mukha ko habang nakatingin sa mga matatayog na gusali dito. Nasa Veranda ako nang kwarto ni Meggay.Nag-stay ako dito para mabantayan siya, mabantayan kung kailan siya gigising."Kailan ka kaya magigising? Ikakasal na ang kapatid mo ikaw na lang ang hinihintay niya." I whispered to the air and went back to the room. Dumiretso ako sa kama ni Meggay.Sumobra na ata ang puti niya, Hanggang tiyan na ang kanyang buhok, Makinis pa rin siya.Hindi ko malilimutan ang paghalik niya sa akin nang araw na iyon, Patuloy pa rin bumabalik iyon sa akin."Miss na miss na kita." I whispered

  • The Secret Mafia   Chapter 60

    One year later...Meggan's P.O.VIt's been a one year but she is still not awake. Everything changed in just a snap of it.Phoebe is now eight months pregnant, next month is her due, Kevin already propose to me.Savannah and Kyle is now on vacation, Olivia and River is both working here right now.We keep waiting for her to wake up but everyday keep changing.Siya na lang ang hinihintay kong magising para sa kasal ko.Patricio already decide to leave the company, some of famous Company invited him to be their Engineer and he's now in the France.Lagi kong iniisip na, Bakit kailangan niyang salagin ang balang iyon? Bakit kailangan niyang isipin si Hannah samantalang hindi naman niya anak iyon? Bakit hinayaan niya na ang sarili niya ang maghirap dahil sa lalaking nagpahirap sa kanya?I have so many what if's, What if dumating ako ng maaga ro'n? What if sinamahan ko na lang siya sa mansyon para hindi siya umalis? Damn this what if's nothing will fucking change."CEO Kyoto." Napabalikwas

  • The Secret Mafia   Chapter 59

    Meggan's P.O.V"Nandoon ka pero hindi mo siya pinigilan! Alam mo naman ang ginawa niya kay Grethel 'di ba?!" sigaw ko kay Ken pero nagpa-panic pa rin siya."Meggay can handle herself, okay?" Savannah said, nagsusuot siya nang itim na sando at itim na jeans, nakasuot na din sya nang black boots."Olivia, ikaw ang bahala sa sniper. Shoot to kill if something happens," wika ni Savannah, tumango naman si Olivia at inayos ang sniper nito."Sean, nasaan si Meggay? Any location?" tanong ko kay Sean, mabilis ang pag tipa nito sa keyboard."Rooftop ng dati apartment ni Patricio, Wala pa siyang sugat, 'wag kang mag-alala," wika ni Sean kaya tumango ako. Nawala ang kaba ko dahil do'n.Nilagay ko ang baril ko sa tagiliran, at kahit maikli na ang buhok ko ay inipitan ko pa rin ito."'Yong kotse ayusin niyo na," wika ko, tumalima naman sila at inayos ang sasakyan koNaglakad ako patungo sa parking, nakasunod na sila kaya nag madali ako at sumakay sa driver seat. Sumakay sila kasunod ko kaya pinahar

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status