Share

CHAPTER 45

Dauphine's P.O.V

Tulad ng nakakasanayan ay tulog mantika pa rin itong si Brianna habang kami naman ni Tatiana ay masayang sinusubukan ang lahat na mga damit na ibinigay sa amin nina Diana at Elaine.

Noong una ay akala ko mga maldita 'yong sina Elaine at Diana pero nagkakamali lang pala ako. Binigyan pa nga kami ng maraming damit kaya sobrang saya ko talaga dahil mas gumaganda pa ako kapag suot ko ang mga damit na ito.

"Bagay ba sakin?" tanong sa akin Tatiana habang nasa harapan ng salamin.

"Syempre naman dahil 'yan ang pinili nila Elaine para sa 'yo." sagot ko sa kaniya habang inaayos ko rin ang suot kong damit. "Ako ba? Bagay rin ba sa akin?" At saka naman siya tumango.

Kailangan ko talagang mag papaganda ng maayos dahil concert ngayon ni Jax at gusto kong mag mukha akong maganda doon.

Nagulat naman kami ng biglang nag sasalita si Brianna sa likuran namin.

"Aga aga naman." sabi niya habang nakapikit pa ang mga mata.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status