Share

Chapter 39

"Ano? Wala kang sasabihin? Kasi kung wala naman, gusto ko sanang mapag-isa," taboy ni Carnation sa binata ng ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin nagsalita si Luca.

Disappointed siyang napailing nang hindi pa rin ito nagsalita. Siguro ay tinamaan talaga ito sa sinabi niya kanina, na katulad ng kaibigan nitong si Wregan, isang cheater. Dahil kung matinong lalaki itong kaharap niya hindi siya nito susubukang halikan. For pete sake! He has a girlfriend. Hindi ba talaga makuntento sa isa ang mga lalaki?

"I'm sorry. . ." Hindi natuloy ang tangkang pagtalikod ni Carnation sa binata, sa halip ay nalukot ng husto ang noo niya sa sinabi nito.

"Sorry? Sorry, kasi tulad niya cheater ka?" Sarkastiko siyang tumawa nang umigting ang bagang ng binata. Ano galit na ito? Pero totoo naman, ah?

"That's not true. But I want to say. . . I'm sorry." Siya naman ang napa-igting ng bagang sa sinabi ni Luca. "It's not my intention for you to believe that I'm cheating o

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status