Share

ix. Free Massage

Mahinang katok sa pinto ang pumukaw sa akin sa aking pag-idlip. I quickly checked on my son who was next to me. Gising na ito at nilalaro ang dulo ng sarili nitong lampin. Muli kong narinig ang mahinang pagkatok sa pinto at agad akong nairita.

"Alam kong kaya mong pumasok sa sarili mong kwarto kung gugustuhin mo, Wregan Leath!" malakas ang boses na sabi ko. Dahan-dahan naman na bumukas ang pinto at sumilip doon ang lalaking na kasagutan ko kanina.

"Galit ka pa ba?" tanong nito. Halatang tinatansya ang magiging reaksyon ko. "I wasn't thinking clearly earlier. I apologize if I upset you—"

"H’wag na nating isipin ang nangyari kanina. Anong oras na ba?" Ipapahinga ko lang dapat ang mata ko pero tuluyan akong nakatulog. Paano ay napuyat rin ako kagabi sa kaiisip kay Wred, hindi ako mapakali. Kagabi kasi ang unang beses na hindi ko kasama ang anak ko. Hindi ako nakatulog dahil sa pakiramdam na parang may kulang sa akin.

"1pm na. Nagluto nga pala ako ng lunch baka gusto mong kumain. Ako muna ang bahalang magbantay kay Wred." 

Tumango ako. "Sige. Gutom na rin naman ako. Ikaw? Kumain ka na ba?"

"Y-yeah. Naisip ko kasi mas magandang kumain na ako para salitan tayo."

"Hindi mo naman kailangan mag-explain sa 'kin," sabi ko at bumangon sa kama. Kinarga ko si Wred na agad naman kinuha sa akin ni Wregan Leath bago kami lumabas ng kwarto.

"Nagluto ako ng sinigang," imporma niya nang pababa na kami sa hagdanan. Nakasunod lang ako sa kanila ni Wred. "I read on the Internet that breastfeeding mothers need to consume more soup in order to produce more milk for their babies."

"Sa dami ng sabaw, sinigang pa. Aasim ang gatas ni Wred."

"What? Is that true?" Nataranta niyang tanong at hinarap ako. Tumigil pa ito sa paghakbang pababa ng handan. "G-ganun ba 'yon? Hindi bale magluluto ako ng ibang putahe—"

"Nagbibiro lang ako," awat ko at mahinang natawa. Kinamot naman nito ang ulo. Mukhang seneryoso talaga nito ang sinabi ko. Ang dali naman pa lang lokohin ng lalaking ito, sabihin ko kaya na hindi siya ang ama ni Wred? Nah… Kamukha talaga ni Wred ang ang ama niya, 'di effective ang ganun. 

"Sige na. Gutom na ako," sabi ko at naunang naglakad pababa ng hagdan. Sa kusina ako dumeretso, si Wregan naman ay sa salas para bantayan si Wred habang nanunuod ng TV.

Habang kumakain ng tanghalian, hindi ko maiwasan ang ngumiti. Nakakatuwa lang kasi, nag-abala pa itong magluto ng sinigang para raw marami akong milk for Wred. Hindi na masama, medyo pass na siya para maging daddy ng baby ko. Although, siya naman talaga ang daddy, ang ugali at kilos ng pagiging isang ama ang tinutukoy ko.

Nagliligpit na ako ng pinagkainan ko nang pumasok si Wregan sa kusina karga si Wred. Akala ko kung ano na ang gagawin niya nang lumapit siya sa akin, ibibigay lang pala si Wred.

"Gusto na ng anak natin ng milk. Ako na ang bahalang maghugas ng mga iyan, padedehin mo na siya sa kwarto," kaswal na sabi niya, pero pakiramdam ko biglang nag-skip ng apat na beat ang puso ko.

"O-okay," f*ck anak natin? Bakit parang tunog mag-asawa ang pagkakasabi niya? Ang paraan ng pagsasalita ba niya o baka naman ang pandinig ko ang may deperensya? Kinuha ko mula kay Wregan si Wred at nagpaalam na papanik ng kwarto. Siya naman ay pinagpatuloy ang ginagawa kong paghuhugas ng mga hugasin. 

Hindi ko maiwasan ang ngumiti habang nagpapadede kay Wred. Pareho na kaming nakahiga sa kama at para akong tanga dahil paulit-ulit kong inaalala ang mga sinabi ni Wregan kanina. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na magkaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya. Pero agad din akong bumuntonghininga nang maalala na hindi ko makakamit ang complete family na pinapangarap ko. Bakit ba kasi sa dami ng lalaki sa kanya pa ako nagpabuntis? Sa kanya na cancel.

Isang katok sa pinto ang nagbalik sa akin sa reyalidad. Bumukas iyon at pumasok si Wregan para lang matigilan, umiwas pa ito ng tingin. Hindi ko tuloy napigilan at na kunot ang noo.

"May problema ba?" nagtataka kong tanong. Hindi pa rin kasi ito gumagalaw at naroon lang sa isang sulok ang paningin.

"Sorry, akala ko tapos kanang magpadede kay Wred. Maliligo sana ako, balik na lang ako mamaya." Akmang tatalikod na siya nang pigilan ko.

"Bakit ka aalis? Kung gusto mong maligo, edi maligo ka. Hindi ko naman hawak ang banyo," pag-aalaska ko. Ano ba ang problema ng isang ito? Maliligo lang pala para namang pag-aari ko ang banyo.

"S-sige." Tuluyan siyang pumasok ng silid at isinara ang pinto. Nagtataka ko naman siyang sinundan ng tingin nang diretso lang itong tinungo ang banyo nang hindi bumabaling ng tingin sa amin ni Wred.

"Anong problema ng lalaking iyon?" na tanong ko na lang sa sarili nang tuluyan na itong pumasok ng banyo. Bumaling ako kay Wred na mahimbing na natutulog at doon ko napagtanto ang problema ng ama nito. "F*ck!" Wala sa sariling pagmumura ko nang makita ang lantad kong d*bdib, kaya pala umiwas ito ng tingin sa amin, kita pala ang malusog kong d*bdib. 

"Kung umiwas ng tingin akala mo hindi niya natikman," sabi ko at inayos ang suot na damit. Inayos ko ng higa si Wred at nilagyan ng unan ang magkabilang gilid ng higaan bago bumangon mula sa kama. Nagtungo ako sa couch na narito sa silid upang kunin ang phone sa bag na ipinatong ko sa couch. Naupo ako at inatupag ang phone, ayoko kasing matulog dahil tanghali na, baka hindi ako makatulog mamayang gabi.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong naroon lang at nanunuod ng modeling video sa YT. Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo at agad akong nagsisi nang mag-angat ng tingin, ang gwapo kasi ng lalaking nakatayo doon, pero ang pagkamangha ko ay napalitan ng pagtataka nang makita ang ayos nito.

"Akala ko maliligo ka? Kanina ka pa d'yan sa banyo, ah?" puna ko. Paano ay ganun pa rin ang ayos nito. Hindi naman sa inaabangan kong lumabas ito ng banyo na tanging tuwalya lang ang takip sa katawan, pero parang ganun na nga. Feeling ko nakalimutan ko na ang itsura ng hubad nitong katawan. "Ano? Tatayo ka na lang ba d'yan? Ligo na!" Natatawa ko pang sabi. Ibabalik ko na sana ang atensyon sa gadget ko nang bigla siyang lumakad patungo sa akin na hindi man lang tinatanggal ang malagkit na tingin niya.

"Ayaw mo na bang maligo?" Pilit kong pinakalma ang tono ng pananalita, pero ang d*bdib ko ay labis na ang pagrigudong. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito?

"Pilit kong pinigilan," sabi niya. Nakatayo na ito sa harap ko, hindi pa rin nawala ang malagkit na tingin sa akin. "But damn those f*cking tits!" Nanlaki ang mata ko sa gulat sa sinabi niya. Papalag pa sana ako ngunit biglang hinila ng gag* ang paa ko kaya napahiga ako sa couch, hindi ko na alam kung saan ko naibato ang hawak na cellphone.

"Wregan!!" Sita ko nang pumaibabaw siya sa akin. 

"I'm trying my best to hold myself but, damn it! I miss touching you." Napasinghap ako sa labis na pagkagulat nang walang paalam niyang nilamas ang pareho kong d*bdib.

"F*ck! Iyong gatas ni Wred nasasayang," bulalas niya nang bumakat ang basa sa suot kong damit. Paano ba hindi lalabas ang gatas kung gigil na gigil siya kung pigain iyon na akala mo naman baka ako na ginagatasan niya. Pero in fairness…masarap sa pakiramdam ang ginagawa nitong pagmasahe sa d*bdib ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status