Nasa kanya na ang lahat—pamilya, pera, kagandahan at kasikatan ngunit hindi pa rin masaya si Petunia. Ang kaisa-isang lalaki kasi na minahal niya ay piniling magpakasal sa iba, dahil likas na may mabuting puso nagparaya si Petunia. Ngunit paano kung dumating muli sa kanya ang pag-ibig? Handa pa rin ba siyang magparaya para sa iba gayong nagbunga ang isang gabing kapusukan nila ni Wregan Leath, ang matalik na kaibigan ng first love niya?
Lihat lebih banyakHawak ang Negroni, a cocktail drink, walang emosyon sa mga matang pinanood ko ang couple na nakangiti sa isa't-isa habang romantikong nagsasayaw sa gitna ng piging. I took a sip from my glass, at agad na nalasahan ko ang pinaghalong sarap ng vermouth rosso, campari at gin.
Ito ang pinaka masayang araw para sa bagong kasal. Ngunit para para sa akin, ito ang araw kung kailan ililibig ko ang luhaan at talunan kong puso. Kaibigan ko ang groom—ang lalaking unang nagpatibok ng aking puso at siya ring nagpatigil ng pagtibok niyon. Napakasakit na makitang masaya sa piling ng ibang babae ang lalaking minahal ko ng buong puso, nagparaya ako dahil hindi ko maatim na pilitin siyang piliin ako.
Nagpalakpakan ang mga bisitang dumalo sa kasal nang masayang nagtapos ang sayaw ng groom at bride. Isa-isang pumalit sa dance floor ang magkakapares nang bisita para mag-sayaw. Tumalikod tumalikod ako upang bigyang daan ang ibang bisita na nais sumali sa sayawan, ngunit nabungo ako ng isang matipunong katawan.
"I'm sorry, hindi kita nakita," agad na paghingi ko ng paumanhin sa nabakabanggaan.
"May I dance with you?"
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harap. Umasim agad ang timpla ng mukha ko nang makilala ang lalaking kaharap.
"Wregan Leath," tawag ko sa ngalan nito.
"Yes, Miss. Doukas?" Matamis ang ngiti na tugon niya sa akin.
"Move. I want to go home."
"Why? Hindi pa tapos ang party. Don't tell me, nasasaktan ka pa rin sa tuwing nakikita silang dalawa na magkasama at masaya?" tudyo ni Wregan na nagpainis lalo sa akin.
"It's not your damn business, Wregan Leath."
"Dance with me." Inilahad ni Wregan ang kamay sa harap ko.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. ‘Ano naman kaya ang gimik ng lalaking ito? Wala ba itong taong magugulo kaya ako ang kinukulit?’ tanong ng aking isipan.
"Sorry, but I don't want to dance with—"
"Talagang ipapakita mo sa kanila na affected ka? Do you want to show them na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin maka-move on?” Ngumisi siya sa akin. “Hindi mo pa rin ba malimutan si Lu—”
"Fine. I'll dance with you. Happy?"
Nagkibit balikat siya.
“Gusto ko lang naman ipakita sa kaibigan ko at ex-fiance na okay na ako; na masaya akong masaya sila,” tukoy ni Wregan sa groom at bride.
Umirap ako upang ipakitang nayayamot ako sa topic niya.
Tinanggap ko ang kamay ni Wregan. Dinala niya ako sa gitna ng dance floor. Mabagal ang tugtugin. Ang mga couple na naroon at kasama namin ay magkayakap na nagsasayaw sa saliw ng musika. Tanging ako at si Wregan lang ang nagsasayaw na halos isang dipa ang layo sa isa't-isa.
"Ang awkward mo isayaw,” mamaya ay reklamo niya sa akin.
"Hindi mo dapat ako niyaya dito kung marereklamo ka lang naman, napapahiya lang tayo pareho." Pagsusungit ko.
Ngumisi lang si Wregan sa sinabi ko, para bang hindi siya apektado sa pagsusungit ko, mukhang nag-e-enjoy pa nga siyang tinatarayan ko.
"Hindi na 'ko magtataka kung tumanda kang dalaga. Masyado kang masungit para i-date," bulong niya.
“I'm not looking for a date—"
"Type ko ang masungit,” putol niya at maingat na hinawakan ako sa baba. Inangat niya ang aking mukha at tinitigan ng mabuti. “Pero mas type kita.”
Natigilan ako sa sinabi niya, ngunit nanatili akong kalmado, kahit pa ang bilis ng tibok ng puso ko—para itong lalabas na sa rib cage ko. No. Hindi ako dapat magpaapekto sa mabulaklak na salita ng lalaking ito, kilala ko ang mga uri niya. Alam kung kukunin lang niya ang tiwala ko, pa-iibigin ako, at kapag nahulog na ako ng tuluyan sa kanya ay iiwan na ako ng luhaan at duguan ang puso.
"Sorry, hindi ako interesado sa mga bolerong lalaki na katulad mo."
"Ouch!” Hinawakan nito ang kaliwang d*bdib na para bang nasaktan talaga ito sa sinabi ko. "Hindi pa nga ako pomoporma binasted na,” wika niya at lumabi. “Hindi ko alam kung pinanganak kang bitter o dahil minsan ka ng nasaktan kaya tinutulak mo palayo ang mga lalaking lumalapit sa’yo."
"Both," walang emosyon na tugon ko..
Wregan Leath chuckled. “Cute,” sabi pa niya na hindi nakaligtas sa pandinig ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong hinatak at yumapos sa baywang ko ang isang kamay niya, dahilan para hindi ako nakahakbang palayo.
"W-what are you doing?" nataranta kong tanong at nilingon ang paligid. Walang nakatingin sa amin, busy ang mga tao sa paligid namin sa pagsasayaw. Ngunit ‘di ko pa rin gusto ang posisyon naming dalawa!
‘What the f*ck? My heart is beating like crazy!’ sigaw ng aking isip.
"Dancing?" Kibit-balikat, patanong na sagot niya.
Binigyan ko ng masamang tingin ang kaharap. Gusto kong pakawalan na niya ako, ngunit tila hindi man lang ito nakaramdam. Sa halip ay ngumisi lang siya na mas lalong nagpairita sa akin.
Huminto ako kaya napahinto rin siya sa pagsasayaw. Pareho kaming nakatayo lang sa gitna ng dance floor na parang mga timang.
"Let me go," mariin, puno ng awtoridad na utos ko kay Wregan Leath.
Hindi siya kumilos, ngunit nang mapagtanto na seryoso ako sa aking sinabi, binitawan nito ang baywang ko at itinaas ang parehong mga kamay na para bang kriminal na sumusuko sa mga pulis.
"Saan ka pupunta?" Pinigil niya ako sa braso nang tinalikuran ko siya.
Napairap ako at hinarap siyang muli. Itinuro ko ang roof ng ballroom. "Casa de Lujuria,” sagot ko, tinutukoy ang nightclub sa rooftop ng hotel.
"Can I go with you?"
Pinaningkitan ko ng mata ang lalaki. Now, what? Ang akala ko ay ayaw nitong lisanin ang party. Bakit bigla itong nagpresenta na sumama sa akin?
"I'm heartbroken too. I need a drink or two?" Hindi ko pa man tinanong ay nagdahilan na agad siya. Wala na tuloy akong nagawa kundi hayaan itong sumama sa akin. Tutal naman mapilit siya, siya na ang pagbayarin ko ng mga inumin ko. Okay lang naman sigurong magpalibre sa lalaking ito, as far as I can remember may share rin siya sa hotel katulad ni Luca.
Napahinto ako sa exit at muling tinanaw ang couple sa ibabaw ng platform, nakaupo sa kanilang pwesto. Mapait akong ngumiti…
'Oras na lumabas ako sa function hall na ito, iiwan ko na rin ang feelings ko para sa'yo, Luca.'
"Come on, tigilan mo na ang katitig sa kanya. Ako ang kasama mo, hindi maganda na tumitingin ka sa ibang lalaki, Miss Doukas. You're hurting me."
Hinarap ko si Wregan Leath at sinamaan ng tingin, nginisihan lang naman ako nito.
"Ayos, ah? Ganyan mo rin kaya ako tingnan kapag dinala kita sa langit?"
"Shut up! I'm not going to f*ck you."
“Okay, sabi mo, eh!” Casual niyang tugon at inakbayan ako. “Tara, inom na inom na ako,” anya at hinatak na ako palabas ng function hall kung saan ginaganap ang wedding reception ni Luca at Carnation.
“Anong resulta?” tanong agad ni Wregan nang makalabas ako mula sa bathroom ng aming ginagait na silid. Nilakihan ko ang bukas ng pinto upang ipakita sa kanya ang sink kung saan nakahilera ang limang pregnancy test. Kabadong pumasok si Wregan at lumapit sa sink, ako ay nanatiling nakatayo sa may pinto, nakahawak sa door frame."I'm not pregnant," basag ko bigla sa katahimikang namayani sa pagitan naming dalawa. Hindi na kasi nagsalita si Wregan matapos isa-isang tignan ang mga PT, nakatutok lang ang tingin niya sa mga nakalatag na pregnancy test. “It’s a good thing that I am not pregnant, right?”"I won't deny it, I hope you are pregnant. But it's alright, we have plenty of time for the second baby." Isa-isa niyang pinulot ang mga Pt at itinapon iyon sa malapit na trash bin."Wash your hands please," paalala ko sa kanya na agad namang ginawa ni Wregan bago lumapit sa akin. "Bakit ba gustong-gusto mo ng second baby?" tanong kong yumakap sa baywang niya. Gumanti naman ng yakap si Wregan
Tanghali akong nagising kinabukasan, wala na sa tabi ko ang mag-ama kaya bumaba agad ako ng kusina para hanapin sila. Sa kusina, isang middle-aged woman ang aking naabutan, nagkagulatan pa kami nang aksidenteng magkasalubong; ako papasok ng kusina, siya na palabas at may dalang tray ng breakfast.“Maayong buntag, Ma’am. Gising na pala kayo. Ako si Tesa, ang katiwala ni Madam Hyacinth sa beach house na ito. Saan niyo po gustong kumain ng agahan?"“M-magandang umaga, Manang.” Nahihiya kong tugon. Ang bilis niyang magsalita, mabuti na lang at Tagalog ang kanyang lenggwaheng ginagamit, kung hindi ay hindi ko talaga siya maintindihan. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang pagkain. “Sa akin po ba ang mga iyan?”“Oo, ma’am. Ang sabi kasi ng asawa niyo’y maghatid ako sa inyo ng pagkain sa kwarto."“A-asawa?”“Oo, nasa dagat sila ng anak ninyo.” Napalingon ako sa glass wall kung saan makikita ang malawak na dagat, ngunit puro sanga at dahon ng malalaking kahoy ang aking nakita roon. “Hindi mo
Sa isang shipyard sa Navotas kami dumaong, ang sabi ni Gregory ay kaibigan niya ang may-ari ng nasabing shipyard. Mahigit apat na oras rin ang byahe namin sa dagat dahil medyo maalon. Thankfully, walang naging aberya at safe kaming nakadaong ng Maynila.May sasakyan nang nakaabang sa amin nang makababa kami ng yate ni Gregory. Ang buong akala ko pa ay kami lang ni Wregan ang sasakay, ngunit sumama sa amin si Gregory para ihatid raw kami sa airport. Naguguluhan man ako sa nangyayari, pinili kong manahimik at kimkimin ang mga bagay na gusto kong itanong sa dalawang lalaki na aking kasama."We are here," imporma ni Gregory nang huminto ang aming sinasakyan. “Here are the plane tickets for General Santos City. Someone will be waiting for you at the airport to escort you to your next destination.”"General Santos?" Worried na nilingon ko si Wregan. "Bakit kailangan nating pumunta ng General Santos? Anong nangyayari?""Magbabakasyon lang tayong tatlo.""Pero bakit naman ang layo?" Hindi ko
Tumikhim si Venom kaya napahiwalay ako ng yakap kay Wregan. Nginuso niya ang direksyon kung saan nakatayo si daddy. Gumaan ang loob ko at napanatag nang makita ang maamo na niyang mukha, pinanunood niya kami ni Wregan.“Since the misunderstanding has resolved. You’ll let them leave, right?” pagkausap ni Hyacinth kay daddy, tumango naman ito. Hinawakan ni Venom ang mga balikat ko at itinulak ako layo sa harap ng plaform. Naguguluhan na nilingon ko si Wregan, tumango lang siya sa akin, sinasabing sumakay nalang ako sa gimik ng kapatid ko. Sumunod naman agad sila ni Helian sa amin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palayo kay daddy.“What will happen to him?” tanong ko kay Hyacinth nang makarating kami sa harap nila ni Enver. Worried na nagbaba ako ng tingin sa kanya na nakangiwi pa rin sa kirot ng tinamong tama.“May sasakyan na nag-aabang sa inyo sa labasan, naroon si Areum naghihintay sa inyo, kasama niya si Wred. Ihahatid kayo ng driver sa Subic Bay Yacht Club, naghihintay doo
“Stop this nonsense, Hyaci—”*bang!*Lahat kami ay labis na nagulat. Ang ilan ay napatili nang barilin ni Hyacinth si Enver sa hita, napa-igik ang lalaki at napaluhod sa isang paa. Nagulantang ako nang maging visible sa suot nitong white pants ang pulang stain ng dugo.“Should I shoot this nonsense' head then?” poker face na tugon ni Hyacinth kay daddy, itinutok nito ang baril sa ulo ni Enver at hinila sa buhok ang lalaki na nakangiwi dahil kirot ng tinamong tama.“F*ck! She really shot him!” angil ni Venom. Tinulungan niyang tumayo si Wregan Leath, habang si Helian naman ay inalalayan rin akong tumayo, muntik pa akong matumba dahil sa nanghihinangtuhod. Hindi ko alam kung paano nakarating ang dalawang ito sa tabi namin ni Wregan.Hinarap ko si Venom. “Akala ko ba walang masasaktan?”“Akala ko rin!” Nawindang na tugon niya, hindi inasahan ang nangyari.“Sa tingin niyo ba nagbibiro ako?” Bumalik ang atensyon namin ni Venom sa aming nakatatandang kapatid. "I want you to let them leave i
Umawang ang labi ko sa labis na pagkagulat sa aking nakikita. Hinaharana ni Wregan Leath ang aking ama. No, he is not serenading my father. It's more like he is sarcastically singing him a song and declaring war! What is wrong with this man? Nababaliw na ba siya? Hindi pa ba siya nakontento sa ginawang pambubugbog sa kanya at gusto na naman niyang ipahamak ang sarili niya?“You say I'll never get your blessing till the day I die~”Stressed akong hinilot ang aking sintido. Yes, he is clearly declaring war against my father. Ugh! Bakit ko ba nakalimutan na sira ulo ang lalaking ito? Napalingon ako sa aking mga kasama. Isa pang sira ulo ang nasa tabi, Venom is cheerfully cheering for Wregan leath, biglang naging fanboy ang baliw kong kapatid. May pa-banner pa ito’t iwinawagayway habang sumasabay sa pagkanta ni Wregan Leath.“I hate to do this, you leave no choice, can't live without her~”Napaka-ingay ng buong venue. Hindi na lang si Venom ang nagchi-cheer kay Wregan, kahit ang relative
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen