Share

Chapter 11

Malapad ang ngiti ni Leah na nakahiga sa kama nito, hindi maputol putol ang ang ngiti nito sa mga labi na kanina pa iniimagine ang nangyari sa kanila ng lalaking iniibig.

Maliwanag na ngunit hindi parin siya nakatulog dahil sa hindi makalimutan kung paano siya pinaligaya ng lalaking ibinaon niya ng matagal sa kanyang puso.

"Leah..!" Bigla siyang natauhan sa malakas na katok mula sa pinto ng kanyang kwarto, sa gulat ay bigla siyang napatayo at kinabahan baka nalaman na ng kanyang ina ang nangyari sa kanila ni Lucas.

"Bakit 'ma?" Tanong nito sa ina ng pinagbuksan niya ito ng pinto.

"Bakit naman hinayaan mo na sa sofa lang matulog ang iyong kaibigan, baka pinag pyestahan na yan ng lamok kagabi." Litanya sa kanya ng kanyang ina.

"Ho? Paanong dun siya natulog? E hinatid ko pa yan sa kwarto niya bago ako pumasok sa kwarto ko."Sagot nito sa ina na nagulat sa sinabi ng ina.

"Teka anak, bakit ang lalalim ng mga mata mo? Para kang zombie natulog kaba o hindi?!" Sambit ulit ng kanyang ina na
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status