The Billionaire Secret Child

The Billionaire Secret Child

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-27
Oleh:  MsAzeriaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
2Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Nahuli ni Azeria ang kaniyang asawang bilyonaryo na may kasamang ibang babae sa mismong opisina nito. Sa sakit at galit, tumakbo siya palayo hanggang sa nawalan siya ng kontrol sa sasakyan at nabangga. Nakaligtas siya, pero ang bata sa sinapupunan nila ay nawala. Agad siyang naghain ng diborsyo at lumipad patungo sa ibang bansa para simulan muli ang buhay. Ngunit makipas ang ilang araw ay nalaman niyang hindi lang isa ang dinadala niya noon kambal ito. Ang isa'y nawala sa aksidente, pero ang isa ay ligtas at lumalaki sa kaniyang sinapupunan. Isang taon na ang lumipas nang mapilitan siyang bumalik sa Pilipinas dahil ang kumpanya ng kaniyang pamilya ay nasa bingit ng pagkalugi at siya lang ang makakatulong sa kaniyang ina. Sa isang pagtitipon ng mga bilyonaryo, muling nagtagpo ang landas nila ng lalaking sumira sa kaniyang puso. Nagulat ito nang makitang mas malaki pa ang kaniyang tiyan kaysa noong umalis siya, handa nabang mag pakumbaba ng bilyonaryo para sa kaniyang mag ina o patuloy na ililihim ni Azeria ang bata para sa kaniyang kapakanan?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

AZERIA POV

“You're already twenty seven Ria” sabi ni mommy mula sa tawag “bakit hindi pa kayu mag pakasal ni Adrian” dagdag niya kaya ako'y napangiti. 

“Mom, hindi mo panga siya nakikilala” nakangiti kong tugon 

“peru wag kang mag alala, ipapakilala kona siya sayu, bukas na bukas din. Kasi sigurado akong pakakasalan na niya agad ako pag once na malaman niya ito” dag-dag ko. 

Isang malaking ngiti ang nakapaskil sa aking mga labi habang hawak-hawak ko ang isang maliit na kahon. Sa loob nito ay ang resulta ng aking pagdadalang-tao isang bagay na matagal na niyang pinapangarap na mag karon kami, tatlong taon na kaming nag sasam ni Adrian at sa wakas ay nag bunga na ang aming matagal ng pinapangarap. 

“Paano mo nasab—” agad kong pinutol ang sasabihin ni mommy ng huminto nako sa tapat ng pïnto ng office ni Adrian. 

“Malalaman mo din mom, sige napo mamaya nalang po kita tawagan nandito nako”sabi ko at pin@tay ang tawag, hindi parin maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman kaya huminga ako ng malalim.

Hindi ko na sinabi sa kaniya na pupunta ako kasi gusto kong sorpresahin siya alam kong abala siya, pero sigurado akong matutuwa siya pag nalaman niya ang bagay nato, dahan-dahan kong binuksan ang pintø para hindi niya ito mapansin— pery natigilan ako at nabitiwan ko ang aking bag ng hindi lang si Adrian ang nadatnan ko dito sa office.

Sa ibabaw ng kaniyang mesa, nakayakap siya sa ibang babae at halos walang suot ang mga ito, nang lumingon sila sa akin ay nakita ko ang pagkagulat sa mukha nila bago ito napalitan ng pagkailang. Ang babae ay si Marissa ang kaniyang sekretarya at mas masakit pa... nakita ko ang pagngiti niya sa mga labi at hindi ko man lang nakitaan mg pag sisi. 

Mabagal na ibinaba ni Lucian ang kaniyang kamay mula sa baywang ni Marissa at maging siya ay hindi ko nakitaan ng pag sisi sa kaniyang mga mata. 

"Azeria.. anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong sakin. Walang bakas ng pag-aalala o kahit hiya pinilit kong huminga nang malalim kahit parang sinasakal ako sa sakit na nakita ko

"Tama ka Adrian! " nanginginig kong sigaw, habang pinipigilan ang aking mga luha na pumatak. "Hindi dapat ako nandito… naistorbo ko tuloy ang katarantaduhang ginagawa niyo ng iyong sekretarya"

Tumawa nang mapakla si Marissa habang inaayos ang kaniyang damit. Lumapit siya kay Adrian at humawak sa braso nito, agad na kumirot ang aking dibdib ng hindi manlang niya ito tinanggal. 

"Yeah you're right Azeria hindi ka dapat pumunta dito, naistorbo mo tuloy ang ginagawa namin ni Adrian… kung kailan pasarap ng pasarap na" malandi niyang sabi habang hinihïmas ang dïbdïb ni Adrian na natutuwa pa sa ginagawa ng kaniyang Secretary. 

“Ang lakas rin naman ng loob mong sabihin yan sakin noh!!! Kabey kalang nama—” pinutol niya ang sasabihin ko na aking ikinatigil. 

“Kabet na kayang ibigay ang lahat ng gusto niya Azeria,” nakangiti niyang sabi “maging ang bata na ngayon ay nasa sinapupunan kona, ikaw maibibigay ba ng isang baog na kagaya mo ito”

“Is that true Adrian” nanginginig kong baling sa kaniya. 

“Yes!” Proud niyang tugon “hindi mo kayang ibigay ang batang hinihiling ko Azeria kaya normal lang na hanapin ko sa iba ang bagay na hindi mo kayang maibigay” bawat binibitawan niyang salita ay tila isang patalim sakin na isa-isang nabaon sa aking dibdib. 

"Umalis ka na, Azeris. Pwede bang huwag mong guluhin ang oras ko may mahalaga akong ginagawa," matigas na sabi niya, hinawakan ko ang gilid ng mesa para hindi ako matumba.

 "Mahalaga yan ba ang tawag mo sa ginagawa niyo, nakakadiri ka Adrian"

Tumayo siya nang tuwid at tiningnan ako mula ulo hanggang paa ang tingin niya ay puno ng panghuhusga na parang hindi niya ako kilala.

"At ano namang problema kung ganito kami ni Marissa sa tingin mo ba masaya ako sa'yo tatlong taon, Serenity. Tatlong taon at wala kang naibigay na anak, isa kalang walang kwentang babae na kailangan ng atensyon ko. "

"Walang kwentang babae!!!" Napasinghap ako dahil sa kaniyang sinabi at hindi makapaniwala sa naririnig ko "Ako ang nag-aalaga sa'yo Adrian ako ang naghihintay gabi-gabi kahit madaling-araw ka na umuuwi at ako ang nandiyan noong walang ibang naniniwala sa'yo tapus ganto lang ang isusukli mo sa akin?" Lumapit siya nang kaunt sakini, at bawat hakbang niya ay parang patalim na tumatama sa puso ko.

"Huwag mong isipin na hindi ko alam kung bakit ka nananatili," bulong niya, sapat lang para sa aming dalawa. "Nandiyan ka lang dahil kailangan ng pamilya mo ang pera ko peru hinayaan ko yun kasi kailangan ko ng asawang mag papanggap sakin, at alam mo sa sarili mo na hindi kita kailanman minahal kaya nga mas pinili mo nalang na itago ito sa pamilya mo. Kasi alam mong hindi ito totoo, ang kasal natin ay nakatago lang kasi kailangan natin ang isat-isa kaya huwag kang umasta na totoong nag mamahalan tayu Azeria"

Parang nabasag ang mundo ko sa mga salitang iyon. Mas masakit pa sa anumang sampal, at anumang panloloko kasi tama siya kasal kami peru sa papel lang at nakatago ito, ngunit umasa parin ako na magiging totoo ang kasal namin na balang  araw ay mamahalin rin niya ako. Peru nasayang lang pala ang lahat ng ginawa ko para sa kaniya. 

Hinawakan ko ang aking tiyan at ang kahon na dapat sana ay naglalaman ng aming kaligayahan ay nakahiga sa sahig, nakabukas na at nakakalat ang laman nito na walang saysay lang para sa kaniya tulad ng pagmamahal ko sa kaniya. 

"Alam mo, Adrian," sabi ko, at sa pagkakataong iyon, hindi na ako umiyak ang luha ko ay napalitan ng kirot na hindi na kayang punan ng kahit ano. "Sana sinabi mo nang maaga pa lang sana hindi mo ako pinaghintay ng tatlong taon para lang marinig na wala pala akong halaga sa'yo."

Dumaan ako sa tabi niya at hindi ko na siya tiningnan. Kasi alam kung pag tiningnan ko pa siya ay baka hindi na ako makakaalis, baka manatili pa ako dito at magmakaawa sa taong hindi naman kayang mahalin ako pabalik.

"Azeria" tawag niya na parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na ako lumingon, hinawakan ko ang p***o at binuksan ito.

"Mag-iingat ka, Adrian, Dahil isang araw... hahanapin mo ang taong handang ibigay ang lahat para sa'yo "

Lumabas ako at pinikit ko ang aking mga mata habang mabilis akong naglalakad palayo sa opisina niya, palayo sa kaniya, at ang bawat hakbang ay mabigat, pero alam kong ito ang huling pagkakataon ko para iligtas ang natitirang piraso ng sarili ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang alam ko lang hindi na ako babalik pa.

Dahil sa loob ko, may isang buhay na nakadepende sa akin ngayon. At hindi ko hahayaan na maramdaman din ng anak ko ang sakit na naramdaman ko sa piling ng amang hindi marunong magmahal.

TO BE CONTINUED

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status