Share

2 - Bad Guy

"Hanina, where are they?" tanong ko sa nakatalikod na si Hanina, dahil wala akong ibang nakitang mga tauhan ni ama sa labas. At kakaunti lang din ang mga guwardya na nagbabantay sa labas.

"Princess Ana! Buti naman umuwi ka pa? Alam mo bang hinahanap ka ng emperador?" nasisindak na ani Hanina nang makita ako.

Wow, it's been a while since father called for me. There

must be something going on.

"Anong nangyari?"

"Ang mga taga-kanluran ay nandito."

Kumunot ang aking noo. Iyon lang?

Napaismid ako at naglakad patungo sa aking nakagawian.

"Princess, they're planning for your marriage."

Doon na ako napahinto sa aking ginagawa.

Marriage? No way.

"Walang kabuluhan, so they decided to send me off to

another empire? Utter nonsense, over my dead body. I won't marry anyone."

"But princess—"

"The emperor has arrived!"

Nanlaki ang aking mga mata nang narinig ang sigaw na iyon

mula sa entrada.

Dali-dali akong nagbihis ng mumurahing damit at sinapawan

ng talukbong.

"Hanina, I know you are loyal. Tell father I didn't

come back yet, I tricked you and escaped."

Hindi ko na pinansin ang kaniyang hindi maipintang mukha.

Kakarating ko lang kagagaling sa paggala kaya hindi pa

naligpit ang lubid na nakatali sa tore.

"I'll come back before midnight," sabi ko at

kumaway sa kaniya. Sorry Hanina for the nth time.

---

I pressed and rub my two hands together. Ayan kasi

nagmamadali, nakalimutan ko tuloyng magsuot ng guwantes.

Nasa kakahuyan akong bahagi ng Estineian, napagpasiyahan

kong dito nalang muna at walang masyadong tao. May dala naman akong libro, kaya

sapat na 'to.

Malayo din ito sa kastilyo at sigurado akong hindi ako

mahahanap ng mga bantay sa lugar na ito.

Habang naglalakad naghahanap ng kuwebang masisilungan ay

biglang kumirot ang aking ulo.

"Everytime I go to this place, laging kumikirot ang

aking ulo." napasapo ako sa aking ulo.

Everything is so familiar, at kapag pinilit kong

alalahanin ay biglang kikirot ang aking ulo. Weird.

Kahit sa tuwing gabi ay madalas akong may napapaginipan

na pangyayaring hindi ko matandaan. Ang sabi sa akin ni Hanina ay mayroong

nangyari sa akin noong bata pa ako na dahilan sa aking trauma kaya ako nawalan

ng alaala. Ngunit kapag tinatanong ko siya ay tanging sabi lamang niya ay ang

dating ako lang ang nakakaalam.

Ano ba talagang nangyari sa akin noon? Minsan ko nang

tinanong si ama, ngunit palagi itong walang sagot. Kaya hindi na ako nag-abala

pang muli.

At nagdududa na rin talaga ako sa lugar nato. Hindi ako

tanga para hindi ito mauunawaan.

Is it something related to this place?

Ayon may nakita na akong kuweba!

Binilisan ko ang paglakad ko dahil nanginginig na talaga

ang mga kamay ko sa lamig.

Ngunit habang papalapit ay kumunot ang aking noo nang

makitang may nakasinding apoy sa loob.

May tao ba dito?

"Uhh...ugh"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. It sounds like

someone is hurt.

"Hello?"

Hindi ko na natiis at tiningnan na ang kung sino man ang

nasa loob ng kuweba.

Natagpuan ko nalang ang aking sarili na natutulala. Isang

lalaking nakasuot ng puting bistida at may mahahabang buhok ang nakahiga ngayon

sa lupa.

Ang kaniyang bestidang dalisay sa puti ay namantsahan ng

kaniyang dugo sa kaniyang dibdiban.

Nagtagpo ang aming mga mata ngunit nanatili pa rin ang

kaniyang walang emosyon na mukha. Kahit nilalabanan ang sakit ng napinsala.

Nagising ako sa pagkakatulala nang narinig ko na naman

ang kaniyang pagdaing.

"D-don't come near," utal-utal na aniya nang

humakbang ako papalapit.

Ngunit wala na akong pakialam. Ang taong nasa harapan ko

ay may malubhang pinsala.

Though I didn't received any care from my parents, I

still have empathy towards others.

Hindi ako nagdadalawang isip at lumapit na sa kaniya.

I checked his pulse before doing anything. At kumunot ang aking noo sa nalaman.

“You have an above average of power, how come you are getting weaker from a stab?” tanong ko at nagsimula nang hubarin ang kaniyang damit para mas makita ko ng maigi ang sugat.

Kahit isinasagi niya ang kamay ko ay wala siyang nagawa.

Sa sitwasyon naming ngayon, di hamak at mas malakas pa ako sa kaniya.

Ngunit bago ko pa man mahawakan ang kaniyang sugat ay napigilan niya ang aking kamay.

“Don’t touch it. I-it’s poison,” aniya sa mahinang boses.

“Oh, so you aimlessly let yourself being stabbed like this without knowing there’s a posion?”

“Dumb,” sabi ko pa sa mahinang boses. At ipinagpatuloy ang ginawa.

“Y-you!”

“Tumahimik ka muna, kung ayaw mong maubusan ng dugo.”

At sa sinabi kong iyon at tumahimik naman siya.

Nilinisan ko muna ang kaniyang sugat bago naghanap ng damong-gamot sa labas.

Nang may nahanap na ako ay tinanghalan ko muna ito ng mahika para bumalik sa dating hitsura ang nagyelong gamot.

Nabasa ko na ang lason na ito sa libro kaya alam na alam ko kung paano ito gamutin.

“You’re a mage.”

Dumapo ang aking mata sa nakahigang lalaki. Ngunit hindi na ako nag-abala pang sumagot.

Yes, I am a mage.

Nang matapos ko nang gamutin ang kaniyang sugat ay kinuhanan ko na ito ng lason gamit ang mahika. Pagkatapos ay nagpunit ako ng maliit na tela mula sa aking bestida, sakto lang para mabalotan ang kaniyang sugat.

“You don’t need to do that,” aniya habang nakatingin sa aking ng makabuluhan.

Kanina pa siya nakatingin sa akin ng ganiyan. And I don’t know why, but somehow I kind of like the way he look at me.

Kung ibang lalaki ay baka kanina ko pa ito napatumba.

“Quit talking, you need to rest.”

Ayan tapos na rin.

Lumapit ako sa nakasinding apoy at itinapat ang aking mga kamay doon. Kanina pa ako nanginginig sa lamig.

“Thank you.”

Napatingin ako sa kaniya sa kaniyang sinabi. Thank you? Ilang taon na din ang lumipas bago ako ulit nakatanggap ng pagpapasalamat.

Hindi ko napigilang ngumiti, “I’m just helping, I can’t stand watching people suffering.”

“Even if the one who you’re helping is not a good guy?”

Napatitig ako sa kaniyang mga mata ng ilang mga Segundo.

“Your eyes don’t hold any malicious intent. You’re not a bad guy.”

Kumunot ang aking noon ang tumawa siya ng mahina.

“Ana.”

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Did he just mentioned my name?

Humakbang ako papalapit sa kaniya gamit ang kaliwang tuhod. At tiningnan siya ng mariin sa mata.

“Who are you?”

Nakita kong kumislap ang kaniyang mga mata ngunit nawala din iyon kaagad.

Sinuri kong muli ang kaniyang hitsura nagbabaka-sakaling may papasok na alaala sa aking isipan. Ngunit kahit anong gawin kong pagsasagunita ay hindi ko talaga kilala ang kaniyang mukha.

“Don’t look at me that way, I might misunderstood you,” aniya at ngumiti.

At nakuha pa talaga niyang ngumiti?

In just a swift mood, nakatutok na sa kaniyang leeg ang aking dalang patalim.

“Ano ang layunin mo?” tanong ko sa mabagsik na boses.

“Easy, I won’t hurt you. But remember, even in this state, I can kill you in an instant. You don’t threaten me, Ana,” seryosong aniya.

Mas lalong nanginig ang aking mga kamay. Lalo na nung binigkas niya ang aking pangalan. Hindi ko alam kung sa lamig ba ito o naaapektuhan ako sa kaniyang sinabi.

Or is it both?

Even my father can say I don’t fear anything nor anyone. Why am I acting like this now?

While checking his pulse earlier, I must admit, malakas ang kaniyang kapangyarihan. At kahit sa ganoong estado, ay wala akong kalagayang-loob na Manalo.

Tumataas ang aking mga balahibo at mas tumindi ang aking panginginig.

“You think too highly of y-yourself,” wika ko.

With my current situation, I don’t think I can still escape.

But somehow, I can feel that this man won’t really harm me.

I saved him, didn’t I? As a human with great power like him, he wouldn’t be unreasonable.

Atleast for now, I don’t want to die yet.

Batid kong napansin niya rin ang aking panginginig kaya nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay.

Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko magyeyelo na ang aking katawan. Namamanhid na rin ang aking mga kamay.

Is my illness coming back again? It’s been 4 years since I last experienced this kind of pain. Pinadalhan ako ng ama ng magaling na doctor para gamutin ang aking karamdaman.

Dati ay halos bumabalik ang aking karamdaman minsan sa isang buwan. At lumipas ang ilang mga taon ay hindi ko na ulit ito naramdaman. I thought it was all healed. Not until today.

Bakit ngayon pa?

Nabitawan ko na ang patalim na hawak ko. Nawawalan na ako ng lakas.

Ngunit biglang may naramdaman akong mahigpit na humawak sa aking kamay kung saan nabitawan ko ang patalim.

A sudden nervousness rose through my system.

Ngunit huli na nang may itinanghal na mahika ang lalaki sa aking harapan.

“No…”

Ngunit ilang sandal lang ay may katamtamang init ang bumalot sa aking katawan. At unti-unting umaalis sa aking katawan ang lamig.

What happened?

“Silly,” rinig kong sabi ng lalaki at pinitik ng mahina ang aking noo.

Napadaing naman ako sa bigla.

“I’m a bad guy. But…”

Hindi ko na naabutan ang huli niyang sinabi nang nilamon na ako ng kadiliman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status