LOGINCenn is a beautiful, orphaned, and independent woman who works hard to support herself, but unexpectedly, she finds herself trapped in the world of vampires, and there she meets the high-ranking and clever vampire, Prince Lucas. Is Prince Lucas a threat or a friend? A mortal in the world of i
View MoreNasa tapat kami ng isang matayog na pinto kung saan may mga nakabantay na dalawang Guerrero at seryosong-seryoso. Dito namin nakitang pumasok si Monica na pinagbuksan ng mga Guerrero na ito. Biglang dumapo ang mata sa akin nung isa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Felip, kumusta ka? Pumapayat ka ata," bati ni Mathias do'n sa isang Guerrero. Napaalis naman ang tingin sa akin nito at napunta kay Mathias na ngayon ay hinihimas ang naglalakihan nitong braso.Hindi pinansin ni Guerrerong Felip si Mathias at binuksan n'ya ang pinto sa aming harap. "Maari na kayong pumasok," tugon ni Felip, napasimangot naman si Mathias."Kaya ka hindi nabibigyan ng pagkakataon na umibig dahil d'yan sa kasungitan mo," singhal na saad nito at nauna ng pumasok sa loob. Wala namang reaksyon si Felip at tila ba sanay na sanay na sa mga ganoong linyahan ni Mathias.Hindi nagsalita si Thana kun'di niyakag n'ya lamang ako papasok. Bumungad sa akin ang isang napakalaking kwarto nama'y mataas na kisame. Nasa
Maaga akong nagising kahit pa inda ko ang pagod dahil sa nangyari sa pagitan sa amin ng Prinsipe. Bigla ko namang kinurot ang aking pisngi dahil napaka-ashumera ko. E, ano naman kung ginawa 'yon ng Prinsipe? Paniguradong mas malala pa do'n ang nagawa n'ya sa hanay n'ya. Maalaga lang talaga s'ya kaya isang kasalanan kung magfe-feeling ako ng ganito-"CENN!"Napaigtad ako sa aking kinatatayuan noong bigla kong narinig ang boses ni Mathias sa likod ng pinto ng banyo."Mathias? Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" sunod-sunod kong tanong at mabilis nang isinuot ang isang lantern sleeves na kulay puti na tinernuhan ko ng isang wide pants. Narinig ko ang pagkalabog nito sa pinto ng banyo. "Cenn, bilisan mo!" Atat na atat n'yang saad habang patuloy pa rin ang pagkalampag n'ya sa pinto. Nagtaka naman ako dahil may nangyari bang hindi ko na namalayan sa paglipas ng magdamag? At bakit ba todo kalampag s'ya d'yan? E, pag nasira 'yan s'ya talaga sisisihin ko."Teka lang!" palakat ko rin
Napasandal ako sa pinto sa aking likod, sa narinig ko mula kay Leonardo ay mas napagtanto kong hindi ko pa talaga lubusang kilala ang Uno. Ang sakit no'n para kay Guiden kaya ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lamang s'ya kaapektado.Napayapos naman ako sa aking braso no'ng umihip ang malamig na hangin. Napatingin ako sa aking paligid. Hindi masyadong madilim sa hallway na ito dahil sa sinag ng buwan at mga lampara sa tabi ng dingding. Walang bampira ang naririto ngunit halatang may mga katabi ako, baka nasa kasiyahan pa sila. Huminga ako nang malalim at humarap nasa pinto. Makakapagpahinga na rin sa haba ng aking pinagdaanan.Pinihit ko ang doorknob at sumalubong sa akin ang malinis na kwarto. Katamtaman lamang ang laki nito, nandito na rin ang mga pangangailangan ko. Mabilis kong pinuntahan ang isang tukador katabi ng isang pinto sa kaliwang bahagi na palagay ko ay pinto para sa banyo. Bumungad sa akin ang mga damit na pinamili namin sa Rialacande. Kinuha ko ang isan
Literal na napamulaga si Guiden sa pagmumukha ni Prinsipe Lucas. "Prinsipe?" mahinang bulong nito.Wala akong nakitang awa sa tingin ng ibang miyembro ng Uno tila mga masaya pa sa naging hatol kay Guiden. "Hindi kami nagkulang sa pagpapaalala," wika ng Prinsipe at ipinahinga ang kanyang batok sa sandalan ng kanyang inuupuan at payapang ipinikit ang kanyag mga mata."Ngunit-""Huwag ka nang kumontra dahil kahit anong reklamo mo ay walang nilalang sa lugar na ito ang magtatanggol sa'yo," putol na sabat ni Monica. Wala pa ring mintis ang pagiging matabil ng bibig n'ya.Nakita ko naman kung paano napailing sina Thana at Mathias at dismayadong nakatingin sa aping-aping mukha ni Guiden. Napatungo ang aking tingin dahil kung alam ko lang sana na bawal na s'yang kumain doon gamit ang pera ng Uno ay napigilan ko sana s'ya. Bigla namang nabuo ang tanong sa aking ulo. Bakit hindi na lang s'ya bumunot ng sarili n'yang pera? Tsh.Alam kong isip bata s'ya pero alam kong hindi s'ya sobrang ganoong k
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.