Share

4 - Arctic Sword Dance

Third Person's Point of View

Nagising si Nevar mula sa pagkakatulog nang naramdaman niyang kumirot ang kaniyang kanang kamay.

Tiningnan niya ang taong nakahiga sa kaniyang tabihan habang nakaunan sa kaniyang kamay. He can't help but relaxed his tensed muscle.

This is too good to be true.

He didn't even know how she ended up sleeping in his arms. He guessed it might be his instinct, affected by his past habits.

Ana's Point of View

Dahan-dahang ibinuka ko ang aking mga mata, only to find out someone is indeed staring at me.

Out of panic, I cast an attack spell at the person's direction.

Ngunit habang hinintay ko ang pagsalpok ay biglang may humawak sa aking pulsuhan at itinulak ang aking kamay sa direksyon ng walang matatamaan.

Humari ang tunog ng pagsabog sa loob ng kuweba at nanlaki ang aking mga mata nang napagtantuhan ang taong nasa aking harapan.

"Nevar."

Lumingon siya sa gawi kung saan sumalpok ang aking mahika. Kaya napalingon na rin ako doon.

*gasps*

"That would have been the death of me," aniya.

Nagkaroon ito ng malaking butas sa kuweba kaya kitang-kita ang sinag ng sikat ng araw sa loob.

"I'm sorry, I—"

To be honest, I don't know what to say. Kakagising ko lang, my thoughts aren't clear yet.

Let me just process what happened.

"Are you trying to heal me, or kill me?" tanong ni Nevar at tumaas ng bahagya ang isang sulok ng kaniyang labi.

Are you kidding me?

"You have only yourself to blame. Bakit ka kasi nasa harapan ko, tsk,” ani ko at umupo mula sa pagkakahiga.

In all fairness, I unexpectedly got a good night sleep in a cave for the first time. I, might as well, visit here often.

Nag-uunat unat muna ako para mawala ang aking pagkatuliro.

"Quit staring at me." Tiningnan ko si Nevar ng nakakunot ang noo. Was he staring at me all this time?

"I just can't keep my eyes off of you, Ana."

Tumaas ang aking mga balahibo nang binagkit niya ang pangalan ko.

It feels weird yet pleasant to the ears at the same time. What's wrong with me?

"Where did you get this hairpin?" tanong niya.

Hinawakan ko ang jade hairpin na nakakapit pa rin sa aking buhok. Out of all my accessories, eto talaga ang kaniyang napansin. Well sabagay, this hairpin is one of a kind. What else could be the reason why I bought this without a second-thought?

"From the market."

"It looks good on you," aniya at ngumiti ng bahagya.

Bigla akong napalingon sa labas ng kuweba nang narinig ang kaluskos sa hindi kalayuan. Tiningnan ko si Nevar at gayundin ang kaniyang reaksyon.

Being an adventurous person, I know very well the kinds of sounds in the woods. Hindi ito simpleng kaluskos lang ng isang hayop.

I guess Nevar also noticed that.

"Get up."

Tumayo ako kaagad. He looks serious.

"Anong meron sa labas?"

"I sense three people outside," aniya.

Ang kaninang pilyo niyang ekspresyon ay naglaho na. He went from five to zero.

"Let's take a look," ani ko at inuhan siyang lumabas ng dahan-dahan.

He looks a bit hesitant pero wala siyang magagawa at sumunod din sa akin. I need to know what happened, or else, I wouldn't be called Ana.

May narinig akong tawa mula sa hindi kalayuan, kaya sinundan ko ang tunog na iyon.

"Huwag ka nang tumakbo pa. Matagal na kitang hinahanap, hindi ko akalaing dito lang pala kita makikita sa Estineian." At muling tumawa.

"Wrong, why would I run away from you? I intentionally brought you here, don't be too proud of yourself. Now it's just only us. Matagal na akong hindi nakikipaglaban, at mas pinalala mo ang aking panggigigil. You must bear the consequences," wika ng isang lalake na sa aking palagay ay nasa kalagitnaan ng dalawapung taong gulang.

It's him?

Yes, I recognized this guy. He's the same guy from the store a few days ago.

He's not from here, anong ginagawa nito sa sulok ng Estineian?

“Hindi mo na ako maloloko pang muli, Vince,” mabagsik na anito, at inihanda ang dalawang patalim sa magkabilang kamay.

“Let’s see.” Huminga ng malalim si Vinch bago ipinikit ang mga mata.

Ngunit hindi na makapaghintay ang kaniyang katapat at ito ang unang umatake.

Isa, dalawa, pangatlong atake at tanging hangin lamang ang natatamaan nito. Nanatili pa ring nakapikit si Vinch ngunit kaniyang naiwasan ang lahat na atake ng lalaki.

This one has sharp senses and reflexes. Don’t get me wrong. This move is a must-have for martial artists, basic lamang ito ngunit hindi lahat ng tao ay mayroong ganitong pasensya.

This guy is not to be messed up with.

At sa isa naman, well, I don’t know if he’s stupid or just stupid. Kitang-kita na wala pa ito sa kalingkingan ni Vinch, ngunit may lakas-loob pa itong hamunin siya ng laban.

I shook my head, “What a waste of time. Let’s head back—”

Nanlaki ang aking mga mata nang wala akong nakitang Nevar sa aking katabi. Where did he go?

Tinahak ko ang daan na dinaanan namin kanina ngunit hindi ko na naramdaman ang presensya ni Nevar.

Sinubukan ko ding tumungo sa kuweba ngunit ni kaniyang anino ay hindi ko naaninag. Could it be?

Or maybe he just went out to get something? He’s not yet recovered, hindi naman siya tanga para umalis nalang basta-basta diba?

Hihintayin ko nalang.

Bumalik ako sa lugar kanina ngunit pagkarating ko ay wala na akong natagpuang naglalaban.

Kumunot ang aking noo. Is that it? Boring.

“Who are you?”

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may nagsalita sa aking likuran.

“Fudge, you scared me to death,” aniko at lumingon ng dahan-dahan, tiyaka naglabas ng buntong-hininga.

Napansin ko ring umamo ang kaniyang mukha nang nakita ako. Ngunit nandoon pa rin ang kaniyang malamig na hitsura.

“I guess you won.”

Bago ko pa man marinig ang kaniyang sagot ay bigla siyang tumalikod at naglakad paalis, na para bang wala siyang narinig mula sa’kin.

At nang hindi pa siya nakalayo ay itinakbo ko na ang pagitan naming dalawa. “Wait!”

Hinarang ko ang aking sarili sa kaniyang harapan. “May nakita ka bang lalaki kanina?”

“Mataas, nakakulay puting bestido?” dagdag ko pa nang hindi ito sumagot at tinitigan lamang ako.

Lumipas pa ang ilang mga Segundo bago ito nagdesisyong sumagot. “Wala,” anito at umiwas sa akin tiyaka nagpatuloy sa paglalakad.

“What a cold brat,” mahinang ani ko at napaismid.

Tumigil ito sa paglalakad nang narinig iyon. Ngunit kalauna’y dumiretso na rin.

Wala na akong ibang gagawin kung hindi ang hintayin si Nevar na bumalik.

Two hours passed and still no signs of Nevar returning. Talaga bang iniwan na ako ng lalaking iyon? Hindi ba at ako dapat ang tumakas? Bumaliktad na ata ang mundo.

Natapos ko na ring basahin ang dala-dala kong pocket book. Now what am I to do now?

May pumatak na nyebe sa aking kamay kaya tumingala ako para tingnan ang langit.

It’s snowing. And snowing means today is an auspicious day.

“I can’t wait any longer. Nevar, if you won’t appear in the next hour.”

I won’t wait anymore.

For now, let me just enjoy the snow.

Tumayo ako at pinakiramdaman ang malamig na epekto ng nyebe. Unfortunately, hindi ko nadala ang aking espada.

Kumuha ako ng stick na sakto lang sa aking kamay. Pagtatiyagaan ko na ‘to kaysa sa wala.

I paced my stick back and forth, and let it dance under the snow. Kada may pumatak na nyebe ay hiniwa ko ito gamit ang stick. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga nyebe kaya sinabayan ko rin ang bilis nito.

This is called ‘Arctic Sword Dance.’ A type of cultivation exclusive only in the Estineian Empire.

But only few can achieve the true essence of this dance. Anyone can dance exactly like this, few are those who grasped the meaning of this. At hindi lang ito basta sayaw lang, if you can master the steps, mas mapabilis ang paglinang mo ng iyong kapangyarihan.

The Arctic Sword Dance has three phases, and I’m still at the second. Base on my age, this is now an earth-shattering news.

Even the great masters from our empire only reached the second phase. And as far as I know, there was only five people who reached the third phase in the history of Estineian. However, there is only one left, among the five, who is still alive until now.

By the next three years, who knows, I will join the count.

Tatlumpong minuto na ang lumipas.

Bumagsak ang aking hawak-hawak na stick sa lupa. Habang habol-habol ang hininga.

“That was refreshing.” Bumuo ng kurba ang aking mga labi habang inuunat ko ang aking katawan.

Tiningala ko ang araw at napagtantong dalawang oras na ang lumipas nung nagsimula ako.

I sweeped my senses throughout the woods, hoping to find Nevar’s presence. Ngunit wala pa rin akong natagpuan.

May nangyari bang masama?

Kung sakali mang mayroong nangyaring masama, hindi naman siguro ganoon ka-grabe hindi ba?

Well according to his prowess, that will be impossible.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status