Share

1 - Jade Hairpin

"Your highness! I can't do this," nanlulumong sabi ng aking tagalingkod.

Tinapik ko ang kaniyang likod, "Hanina, I'll reward you if you will not have any mistakes this time."

Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot at diretso na akong tumalon sa bintana ng aking tore. Well, I gripped on my blanket that acts as the rope, I'm sure I'll be fine. Like hello? I've been doing this for ages.

Nang naramdaman ko na ang lupa sa aking mga paa ay pinagpagan ko na ang aking sarili at inismiran si Hanina sa itaas. Ang laki-laki nga naman ng boses, ang sakit sa tainga.

But I'm sorry Hanina, I really need to attend to the ceremony.

Today is Estineian's heroes day. Ang lahat ng mga kinikilalang bayani sa imperyo ay binibigyang pagpapahalaga, dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi sana maging ganito ang imperyo ngayon.

Everyone is wearing a blue scarf on their neck, showing their respect of the heroes. And of course, I'm also wearing one.

Tiningala ko ang araw sa itaas at nalamang malapit sa pala mag alas-otso. I need to run, this speed won't do.

At tinakbo ko na nga ang aking dinaanan, kahit maraming tao akong nakakasalubong ay nagawa ko naman silang iwasan. This is my expertise.

The normal bustling street became more bustling, because they're also on their way to the ceremony. Kahit ang iba ay hindi makaka-attend sa kadahilanang, hindi lahat ng tao ang pinahintulutang maka-attend sa nasabing seremonya.

Ang mga alipin at ibang mga nasa mababang antas ay walang kalayaang makapunta sa kanilang gustong mapupuntuhan kapag hindi sila pinayagan ng kanilang amo.

Ngunit nakakatawa dahil pati rin ang mismong prinsesa ng Estineian ay hindi pinayagan kahit man lang makasulyap sa seremonya at magbigay galang sa mga bayani. Pinagbawalan ako ng aking amang emperador.

But that doesn't stop me from going. In this life, not even the most powerful person in the world can stop me.

I'm coming, Estineian!

Hindi na ako dumaan sa main na daraanan at masyadong maraming tao do'n. At hindi ko naman talaga balak umattend sa mismong lugar kung saan gaganapin ang seremonya.

Nagiging pasulok na ang dinadaanan ko at wala nang tao ang makikita sa lugar na ito. Matataas na ang mga damo at hawi lang ako ng hawi, hanggang sa panghuli kong hawi, buungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Hanggang sa naaaninag ko na ang puntod ng taong kinasisindakan kong bisitahin.

Ang puntod ni Estineian, ang unang emperador ng imperyo.

He's always be my idol. I've read many of books about him. At masasabi kong, may pagkakahawig ang aming pangyayari sa buhay. That's why he became my role model. If not because of him, I would not be as brave as I am today.

Inilapag ko sa kaniyang puntod ang aking biniling haydrangeya na bulaklak. He is the reason of my perseverance, I might as well gift him a hydrangea.

Tumingin ako sa paligid, at ni isang tao ay wala talaga akong nakikita.

And I know. This is a restricted place. Walang pwedeng makakapagbisita dito kung walang pahintulot na nanggaling sa emperador.

But no one can stop me.

Umupo na rin ako sa damuhan. at inilabas ang baon kong libro.

"The Tale of Snow Dragon," panimula kong basa sa pamagat.

Nakita ko ito sa library ng aming kastilyo, dahil nakuha ng aking interes ang pamagat nito. Marami na akong narinig na mga kuwento-kuwento tungkol dito, ngunit hindi ko ito masyadong pinansin noon. Not until I found his name in the book of the late emperor, Estineian.

There must be something going on with them.

Dumaan ang ilang mga minuto hanggang sa naging oras, at ang isang oras ay naging tatlong oras.

Napahikab ako at isinara ang libro.

"Hindi pa pala ako nakakain," sabay hawak sa tiyan na naglalabas ng ingay. May nakasalubong ako kanina na nagtitinda ng tinapay sa hindi kalayuan, doon nalang ako bumili nalang doon.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapa-isip sa aking nabasa.

I didn't knew the snow dragon was Estineian's mount. Marami nang mga kuwento tungkol kay Estineian at gayundin sa snow dragon. They are legendary figures, but the one is an emperor, and the other one, is just a creature who isn't interested in worldly affairs.

Anyway, I'm here. Mamaya muna ang pag-iisip, food first.

"Tatlo po niyan," sabay turo ko sa tinapay na kakalapag lang ng tindero. Umaaso pa ito sa init, tanda na ito'y bagong luto pa lang.

Ibinalot iyon ng tindero ngunit nang tiningnan niya ako ay biglang kumunot ang kaniyang noo, ngunit kalauna'y ngumisi ng malapad.

Weird.

"Nakikitang kong hindi ka tagarito, binibini. Ngunit ang talas ng mga mata mo at alam mong pumili ng tindahan. Dito kana umupo," anito.

Napatingin ako sa aking suot at muntikan ko nang masapak ang aking sarili.

I forgot to change my clothes!

I'm wearing an expensive silk only exclusive in the royal family. He must have doubted me, buti nalang maraming mga manlalakbay ngayon na galing sa kabilang lupain. Kung hindi, lintik na.

"Ahmm hehe, gumagala lang po ako. Babalik lang din ako sa hotel na inuupahan ng aking mga magulang pagkatapos," sagot ko habang umupo sa upuang iginiya niya.

"Minsan na akong humanga kay emperador Estineian dahil sa tanyag ng kaniyang pangalan ngayon, nagiging kilala ang ating imperyo. Sa kasawiang-palad..." sabi nito sabay dahan-dahang lumalakad papalayo, sanhing hindi ko na marinig ang huli niyang sinabi.

Kumunot ang aking noo, at tiningnan ang tinapay. Ano ang kaniyang ibig sabihin?

At nilamon ko na nga ito ng buo.

"I heard the royal family went to attend the ceremony. Pero as always, we couldn't get to see the princess."

Nang narinig ko iyon ay napalingon ako sa gawi ng nagsasalita.

Base sa kanilang kasuotan, galing sila sa maharlikang pamilya. But I don't recognized their faces.

Hindi sila taga-rito.

"Hahaha!"

Nabaling ang pansin ng lahat sa taong biglang tumawa ng malakas.

"Syempre! Sino bang gustong makita ang prinsesa? Pinaunlakan lamang ng emperador ang kaniyang mga tauhan," anito sa malakas na boses, tila ba nagsasabi ng halata.

Napatawa ako ng mahina. They really hate me that much? Ano kayang mararamdaman nila kapag nalaman nilang ang kaisa-isang prinsesa na kanilang kinamumuhian ay nandito lamang sa isang maliit na tindahan, kumakain kasama nila.

Nakita kong nag-iba ang mukha ng maharlika dahil sa narinig. Ngunit nanatili pa rin siyang kalmado at nagpatuloy lamang sa kaniyang pagkain.

"Shut your mouth, when I'm still calm," aniya.

Umiiling-iling ang isang maharlikang kasama niya na kaharap sa lamesa. Tila ba nagsasabing, 'We can't make a mess here.'

"Bakit? Totoo naman ah? Ang babaeng iyon ay kahiya-hiya, walang duda at ikinulong siya ng emperador sa kanilang kastilyo. Nababagay lamang iyon sa kaniya," sagot nito at tumingin sa ibang mga namimili, "Hindi ba?"

Naghari ang mga hiyawan ng tao sa tindahan.

Nawala ang buhay ng aking mga mata habang mas binilisan ng kain ang aking tinapay.

Do I deserve this embarrassment?

Tumayo na ako nang may narinig akong pagkasa ng espada. Nabaling ang tingin ko sa maharlikang hawak na ngayon ang kaniyang espada.

Tumahimik ang lahat.

"Dare to make any sound," mabagsik na aniya.

Ngunit hindi ko na hinintay na masaksihan ko pa ang kaguluhan. Mabilis kong nilakad ang daan papalayo sa tindahan na iyon.

Nang nakalayo na ako ay pinunasan ko ang pawis sa aking noo.

Hold your grip Ana. It's not like it's your first time.

At dahil masigla ngayon ang kalye, I might as well enjoy the moment.

Maraming nagtitinda ng mga street-foods sa tabi-tabi. Mayroon ding mga iba't ibang uri at kulay ng tela, damit, at mga burloloy sa katawan.

Napapansin ko ding maraming mga hindi-kilalang mga mukha ngayon na bumibisita sa imperyo. At karamihan sa kanila ay mga maharlika, kagaya nung nasalubong ko kanina.

Well, it's heroes' day, at ang mga uri ng taong mas humahanga sa kanila ng husto ay iyong mga maharlikang lumalaban kamay sa kamay sa mga digmaan. Sila ang mas nakakasaksi sa mga sakripisyo na kanilang ginawa.

Hindi lumihis sa aking mata ang isang batong-lungtian na aguhilya. You should know green is my favorite color. And it's designed well-perfectly for my taste.

"Magkano po 'to?" tanong ko sa nagtitinda.

"Oh, ang ganda ng iyong pinili, binibini. Tatlong pilak ito," aniya at kinuha ang aguhilya ng may pag-iingat. "Alam mo ba, dati itong aguhilya ng emperador Estineian. This is priceless, ngunit..." tumawa siya ng mapanglaw, "walang naniniwala, kaya binabaan ko nalang ang presyo. Talagang matalas ang iyong mata pagdating sa mga magagandang kagamitan. Sa iyo na ito, binibini."

Kinuha ko ito at nag-abot ng isang ginto.

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa aking pambayad, "Binibini..."

"Tanggapin mo na po, naniniwala ako sa'yo," sabi ko at ngumiti. Ngunit hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot at naglakad na paalis.

"Naku, naku. Salamat, binibini!" rinig kong sigaw niya sa 'di kalayuan.

Nakangiti kong pinagmasdan ang aguhilya na nasa aking kamay. What I said earlier isn't a lie, naniniwala ako sa sinabi ng tindera.

I've read many books about the late emperor, even the forbidden ones.

How can I not know, that Estineian, who still have the prestige figure until now, was a woman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status