MAGKAHALONG HIYA AT galit ang nararamdamang napayuko na si Giovanni upang kalamayin ang kanyang sarili. Kitang-kita niya ang pamamaga ng ugat ni Gavin sa kanyang leeg na para bang may nagawa siyang malaking kasalanan sa kapatid nito na wala naman siyang matandaan. Maayos ang usapan nila ng paghihiwalay kung kaya hindi niya kailangang makaramdam ng guilt. Pakiramdam niya ay sobrang nahu-humiliate na siya ng asawa ng pamangkin niya ngayon at hindi niya iyon hahayaan. Governor siya. Iginagalang. Kung may pagkakamali man siya sa kanilang pamilya, iyon ay ang minahal niya at nakipagrelasyon siya sa bunso nitong kapatid. Iyon lang naman. Kung sa ibang araw nga iyon, sa normal na tao ay pinakaladkad na niya ito sa kanyang mga tauhan ngunit ayaw naman niyang gawin iyon. Tiyak na ang pamangkin niya ang makakalaban niya kaya kailangan niyang kumalma. Aminado naman siya na nagkamali siya pero hindi nito kailangang sumigaw na para bang ang baba ng pagkatao niya. Sobrang unprofessional ng dating
SA SINABI NI Giovanni ay hindi naging kuntento si Gavin doon. Hindi iyon ang gusto niyang marinig sa Governor. Iba ang gusto niyang sabihin nito. Matanda na ito kaya para sa kanya, matalas dapat ang isip, ngunit binigo siya nito. Hindi nito nagawang ibigay ang sagot na kanyang hinihintay kanila pa mula rito.“Kahit anong gawin kong iwas sa kanya lalo na sa ganung sitwasyon na ang lahat ay halos down sa mga biglaang pangyayari. I comforted her. Muli akong nahumaling sa kanya. Ganunpaman ay totoong minahal ko ang kapatid mo. Hindi lang ang katawan niya ang habol ko. Sadya lang na nagkaroon ng malaking problema—”“Huwag mong akong gawing tanga, Governor Bianchi! Hindi mo siya minahal! Huwag mong ipagpilitang minahal mo si Briel dahil kung mahal mo talaga siya, kahit anong problema hindi mo siya bibitawan. Hindi kayo maghihiwalay. Kung ang isa sa inyo ay sumusuko, ang isa ay lumalaban dahil ayaw niyong maghiwalay! Anong ginawa niyo? Bagkus na magkasama niyong labanan ang problema gaya nam
LINGID SA KAALAMAN ng nagbubugbugang dalawang lalaki ay pinuntahan si Donya Livia ng secretary ni Giovanni dahil hindi sila nito makayang awatin kanina. Si Giovanni ang unang tumigil at bumitaw sa mahigpit na pagkakahawak kay Gavin nang marinig niya ang malakas na boses at sigaw ng ina. Napaayos na siya ng tayo lalo pa at nakita niyang galit na ang sumalubong na mukha ng Donya. Dinuro pa sila ng matanda ng kanyang dalang tungkod habang salit-salitang pinanliliitan ng mga mata. Nanghihingi na rin ito ng explanation ng mga nangyayari.“Sumagot kayo! Gusto niyo ba ng armas, ha? Bibigyan k0 kayo ng tig-isa!” Patuloy pa ng Donya na halatang umiinit na ang ulo sa kanilang dalawa.“Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit kayo halos magpatayan?!” Walang humarap sa dalawang lalaki sa matanda. Diretsong tiningnan ni Giovanni si Gavin sa kanyang mga mata. Hindi naman siya iniwasan ni Gavin. Nilabanan nito ang nanlilisik na mga tingin ng Gobernador. At ngumisi pa siya.“Sa ibang araw na lang tayo ma
MULA KAY DONYA Livia ay lumipad na ang mas nanlisik na mga mata ni Gavin kay Giovanni nang marinig niya ang ang naging katwiran nito. Kung wala lang ang matanda sa kanilang harapan, kanina niya pa ito ulit inundayan. Pasalamat ang Gobernador at naroon ang kanyang ina dahil kung wala ay paniguradong nasuntok na naman niya ito.“Oo, matagal ng tapos pero ikaw ang dahilan kung bakit siya naglayas sa mansion ng dalawang taon! Hindi mo pa rin ba ma-gets kung bakit? O ni katiting ay hindi ka man lang ba naging curious kung ano ang dahilan niya doon?” Gulantang na binalingan na naman ng matanda ang asawa ng kanyang apo sa panibagong rebelasyon nito.“Hijo, naglayas ang kapatid mo sa mansion niyo at itong si Giovanni ko ang dahilan niya?” Hindi inaasahan ng Donya na aaminin iyon ng kanyang anak na wala namang naging matinong karelasyon noon. Hindi lang iyon, lumayas ang bunsong anak ng mga Dankworth dahil lang nasaktan ito sa kanyang anak? Paano iyon nangyari? Medyo magulo. Sanga-sanga. Hin
HINDI MAGAWANG MAKAMPANTE ni Briel sa kaalamang nasa Baguio ng mga sandaling iyon ang kapatid at paniguradong kinu-kompronta na nito si Giovanni. Ginulo na niya ang buhok habang nauupo ng sofa at karga ang kanyang anak. Panay ang tingin niya sa pintuan dahil umaasa siyang darating na ang kapatid. Ilang beses sinubukan ni Bethany na pakalmahin siya, ngunit hindi niya magawa dahil patuloy ang panic ni Briel nang dahil kay Gavin. Nakapasok na sa paaralan si Gabe, inihatid na ito ng kanyang ina habang naiwan naman sila ni Brian. Ni hindi niya nagalaw ang almusal niya dapat na nakahain sa kanilang lamesa. Sa mga nangyari, wala siyang ganang kumain. Paano siya magkakaroon ng gana kung ganun ang kapatid?“Hindi mo ba pwedeng tawagan ang Lola mo, Bethany? Kumustahin mo lang. Baka kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa. Basagulero iyon si Kuya Gav, alam kong alam mo ‘yun at nakita mo ‘yun noong nagsuntukan sila ni Albert habang nasa hospital pa ang madrasta mo na kakamatay lang ng Papa Be
TITIG NA TITIG kay Briel ang mga mata ni Gavin na agad umiling sa mga paratang nito sa kanya.“Hindi, Briel. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa anak niyo kahit na gustong-gusto ko.”Galaiti pa ‘rin ang mukha ni Briel na hindi man lang nagbago kahit pa sinabi nitong hindi niya naman sinabi ang tungkol sa kanilang anak. To the fact na biglang sinugod niya si Giovanni doon sa Baguio, turn off na ‘yun kay Briel para sa kanyang kapatid.“Thank you ha? Dapat pa ba akong magpasalamat dahil hindi mo sinabi sa kanya? Sa tingin mo pipirmi na lang iyon na binugbog mo siya? Pinadapo mo ang kamao mo sa kanya, Kuya Gav!” hiyaw pa rin ni Briel na animo ay hindi siya nito kayang marinig. “At ano ang dahilan mo para gawin iyon? Dahil nagkaroon kami ng relasyon na matagal naman ng tapos? Bobo ka ba? Sa tingin mo papaniwalaan ka noon na iyon lang ang mabigat na dahilan mo ha? Alam kong matalino ka pero hindi Governor iyon si Giovanni kung wala siyang taglay na katalinuhan!”Pinanliitan ni Gavin ng
NAPALINGON NA SI Briel sa may pintuan ng silid nang maramdaman na may mga yabag na lumalapit doon. Ang nakangiting mukha ni Bethany ang tumambad sa kanya pagkaraan ng ilang segundo. Ginantihan niya ito ng magaang ngiti. Kapagdaka ay muling ibinaling na ang kanyang mga mata sa anak na nakahiga pa at kakatapos lang na bihisan.“Ready na kayo? Nasa ibaba na si Gavin. Huwag kang mag-alala, sasama naman ako papuntang mansion. Magiging back up mo ako doon just in case lang. Nasa likod mo lang ako.” anito na humakbang na papalapit sa kanila ni Brian. Kinarga na ni Bethany ang kanyang anak na hindi naman umiyak. Dinampot na ni Briel ang mga gamit nilang mag-ina. Sumunod na siya sa ginawang paglabas ni Bethany sa silid habang karga pa rin nito ang kanyang anak.“Tingin mo Bethany, saglit lang ang magiging galit nina Mommy at Daddy sa akin? Pwede naman kasing hindi na lang kami pumunta ni Brian at—”Natigil na si Briel sa sasabihin pa sana nang humarap na sa kanya si Bethany. Ilang segundo siy
BAGO PA MAN makapag-react ang Ginang ay tinalikuran na sila ng malamig pa rin ang tingin na si Mr. Dankworth. Bakas na bakas sa gawi nito ang pagiging dismayado sa naging kapalaran at desisyon ng kanilang anak na bunso. Nagpatiuna na itong pumasok sa loob ng mansion na walang lingon sa mga nakatungangang anak. Natataranta namang sinundan siya agad ng Ginang upang masinsinang kausapin matapos na lingunin na rin ang tahimik pa rin na mga anak na nakatayo sa parking lot na para bang nagpapakiramdaman kung ano ang susunod na gagawing hakbang. Kanina pa gustong i-comfort at yakapin ng Ginang nang mahigpit ang bunsong anak, ngunit hindi niya iyon magawa. Ang kailangan niya munang pag-ukulan ng pansin ay ang kanyang asawa na alam niyang labis na nasaktan sa nalaman niya.“Sumunod kayo sa amin ng Daddy niyo. Sa loob tayo mag-usap. Unawain niyo rin sana ang reaction niya. Maging responsable tayo sa mga desisyon natin at huwag maging balat-sibuyas. Ginusto natin ito, matuto tayong tanggapin ang
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta
MAHIGPIT NA YAKAP ang isinalubong ng matanda sa kanilang mag-ina na noong una ay kinailangan pa ni Briel. Hindi naman kasi sila sobrang close nito para agad ng mapalagay ang kanyang loob. Medyo naiilang man ay nagawa pa rin niyang pakibagayan ang matandang Donya na nakita na niyang parang naluluha na sa labis na sayang naroroon na sila.“Mabuti naman at naisipan niyong umakyat ng Baguio?” anang matanda na hinanap pa ang mata ni Briel, ngumiti lang naman ang babae sa kanya. Nag-aapuhap na ng isasagot. “Ang tagal noong huli tayong nagkita. Ang laki mo na, Brian.” Ngumiti lang si Brian na bagama’t medyo takot sa matanda ay nagawa pa rin nitong ngitian ito matapos na mag-mano. Nangunyapit na siya sa isang hita ng ina at hindi sumagot sa mga tanong pa ng matanda kay Brian na mahiyain bigla. Hindi naman siya itinulak ni Briel dahil kilala niya ang anak na sa una lang naman nahihiya. Kapag lagi na nitong nakikita ang matanda, ito na ang kusang lalapit dito upang makipag-interact. Ganun nama
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang