Share

CHAPTER 94-BAD MOOD

Author: NORWEINA
last update Last Updated: 2025-03-26 20:16:34
Hinila siya ng lalaki papunta sa kanyang mga bisig. Inabot niya ang unan sa tabi at itinapon iyon sa paanan ng kama, pagkatapos ay ginamit ang sarili niyang braso bilang unan ng dalaga. "Matulog ka na."

"Oh." Si Hillary ay may pinakamahal na "unan".

Ngunit hindi siya komportable dahil nakayakap na naman sa kanya ang asawa niya.

Tumingala siya kay Hugo na nakapikit na, nagpapahinga. Gusto sana niyang magsalita, pero pinili niyang huwag na lang. Marami siyang tulog kaninang umaga, kaya ngayon, hindi siya inaantok.

Pantay at kalmado ang paghinga ni Hugo.

Makalipas ang matagal na katahimikan, isang mahina at malambot na tinig ang bumulong, "Honey, gising ka pa ba?"

Biglang dumilat ang mga matang kunwaring nakapikit. Tiningnan niya ang napakagandang babae sa kanyang mga bisig at seryosong nagtanong, "Ba’t di ka pa tulog?"

"Uhmm..may sasabihin sana ako, ang totoo…h-hindi ako nakasiksik sa elevator kanina nang umakyat ako. Ginamit ko nang palihim ang iyong... personal elevator," bulong
NORWEINA

Hala napagalitan na naman si Hugo, bakit kasi ganon TuT

| 4
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
oakitaan m b nmn Ng ganyan ungali Bata pyan..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 164-PROVINCE

    Napangiti nalang si Jeah nang pagpiyestahan siya ng mga relatives na sobrang nawili sa kanya at sa kuya niya dahil sa kanilang hitsura.Ibinaba ni Cedrick ang dalang regalo, at agad namang niyakap ng lola na tuwang tuwa na makita siya.“Apo, mas lalo kang gumwapo!" Masayang sabi ng matanda.Napakamot naman ng batok si Cedrick, nahihiya sa mga papuri nila.Mayamaya pa, nasa hapagkainan na sila para magsalosalo sa hapunan.Naupo si Cedrick sa dulo. "Si Dad ba nasa ospital pa rin kasama si Lolo?""Oo, sinasamahan niya pa para magcheck-up. Bukas na lang kita dadalhin sa ospital para makita si Lolo mo." Sagot ni Melanie."At kamusta na po ang kalagayan ni Lolo?" Tanong naman ni Jeah."Hindi maganda. Kung pwedeng i-stabilize dito, hindi na sana namin siya ililipat sa ibang ospital. Pero limitado ang teknolohiya rito. Kapag hindi na talaga kaya, plano naming dalhin siya pabalik sa siyudad para doon gamutin."Narinig iyon ni Jeah at agad na kumapit sa braso ng ina habang nakatingala. "Mom, ba

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 163-BARRIO

    Matapos mag-usap ng dalawa, nagpunta muna ng banyo si Hugo para magpalamig.Nang marinig ang tunog ng tubig sa banyo, bumalik naman si Hillary sa kama, at kinuha ang kanyang cellphone upang kausapin ang kaibigan."Jeah, tulog ka na ba?"“Oo naman, papunta kami sa bahay nila Lolo at Lola.” Sagot ni Jeah sa kabila.Nagitla si Hillary na marinig na nagbabakasyon pala ito.Noong Biyernes ng hapon, humiling ng bakasyon si Cedrick mula sa team at sinabing nais niyang umuwi upang bisitahin ang kanyang lolo at lola. Inaprubahan naman ito ng kanyang mga superyor.Pagdating nila sa gate ng university, kinuha niya ang kapatid na babae at nagmaneho ng apat na oras bago nakarating sa kanilang bayan.Sa kalagitnaan ng biyahe, si Cedrick na ang nagmamaneho dahil wala siyang tiwala sa kapatid na hindi alam ang speed limit.“Dad, ayaw ibigay ni Kuya sa’kin ang manobela!” Sumbong ni Jeah sa tatay niya sa phone."Ano bang nangyari? Bakit kayo nag-aaway ng kapatid mo?"Si Cedrick ay hindi na nagbigay pans

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 162-HUNCH

    Nalito lang si Hillary kanina, at halos matapos na ang ginagawa nila. Sa mga oras na ito, wala nang bahid ng pagnanasa sa kanyang mga mata.Sa halip, si Hugo naman! Kailangan na naman niyang maligo ng malamig.“Honey, maliligo muna ako.”Pinipigilan ni Hugo ang nararamdamang pagnanasa at mahinahong nagsabi, "Mahal, malamig ang panahon. Hindi maganda sa katawan ang palaging pagligo ng malamig.""Di naman ganon, asawa. Naisip ko lang si Amelia."Biglang kumabig ang utak ni Hillary, at naalala niya ang isang alala noong araw na nahuli sila ni Hugo na naglalaro ng billiards. Matapos kasi nilang umalis doon, napansin niyang natigilan si Hugo sa paglalakad at bigla itong may sinundan."Hillary, ano bang sinabi mo kanina?"Umiiwas ang tingin ni Hillary, sabay tulak sa asawa, "Umm, teka lang. G-gusto ko munang maupo."Tiningnan ni Hugo ang posisyon nilang dalawa. Nakapatong siya sa asawa kaya nabibigatan ito. Kaya't gumilid siya at tumagilid sa kama. Nahihiya ring tinakpan ni Hillary ang saril

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 161-CONTINUE

    Pinakalma ni Mr. Joaquin ang anak niya at hiniling na palayain na niya ang nararamdaman niya. Ngunit ang pagkadismaya ni Hugo ay paulit-ulit na nauuwi sa mas matinding kawalan ng pag-asa.Naniniwala si Harry sa sinabi ng kanyang ama at kumbinsido na siyang patay na ang kanyang kapatid na babae. Matagal silang tatlo na nag-usap sa opisina ng kanyang ama.Samantala, nahanap ni Hillary ang lahat ng limang regalo, at masaya siyang gumulong-gulong sa kama, kumuha ng mga litrato, at nag-post sa kanyang social accounts.[Ang sarap sa pakiramdam na may asawa, kahit nasa business trip siya, laging may pasalubong.] Caption niya pa bago i-post.Makalipas ang isang oras, bumalik na si Hugo sa kwarto. Dahil sa mabibigat na paksa ang pinag-usapan, mabigat din ang pakiramdam ni Hugo.Nang makita si Hillary, ayaw niyang sirain ang kasiyahan ng asawa. “Asawa ko, maliligo muna ako.”“Sige lang.” Nakaluhod pa rin si Hillary sa kama, kinukunan ng litrato ang mga regalo niya.Pagkalipas ng ilang sandali, l

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 160-SURPRISE

    Pagkaalis ng karamihan ng mga tao sa paligid, nag-inat si Hillary at naghanda nang umalis. Ayaw pang umalis ni Hugo at tinitigan lamang ang kanyang asawa."Honey, bakit mo ako tinitingnan? Hindi ka pa ba nagsasawa sa bahay, kaya lumabas ka pa para lang tumingin ulit? Yang mga mata mo..."Habang nagsasalita si Hillary, biglang lumapit si Hugo at hinalikan siya sa labi sa loob ng sinehan.Marahil dahil sa kinain niyang matamis na popcorn kaya matamis ang kanyang labi.Hindi mahilig si Hugo sa kendi, pero gusto niya ang matamis na labi ng asawa. Habang nagkakadikit ang kanilang mga labi, ipinikit ni Hillary ang kanyang mga mata."Ehem, tapos na po ang palabas." Pumasok ang isang staff para maglinis.Nang makita silang naghahalikan, hindi napigilang paalalahanan sila.Biglang dumilat ang mga mata ni Hillary. Nahuli silang naghahalikan sa publiko.Nahihiya siya at tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga kamay, hindi makaharap sa ibang tao.Namula rin ang tenga ni Hugo sa hiya.Gayunpaman,

  • The Tycoon's Unexpected Wife   CHAPTER 159-SWEET DATE

    Tinitigan ni Hugo ang kalsada sa unahan at nagsabing, "Grabeng himala ito. Ang maliit kong pusa sa bahay, ngayon nagmamaneho na ng sasakyan. Ikaw na talaga ang susundo sa akin ‘pag lasing ako.”Napuno ng pananabik si Hillary habang iniisip iyon."Mahal, kapag alam mong iinom ka, itext mo lang sa akin ang address mo at susunduin kita.""Sige."Maayos ang pagmamaneho ni Hillary sa buong biyahe. Kapag seryoso mong pinag-aralan ang isang bagay, kahit wala kang likas na galing, hindi mabibigo ang sipag mo.Pagdating nila sa western restaurant na sinabi ni Hillary, sinubukan pa niyang humanap ng puwestong paradahan sa gilid. Pero tanghali at Sabado iyon, kaya punuan ang lahat ng parking space.Ang pinakaayaw niyang gawin ay ang mag-back parking. Sa kasamaang-palad, ang limang natitirang puwesto ay puro paatras. Napakunot ang noo niya.Napansin ni Hugo ang itsura ng kanyang asawa at alam niyang nahihirapan ito."Hillary, iparada mo lang muna ang kotse. Ako na ang bahala sa pag-atras."Biglang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status