Share

TUG: Chap 1

Park

"Yenji bilisan mo na diyan! Tuturuan kitang mag-drive!" sumimangot ako sa sinigaw ni Ate Yiesha. 

"Wait lang, Ate! Nagliligpit pa ako ng sandamakmak na ligpitin oh!" sigaw ko. Nagpaparinig kay mama na naglilinis ng freezer sa kabilang dako ng kusina.

"Hoy, Yenji. Ako'y tigil-tigilan mo riyan! Malaki ka na. Tama lang na taga-hugas ka ng pinggan at bunso ka pa sa pamilya!" sagot sa akin ni mama.

I pouted and just continued washing the dishes.

Araw-araw na lang bang ganito? Dishwasher ng pamilya? Hays.

Anak ba talaga nila ako? Ba't ako lagi ang pinagliligpit porket ako ang bunso? 

Minsan gusto ko na ring hindi kumain para hindi ako makapag-ligpit eh. 

Kaso hindi ko kinaya. Nagutom lang ako.

"Intayin na lang kita sa labas, Yenji!" sigaw na naman ni Ate sa sala. Hindi ko na lang sinagot pa si Ate Yiesha at minadali na lang ang paghuhugas ng mga delubyong plato na 'to.

Bumili kasi ng second-hand na sasakyan si papa noong isang araw. Gusto akong turuan ni Ate kasi ako na lang ang hindi marunong sa pamilya kahit nasa college na ako. Eh sa hindi ako marunong eh. Kasalanan ko ba 'yon?

"Ma.. paano kapag nabangga ko 'yung sasakyan mamaya?" natigil siya sa paglilinis ng refrigerator at nilingon ako. Tumayo siya at nameywang.

"Aba'y edi paltan mo!" sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko habang nagpupunas ng kamay nang katatapos lang mag-hugas ng mga hugasin. Nakuha ko na ang lisensiya ko na nasa lamesa kanina. 

"Paltan? Wala pa akong pera ma!" singhal ko. She tsked.

"Edi ingatan mo, duh," napataas ang kilay ko sa sagot ni mama sa'kin. Lumapit ako sa kanya at sumandal sa gilid ref. Pinatong ko muna doon ang lisensiya ko tsaka bahagya siyang siniko sa tagiliran.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay ni mama nang tingnan ako.

"Ma ha, bumabagets ka!" anang ko habang mapang-asar na tumawa. "May pa-'duh' ka ng nalalaman, ah?"

"Ikaw bata ka mag-tigil ka riyan at baka masampal kita ng wala sa oras!" humalakhak ako at kumaripas na lamang nang takbo paalis ng kusina bago pa nga ako tuluyang masampal ni mama ng bigay todo.

"Ang tagal mo naman, Yenji! Namamasa na kili-kili ko rito sa init tapos wala ka pa rin! Hays! Pasok na!" tumawa ako sa sinabi niya at sumunod na lamang sa kanya na pumasok ng driver's seat.

Siya naman ay sumakay na rin sa passenger's seat at sabay kaming nag-buckle ng seatbelts. 

Pinag-ipunan kasi ni papa itong sasakyan. Second-hand lang naman ito kaya medyo may kamurahan. Kulay black ito at three seaters lang ang kaya. Air-conditioned rin. Ayos pa rin ang mga bintana at pindutan sa bawat pintuan. Hindi ito malaki pero hindi rin maliit para sa amin. Sakto lang kumbaga.

"Ate paano pag nabangga tayo?" nine-nerbiyos kong tanong sa kanya. She turned to me and smiled.

"I have enough money to fix this if this will be bump in. 'Wag kang mag-alala," napahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Ate Yiesha. 

I smiled at her. "Thanks ate."

Una, tinuruan niya ako kung paano mag-maniubra ng sasakyan. Pangalawa, ay ang pagda-drive sa hindi masiyadong daanan ng kotse at doon naman sa may maramihang kotse. Sa kalsada kumbaga. Nine-nerbiyos ako na ewan sa tuwing may mga katabi akong kotse dahil baka mamali ako ng galaw o ano pero pinapakalma lang ako ni ate at gina-guide.

Nakahinga ako ng maluwag dahil nakarating na rin kami sa mall na gusto naming puntahan. Hindi na ako minor kaya meron na akong lisensiya noong twenty pa lang ako pero ngayon lang ako pinayagang mag-maneho at siyempre may gabay pa ni ate dahil busy si papa sa trabaho at si mama si bahay.

Sunod na turo sa akin ni ate ay ang pagpa-park. Dito rin ako kinakabahan dahil wala ng bakante at isa na lang. Kaso pinaggi-gitnaan pa ng dalawang kotse! I can feel my hands are trembling. I bit my lip as I just keep on understanding what my sister is telling me about parking a car.

"Sige.. atras pa.. atras pa.." she's looking outside the window and on the car's back. Nanginginig talaga ang kamay ko! Tinatansiya kasi namin ang likod ng kotse para sumwak sa space na paglalagyan ng kotse namin.

"Teka! Abante nga!" utos ni ate at tinapik-tapik pa ang pintuan niya sa labss. Huminga akong malalim at kinalikot ang gear sa gilid ko. Nakatingin pa rin si ate sa likod ng kotse.

"Atras ulit.. STOP!" bigla niyang hiyaw kaya nagulat ako at natapakan ko ang pangpa-andar na nag-resulta para umabante ng biglaan at mabangga ang tagiliran namin sa nguso ng katabi naming kotse! Nag-alarm pa iyon! Oh my god!

"Yenji! Anong ginawa mo?!" singhal ni ate at tumingin sa'kin. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kotse nagasgasan ata namin!

"What the fuck?!" napalingon kami sa lalaking nag-mura. Rinig namin iyon dahil bukas ang bintana ni ate. Kita namin ang pagkaripas ng takbo ng lalaki papunta doon sa kotseng nabangga namin! 

Napakagat ako ng labi ng makitang nagagalit ito at napatingin ng masama sa kotse namin. Naiiyak ako! Kasalanan ko 'to eh! Naluluha kong tiningnan si ate na tulala na rin habang nakatingin doon sa lalaki.

"Ate! Anong gagawin natin? Wala tayong pambayad sa sasakyan na 'yan!" natataranta kong tanong. Liningon niya ako.

"Don't be scared, Yenji! Para naman tayong nakapatay nito eh! Kausapin na lang natin nang malumanay 'yung may ari ng kotse," tumango ako at sabay namin kinalas ang seatbelt at umibis ng kotse.

Ang lalaki ay siguro'y kasing-edaran ko lamang. Naka button-down shirt ito tapos jeans na may sapatos na Jordan. Ang ganda no'n, mukhang mamahalin.

He's hair was pushed back with wax. He has his silver necklace on his neck which suits his outfit and aura better. May rolex sa palapulsuhan at piercing sa tenga. He looks like a bad boy to me. Pero nakasira roon ay ang milktea na hawak niya. Muntikan na akong mapangiwi roon.

A bad boy with milktea. Psh.

Halos kilabutan ako nang magtama ang paningin namin. Pero sa kanya ay may halong inis at galit. Nagsasalubong ang kanyang mga kilay at umiigiting ang kanyang panga. Halos mapisat na rin ang milktea na hawak niya. Sayang. Dapat ibigay niya na lang sa akin dahil mahal 'yan kung paawasin lang niya at matatapon sa sahig. Hays.

"Who made your car bumped into mine?!" he shouted at us. Nagulat kami roon ni ate. I bit my lip and lowered my head. Mabuti na lamang at wala masiyadong tao. Meron man pero nasa kalayuan naman. Lumapit ako kay ate.

"Ate wala akong laban dito, englishero oh. I nosebleeded," inis akong siniko ni ate.

"Magtigil ka nga, Yenji. Mag-seryoso ka," diing tugon niya sa'kin. Tumango ako.

"Sige ate, se-seryosohin ko 'to. Sakto gwapo," sabay ngiti ko sa lalaki na mukhang galit pa rin.

"Isa, Yenji! Makakatikim ka sa'kin," banta ni ate. Napa-ismid ako.

"Me," I replied to the guy's question. Nakakatakot siya. Para siyang mangangain ng tao dahil sa galit niya. Naluluha ako. Ayaw ko ng makadagdag pa sa mga bayarin namin sa bahay. Lalo na kay papa at ate na nagta-trabaho rin para pantustos sa akin at sa pangangailangan namin sa bahay.

"Do you have money to pay for the damages?! Look! Oh fuck. I love this car," he touched the spot of his car where I bumped into.

"Sir, may problema ho ba rito," napalingon kami sa guard ng lumapit na ito sa amin. Oh god. I feared guards. Pakiramdam ko ay may nagawa kaming malala na kasalanan.

"Yes, sir. Binangga nila ang kotse ko! Fuck this," he cursed again. He shut his eyes and massaged the bridge of his nose. 

Tiningnan ng guard ang sira ng pareho naming kotse Tumingin ito sa amin pagakatapos.

"Ne, may driver's license ka ba? Mukha ka pang minor de edad," kumunot ang noo ko sa sinabi sa akin ng guard. 

"May lisensiya 'yan kuya. Yenji, ilabas mo nga," utos sa akin ni ate. Nagtaka ako.

"Anong ilalabas, ate? Wala akong talong," kumunot ang noo ni ate.

"A-Anong talong--Yenji!" galit niyang sabi. 

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kotse saka tumawa ng bahagya. Kumapa ako sa bulsa ko pero wala kaya naisip kong nalagay ko ata sa compartment iyon. Dali-dali kong hinalungkat ang component sa harap. Nangunot ang noo ko ng walang makita roon. 

Inalala ko kung saan ko nailagay iyon at napasinghap ng malamang naiwan ko pala iyon sa ibabaw ng ref sa kusina nang inaasar ko si mama! Napasapo ako sa noo ko. No..! Lagot. Mukha pa naman akong minor! Lisensiya na lang ang pinanghahawakan ko tapos nakalimutan ko pa!

"Yenji! Ba't antagal mo? Nasa component lang diba?" inis na sigaw ni ate. Para akong nanlalambot ng halughugin ko na ang buong kotse pero wala hindi ko pa rin mahanap ang lisensiya ko. Naiwan ko na ngang talaga.

Lumabas ako ng kotse nang nakayuko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at naluha ng tuluyan.

"Huy! Ibigay mo na," sabi sa akin ni ate. Nag-angat ako ng tingin at nagulat siya sa itsura ko.

"Bakit ka naiyak, Yenji?" nag-aalala niyang tanong. "Nasa'n lisensiya mo?" humagulhol ako. Makukulong ba kami? Ako? Hindi ko pa nararanasan ang mga ganito kaya natutuliro talaga ako!

"Naiwan ko ate.." nine-nerbiyos kong sagot. Her lips parted at napasapo ng noo. Narinig kong tumawa na may halong panunuya ang lalaking may ari ng kabilang kotse at umiiling-iling pa. Ba't ambilis ng karma? Joke lang naman na se-seryosohin ko si kuya boy sa harap namin eh.

Pero real talk, ang gwapo niya! Ano kaya number niya? Name? Search ko sa FB tapos flood like ko profile pictures niya! Ay bet!

"Pero kuya may lisensiya naman ako baka pwedeng 'yung akin na lang?" tanong ni ate at inilabas galing sa bulsa ang lisensiya niya. Umiling ang gwardiya.

"Pwede kayong makasuhan miss dahil pinag-maneho niyo ang menor de edad na bata. Sa presinto niyo na lang po ito aregluhin. Mam, Sir," anang gwardiya.

"Kuya hindi nga minor ang kapatid ko! Twenty three na ho iyan!" bahagyang inis na sigaw ni ate.

"Sa presinto na lang talaga, mam," sagot ng guwardiya. Nanlulumong napabuga ng hangin si ate.

"Let's go to the police station, then," anang lalaki at pumasok sa sasakyan niya. Ibinaba niya ang bintana sa side niya at tumingin sa amin.

"Don't run away from me, ladies. I'll track your car if you will," 'yun lang at umalis na ang lalaki. Nagpasalamat na lang kami sa guard at sinundan ang kotse ng lalaki. Si ate na ang nag-maneho. Naiinis siya. Nagi-guilty ko tuloy nilaro ang kamay ko habang nakayuko pero sabi ng lalaki na 'wag daw namin siyang takbuhan? Hays, habulin pa kami sa puso ko. Charot.

I bit my lip. "Ate galit ka ba sa'kin?" pabulong kong tanong pero sapat na iyon para marinig niya. Her face softened as she glanced at me and on the road again. Nasa harapan lang namin ang kotse ng lalaki.

She smiled and shook her head. She tapped my shoulder a bit using her other hand. "I'm not mad at you. I'm mad at myself."

My brows arched. "Bakit? 'Di ba dapat sa akin ka magalit?"

"Nope. Sa akin. Kasi hindi kita nagabayang mabuti sa pagmamaneho at hindi kita natanong kung dala mo ba ang lisensiya mo. Pinagmadali kita kanina kaya mo siguro nakalimutan ang lisensiya mo. 'Wag ka ng umiyak at malungkot. It's my fault, Yenji."

"No. It's my fault ate kasi nagpadalos-dalos ako sa pagpa-park kanina kaya nabangga ko pa tuloy 'yung sasakyan."

"Stop blaming yourself. It's going to be alright. Just be calm."

I nodded and smiled. "Thanks ate. You're the best."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status