Share

Chapter 34

Nagtatalo na ang liwanag at dilim nang maisipan nilang umuwi buhat sa mahaba at masayang pamamasyal. Sobra ang sayang naramdaman ni Caren habang kasama niya si Jayvee na kahit kailan ay hindi nabigong pangitiin at patawanin siya. 

Buhat sa kakulitan at kalokohan nito na hindi maiiwasang samahan ng kapilyohan dahil natural at normal na iyon kay Jayvee. Tanggap niya lahat ng 'yon dahil kasama iyon sa minahal niya sa binata. At walang pagsidlan ang kanyang tuwa sa halos maghapon nilang pamamasyal kasama ito. Sulit na sulit ang bawat oras na lumipas at muli niyang naramdaman kung paano maging normal. ‘Yong walang sakit na iniisip at pumipigil sa kanya.

Dumiretso sila sa kanilang bahay at doon na rin tumuloy si Jayvee. Hindi ito humiwalay sa kanya dahil excited at gusto nitong makita ang magiging resulta ng binili nilang pregnancy test. Ten pieces agad ang binili nito para daw sigurado na ikina-iling na lang niya dahil sa ka-abnormalan ng kasintahan. 

Pwede
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status