ZOE POV
Malaki ang Academy na to.Kahit ilang taon na akong nag-aaral dito ay si Kiara lang talaga ang kaibigan at close ko.Hindi naman sa wala akong kilala pero wala pa sa kahalati ang kilala ko. Ngayong school year alam kong walang tataas ang section,kung sino ang sa mababang section ay sa mababa...sa matataas na section minsan may napupunta sa mababang section. Dahil dito ako nag-aaral,alam kong iba ang tingin nila sa mga section 11. Nakarating kami ni Kiara sa room namin na may nakasulat na section 11. Pumasok kami at nasa pintuan palang kami makikita mo ang nagkalat na papel,maalikabok na sahig,may sapot pa ng gagamba ang nga dingding at kisami...sa likurang bahagi may kung ano anong nakakalat...mapapatanong ka nalang talaga ng 'π πππ ππ ππ π‘π?',dahil kung ako ang tatanungin...di ko alam. Naupo kami ni Kiara sa gitna,bale tigdadalawa naman ang upuan kaya tabi na kami.May isang babaeng nakadukdok lang sa desk nya,lalaki na ang karamihan. "Ano kayang kasalanan nung babaeng yun?" Bulong sakin ni Kiara,at nilingon ang babaeng parang natutulog. "Tsaka nalang natin tanungin" sabi ko naman. Di nagtagal ay pumasok na ang isang teacher at parang walang pakialam sa nakita nya.Nagdire-diretso lang sya sa desk nya at lumingon samin. May tatlong lalaki namang huminto sa harap ng room,pumasok din naman sila...ang malala lang ay hindi sila bumati man lang sa teacher...mga bastos. Naupo ang tatlong lalaki banda sa likuran namin. Nasa Section 9 ako dati kaya malay ko ba kung sino tong mga asungot na to. "Magpakilala na kayo sa harapan,pangalan lang para mabilis,dali!" Utos samin ng teacher ngunit walang sumunod sa kanya kahit isa. Kung makapag-utos kala mo utusan kami e. "Tsk,section 11 nga naman...walang mga galang" Dagdag nito ng wala pa ring tumatayo samin para magpakilala. "E sir,hindi ba't ikaw muna ang magpakilala dahil ikaw naman po ang nakatatanda?" Magalang na tanong ko,subukan mo lang masamain. "Aba,may bagong naligaw na babae dito sa Section 11 ah HAHAHAHA" huminto sya sa pagtawa ng walang makitawa sa kanya. Pffft.Pahiya. "Oh Ivan,nandito ka pa rin. Isa ka pa Ethan,walang pinagbago? Oh,Jayden...ano?" Puna nya sa mga lalaking pumasok kani-kanina lang. Hindi ko nga lang matukoy kung sino sa kanila si Ivan,Ethan at Jayden. May bigla namang tumapat sa room namin,nakasalamin sya ngunit mapapansin mo pa rin ang makisig nitong katawan. "Mr.Teralva? Bakit late ka?" Tanong ng guro dito pero tanging yuko lamang ang ginawa nito. "Pasok na" sabi ng kaklase ko sa likuran ko at pumasok ang lalaking may salamin na di man lang pinansin si sir. "Kahit kailan talaga ay wala kayong modo! Ikaw Mr.Teralva? Ano? Nahahawa ka na rin ba?!" Galit na tanong nito. "Ser magtuturo po ba kayo o hindi?" Tanong ng isang lalaki sa likod ko.Tiningnan ko ito at nagtama ang paningin namin kaya ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harapan. "Aba Ethan,di pa rin talaga nagbabago ang ugali mo ano? Bahala kayo dyan,bukas nalang ako magtuturo" sabi ng teacher at lumabas na ng room. "Di man lang nagpakilala?" Bulong ko dahil di ko pa rin alam ang pangalan nya. Tumayo ang tatlong lalaki at pumunta sa harapan. "Kanya-kanya nalang tayong pakilala,hindi natin kailangan ng teacher para magpakilala tayo.Ang iba dito ay kilala na ang iba ngunit ang iba naman ay hindi pa" pasimula ng Isang lalaki sa tabi ng Ethan. "Ako si Ivan Vincent Wilson,ang section ko dati ay Section 11 din,ngunit dahil bagong year,bagong kasection nanaman.Ang mga section 11 ay dito na talaga nakaroom,kaya ang mga BAGO ay wag mag-inarte...kunti lang naman ang nadagdag sa bago e kaya madali nalang yun" Mahabang paliwanag nito,Ivan pala ang pangalan nya.Ang isang lalaki nalang ang di ko kilala. "Ako si Ethan James Reyes,at maraming nakakakilala sakin maliban sa iba.Dati na rin akong section 11" pakilala ni Ethan,Maganda rin naman ang pangalan nya. "Ako naman si Jayden Clark Ramirez" kaunting pakilala nito...yun lang? Pangalan lang? Tsk. "Ako naman si Dylan Teralva,nice to meet you lalo na sa bago" anang lalaking nakasalamin,may libro sa desk nya,sipag naman nito mag-aral. Nagpakilala pa ang ilan at ang isang babae na ang sunod.Kanina ko pa gustong malaman kung sino sya,ang ganda ng muka nya tapos ang puti nya pa. "A-ako si Sabrina Jacey Winson, Rina for short" pakilala nito at bahagyang ngumiti,sumunod si Kiara.. "My Name is Kiara Lara Thomas,nice to meet you all" masiglang pakilala nito at naupo...ako na ang magpapakilala. "Ako naman si Zoe Faye" pakilala ko at naupo.Tiningnan ko ang mga kaklase ko na parang hindi satisfied sa pagpapakilala ko. "Anong apelyido mo?" Tanong ng isa kong kaklase,sino na nga ba to? Si....si...si...ahh tama si Clark. "Wala muna akong ginagamit na apelyido,patay na ang umampon sakin kaya wala na akong ginagamit na apelyido" Sabi ko naman sa kanila. Para nila akong lalamunin sa mga tingin nila. "Ayoko kong gamitin yung binigay saking apelyido ni papa" dugtong ko para tumigil sila kakatingin,sakto namang pumasok na ang teacher para magturo.//REVENGE//JAYDEN POVHindi ako natutuwa sa ginawa nila.Nakakalimutan ata nilang may makapangyarihang istudyante sa loob ng section 11. "Ganto karaminh basura yung nilagay nila sa room?!" Gulat na tanong ni Dylan habang tinitingnan ang gabundok na basura. Hindi rin maganda ang amoy nito... Nagpahanga lang ako ni Zoe dahil kasama sya sa gumagawa ng plano ngayon."So...what's the exact plan?" Seryosong tanong ni Ivan. Isa isang tiningnan ni Zoe ang mga kamao namin, at parang may kutyenteng dumaloy sa kamay ko ng hawakan nya ito."Kaya nyo pa bang sumuntok?" Seryosong tanong ni Zoe, tumango naman kaming lahat."Kinse lang tayo, kailangang hatiin sa apat na grupo." Dagdag nya pa at tiningnan kami isa isa."But why?" Nagtatakang tanong ni Zian. "Apat na grupo para sa apat na section." Si Chase na ang sumagot sa katanungan ni Zian.Sinabi ni Zoe ang plano, hinati namin ang basura at hinati rin kami sa apat."Kagrupo ko si Zoe"...si Chase."Ako." Sabi ko naman."Ako.""Ako sabi e!""Ako
//THE POWER OF SECTION 11//THIRD PERSON POVAng Section 11 nalang ang hinihintay sa field. Nagtatawanan ang karamihan sa istudyante at ang mga professor na ayaw sa Section 11 sa pag-aakalang nalito na nila ang Section 11. Ngunit hindi nila alam na si Brian, isa sa mga istudyante ng Section 11 ay matinik makasagap ng balita...hindi sya naloloko."Okey...kung wala na taying hinihintay pwede na tayong nag proceed sa---"Naputol ang sasabihin ng isang guro ng biglang may sumigaw sa likod ng malawak na field. Napatingin ang mga istudyante dun maging ang mga guro at visitors.Napanganga ang iba matapos makita ang section 11.Lima ang section ng 4th year.Section 1---Section 2---Section 5---Section 9 at pinakahuli ang section 11.Kung hindi pa kayo nalilinawan sa mga section ay ipaliliwanag ko sainyo.Section 1: Ang section na ito ay purong mayayamang tao(although may mayaman din sa mababang section). Makapangyarihan, at ang hari...ang nag-iisang Daniel Teralva.Section 2: Etong section na
JAYDEN POV"So kailan sya babalik dito?" Biglang tanong ni ate na nagpatigil samin sa kanya-kanyang gawain.Nanditong kaming anim sa sala."Sinong sya?" Seryosong tanong ni Dylan habang hawak hawak ang isang libro.Napatingin ang apat na ugok sakin at nilipat ulit ang tingin kay ate."Sino na nga ba yun? Ahmm si...""Ate!" Tawag ko ng may pagbabanta sa kanga.Sinamaan naman ako nito ng tingin at inirapan ako."Abaaa, may tinatago ka ba samin?" Tanong naman ni Ethan.Sinandal ko ang likod ko sa sofa at pinikit ang mata."Sino ngang sya?" Rinig kong tanong nanaman ni Dylan kaya napamulat ako ng mata."Tama! Si Zoe!" Biglang sabi ni Ate kaya nasampal ko nalang yung sarili kong noo at tiningnan ng masama tong madaldal na babaeng to."Oh...I to go hehe." Wika nito ng mapansing masama ang tingin ko sa kanya."Zoe?....anong ginagawa nya dito?" Nagtatakang tanong ni Dy at lahat sila nakatingin sakin.Aba kasalanan ko bang mahilig maglakad lakad yung babaeng yun kaya napunta rito sa tapat ng mansy
"Okey class! Sa lunes hanggang huwebes next week ay busy lahat---its because gaganapin sa friday hanggang sunday ang JADE STONE ACADEMY SPECIAL DAY 20**." Announce ni Brian habang nasa unahan sya. Ang Jade Stone Academy Special keme keme na yan ay ginagawa lang isa sa isang taon.Matutulog ang mga istudyante dito sa acads for 2 night at nag stay sila dito ng 3 days. Pagkatapos ng ilan pang chikahan tungkol sa Jade Ston Acads special keme keme na yan umuwi na kamu ni Kiara....YAHHHH ITS WEEKEND NANAMAN!!!//KINABUKASAN//Maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili. Walang pasok, sadyang napagdesisyunan ko lang na maglakad lakad dito sa village.Oo, nasa village ang bahay nina Kiara---pero mansyon yun wag ka.Nag-iwan ako ng sulat kay Kiara at nagpaalam na ako sa mga maids na maglalakad lakad muna ako.Medj. Memorize ko na tong village, lumiko ako sa kanan at may nakita akong bulaklak.Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato yun.May nakita pa akong malaking bahay, tumapat ako
SAMANTHA POVI look at him secretly...hindi pa rin sya nagbabago, lollipop pa rin ang paborito nya at mahilig pa rin syang tumambay dito sa Lake-Garden. Im sorry...thats the word I wanted to say to him.I know naman na hindi mo ako mapapatawad agad...Im sorry if I needed to hurt you, I loved you---But Im sorry coz that love fade away."Sinusundan mo ba ako?" Tanong ng kung sino mula sa likuran ko,dahan dahan akong lumingon dun at tumambad sakin ang muka ni Chase."N-No...I-Im sorry..." Napayuko ako dahil sa kahihiyan---bakit nga ba ako bumalik? Bakit kailangan ulit kitang saktan.Tumakbo ako paalis, may naririnig akong bulungan pero di ko pinansin.Hanggang sa may nabunggo ako---its Daniel, kasama sina Dyn,Lexus,si Stella at dalawa nitong alipores, tapos may dalawa pang lalaki--hindi ko matandaan pangalan nila."Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." Maarteng wika ni Stella na naging dahilan upang mapatayo ako at tingnan sya ng matalim."You dont have rights para mag-inarte sa harap ko." S
Ilang linggo nanaman ang lumipas.Ang bilis ng panahon dati kayo pa pero ngayon may kasama na syang iba, charot..."Hoy Shan! Oh..." Tawag ni Dy kay Shan na busy-ing magbasa, inabot ni Dylan ang tatlong makakapal na libro---sya ata ang pumalit kay Dy. Iba na ngayon si Dylan, hindi na sya nakasalamin, balita ko nga binigay ni Dylan kay Shan ang salamin nya. Si Shan ang pumalit sa kanya.Inayos muna ni Shan ang salamin bago kunin yun,"Salamat." Sabi nito at nakangiting tinanggap ang bigay na libro ni Dylan."WAAAA-HA-HA-HA." parang batang umiiyak kunwari si Chase na kapapasok palang.Umupo sya sa silya nya ng nakapout---muka syang pato."Het Im just joking, okey? Haha" tumatawang bungad ni Jayden, kasama sina Ivan at Ethan na tumatawa sa likod ni Jayden.Napatingin ako kay Chase at muntikan akong humagalpak sa tawa ng makitang mangiyak-ngiyak sya! Oo mga bii! HAHAHAH ang isang Chase Villanueva, kinababaliwan ng mga babae, ex ni Samantha at President ng section 11 malapit ng umiyak."Any