Share

The Kingdom of Zayeania

A/n: Meron ba akong KyRey shippers dito? Sobrang bitin ba ng story nilang dalawa? Hehe, advance sorry na agad. Don't worry, gagawan ko sila ng story ni Kyra after nito. Sa mga naguguluhan pa sa story, I really can't give you a hint magbibigay yun ng spoilers hehe. Sana patuloy nyo parin basahin to kahit puro kayo 'ano na kayang nangyari?' sa isip nyo.

Anyway...

---

Previously on T.U.S.O.U

She's a good woman, I don't think she can kill a prince.

Kahit na sa onting panahon na nag ka-bonding kami gumaan ang loob ko sa kaniya.

May parte sa akin na naniniwala na hinding-hindi niya kayang pumatay ng isang tao.

Pero paano kung ang lahat ng ito ay plano niya? What if this is just all an act?

Ano pa bang malalaman ko sa iyo, Princess Misora?

---

Princess Abigail (Kyra)

Ilang oras na rin kaming naandito sa Zayeania, nakakailang paglilibot nadin kami.

Sinasabayan ko lang din ang trip ni Princess Misora, kasalukuyan kaming nasa isang stall dito sa may market ng lugar.

Iyongg ekspresyon ng mukha niya ay hindi mo maipaliwanag, sobrang hyper, kumbaga.

"What's that? What it's doing? Oh, that one!"

Iyan ang mga katagang palagi niyang sinasabi sa kada tindahan na dadaanan namin.

Base sa ginagawa niya ngayon, panigurado akong hindi siya pinapalabas ng palasyo ng mahal na hari.

Habang nagpapakasaya siya ay nilibot ko ang paningin ko. Aalis na sana ako nang may humila sa kamay ko.

"Don't go too far, Princess Abi. There are still evil witches wandering around," ani sa akin ni Martha, tumango na lang ako at binitawan niya ang kamay ko.

Pumunta ako sa pinakamalapit na stall, hindi naman siya gano'n kalayo kila Misora, tatlong tindahan lang ang pagitan.

Nakuha nito ang atensyon ko kaya ko ito pinuntahan.

"Are you the long lost daughter of the family Emberspear?" tanong ng isang matandang babae.

Hindi ko pala siya napansin dahil nakatuon ang paningin ko sa mga bracelet na may magagandang bato.

Tumingin ako sa kaniya at tumango. Inilahad niya naman ang kamay niya.

"It's nice seeing you here Princess! I am Rosalinda, the owner of Bracelet and brooches!" masigla nitong sabi sa akin.

Nginitian ko ito at kinamayan. Bumitaw naman agad ako.

"You must be Princess Abigail, right?" sabi nito at tumango lang ako.

Kinuha ko ang isang bracelet na nakakuha ng atensyon ko, tinignan ko iyon ng malapitan.

Dalawa ang layer nito, sa unang layer ay plain metal sa pangalawa dun nakalagay ang moon at stars.

Ang ganda niya, sobra!

"That's our glow in the dark bracelet," sabi nito sa akin, chineck ko naman kung gumagana ito.

Ipinatong ko ang isa kong kamay para magdilim ito at siniguradong walang liwanag, nilapit ko din ang mata ko sa butas.

Hindi lang ito glow in the dark! Kumikinang pa ito!

"So beautiful." hindi ko maiwasang mag-komento.

"The rock came from the Aloke Amaryllis CaveAloke means glow and Amaryllis means sparkle. Cool, right?" dagdag nito sa akin.

Tumingin ako sa kaniya at tumango.

"You can choose and look as many as you want Princess," ani nito at pakita pa sa ibang bracelet.

Hindi ko alam na may cave pala na kumikinang at glow in the dark rito sa Zayeania!

Andaming magagandang lugar na gusto kong makita, kaso kailangan ko matapos ang trabaho ko rito muna para makabalik na ako.

Iyon dapat ang unahin ko. Pero sa ngayon, hayaan ko munang maglibot-libot ako saglit sa lugar na ito.

"Do you have any moon and skies bracelet?" tanong ko sa nagtitinda.

"Just wait a minute Princess, I think I have some here," ani nito sa akin at naghanap sa stock nya sa ibaba.

Ewan ko kung bakit moon and skies ang hinahanap ko, ang ibig kasi ng pangalan ko na "Kyra" ay darkness.

Sino kaya ang moon na kapartner ko sa buhay?

Habang naghahanap siya ay inilibot ko ang paningin ko.

Ang mga tao rito ay simple lang ang pamumuhay, gaya rin sa pilipinas.

Maraming nagtutulungan, maraming nagtitinda, may mga batang naglalaro.

Babaling ko na sana ang paningin ko sa stall nang makita ko ang isang bata.

Tumingin ako sa itaas nito at nakita ko ang hirap na hirap na fairy na nagbubuhat ng mga boxes.

Magsasalita na sana ako kaso walang lumalabas sa bibig ko na kahit ano.

Hindi ko rin magalaw ang sarili ko, nanatili lang ako nakatayo.

Wala pang ilang segundo, sigurado ako, lahat na ng dala nito ay babagsak at hindi lang iyon, sasakto pa ito sa bata na patuloy na naglalaro sa ibaba nito.

At ayan na nga, nangyari na ang sinabi ko kanina, nawalan na ng balanse ang fairy na may dala-dalang boxes at nabitawan niya ang mga ito.

"Princess Abi, ito na po-"

Hindi ko na narinig pa ang iba nitong sasabihin ng ilapag ko agad sa kamay niya ang hawak kong bracelet.

Tumakbo ako papalapit sa bata.

"Umalis ka riyan!" sigaw ko rito pero mukhang hindi ako narinig.

Hindi ko siya maaabutan!

Tumakbo naman ako ng pinakamabilis at inilahad ang kamay ko sa bata na malapit ng mabagsakan ng box.

Sinubukan ko ring tumalon papunta sa kaniya para mas madalian.

Nagulat naman ako sa nangyari, may lumabas na kulay purple na nakapalibot sa kamay ko at puro siya sparkles.

Hindi ko na natignan ang bata dahil malapit na lang at magkikita na kami ng sahig.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinintay na masaktan.

Ilang segundo din ang lumipas at wala akong naramdamang sakit, idinilat ko ang mata ko at nakita ko na nakapatong ang buong katawan ko sa isang twining stem.

Nakahinga naman ako ng maluwag, kaya naibaba ko rin ang kamay ko.

Teka, yung bata!

Tumingin naman ako sa harapan ko at nakakita naman ako na hugis diamond na nakaflat sa hangin at lumulutang.

Makikita mo parin naman ang nakalagay dahil transparent ito pero, mas lamang ang light blue nitong kulay.

Nasalo nito ang mga boxes!

Tumingin naman ako sa likod ko at tinignan kung sino ang gumawa noon at nakita ko si Misora.

Ang isang kamay niya ay nakahawak sa kaniyang kwintas at ang isang kamay ay nagk-kontrol sa powers nito.

May superpowers pala kami sa storyang ito, ano pa bang supresa ang dadating sa akin?

Nabaling naman ang paningin ko sa harapan ko at nakita ko ang bata na muntik ng madaganan, nasa gilid ko ito at halatang gulat na gulat sa pangyayari.

"Are you okay? Nasaktan ka ba?" tanong ko dito, tumingin naman siya sa akin at umiling.

Tinulungan siyang makatayo ng kalaro niya at umalis, sinubukan ko namang makawala sa pwesto ko pero ayaw matanggal ng katawan ko sa mga stem na ito, ganun din ang kamay ko.

Habang nagst-struggle ako ay may nakita akong anino sa aking harapan, napatigil ako sa ginagawa ko at iniangat ang aking ulo.

Isang lalaki na nakatayo, kung id-describe ko siya kasing katawan nito si Grey, parehas rin sila ng hair style pero ang pinagkaiba ay kulay green ang buhok niya, mala matcha na mata, matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay at pinkish na labi.

"Are you ok-"

Napatigil ito nang pagsasalita ng may lumabas na wall sa pagitan namin.

Base sa itsura nito, kay Misora ito galing. Kumikinang din ang diamonds nito.

So, ang kapangyarihan nito ay makakagawa ng kahit anong hugis o anyo ng isang bagay gamit ang kwintas na nasa leeg nito.

She can virtually do anything else with her jewelry. From a flat diamond to a diamond wall. What else can she do?

"Martha!" sigaw nito nang makalapit sa gilid ko.

Humarap sa akin si Martha at gamit ang dalawang kamay niya napakawalan agad ako sa mga twining stems na nakapalibot sa akin.

Sobrang higpit ng pagkakaipit sa akin ng stem, pati nga ako hindi ko napakawalan ang sarili ko, tapos siya isang SWOOSH niya lang, tanggal na lahat?

Inilagay niya naman ang kamay niya sa harap ko at tinulungan akong makatayo.

Tumingin ako sa paligid ko at lahat ng mga tao ay pinagtitinginan kami, hindi maganda ang kutob ko rito.

"Lea," ani ni Martha kay ate Lea, tumango naman ito at lumapit sa mga tao.

Pinaki-usapan siguro nito na huwag kaming pagtinginan at pagpatuloy lang ang ginagawa.

"Misora, it's okay. Calm down," sabi ko dito dahil hindi parin nawawala ang diamond wall sa pagitan namin ng lalaki.

"Stay back, Abigail. We don't know what type of person is this. Be alert, ready to attack," seryoso nitong sabi sa akin.

Wow, I never seen Misora this serious.

Ang bilis niyang magpalit ng mood, from happy and excited to dead serious.

"Excuse me, I don't want to interrupt you but, I am the one who save that girl," sabi ng lalaki sa kabilang side at turo sa akin.

"I save her and you accused me?" dagdag pa nito.

"Prince Dione! Thank goodness you're here, I thought I finally lose you-"

Napatigil namang ang matandang lalaki na kadadating lang.

Ilang segundo rin ang katahimikan na bumalot sa amin.

"Prince Dione? You're Prince Dione Forestpeak?" gulat na gulat na ani ni Martha sa tabi ko.

Napalingon namang agad kami sa kaniya ni Misora na gulat na gulat.

This is not gonna end well.

---

"This is such a disgrace! I can't believe you, Misora! Why did you accused the son of Forestpeak!" galit na galit na sabi ng mahal na hari.

Nakakailang minuto na din kaming nakatayo sa harapan nila.

Ang mahal na reyna naman ay sinusubukang kalmahin ang asawa nito.

"Father, I only did that-" h

Hindi na natuloy ni Misora ang sasabihin niya ng magsalita muli ang hari.

"Stop with your nonsense excuse! Vivian!" digaw nito sa kanyang asawa.

Lumapit naman kay Misora ang Mahal na reyna, malungkot ang mukha nito at hindi rin talaga sang-ayon sa nangyayari.

Hinawakan nito ang kamay ni Misora at biglang nagputi ang mga mata nito, hindi lang iyon, lumaki rin ito ng kaunti.

Anong nangyayari?

Tanong sa isipan ko pero hindi ko inilabas sa aking bibig.

Hindi ngayon, lalo na at galit ang mahal na hari.

Ilang segundo din ang nakalipas at binitawan na ni Queen Vivian ang kamay nito.

"I'm afraid to admit this but, she did accused the son of the Forestpeak," sabi nito habang nakaharap kay King Feather.

Ang kapangyarihan ni Queen Vivian ay makita ang past o memories ng isang tao kapag hinahawakan mo ito.

Hinilot naman ni King Feather ang noo niya.

"Now tell me, what kind of excuse are you going to make, Misora?" sabi nito, sinusubukan niyang kalmahin ang sarili niya.

"Explain yourself, enlighten me. Now!"

Tumingin namang ako kay Misora na hindi nakatingin ng diretso sa mahal na hari.

Hindi siya dapat ang masisi, walang dapat masisi dahil unang-una wala namang siyang ginawang masama.

Ginawa niya iyon para protektahan ako. Hindi niya din naman alam ang itsura ng prinsipe kaya agad niya itong nahusgahan.

"Father, Abigail save a kid. If it wasn't for Abigail's fast reaction, the kid would be smashed by those boxes. And I only accused the Prince cause he is the first person I saw, I thought he did that to Abigail." paliwanag nito sa mahal na hari.

"Father, I only did that to protect everyone from being attacked. I didn't know that, that's Prince Dione. Believe me, father!"

Why is she doing this? I'm the one to blame, bakit niya kinukuha lahat?

"Your explanation is nonsense, Misora! You should've let the kid smashed by the box, that's not your problem if that happens. The parents of that kid is irresponsible!" galit na galit na sabi nito sa amin.

Should've let the kid smashed? What kind of King is he?!

Kahit na tatay ko siya sa mundong ito, hindi parin tama ang inasal niya.

"Father, I think that's enough. You shouldn't get mad either one of us, because it's no one's fault, no one knows that that's the Prince of Forestpeak. Please spare us!" lakas loob na sabi ko dito atsaka bow.

Isa lang ang naiisip ko na paraan para matanggal ang galit nito, kahit kakaunti lang.

"We're really sorry, Father. This won't happen again, we promise," dagdag ko pa habang naka-bow.

Hindi puwedeng kunin lahat ni Misora ang responsibilidad sa nangyari.

Nanatili lang akong naka-bow at hinihintay itong magsalita.

"If I have the powers to go back to the past, I will surely use it now," sabi nito itinaas ko ang ulo ko.

Dahan-dahan naman itong naglakad papunta sa amin.

"But things are meant to happen for a reason," ani nito at tingin ng diretso sa mata ko.

Nagbuntong hininga muna ito bago magsalita.

"Go to your room and I want you to think what you did. Also, I want you both to get ready, the Forestpeak will have dinner tonight with us," ani nito habang nakaturo sa labasan ng lugar.

Martha escort us again to our room. Naiwan lang kaming dalawa ni Misora doon, walang umimik sa aming dalawa.

Naalala ko naman ang huli naming pag-uusap.

"Prince Dione? You're Prince Dione Forestpeak?" gulat na gulat na ani ni Martha sa tabi ko.

Napalingon namang agad kami sa kanya ni Misora na gulat na gulat.

This is not gonna end well. Bigla namang naglaho ang diamond wall na gawa ni Misora.

"Yes, that's him, and how dare you to accused the Prince!" sabi ng kasama nitong matanda.

"Watch your mouth, Greg. That's the Princesses of Emberspear, you should be respectful," ani ng prinsipe na nasa harapan namin.

Lahat kami ay sobrang speechless.

"Let's go, Greg. It's getting late," ani ng Prinsipe at tumalikod sa amin.

Naglakad ito papalayo sa amin.

"Let's go home too, Princesses," ani ni Martha at naglakad pabalik kila Mick.

Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko, tinignan ko ang Prinsipe ng Forestpeak na naglalakad papalayo sa amin nang tumigil ito.

Humarap naman ito sa akin, hindi ganun kalayo ang gap namin sa isa't-isa.

Nakipagtitigan ito ng ilang segundo sa akin at nagpatuloy maglakad papalayo.

"I'm sorry ate, ako dapat ang masisisi sa nangyayari. I should've listen to you all," ani ko at umupo sa tabi nito.

"It's not your fault, Abi. Nangyari na ang nangyari hayaan na natin." malungkot na ani nito.

I have to cheer her up somehow, kaso, hindi ko alam kung paano.

Hinimas ko na lang ang likod nito.

"I just hope that the Queen of Forestpeak won't get mad at father, kapag nangyari iyon puwedeng magkaroon ng digmaan," ani ni Misora kaya naman nagulat ako.

Digmaan?

"Alam mo kasi, ang Forestpeak ang may pinakamalakas

at

pinakamakapangyarihan sa buong Pentagon Haven."

"Sumunod tayo sa kanila, kaya, napag-desisyonan ni King Feather na isa sa atin ang ipapakasal sa anak nito."

Paliwanag nito sa akin.

Pinaka-makapangyarihan? Hindi kaya?

"Kapag naikasal ang isa sa atin sa anak nito at nagkaroon ng pamilya, wala ng mas lalakas pa sa atin."

"Sa buong Pentagon Haven, pinaka maimpluwensiya ang Emberspear at Forestpeak, that's why father wants one of us to marry Prince Dione."

"The future child will inherit a powerful power and genes. And of course, makakakuha rin tayo ng mana sa pamilya kapag namatay ang isa." dagdag niya pa.

If I'm not wrong, gusto ng hari na maging makapangyarihan at manguna imbis na Forestpeak.

Hindi niya lang ito basta basta arrange marriage, may makukuha rin itong benefits.

That's it! I have now my second suspect! Which is King Feather.

Maybe he's the one who killed Prince Dione! Para makuha ang kapangyarihan nito at mga mana.

Ang problema, si Misora nga ang asawa niya kaya posible na siya rin ang masisi.

That's possible!

This story is going to be exciting for me, now I know why the title is 'Arrange Marriage'.

-

-

-

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status