공유

Chapter 2

작가: Misa_Crayola
last update 최신 업데이트: 2021-05-28 14:48:08

Chapter 2

Namangha si Anastacia nang makita ang mabulaklak na hardin na nilalakaran ng lalaking buhat-buhat siya. Iba ito sa driver, at nakasuot ito ng pormal na kasuotan. Nauuna sa kanila ang mag-asawang nakabili sa kanila. Inikot niya ang paningin at tanging ang malaki’t nakamamanghang mansion lang ang tahanan na naroon—hindi, mayroon pa siyang isang nakita na mukhang natatakpan lang ng malaking mansion.

Mapuno rin ang lugar, para iyong isang paraiso.

Nag-angat din siya ng mukha sa kalangitan at makulimlim iyon. Sa pagkakaalam niya gabi sila umalis sa gusali kung saan siya kinuha ng mag-asawa. Pero ngayon, mukhang papasikat na ang araw. Pero bakit parang buwan ang nakikita niya?

“Gising na siya Master, Mada’am.” Bigay impormasyon ni Calixto sa mag-asawa.

“Mabuti naman, nakauwi na rin ba si King?” tanong ng babaeng bampira.

“Yes, mada’am, may bago ring liham mula sa eskuwelahan.” Natawa pa ng bahagya si Calixto.

“May bago pa ba roon?” tila iritable ang mada’am.

“Mom! Dad!” Mula sa ikalawang palapag kumakaway ang batang siyam na taong gulang.

Napatitig doon si Anastacia. Buhay na buhay ang kulay ruby na mga mata ng batang lalaki. Itim ang kulay ng buhok na sinasayaw ng hangin. Nakasuot din ito ng uniporme na may vest.

Nabaling ang atensiyon ng batang lalaki sa kanya at nawala ang katuwaan.

 Kaagad ding nawala ang lalaki sa bintana kaya naman nagtaka si Anastacia.

Nang makapasok sila sa napakalaking mansion, nalulula ang pakiramdam ni Anastacia.

“Maligayang pagbabalik, Master Ezekiel, Mada’am Rossana.”

Namangha rin si Anastacia nang makita ang nakapilang mga unipormadong babae at sabay-sabay na tumungo pagkabati sa dalawang bampira.

“Mom! Dad!” masaya ang boses ng batang lalaki na tumatakbo sa hagdanan. “Sino ‘yang kasama ninyo?”

Ibinaba si Anastacia ng lalaking buhat-buhat siya. Kaagad siyang nagtago sa likuran nito dahil parang natakot siya sa sobrang sigla ng batang lalaking papalapit sa kanya.

Tumungo ng bahagya si Mada’am Rossana para kausapin ang batang lalaki na hindi nawawala ang pagkakangiti.

“Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na magkakaroon ka na ng tagasilbi na sa ‘yo lamang?”

Tumango-tango ang batang lalaki, hindi nawawala ang abot taingang ngiti.

“Siya iyon pero sa isang kondisyon.”

Nagtaka naman ang batang lalaki pero muli ngumiti ito.

“Kapag nagawa mong hindi makipag-away sa loob ng isang buwan, magiging sa ‘yo na siya, nauunawaan mo ba, King?”

Nangunot ang noo nito at kaagad napasimangot.

“Hindi puwedeng one day lang?”

Natawa ang lahat kahit ang mga tagasilbi. Kilalang-kilala kasi ito bilang bully sa mga kapwa batang bampira at matigas ang ulo, masyado rin itong masayahin kaya nakakapanakit ito kahit ang tingin nito sa ginawa ay nakikipaglaro lamang ito.

“Two days?” tawad pa uli nito.

“One month.” Mariing wika ng babae na umayos na sa pagkakatayo.

“Mom, puwede ko ba siyang tingnan muna? Titingnan ko lang kung worth it siya para sa one month.”

Muli natawa ang halos lahat dahil sa sinabi nito.

“Tingnan mo na siya,” sangayon ng ina.

Natutuwa naman si King na sinilip sa likuran ni Butler Calixto ang batang babae na tila hiyang-hiya.    

“Halika rito, hindi kita makita nang maayos!” Hinila ni King na sobrang excited si Anastacia.

“Ouch!”

Natigilan si King.

“King, tao ang batang ‘yan, kung nasasaktan mo na ‘yong kalaro mong bampira sa paghila mo, ano pa iyan? Tandaan mo na nagkakasakit ang katulad niya at mamamatay kung hindi mo aalagaan na maigi.”

Kaagad naman gumaan ang pagkakahawak ng batang si King kay Anastacia.

“Hindi ko sinasadya, hindi ko na uulitin.” Nag-angat ito ng mukha para tingnan ang ina, “Mom, isang buwan akong magiging mabait para sa ‘kin na siya habang-buhay.”

“Kapag hindi mo nagawa, ibabalik namin siya o ibibigay sa iba.”

Nagulat si King sa sinabi ng ama.

Kaagad niyang hinila uli si Anastacia at inilagay na sa kanyang likuran.

“Sa ‘kin na siya! Magiging behave ako kahit mahirapan ako, basta sa ‘kin na ang cute na tao na ‘to!”

Nagkatawanan uli ang lahat.

Naghapunan ang mga ito habang si Anastacia naman ay dinala sa likurang bahagi ng mansion kung saan naroon ang isang malaki ring bahay.

 “Dito lahat nakatira ang mga servants,” sabi sa kanya ng maid servant na si Kaya, nasa dalawampu na ang edad nito at isa rin itong tao.

Lahat silang servants sa lugar ay mga tao. Ang pamilya raw na kanilang pinagsisilbihan ay ‘noble family’. Ayon din kay Kaya habang pinapamilyar siya nito sa lugar na personal servant siya ni King, ang batang anak ng bampirang bumili sa kanya.

“Ano ang personal servant?” tanong niya rito.

“Aba, nagsasalita ka pala?” namangha pa si Kaya.

Naroon na sila sa silid daw niya sa ikalawang palapag.

Nangiti naman si Anastacia.

“Ang personal maid servant ay iyong sa kanya ka lang magsisilbi. Kung ano ang ipagawa niya iyon lang ang susundin mo. Hindi mo rin kailangan maglinis, magluto, o tulungan kami sa mga gawain. Madalas ang personal maid servant ay iyong nag-aaral kasama nila rito sa bahay, nag-aaral din ng mga instrumento kagaya nila, para kayong magiging magkaibigan na para ring hindi.”

Napakurap si Anastacia, hindi niya alam kung maganda lang ba iyong pakinggan o naiisip niya lamang iyon dahil hindi niya gaanong maunawaan.

“Kaya, Kaya,” tawag mula sa pintuang bumukas.

Iyon ang may edad na maid servant, si Apostola na limampu’t pito ng nagsisilbi.

“Ano po iyon?” tanong ni Kaya.

“Tapos ng kumain ang Young Master, gusto niyang makita iyang si Anastacia.”

“Pero kasisimula pa lang nila, hindi ba?” takang tanong ni Kaya.

“Binilisan niya ang pagkain. Tuwang-tuwa ang Young Master kaya nakatutuwa rin talaga. Pero nag-aalala ako dahil babae itong napili nila, ang usapan ng mag-asawa noon ay batang lalaki rin ang kukunin nila.” Nasa mukha nga ni Apostola ang pag-aalala.

“Sa palagay ko dahil ‘yon sa kabilang noble family na ang kinuha ay male servant na bata rin no’ng nagkaedad ay nagkaroon ng relasyon sa lalaki rin, napakalaking kasalanan no’n sa mga bampira, kaya siguro batang babae ang binili nila.”

“Naku, pareho lang din naman ‘yon, maaari pa ring magkarelasyon ang anak nila sa batang babae na ito paglaki. Hindi ko talaga alam ang takbo ng isip ng mga amo natin.”

“Anastacia! Anastacia!”

“Iyan na nga!” sabay na bulalas ni Apostola at Kaya nang marinig ang boses ni King sa labas.

“Halika na, makipaglaro ka muna sa kanya.” Binitbit na ni Apostola si Anastacia.

Kinakabahan naman si Anastacia nang marinig pa lang niya kanina ang pagtawag ni King.

Habang bumababa sila ng hagdanan ni Apostola ay may sinabi ito sa batang si Anastacia.

“Huwag kang gagawa ng ikagagalit niya, ang Young Master King ay mabilis mairita, magalit, at mapanakit din iyon, kaya iwasan mo na magsalita ng hindi niya magugustuhan. Isa pa, ‘wag na ‘wag mong sasabihin na gusto mong umuwi o bumalik sa inyo dahil baka magalit sila sa ‘yo paniguradong parurusahan ka nila at ikukulong ng walang pagkain sa madilim na selda.”

Natakot naman si Anastacia sa narinig. Mas natakot pa nang makita ang nakangiting si King sa paglabas nila sa pintuan. Kasama nito si Butler Calixto.

“Tara, samahan mo akong mag-aral.” Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Tiningnan niya si Apostola, hindi niya alam kung tatanggapin niya ang kamay nito.

Tumango si Apostola bilang pagsang-ayon.

“Dalian mo na, Anastacia.” Hindi naman nawawala ang ngiti ni King at pilit inaabot ang kamay.

“Magiging mabait naman ako sa ‘yo.” Hinawakan ni King ang buhok ni Anastacia na nabigla. Marahan nito ‘yong hinaplos at sinabing, “Huwag kang matakot sa ‘kin, hindi kita kakagatin.”

Hindi alam ni Anastacia kung bakit siya nangiti sa sinabi nito na hindi siya nito kakagatin.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Milanimfa Dela Cruz Castro
maganda sa simula palang
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   EPILOGUE

    Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.3

    KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105.2

    Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Chapter 105

    “Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flashback scenes Pt. 2

    Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r

  • The Vampire's Maid Servant (Tagalog)   Flash back scenes in King's mind

    “Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status