Share

Flashback scenes Pt. 2

Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”

“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.

“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.

“B-bakit?” tanong ni Anastacia.

Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.

Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.

“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status