King
Gumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.
Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.
Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.
Marami akong natutunan sa Zone 66.
Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.
Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
Naging kabayaran si Anastacia ng ama sa isang babaeng negosyante para maging tagasilbi nito. Pero ang inaakalang tagasilbi ng tahanan ay wala palang katotohanan. Sa isang black market pala siya nito dadalhin at ibebenta sa mas malaking halaga.Maraming mga matang nanlilisik at pula ang sumisiyasat sa kanya sa kinalalagyang malaking hawla. Nanginginig siya sa sobrang takot. Sa edad na siyam ay nakakikita si Anastacia ngayon ng mga bampira na hindi niya inakalang mga totoong nilalang.Sa pamamagitan ng hindi nalalamang kurensiya ang naging bentahan kay Anastacia.Hindi magawang umiyak o kumilos man lamang ni Anastacia dahil sa takot na nararamdaman dahil pakiramdam niya papatayin siya, sino man sa mga ito ang makakuha sa kanya. Mas tumriple ang takot niya nang sabihing nabili na siya ng isang mag-asawang bampira.Dinala siya ng mga ito sa lugar ng mga bampira, at nasisiguro ni Anastacia na nasa ibang daigdig na siya. Doon nakilala niya ang kaedarang s
PROLOGUEPinanghinaan ng tuhod si Anastacia, maging ang kamay niyang may hawak na baton na isang Vampire weapon ay muntikan na niyang mabitiwan dahil sa lalaking papalapit nang papalapit sa kanya.Napalunok siya nang ilang ulit. Maaaring isa lamang ‘tong imahinasyon. Patay na ito, anim na taon na ang nakalilipas.“Annie! Lumayo ka sa kanya!”Pilit bumabangon ang sugatan at duguang si Vince na isang Vampire Hunter at karelasyon ni Anastacia sa loob ng isang taon. Nangangamba ito dahil mukhang natakot si Annie sa lalaking papalapit dito.Sumugod sila sa abandonadong gusali na ‘yon dahil may nakapagsabi na iyon ay isa sa lugar na pinaglalagian ng ibang miyembro ng ‘Ashes and Blood’ ang mga berdugong bampira na walang pinipiling patayin. Malaking banta rin ang mga ito sa sangkatauhan dahil ang plano ng mga ito ay sakupin na ang daigdig at pamunuan ng mga bampira. Pero ang higit apatnapung kasam
Chapter 1Nanginginig ang mga palad ni Anastacia habang pinagmamasdan ang mga nakamaskara at pormal ang kasuotan na tumitingin sa kanya mula sa kinalalagyang hawla. Nayakap niya ang sarili dahil sa takot sa mga nanlilisik na pulang mga mata nito. Nayakap niya ang sarili dahil sa panlalamig nang buong katawan.Siyam na taong gulang pa lamang siya at hindi naiintindihan kung bakit nasa harapan siya ng mga hitsurang tao pero tila kung tatanggalin ang mga maskara ng mga ito ay mga halimaw ang kanyang makikita dahil kakaiba ang mga ruby nitong mga mata.Hindi siya makaimik, makasigaw o makaiyak man lamang. Para bang umatras ang kanyang dila sa oras na ‘yon.Naging kabayaran siya ng ama sa utang ng pamilya nila. Ayon sa negosyanteng si Mada’am Florenza na pag-aaralin siya nito at parang inampon lamang siya nito dahil bibigyan siya ng magandang buhay. Dahil hikahos ang kanilang pamilya kaya para makabayad sa utang at magkaroon siya n
Chapter 2Namangha si Anastacia nang makita ang mabulaklak na hardin na nilalakaran ng lalaking buhat-buhat siya. Iba ito sa driver, at nakasuot ito ng pormal na kasuotan. Nauuna sa kanila ang mag-asawang nakabili sa kanila. Inikot niya ang paningin at tanging ang malaki’t nakamamanghang mansion lang ang tahanan na naroon—hindi, mayroon pa siyang isang nakita na mukhang natatakpan lang ng malaking mansion.Mapuno rin ang lugar, para iyong isang paraiso.Nag-angat din siya ng mukha sa kalangitan at makulimlim iyon. Sa pagkakaalam niya gabi sila umalis sa gusali kung saan siya kinuha ng mag-asawa. Pero ngayon, mukhang papasikat na ang araw. Pero bakit parang buwan ang nakikita niya?“Gising na siya Master, Mada’am.” Bigay impormasyon ni Calixto sa mag-asawa.“Mabuti naman, nakauwi na rin ba si King?” tanong ng babaeng bampira.“Yes, mada’am, may bago ring liha
Chapter 3“Anastacia! Anastacia!”Tumataas na ang kilay ng Head ng mga servants na si Mada’am Rosel dahil sa hindi pagpansin sa kanya ng labing-walong taong gulang na si Anastacia na mukhang abalang-abala sa pagde-daydream at nakakakalumbaba pa nga sa mesa ng silid nito.“Anastacia!” mas malakas na tawag ni Lady Rosel.Napaigtad naman si Anastacia at gulat nang makita ang galit na galit na hitsura ni Lady Rosel.“Mada’am Rosel!” Kaagad tumayo si Anastacia at muntik ng makalimutang isara ang kanyang diary.“Nariyan na ang Master King.”Hindi mapigil ni Anastacia ang ngiti pero pilit na pilit siyang hindi iyon mahalata.“Sandali, sandali, sandali!” Hinila siya ni Mada’am Rosel sa Balikat. “Nasaan ang bakal mo sa leeg?”“Ay, pasensiya na Mada’am.”Ka
Huminga nang malalim si Anastacia. Nakaupo siya sa gilid ng malaking kama ni King, ang kanyang Young Master. Naliligo ito at naririnig niya ang lagaslas ng tubig. Nahawakan niya ng pasimple ang dibdib. Mabilis ang tibok niyon at nagdudulot ‘yon sa kanya ng kaba at katuwaan. Noon pa man, iyong excitement na nararamdaman niya tuwing magiging sila lamang sa silid ay mas naipakikita niya rito ang kanyang pagmamahal. Pero kaba rin dahil baka may makahuli sa kanila. Hindi na bago ang pumapasok siya sa silid ni King, para na siyang anino nito kung nasa bahay. Lahat ng gusto nito ay idudulot niya, iyon ang ganap niya sa mansion na ‘yon. Pero hindi alam ng mga nasa labas ng silid na kapag sila lamang dalawa ay tumitigil ang pagiging tagasilbi niya rito. Nabigla pa si Anastacia nang lumabas si King na nakaroba. Nakabagsak ang buhok nito at kahit sa anong sitwasyon at pagkakataon, walang lalaking nakahigit sa hitsura nito. Maaaring dahil gusto niya ‘to kaya sa paningin
Nakatayo lamang kahanay ng mga naninilbihan si Anastacia. Pilit ang ngiti kompara sa ibang mga kahanay. Masaya ang usapan sa hapagkainan at mukhang masyadong malapit sa isa’t isa talaga ang pamilya ni Nymfa at King.Sa kabisera ang nakaupo ay ang Master na si Ezekiel. Sa kahit na anong pamilya ang nauupo sa kabisera ay ang may-ari ng mansion at pinakamataas. Maaari lamang siyang mapalitan sa puwesto kung ang magiging bisita ay mula sa mga Pureblood Vampire.Sa kanang bahagi ay pamilya ni Nymfa, ang ama nito na si Master Damian at ang in ana si Mistress Lara. Sa kaliwa ay naroon naman si King at ang ina nito.Hindi nakikita ni Anastacia ang hitsura ni King dahil nasa likuran siya nito. Bilang maid servant nito, kailangan ay palagi siyang nasa likuran nito.“I’m sorry for the surprise visit, Mr. and Mrs. Vezarius,” boses iyon ni Mistress Lara.“No, it’s okay, no worries. You really surprised us