“ARE YOU NERVOUS?”
Tanong ni Ice kay Jade. Kasalukuyan na silang nasa silid ng isang tanyag na hotel. Kakagaling lang nilang magpa-spa. They are preparing for the big event tomorrow.
“Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi.” Saad nito at ngumiti.
There was something with her that she found amusing. Tila ba napaka-blooming nito. Ganoon siguro yun, anyway it’s her big day tomorrow. Ikakasal na ang bestie niya! At ngayon nga ay naka-check in sila sa isang hotel sila ang tinaguriang ‘Team Bride’.
Samantalang nasa kabilang hotel naman sina Erie, ang ‘Team Groom’. Sa pagdaan ng Team Groom sa kanyang isipan ay di niya maiwasang itanong sa sarili kung ano na kaya ang ginagawa ng mga ito ngayon?
"JADE ERIETTE, my best friend, my sweetie, my babe and my love... I vow to love you more and more each and everyday of our lives. I will be your shield and protector. I will always be faithful. Our family will always be my top priority. I promise to make you happy everyday, even that happiness means you will beat me to death," Bahagyang tumawa ang mga tao sa simbahan sa sinabing iyon ni Erie.Maging si Ice na maluha luha na ay bahagyang napa-ngiti."I will walk with you hand in hand in our entire journey, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; until death do us part. Always and Forever." Madamdaming saad ni Erie."Zach Erie, my best friend, my babe, my love, kahit palagi kitang tinatawag na 'mokong' para sa akin ikaw ang pinaka-gwapong lalaki sa buong mund
“MUFFIN! GET UP!”Ilang beses ng narinig ni Ice ang pamilyar na tinig na iyon ni Bastie ngunit hindi pa rin siya dumidilat. Bakit nga ba maging sa kanyang panaginip ay ginagambala siya ng kutong lupa na iyon?“Muffin, get up.”Muli niyang narinig iyon na tila ba nandoon ang binata. Nang makaramdam siya ng mahinang yuyog at tapik mula sa kanyang balikat ay napagtanto niya na hindi iyon isang panaginip.Unti unti siyang nagmulat ng kanyang mga mata at dali dali pa siyang kumurap-kurap ng dalawang beses ngunit hindi naman nawala ang imahe ng lalaking nasa harapan niya.Kinusot niya ang kanyang mga mata at doon nga niya na napagtanto na hindi siya pinaglalaruan ng kanyang paningin.
MAAGA SI BASTIE ng tatlumpung minuto sa pagsundo sa kanya nang araw na iyon."Maaga ka yata?" Puna niya rito na diretsong umupo sa sofa."Yeah, pahinga lang ako sandali habang hinihintay ka." Tila nahahapong sagot nito.Pinaka-titigan niya ang binata na ngayon ay prenteng nakasandal sa sofa, naka-hubad ang coat at maluwang ang necktie habang nakapikit at hinihilot ang sentido.He must be really tired. Friday ngayon at weekend bukas. Malamang marami itong tinapos na trabaho ngayong araw."Stop staring at me like that." Anito na nakapikit pa rin.Tinitigan niya itong maigi at nakakasiguro siyang nakapikit ang binata. Paano naman nito nalaman na tinititigan niya ito?
HINDI ITO ang unang pagkakataon na makita nila ang ipinagmamalaking Hundred Islands ng Pangasinan. They have been there with their friends before. Ngunit sa pagkakataong ito, sila lang dalawa.Oo sila lang dalawa, walang Jayden at Dean na basta na lang sumusulpot. Napangiti siya sa naisip na iyon.Todo alalay sa kanya si Bastie at nasisiyahan siya sa bawat kilos nito. Which is a little bit strange. Dahil dati ay halos naiinis siya dito dahil sa kaka-sunod nito sa kanya. Ngayon naman ay siya pa ang nagyaya na makasama ito.Sumakay sila ng bangka kagaya ng dati. Ito ang maghahatid sa kanila sa mga isla.Napaka-ganda parin ng mga isla! They explored the beauty of nature. At may mga pagkakataong nagse-selfie sila ng binata. Iilan lang yata ang mga matitino nilang
MAY KARAMIHAN din ang mga tao sa birthday party ni Bastie. Malawak ang koneksyon ng mga magulang ng binata. Mula sa negosyo maging sa pulitika. Ang ama nito ay minsan ding naging Alkalde katulad ng kanyang ama. Ngunit hindi nagtagal ang mga ito sa pulitiko. Ang ama ng binata ay tinapos lang ang isang termino at hindi na muling pumasok sa pulitika. Samantalang ang kanyang ama ay kaagad bumaba sa pwesto nang hindi tinatapos ang termino. Iyon ay noong mga panahong pumanaw ang kanyang ate.Kaagad siyang lumapit sa mesa ng mga kaibigan. Si Jade, Erie, Dean at Jayden lang ang naroroon. Kaagad namang napuna ni Jade na tila may hinahanap siya."Yung birthday celebrant pumasok lang sandali sa loob at lalabas din daw kaagad." Anito at makahulugan siyang tiningnan."Nandito na pala ang Dyosa." Ani Dean at kinindatan siya. Naka
NANG MALAPIT na sila sa mesa ng mga kaibigan nila ay marahas na hinatak niya ang kamay mula kay Bastie. Sa gawing iyon ay walang masyadong tao. Kanina pa siya nagtitimpi. Pakiramdam niya ay sasabog siya anumang oras."Muffin..." Sambit ng binata."What is that all about?" Mahina ngunit may diin sa bawat salita na tanong niya rito."We need to talk...." Anito na tila nagsusumamo."Then talk now!" Medyo napalakas yata ang sagot niya dahil may mga ilang bisitang lumingon sa gawi nila.Kaagad silang nilapitan ng mga kaibigan nila. "Mas mabuti pang sa loob nalang natin pag-usapan." Anito at dinaluhan siya at pilit pinapa-kalma."Bastie?" Si Erie iyon na mukhang naghihintay
"LET'S GIVE HER some time. She made sure that she's fine." Tinig iyon ni Jade ng makabalik sa library. Hinabol nito kanina si Ice, ngunit mukhang hindi nito naabutan ang kaibigan. Kahit papaano ay medyo napanatag ang kanyang loob dahil tiniyak ni Jade na safe ang dalaga. Wala na yatang mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon. Nagtapat siya ng nararamdaman para kay Ice dahil unti-unti ng nagiging malinaw sa kanya na hindi lang niya ito simpleng gusto, kundi mahal na niya ang dalaga. Sa bawat araw na nag-aalala siya para sa dalaga ay hindi niya namalayang unti-unti na siyang nahuhulog rito. Bale wala ang pagsusungit at pagtataray nito sa kanya. Hindi naging sagabal iyon upang lubusang mahulog ang kanyang damdamin sa dalaga.
ALAM NIYANG KANINA pa naiinis si Ice sa kanya. Kasalukuyan na silang papasok sa kanilang unibersidad. Sinundo niya ito at halatang pilit lang na sumakay ito sa kanyang sasakyan kanina. Sa tuwing magtatama ang paningin nila ay palagi siya nitong sinisimangutan na ginagantihan naman niya ng ngiti.Alerto din siya sa paligid. Sa hindi maipaliwanag na dahilan lalong sumidhi ang pagnanais niyang ma-protektahan ang dalaga."Alam mo naiinis na ako sayo? Dinaig mo pa ang anino ko!" Huminto ang dalaga sa parteng hindi masyadong dinadaanan ng mga estudyante.Nagkibit-balikat lang siya. Sa mga nakalipas na taong magkaibigan sila ng dalaga ay napag-aralan na rin niya kung paano pakitunguhan ang dalaga. Hindi nga lang niya alam kung itinuturing siyang kaibigan ng dalaga. Hindi sila malapit sa isa't