“BASTIE! BASTIE! BASTIE!”
Napabalikwas si Bastie ng marinig ang tawag na iyon ni Ice. He was still disoriented from a nap, so he looked around. Naroon siya sa kanyang opisina! Nakatutok siya sa kanyang laptop ngunit nakatulugan niya ang kanyang ginagawa.
It was just a dream but it seems so real. Tinatawag siya ni Ice, tila humihingi ng tulong. Nitong mga nakaraang araw ay wala siyang maayos na tulog. Limang araw ng nawawala si Ice at sa tuwina ay labis ang pag-aalala niya para sa dating kasintahan. Hanggang ngayon ay wala silang lead. Tila ba pinag planuhan na mabuti ang lahat. Maging ang mga magulang ni Ice ay nag-aalala na, isa ito sa mga patunay na nawawala nga ito dahil tama si Jade, si Ice ang klase ng tao na, oo aalis o lalayo ngunit sisiguraduhin nito na hindi nito pag-aalalahanin ang mga magulang nito.
ALAM NI ICE NA BUGBOG SARADO siya at tila naliligo sa sariling dugo. Masakit ang kanyang buong katawan. Hindi niya alam kung makakatagal siya sa ganun na sitwasyon. Pilit niyang nilalabanan ang sakit ngunit hinang hina na siya.Maging ang pina-plano niyang pag-takas ay hindi niya maisagawa dahil sa labis na panghihina. Ang tanging pag-asa lamang niya ngayon ay kung umubra ang kanyang plano. Nang paghahampasin siya ni Summer ay sinikap niyang ilagay sa kamay nito ang friendship bracelet nila ni Jade. And knowing how smart and keen observer Jade is, siguradong makikita ng kaibigan ang bracelet na iyon sa oras na magpakita si Summer dito.Ang hindi lamang niya ay alam ay kung nagpakita ng muli si Summer dito. She’s praying na sana oo dahil hindi niya alam kung may pag-asa pa siyang mabuhay kung magtatagal pa siya sa lugar na ito.
UNTI UNTI NG UMAALIS ang mga tao. Ang magandang sikat ng araw kanina ay unti unting nagiging makulimlim. Tila ba nakikisabay sa nararamdaman ng bawat isa ngayong araw na ito.Ang mga kaibigan niya at ang mga magulang ni Ice ay kasama niyang nakatunghay roon. Naririnig pa rin niya ang mahinang pag sinok ni Jade at ni Mrs. Del Mundo, isang patunay na nahihirapan din ang mga ito na tanggapin ang nangyari. Wala ni isa na gustong basagin ang katahimikan. Lahat sila ay naroon lamang, nakatayo at nagluluksa. Tila ang lahat ay hindi pa rin makapaniwala.Ilang oras ang lumipas ay maging ang kanyang mga kaibigan at mga magulang ni Ice ay nagpaalam na. Ilang beses siyang niyaya ng mga ito ng makapagpahinga na rin ngunit magalang siyang tumanggi. Hindi na niya alam ang salitang pahinga. Tila wala na iyon sa kanyang bokabularyo.
“MY LOVE… MY LOVE... wake up!”Kanina pa ginigising ni Ice si Bastie. Tila ba binabangungot na naman ang asawa. Oo tama asawa na niya si Bastie ngayon. Ang sarap marinig ng katagang iyon. Ilang araw na ba silang kasal? Apat na araw na rin ngayon. Ika-apat na araw na rin nila sa Paris. Doon nila napiling mag-honeymoon.Sa mga nakaraang araw ay palaging binababangungot ang kanyang asawa. Ayon dito ay madalas ang muntik niya na pagkawala ang napapanaginipan nito na nauuwi sa bangungot. Naisipan niya na pag balik nila ng Pilipinas ay ipapa-check up niya ito. May mga pagkakataon na natatakot siya. Paano kung hindi niya ito magising? Tila may trauma pa rin ito sa mga sinapit niya. Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula ng sapitin niya ang malagim na pangyayaring iyon.Si Summer is really menta
9 YEARS AGO"Kumpadre, naiintindihan mo na ba kung bakit kailangan ko ng isang lalaking mananatili palagi sa tabi niya? Ibang iba siya sa kanyang ate. Masyado siyang independent, ayaw na ayaw niya ang pinakikialaman lalo na pagdating sa kanyang kalayaan." Eksplika niya sa kanyang malapit na kaibigan.Humigop ng kape mula sa tasa ang kanyang kaibigan at tila nag-iisip. Kasalukuyan silang nasa library ng mansion nito."Naiintindihan kita, sa nangyari sa iyong panganay ay dapat lamang na mas maghigpit ka sa iyong bunso." Anito na sinasang-ayunan ang mga plano niya.Ngunit kailangan nilang makaisip ng paraan upang ma-protektahan ang kanyang anak ng hindi ito matatakot o mag-iisip na laging may pangamba. Kaya sadyang inilihim niya ang tunay na nangyari sa ate nito.
NAPAIRAP SI ICE sa hangin nang makita kung sino ang pumasok sa opisina niya sa loob ng kanyang boutique.Ano na namang ginagawa ng lalaking ito sa boutique niya?"Muffin, it's lunch time." Masayang anunsiyo nito at itinaas ang dalang paper bag. Nakasisiguro siyang pagkain ang laman ng paper bag."Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?" Tanong niya rito.Sa araw araw yatang ginawa ng Diyos, basta nasa boutique siya ay hinahatiran siya nito ng pagkain tuwing lunch. At hindi lang iyon, hatid sundo pa siya nito. Dinaig pa nito ang masugid na manliligaw!"Nope! Never." Anito at inumpisahang ihain ang pagkaing dala.Minsan may kung anong bagay ang humahaplos sa puso niy
INO-OBSERBAHAN NI ICE ang waitress na kumukuha ng order nila ni Bastie. Halos hindi siya tapunan ng tingin nito at nasa binata lang ang buong atensyon nito."What's new?" Anang tinig sa kanyang isipan.Oo nga naman, dapat ay sanay na siya. Kahit kailan agaw pansin talaga si Bastie sa mga kabaro niya. Malakas daw kase ang appeal ng mga long hair. Kung sabagay, gwapo naman talaga ang binata. Kahit noong maiksi pa ang buhok nito ay sadyang gwapo na ito."Ikaw anong gusto mo?" Tanong ng binata sa kanya na hindi man lang pinapansin ang nagpapa-cute na waitress."Kahit ano." Tipid na sagot niya."Walang ganoon." Anito na ikina-taas ng kilay niya.
SA VERANDA sa itaas nila napiling pagsaluhan ang cake na bake ng mommy niya. Napatingin siya sa buwang nakasilip. Napakaganda at napaka liwanag, kasabay ng mga bituwing nagniningning sa kalangitan. Pagkuwa'y napakunot ang noo niya ng biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang nakangiting gwapong mukha ni Bastie."Bakit ko yun naiisip?""Ang alin?" Tanong ng kanyang ina.Oh! Sa isip lang niya dapat sinasabi iyon, ngunit naisatinig pala niya."Wala po mommy." Kaila niya. Mukhang hindi kumbinsido ang ina ngunit hindi na nagtanong pa.Binigyan siya nito ng isang slice ng cake. Simula ng pumanaw ang ate niya, ibinaling ng kanyang ina ang atensiyon sa pagbi-bake. And it became a coping mechanism for her.
SA TUWINA AY HINDI masyadong maka-pag-focus si Ice sa kanyang ginagawa. Kahit anong pigil niya sa sarili, panay pa rin ang sulyap niya sa gawi ni Bastie.Noong una ay tumitingin ito ng mga magazines ngunit halata namang hindi ito interesado dahil ang bilis nitong ilipat ang bawat pahina. Sa pangalawang sulyap niya ay sketch pad na niya ang tinititigan nito.Naiiling na ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Bakit ba ito nagti-tiyaga na hintayin siya. Alam naman niya na busy din ito sa negosyo ng pamilya nito.Bastie's family actually owns a hotel chain. At dahil matalik na mag-kaibigan ang mga ama nila, magkasosyo ang mga ito sa negosyo. Ngunit major stock holder pa rin ang pamilya ng binata. Alam niyang hindi biro ang responsibilidad na naka-atang sa balikat ng unico hijo ng mga Antonio. Kaya malaking palaisipan sa kanya