Share

FIRST

"Hi guys, it's already 10:27 PM. Narito ako sa bahay ngayon at kauuwi ko lang galing sa grocery store.  Guess what? I sa-saw my husband there, nakakapagtaka lang dahil ang alam ko ay nasa Cebu siya para sa isang business meeting and project proposal presentation. Hindi niya ako nakita, but with my own eyes nasaksihan ko kung paano siya halikan ng babaeng kasama niya. Hi-hindi ko akalain na he will betray me. That bastard, he's a f*cking liar." -recorder

Habang nakalubog ang katawan sa malamig na tubig ng bathtub , hindi ko mapigilan ang sarili na matulala sa dingding na nasa harapan ko. Hindi iniinda ang ginaw at tila ba napakalalim ng iniisip. Hindi ko naman itatanggi na niilalamon ako ng lungkot ngayon at tanging ang usok lamang ng sigarilyo na gumuguhit sa aking lalamunan at aking ibinubuga ang nagbibigay buhay sa akin ng mga sandaling 'to.

Tumayo ako at tumambad sa salamin ang hubad kong katawan, lumapit ako sa aking repleksyon at hinalikan ito.

"I have nothing to lose now, wala ng dahilan pa para mabuhay at wala rin namang mawawala kung ako ang mamamatay. Yes, you started this game but now I'm winning,  pero bukod sa makita siyang umiiyak at nahihirapan, ano pa ba ang makukuha ko?" I asked myself.

Dinampot ko ang kutsilyong nakalapag sa mesa at lumabas ng banyo. Napakatahimik ng paligid kaya madaling maririnig ang paglaginit ng pintuan ng banyo.

"Please... please.... No, please...." Pagmamakaawa ng isang babae na nakatali sa silya, may piring ang mga mata nito ngunit mababakas mula sa pulang tela ang luha niya mula sa pag-iyak at pagmamakaawa para sa kaniyang buhay.

Marahan akong lumapit sa kaniya habang isinusuot ang bathrobe sa aking katawan. Tinanggal ko ang takip sa kaniyang mga mata at tila ba nabigla siya matapos makita ang aking anyo.

"Surprised? Do you like the new me? I'm you now, I will be the new you. That means, wala ka ng puwang pa para mabuhay, naiintindihan mo ba? And starting tonight, every single detail of you will be erased. You'll be gone forever, kawawa ka naman. Don't worry, I will still pray for your soul."

"Please, please. Let me go, please." Patuloy siya sa pag-iyak at pagmamakaawa pero ano bang magagawa ko? Nilamon na ng galit at puot ang puso ko, nilason na ng nakaraan ang utak ko.

Gusto kong marinig ang pag-iyak niya, ang pagmamakaawa ,ang malakas niyang sigaw habang humihiling na pakawalan siya. Gusto ko siyang magmakaawa para mabuhay but sadly I also want her ...

.

.

.

dead.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
mooncake_o07
Ang ganda! Nakaka-excite! 😍
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status