Share

Kabanata 33

Penulis: Pink Moonfairy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-04 22:40:02
Bumalik? Bakit siya pinapabalik ni Sebastian? Anong kailangan sa kaniya ng lalaki?

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na lang nang direkta. Wala akong oras bumalik sa bahay mo."

"Xyza is sick. Hinahanap ka niya."

May sakit ang anak nila?

Kaya pala ito tumawag sa kaniya kahit napakatagal nang panahon ng huli niya itong ginawa.

Iyon pala ang ibig sabihin ng lalaki na bumalik siya.

Akala niya kailangan siya ni…

‘No! Trixie stop there’ anang isang bahagi ng utak niya.

Mariin si Trixie na pumikit at pinapakalma ang sarili at puso na kanina lang ay ang lakas-lakas ng kabog.

Bago pa siya muling makapagsalita, wala na si Trixie ibang narinig sa kabilang linya kundi isang matinis na tunog, tanda na ibinaba na ni Sebastian ang tawag.

Saglit natigilan si Trixie.

Kahit nag-aalimpuyos pa siya sa sarili dahil dalawang salita lang ni Sebastian halos gumuho na ang mga pader na itinayo niya, hindi naman niya pwedeng pabayaan ang anak.

Matapos pakalmahin ang sarili ng ilang segundo,
Pink Moonfairy

Salamat po sa pagsubaybay sa kwento kong ito! Your comments are much appreciated po. Pa-like, comment o feedback naman po! Salamat sa pagbabasaaa! ˚˖𓍢ִ໋🦢˚

| 99+
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (34)
goodnovel comment avatar
Cel Lee
kya nga api nmn c trixie
goodnovel comment avatar
Mary Ann Ablog
Basta at the end of the story,panalo si Trixie
goodnovel comment avatar
Mojica Armie
kakainis lagi n lng api c trexie
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 246

    Maliwanag na ang araw nang imulat ni Trixie ang kanyang mga mata, mariing hinihilot ang ulo na tila ba may martilyong tumatama sa kanyang sentido kada segundo. Napapikit siyang muli, pilit inaalala ang mga huling sandali ng gabing nagdaan, pero ang memorya niya ay putol, malabo, at tila kinain ng ulap ng alak.“Ugh... My head...”Hinilot niya ang sentido at napaupo, saka napaigtad nang makitang nasa kanyang kwarto na siya, nakabalot ng kumot at suot pa rin ang damit mula sa gabi ng event.“Lola?” tawag niya, pilit pinipigilan ang pagkahilo. “Lola Angelina?”Maya-maya ay bumukas ang pinto at sumilip ang matanda, may dalang tray ng malamig na tubig. “Apo? Gising ka na pala.”“Lola ko...” Napangiti naman ang kaniyang lola sa inaasta niya. Mahilig siya noon sa ganito, tuwing may sakit siya ay mahilig siyang magpa-baby sa matanda. It just changed noong nag-asawa siya. “Who brought me home, Lola? Si Casper po ba? God, I’m so wasted last night. Nakakahiya na sa kaniya, siya na lang lagi an

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 245

    “To the success of AURA, cheers!”Sabay-sabay na tinungga ng buong grupo ang laman ng kani-kanilang shot glass. Nag-untugan pa ang ilan sa sobrang tuwa. Ang tunog ng salpukan ng baso, kasabay ng malakas na beat ng music mula sa DJ booth ng Revel at The Palace, isang high-end bar sa BGC, punung-puno ng mga fashion-forward crowd, strobe lights, at magarbong energy. Isa sa mga pinakamamahaling rooftop bars sa lugar, at tila ba iyon ang nagsilbing background score sa tagumpay ng buong team.Nakasuot pa rin ng champagne gold silk slip dress si Trixie, understated pero eleganteng tingnan, habang si Casper ay naka-itim na tailored shirt at dark trousers, both looking fresh despite the chaos and celebrations. Wala nag nagpalit ng damit sa sinuman sa kanila dahil dito na sila dumiretso para mag-celebrate.“Damn, guys. Worth it lahat ng puyat, pagod, pawis, at effort natin!” hiyaw ni Hideo habang halos pasigaw na sa ingay ng paligid. Isang bagsak ng shot glass ang ginawa niya sa lamesa, bago i

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 244

    Makalipas ang ilang oras, natagpuan na lamang ni Sebastian ang kanyang sarili sa isang kilalang bar sa pinaka-mamahaling distrito ng siyudad, isang lugar na para lamang sa mga piling nilalang na may kakayahang magbayad ng sobra para sa kapalit ng ilang oras na pagsaya.Ilang oras na siyang wala sa sarili na nakaupo sa paborito niyang high chair sa dulong bahagi ng bar. Wala na siyang lakas mag-order para sa sarili, ngunit agad nang inilapag ng bartender ang isang bote ng Louis XIII de Rémy Martin sa harap niya, isang alak na umaabot sa milyong piso kada bote.“If-if… t-there’s even the smallest chance, one damn reason to h-hope, would y-yyou hold on?” mapait niyang tanong sa bartender na hindi man lang ngumiti. Lasing na lasing na si Sebastian at hind na maituwid ang pananalita. Sa tabi ng baso niya, lima pang walang laman na bote ang makikita doon. Sa ilalim ng mesa, dalawa pa. Sa tantsa niya, pangwalo o pangsiyam na yata ang nasa harapan niya ngayon, pero hindi na niya mabilang. L

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 243

    “No. But we can move forward, with the truth.” Trixie firmly said. Matapos iyo ay tumigil na si Trixie sa pagsasalita. Wala na siyang dapat sabihin pa sa lalaki. She already said her part, and it was all in the past now. Ilang buwan na ring tinapos na niya ang lahat sa pagitan nila. Hindi na ito para balikan."I stayed when I shouldn’t have, loved you when I was losing myself, and now… I’m leaving to finally choose me."Tumigil ang mundo ni Sebastian sa mga salitang iyon. Para bang lahat ng ingay ng lungsod sa ibaba ay nawala, maging ang ingay ng ihip ng hangin ay naglaho sa pandinig niya. Kasabay ng bawat salitang iyon ay ang pagkakawala ng huling hibla ng pag-asa na pilit pa niyang sinisiksik sa puso niya.Tahimik.Malamig.Matagal.Humakbang siya ng isang beses para sana ay abutin si Trixie ngunit… agad ding umiwas ang babae. Umatras ito na tila takot na kahit mahawakan man lang niya. At doon, sa ilalim ng malamlam na init na dulot ng dapit-hapon, sa lugar na minsang naging t

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 242

    “Because I needed to look you in the eye and say that we're done.” Tumigil ang mundo ni Sebastian. Para bang lahat ng ingay ng lungsod sa ibaba ay nawala. Kasabay ng bawat salita ni Trixie ay ang pagkakawala ng huling hibla ng pag-asa na pilit pa niyang sinisiksik sa puso niya. Tahimik. Malamig. Matagal. Binalingan niya muli si Trixie. Pero agad ding umiwas ang babae. At doon, sa ilalim ng malamlam na init na dulot ng dapit-hapon, sa lugar na minsan ay naging tahimik nilang paraiso, narinig niya ang pinakamalakas na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “No! Do you think I would allow that? No, Trixie. Not fucking possible," mariing turan ni Sebastian. Tumalikod siya sa gawi ni Trixie at humarap sa malawak na tanawin ng payapang lungsod. His eyes watered, and he doesn't want to look directly at Trixie's because he might cry. No… Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Walang kumikibo, walang bumabasag ng katahimikan. They needed this. E

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 241

    Nang umabot sila sa hallway—malayo na sa ingay ng bulwagan, sa mga mata ng tao, sa mga bulung-bulungan—ay bigla siyang huminto.“Sebastian,” mariin na tawag ni Trixie.Napahinto rin ito. Tumigil sa likod niya.She slowly turned.“Bitawan mo na ang kamay ko.”Hindi agad gumalaw si Sebastian.“Now.”Hindi na muling nagsalita si Trixie. Tinitigan lang niya ito ng diretso—mata sa mata, walang takas.At sa unang pagkakataon, binitiwan siya ni Sebastian.Ngunit bago pa siya makaiwas, ay may ibinulong ito, bahagya lang ang tunog, pero sapat para magpatigil sa hakbang ng babae.“I miss you.”“Don't start. I'm warning you." Hindi napigilan ni Trixie na balaan ang lalaki. Hindi niya nagugustuhan ang lumalabas sa bibig nito. “Anyway, saan mo ba gustong mag-usap? I don't where you are taking me kaya dumiretso na ako dito sa parking." “In our house?" tanong ni Sebastian sa kaniya, tila nag-aalinlangan ito. Kumunot ang noo ni Trixie ngunit bago pa siya makapagsalitang muli ay naunahan na siya ni

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 240

    Ilang minuto pa lang ang lumilipas mula nang lumabas sina Trixie at Helios sa bulwagan, ngunit agad itong napalitan ng ingay ng matinis na tinig ng isang babae. “Oh my! So nanalo talaga sila? OMG! This calls for a celebration!” sabay hampas sa braso ng kausap ng isang random na babae at pakaway-kaway habang umiikot sa paligid, wari’y sinusuyod ang kabuuan ng venue. Napatigil si Helios sa paghakbang nang marinig ang pamilyar na tinig. Napalingon siya sa direksyon ng matinis na boses, at hindi siya nagkamali, iisa lang naman ang nakikilala pa niyang may ganoong ugali at boses, si Racey. Nangunot ang noo ni Helios. Of all people. Why is she damn here? Bestfriend ito ni Trixie, ang babaeng hindi niya inaasahang makakatagpo sa ganitong oras. Ibinaba na lang niya ang tingin at nagkunwaring hindi ito naririnig o nakikita. Itinutok niya ang kaniyang paningin sa stage kung saan tumatanggap si Casper ng award. “Wait. Wait! Nanalo talaga sila, right? So where is that girl? Abse

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 239

    “I said, enough,” singit ni Trixie, nanginginig ang boses at napuputol na ang hininga. “Let. Me. Go!”Ngunit ni isa sa kanila, si Helios man o si Sebastian, ay walang bumitiw. Ang kamay niya’y parang naging tulay ng digmaan ng dalawang lalaking parehong hindi marunong umatras.Ang paligid na kanina’y puno ng palakpakan at hiyawan ay biglang nagmistulang bulwagan ng katahimikan, na para bang lahat ay humihinto sa bawat salitang hindi mabitawan ng dalawang lalaking ayaw magpatalo.Hindi lang sila ang nakatayo roon ngayon, dahil unti-unti na ring napapansin ng mga tao ang kakaibang tensyon.“Bakit hindi pa sila umaakyat?” rinig ni Trixie ang unang bulungan mula sa mga nasa harapan.“Hindi ba't siya ang dapat tumanggap ng award?” sunod pa ng isa.Ngunit ang sumunod ay ang siyang mas malala at ayaw ni Trixie makuha. “Wait... ‘di ba si Sebastian Valderama ‘yon?”“Yung may hawak sa babae?”“Hindi ba yung nasa kabilang team ang girlfriend ni Valderama?! Yung Wendy sa mga second placer!”"Oh

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 238

    Mabilis ang naging pag-set up ng team ni Trixie sa kanilang designated booth. Sa loob lamang ng ilang minuto ay nakatayo na ang demo unit ng AURA, ang sleek na screen, ang real-time mapping interface, at ang dynamic response console. Si Casper naman ang unang humarap sa unang grupo ng mga observers, habang si Trixie ay nasa likod ng system panel, matiim ang hawak sa tablet na naka-link sa kanilang central server. Hindi na siya nag-abalang lumingon pa sa paligid nila. Hindi na niya kailangang makita kung ano ang ginagawa nina Wendy o ng iba pang team. Ang tanging mahalaga kay Trixie ay ang teknolohiya nilang ipinaglaban mula umpisa. Ang sistemang nabuo mula sa sipag, talino, at purong dedikasyon niya at buong team. Sa bawat pagtatype ni Trixie sa tablet, lumalabas sa screen ang smart predictions ng AURA. Flood path simulations. Evacuation planning. Maging mga automated emergency dispatch protocols ay sakop rin ng technology nila. “Can the system handle disruptions

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status