LOGINHindi ko inasahan na muli kaming magkikita ng lalaking minsan ko nang minahal… si Michael Brian Lucero. Akala ko siya na ang lalaking makakasama ko habang buhay, pero nalaman kong pustahan lang pala ang dahilan kung bakit siya lumapit sa akin. Pagkamatay ni Papa, hindi na kami tumagal sa iisang bahay—palipat-lipat kami dahil paiba-iba ang kinakasamang lalaki ni Mama. Hanggang sa pinakasalan niya ang isang bilyonaryo, na babago sa takbo ng buhay ko. Sa paglipat ko sa mansyon ng bagong asawa ni Mama, bumungad sa akin ang mukha ng gwapong lalaki na matagal ko nang kinalimutan—si Michael, ang kaisa-isang anak ng stepfather ko. Akala ko, madali lang makisama. Pero nang magtagpo ang aming mga mata, ramdam ko ang kakaibang init sa pagitan namin—isang damdaming mali, pero hindi ko kayang pigilan. Habang pilit kong itinatago ang bawal na damdamin, mas lalo lang akong nahuhulog sa kasalanang hindi ko kayang tanggihan. Dahil minsan, kung ano pa ang bawal, siya rin ang pinakamasarap tikman. “He’s the sin I can’t stop craving.”
View MoreReign’s POV
Nanginginig ang mga kamay ko habang magkakaharap kami sa hapagkainan—ako, si Mama, si Tito David, at si Michael. Walang nagsasalita. Walang gumagalaw. At bago pa may magsalita sa amin, tumayo na ako para umiwas, pero hinawakan ni Tito David ang braso ko. “Reign, hija. Maupo ka, para sa ’yo talaga ang announcement na ’to.” Kinakabahan akong napalunok. “P-para sa akin po? Ano po ’yon, Daddy?” Huminga siya nang malalim, parang naghahanda sa kung ano man ang sasabihin niya sa amin. “I want to adopt you, Reign. Gusto kong maging tunay kitang anak. Gusto kong maging Lucero ka.” Tila gumuho ang mundo ko sa narinig. Napaupo ako sa tabi ni Mama—nakatulala, naguguluhan, kinakain ng kaba ang buong sistema ko. Gusto ko sanang maging masaya pero taliwas ang nararamdaman ko ngayon. Hindi puwede. Hindi dapat. Tumingin ako kay Mama. Tumango siya, parang utos na dapat kong tanggapin ang alok. Sa kabilang dulo naman ng mesa, halos mabali na ni Michael ang hawak niyang kutsara. “Hija? Hindi ka ba masaya?” tanong ni Tito. “Ayaw mo bang maging Lucero?” Bago pa ako makapagsalita— “Sorry, Dad. Sorry, Tita Leona,” putol ni Michael, mariin ang tono, “but I disagree. Hindi ako papayag sa adoption na ’to.” Lumingon siya sa akin. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Michael, please… Huwag ngayon. Huwag mong sasabihin… Hindi pa ako handa. Alam kong nababasa niya ang takot sa mga mata ko. Pero sa itsura niya ngayon, alam kong hindi ko na siya mapipigilan. Tinapik ni Tito David ang balikat ko, na para bang pinagagaan ang loob ko dahil sa inasta ng anak niya. “Anak naman, ikaw pa rin naman ang tagapagmana ko, kung ’yon ang iniisip mo kung bakit ka tumututol,” kalmadong sagot ni Tito David. “Hindi n’yo ako naiintindihan, Dad. Wala akong pakialam sa pamana n’yo. Kaya kong kumita ng pera sa sarili kong paraan,” matigas na sambit ni Michael. Umirap si Mama nang hindi halata ng iba. Hinagod niya ang likod ko. Akala niya umiiyak ako dahil hanggang ngayon ayaw pa rin akong maging kapatid ni Michael. Pero hindi nila alam… Hindi naging “kapatid” ang tingin namin sa isa’t isa. Kailanman. “Fine,” tugon ni Tito David. “Bigyan mo ’ko ng tatlong dahilan kung bakit hindi dapat i-adopt si Reign.” Tumayo si Michael. Kuyom ang mga kamay, tila wala nang pakialam sa kahihinatnan ng kanyang sasabihin. “Una,” aniya, “we need to respect her biological father. She loves him. At pangalan lang niya ang natitirang koneksyon ni Reign sa kanya.” Tahimik ang lahat. “Pangalawa,” dagdag niya, “mag-aasawa rin si Reign someday. Mag-iiba rin ang apelyido niya. So this adoption? Pointless.” Hindi gumagalaw si Tito. Pati si Mama. At ang pangatlo— Tumingin si Michael diretso sa akin. Dahan-dahang lumapit. At walang pakialam sa mga mata ng magulang namin… hinawakan niya ang kamay ko. At hinila ako patayo. “Lastly…” bumaba ang boses niya, mabigat, halos pabulong pero malinaw… “hindi mo pwedeng gawing Lucero ang babaeng mahal ko.” Nalaglag ang kutsara ni Mama. Napaupo si Tito David nang halos mabitawan ang baso. Pero ako? Parang hindi ako makahinga. Dahil hindi pa tapos si Michael. Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya na parang nagbabanta, pero walang bakas ng takot sa mukha ni Michael—na para bang handa na siyang ipaglaban kung ano’ng namamagitan sa aming dalawa. “Tell them, Reign,” bulong niya sa akin, pero dinig nila. “Sabihin mo. Sabihin mo na… ako ang dahilan kung bakit hindi ka puwedeng i-adopt.” Napapikit ako. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil— tama siya. Siya ang dahilan. Siya ang lalaking gusto kong makasama habang buhay, ang lalaking nagpatikim sa akin ng tunay na pagmamahal, kahit bawal. Ngunit sino nga ba ang makakapagsabi kung ano ang tama at mali? Ang moral standards nga ba ng mundo? O ang sariling puso? “He’s the sin I can’t stop craving.”Reign’s POV Palabas na sana si Michael ng silid ko nang hawakan ko ang braso niya. Natigilan siya at seryosong tumingin sa akin. “Sorry, akala ko kasi—” idinampi niya ang daliri sa labi ko. “No worries, ayoko ng maulit ang ginawa mong pag-alis at pagkakalat sa bar kagabi. Nakakahiya.” Tumalikod siya at isinara ang pinto. Napaupo ako sa kama at naaalala ang eksena kagabi. “Muntik na siyang mamatay dahil sa akin.” Kung nagkataon… baka namatay pa siya sa mismong birthday niya. ‘Ano ba kasing pumasok sa utak mo, Reign? At pumunta ka doon!’ Sermon ko sa sarili. “Hindi ko man lang siya nabati.” Tumayo na ako at gumayak. Balak kong bumili ng regalo para kay Michael. Saktong palabas na ako ng mansyon nang… “Trying to escape again?” malamig na tanong ni Michael. “A-ah hindi, ano… m-may bibilin lang ako.” Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nauutal? Tumango lang siya. “Here! This is your card, galing kay Dad.” “H-hindi na, may pera naman ako.” Pagtanggi ko. “Reign—” “Hindi ko pa
Reign’s POV Bahagya akong natigilan sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin at mabilis na tumayo. “Michael, I mean, Kuya Michael… ano man ang nangyari sa atin noon. Tapos na ‘yon. At hindi na natin dapat pag-usapan o balikan pa.” Tinalikuran ko siya, pero agad niyang hinablot ang braso ko. “Kuya, ano ba!” May diin kong sambit. “Hindi tayo magkapatid, gets mo?” Napa-buntong-hininga ako habang kumakalas sa hawak niya. “Now answer me… why, Reign?” “Bakit? Hindi ba matanggap ng pride mo na may babaeng bumasted sa ‘yo? It's been a year, Kuya! Kaya pwede ba… mag-move on ka na, kasi ako? Okay na ’ko.” Tumalikod ako at mabilis na tumakbo pataas ng silid ko. “Reign, wait!” sigaw niya, pero hindi ko na siya pinansin. Bakit ba kailangan pang ungkatin ang tapos na? Ano pang silbi ng pag-uusapan namin ‘yon? Lalo na’t magkapatid na kami ngayon at nakatira pa sa ilalim ng iisang bubong. Kinagabihan, narinig ko ang ingay mula sa baba ng mansyon. Parang may banda? Maingay, may tawanan
Reign’s POV Maaga akong nagising, siguro dahil nasanay na rin ang katawan ko na gumigising ng alas-singko ng umaga—para magtrabaho sa coffee shop, out ng 9:00 a.m., diretso sa mall para magtrabaho ulit, at uuwi ng 10:00 p.m. Pero kahit pagurin ko ang katawan ko sa trabaho, parang kulang pa rin. Mahirap pa rin kami. Paglabas ko ng silid, agad na sumalubong sa akin ang pulang maleta ko na nasa tapat mismo ng pinto. Mas malinis na ngayon kaysa kahapon. Sa ibabaw, may nakadikit na sticky note. “SORRY!” Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong napangiti. Hindi ko sukat akalain na marunong pa lang mag-sorry ang lalaking ’yon. Kinuha ko ang sticky note at dinikit sa malaking salamin ng silid ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman—kahapon kung pagsalitaan niya ako, ganun na lang. Tapos ngayon bigla siyang mag-so-sorry? Nakakaduda. Parang ’yung handwriting niya na naka-all caps. Wala man lang emoji, ang hirap hulaan kung sincere ba siya o hindi. Paglabas ko ng sili
Reign’s POV Nilingon ko ang maleta ko na nakapatong sa kama. Alam ko sa sarili ko na ito ang dapat kong gawin, at wala nang makakapigil sa akin. Hindi si Mama. Hindi si Tito David. At lalong hindi si— “Michael? Anong ginagawa mo dito?!” tanong ko, kunot ang noo habang dahan-dahang pumapasok siya sa silid. Napalunok ako nang i-lock niya ang pinto. “Shit!” bulong ko sa sarili. Wala naman siyang ginagawa, pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang bigla niya akong buhatin at marahang ihiga sa kama. “Ano bang problema mo?!” may diin kong tanong, sabay tulak sa kanya. Lumayo ako at tumayo malapit sa bintana. Nakangisi siya habang papalapit nang papalapit sa akin. Umurong ako hanggang sa lumapat ang likod ko sa malamig na pader. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Topless. Mamasa-masa pa ang katawan. Tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan niya—halatang kakatapos lang maligo. Ngu












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews