Share

Kabanata 486

last update Last Updated: 2026-01-20 23:54:15

Huminga nang malalim si Carla bago sumagot. “If I remember correctly po… Xyza called the woman her tita.”

Napakunot noo si Trixie.

“Tita mommy,” dugtong ni Carla, mas sigurado na ngayon. “Yes po. Tita mommy po ang itinawag ni Xyza sa kaniya. At nang makita siya ng anak niyo, tumakbo pa ito at yumakap nang mahigpit.”

Parang tumigil ang mundo ni Trixie sa narinig.

Hindi iyon dramatic na gaya sa mga pelikula, kung hindi iyong klase ng panghihina na dahan dahang gumagapang mula sa dibdib ni Trixie pababa sa mga paa. Hanggang sa maramdaman na lang niyang parang hindi na niya kayang tumayo nang matagal.

Nanlamig ang mga daliri ni Trixie, at ang bigat sa ulo niya ay parang may humahawak at mariing pinipiga ang sentido niya mula sa loob.

Tita mommy.

Paulit ulit na umuukit ang dalawang salitang iyon sa utak niya, paulit ulit, walang pahinga.

That ‘tita mommy’ wasn't just some ordinary name for her daughter.

“Wendy...” ang pangalang iyon ay lumabas sa bibig ni Trixie na parang isang sumpa.

A
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Charlita Awatin
update please
goodnovel comment avatar
Emy Manila
nakakainis na ito sibrang daming ads tapos kapiraso lang mababasa ayoko na nito
goodnovel comment avatar
Deling
Too much descriptions of the actions of the character making it boring to read, also repeatingly recalling previous incidents as if the author is saying that readers have no comprehension. Okey make this story as long as you can for I will not read again any of your novel
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 486

    Huminga nang malalim si Carla bago sumagot. “If I remember correctly po… Xyza called the woman her tita.”Napakunot noo si Trixie.“Tita mommy,” dugtong ni Carla, mas sigurado na ngayon. “Yes po. Tita mommy po ang itinawag ni Xyza sa kaniya. At nang makita siya ng anak niyo, tumakbo pa ito at yumakap nang mahigpit.”Parang tumigil ang mundo ni Trixie sa narinig. Hindi iyon dramatic na gaya sa mga pelikula, kung hindi iyong klase ng panghihina na dahan dahang gumagapang mula sa dibdib ni Trixie pababa sa mga paa. Hanggang sa maramdaman na lang niyang parang hindi na niya kayang tumayo nang matagal. Nanlamig ang mga daliri ni Trixie, at ang bigat sa ulo niya ay parang may humahawak at mariing pinipiga ang sentido niya mula sa loob.Tita mommy.Paulit ulit na umuukit ang dalawang salitang iyon sa utak niya, paulit ulit, walang pahinga.That ‘tita mommy’ wasn't just some ordinary name for her daughter. “Wendy...” ang pangalang iyon ay lumabas sa bibig ni Trixie na parang isang sumpa.A

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 485

    Ang bawat segundo sa loob ng silid-aralan ay tila isang dekada ng paghihirap para kay Trixie. Ang katahimikan ng silid ay binabasag lamang ng mabibigat niyang hininga at ang mahinang tunog ng aircon na tila nanunuya sa kaniyang kaba. “Pasensiya na po, Miss Trixie, pero malaki rin po ang tiwala ko kay Carla na ginawa niya nga nang maayos ang trabaho niya. I’ve seen her performance na itong buong linggo at nakuha niya na ang tiwala ko,” wika ni Teacher Ally, ang boses ay nanginginig ngunit may paninindigan.Dahil sa narinig na kumpiyansang iyon sa kaniya ng kaniyang senior teacher, tila may kung anong enerhiya ang dumaloy sa sistema ni Carla. “Let’s go to the admin office. Now,” rinig ni Carla na mariing wika ni Trixie. Na siya namang sinegundahan ni Teacher Ally. “Please come with us, Miss Trixie.”At sa segundong iyon, sa mga narinig na iyon, ang takot na nararamdaman ni Carla ay napalitan ng determinasyong patunayan na wala siyang naging o nagawang pagkukulang sa pagbabantay sa mg

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 484

    After hearing Trixie’s outburst, doon ay nagkaroon na rin ng visible na panic sa mga mata ng adviser na si Teacher Ally. Ang kaniyang propesyonal na maskara ay dahan dahang nawawala dahil sa pagtataka. Her mouth even went open upang muling sumagot, at upang depensahan ang institusyon, ngunit tila nawalan siya ng boses. Walang salitang lumabas mula sa adviser. Iyon ay dahil sa kaniyang konsensya, malinaw na malinaw na sila ang may pagkakamali rito. Malaking mali, at alam nilang lahat iyon.. Definitely, sila ang may pananagutan sa bawat batang ipinagkakatiwala sa kanila, at sa pagkakataong ito, isang bata ang nawawala sa ilalim ng kanilang pangangalaga.Kasunod noon ay bumaling ang adviser sa kaniyang katabi, ang junior teacher na si Carla. Ang dalaga ay halatang kabado na rin, dahil ang kaniyang mga balikat ay nakababa na at ang kaniyang mukha ay mas maputla pa sa papel. Bagaman hindi ni Carla personal na kilala si Trixie Salvador, ngunit ang pagiging bahagi nito ng paaralang ito b

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 483

    Huminga nang malalim si Trixie, pilit na pinapakalma ang kaniyang boses pero hindi naitatago ang talas nito. “Good afternoon. I’m here to pick up my kid. My daughter. At teka...” Tinitigan niyang maigi ang guro. Pagkatapos ay bahagya siyang sumimangot. “Hindi ikaw ang kilala kong adviser ng anak ko. Did they change advisers without notifying the parents? Nasaan si Teacher Ally?”Trixie’s tone turned sharp and impatient. Hindi dahil sa galit, kung hindi dahil sa takot na pilit niyang kinokontrol. Ang kabang kanina pa bumubundol sa kaniyang dibdib ay lumalabas na bilang bagsik sa kaniyang pananalita. Trixie can’t really help it, her daughter is nowhere near the vicinity. Dahil sa toning kaniyang ginamit, nakita ni Trixie ang pagkalat ng panic sa ekspresyon ng kaniyang kaharap. Mukhang hindi sanay ang babae sa ganitong uri ng komprontasyon.“Ah, ah no po, no, ma’am... I-I’m just a teacher assistant dito. Under training po ako,” nauutal na paliwanag nito. “Miss Carla po ang pangalan ko

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 482

    A few steps forward, Trixie finally reached her destination.Malawak pa rin ang ngiti ni Trixie habang sinasalubong ng kaniyang mga mata ang bawat batang lumalabas. Isang grupo pa nga ng mga cute na batang babae ang dumaan sa kaniyang harap, nagtatawanan at nagkukuwentuhan tungkol sa kanilang naging lesson sa isang subject. All these children had big smiles plastered on their faces. Sino nga ba naman ang hindi matutuwa? Uwian na, ang paboritong oras ng bawat estudyante."Xyza..." bulong ni Trixie, inihahanda na ang kaniyang sarili sa pagyakap sa anak. Bahagya niyang itinaas ang pink teddy bear upang ito ang unang makita ng bata. Trixie will use the teddy bear to cover her face, but before that, sisipatin muna niya kung parating na ba ang kaniyang anak. Gusto niyang sa sandaling lumabas si Xyza, ang unang makikita nito ay ang paboritong laruan bago ang kaniyang nakangiting mukha. Isang perpektong sorpresa para sa kaniyang prinsesa.Ngunit hanggang ang mga segundo ay dahan dahang na

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 481

    Red is danger.Little did Trixie know, ang matanda ay isang psychic na nakakaramdam ng mga enerhiya at mga kutob depende sa nakikita niyang aura ng isang tao. At ang nararamdaman lang naman nito sa paligid ni Trixie ay ang nalalapit na kamalasan at kapahamakan na tila ba isang malaking alon na handang humampas sa kaniya sa oras na hindi niya inaasahan.Nang makalabas siya sa main road, biglang huminto ang trapik dahil sa isang pulang traffic light. Napahawak si Trixie nang mahigpit sa manibela. Ang kaniyang paningin ay napako sa pulang ilaw na tila ba isang nanunuksong mata sa gitna ng dilim."Pula..." bulong niya.Ang kaba ni Trixie ay tila isang malamig na tubig na ibinuhos sa kaniyang likuran. Lumingon siya sa kaniyang likuran, tila may hinahanap na anino sa kaniyang back seat.Wala naman siyang nakitang anino, tanging ang pink teddy bear lamang na nananatiling tahimik at inosente. Ngunit sa likod ng kaniyang isip, alam ni Trixie na ang araw na ito ay hindi matatapos nang kasing sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status