"Kyaaaaah! What is the meaning this!" wala sa oras akong napadilat at tarantang napaupo dahil sa matinis na tili ng isang babae. Kinusot kusot ko ang mata ko't tinignan ang dalawang di pamilyar na tao sa harapan ko. Sino sila? Paano sila nakapasok sa bahay? "Oh my ghad! He's cheating on--"
"Shut up Carmen" putol ng may edad ng ginoo sa magandang babae na tila hindi makapaniwala sa nakita. Kunot pa din ang noo niyang nakatingin sa akin "Can I know your name miss? And what do you think you're doing?"
"I-I'm Laukrisha Makabajo--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magreklamo si Spencer na mukhang naalimpungatan sa amin.
"Bakit ba ang ingay? Lumabas nga kayo sa kwarto ko!" nakapikit na sabi niya saka dinampot at binato ang unan na nahawakan niya kung saan nandun ang may edad na ginoo. "Ikaw naman, mamaya ka na bumangon. Higa"
"Spencer" may himig pananaway na sabi ko habang tinatapik ang braso niyang
"Hindi ako makakasabay pag-uwi mamaya" tugon ni Spencer na dinayo pa ako sa klase ko bago matapos ang lunch break."Busy?" tanong ko saka bahagyang sumandal sa frame ng pintuan."Medyo" kibit balikat niyang sagot."Nang galing ka ba sa labas Spencer? Anong ginawa mo?" napansin ko ang bahagyang paglaki ng mata niya at agad na pag-iwas ng tingin. Anong ginawa mo?"I am, tumawag si lola may inutos lang" sagot niya. "Hinanap mo ba ako?""Hindi naman. Nakita lang kitang pumasok ulit ng main gate" saka ko siya nginitian. Tumango tango siya. "Sige na bumalik ka na sa klase nyo at matatapos na ang break""Kita na lang tayo sa bahay" hinalkan niya ako sa noo bago siya patakbong bumalik sa klase niya.Masyado akong nag-aalala. May inutos lang naman pala ang donya.Agad na natapos ang klase namin at agad akong umuwi para makapagluto
"Napatunganga ka" kumento ni Kenji sa akin ng mahinto ako sa pagsasalita't mapatulala sa kanya na nakabaligtad na nakaupo sa upuan at nakapaharap sa akin."May naalala lang" palusot ko saka siya nginitian."Pero napaisip ako doon sa sinabi ni Kenji. Pwedeng tama siya na hindi eh" napatingin kami kay Megumi na mukhang nag-iisip. "Oo, highschool lang si Spens at minor pero kahit noon pa, sinasama na siya ni lola sa ibang business trip niya dahil nakikitaan na daw niya ng potensyal si Spens sa larangan ng pagnenegosyo"Napatango tango ako. So, pwede pala."Pwede pala yun? May potensyal sa business field kahit di gaanong matalino" bored na kumento ni Kenji."Alam mo ikaw, kontrabida ka lagi" dinuro siya ni Megumi. Marahan naman ako sa kanilang natawa. Kailan kaya sila magkakasundo?Agad kami nanahimik ng pumasok na ang teacher namin. Umayos na si Kenji ng upo
Excited akong umuwi sa bahay para itanong si Spencer kung siya ba ang nagbigay sa akin ng isang kahong donuts na hanggang ngayon ay dala dala ko pa din. Hindi na naman kasi kami sabay sa pag-uwi dahil may aasikasuhin daw siya.Pag-uwi ko, agad akong nagluto't naglinis. Nagpalit na din ako ng pambahay habang nasa lamesa naman ang kahon ng donuts na dala ko. Maya maya pa, nakita ko na si Spencer na kakapasok pa lang ng pintuan."Hi" bati ko saka ako sa kanya lumapit. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. "Tara, kain na tayo""Kumain na ako sa labas" tugon niya na nakapagpanguso sa akin. Ano ba yan, wala pala akong kasabay ngayon. "Pero kung gusto mo, kakain na lang ako ulit" napatingin ako sa kanya, seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin kaya nginitian ko siya."Ok lang, hindi na. Umakyat ka na lang sa kwarto mo, mukhang pagod ka" sabi ko. Tumango siya. Akma na sana siyang aalis sa harapan ko ng
Pagka uwi ko. Naabutan ko si Spencer na nakatungo sa lamesa. "Spencer.."Tumingin siya sa akin. Malungkot ang mukha niya't tila may gustong sabihin.Umupo ako katabi niya saka hinimas ang kanyang buhok. "Bati na tayo""I wasn't mad at you. Nagulat lang ako sa sinabi mo pero alam kong ako yung mali" sabi niya. "Sorry"Napangiti ako sa paghingi niya ng tawad sa akin. "Kalimutan na lang natin iyon""No" nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Itigil na natin to"Agad akong kinabahan sa sinabi niya. Itigil? "A-anong ibig mong sabihin?" may pag-aalala kong sabi. Ayoko ng naiisip ko, ayokong itigil namin kung anong meron kami. Mahal ko siya, at naniniwala akong parehon kami ng nararamdaman. "Wag ka na magtanga tangahan, alam mo ang ibig kong sabihin" seryoso ang ekpresyon niya pero hindi siya sa akin nakatingin. Tumayo siya sa pagkakaupo't tumingin sa akin. "You're right, amo mo ako at maid lang kita dito. Hindi tayo bagay, wag na natin ipilit" saka siya nagwalk out sa kusina.Hindi ako nakatayo
Tahimik akong umuwi sa bahay ni Spencer at naghanda ng hapunan. Pagdating niya, saglit niya lang akong tinignan bago umakyat sa kwarto niya.Napabuntong hininga ako. Ano ba talagang nangyari at naging ganito kami?Hanggang dumating ang linggo ng umaga ay hindi pa rin kami muling nakapag-usap tungkol sa nangyari. Ang pag-uutos niya lang sa akin ang pinakapag-uusap naming dalawa.Malalim akong nag-iisip habang nagwawalis sa labas ng bahay ng biglang may matinis na boses ang umagaw ng pansin ko."Ishaaa!" pasigaw na tawag ni Megumi habang patakbong palapit sa akin kasama si Kenji. Napatitig ako sa dalawa. Ngayon lang nangyari na nagsabay sila."Oh, guys" bati ko matapos nilang makalapit. "Anong meron, at napadaan kayo""Well, pupunta talaga ako dito para kausapin si Spens" sagot ni Megumi. Binitawan ko na ang walis na hawak ko't itinabi sa gilid.
"Bakit ang tagal mo" di pa man ako nakakapagsalita ay nagreklamo na siya. Si Spencer pala ito, akala ko rapist na."B-bakit nandito ka?" tanong ko saka siya bahagyang itinulak papalayo sa akin."Bawal na ba akong umuwi sa bahay ko" napansin ko ang pagkakunot ng noo niya gamit ang sinag ng buwan na pumapasok sa bintana ng kusina."Ibig kong sabihin, diba dapat ay nasa bahay ka pa nila donya Alicia para sa birthday mo?" pagtatama ko saka ko bahagyang itinago sa likod ko ang paper bag na hawak ko."Dahil gusto na kita makita" sagot niya. Ang weird ha? Akala ko ba ay kalimutan na namin yung kami? "Don't get me wrong, alam kong tinapos ko na ang relasyon natin pero kasi--""Ano ba k
"Sa birthday party ni Spens kahapon, inannounce niya na sa oras daw na makagraduate na siya ng highschool ay magpapakasal na sila ni Carmen" kwento sa akin ni Megumi matapos kong magtanong ng nangyari sa party ng kaarawan ni Spencer kahapon. "Hindi ko alam kung bakit nagmamadali yung dalawang iyon magpakasal, porke ba disi-otso na sila parehas ay ganun na?"Sana pala hindi na ko nagtanong."Manhid ka ba Andes at talagang kinwento mo pa yang announcement ng gunggong mong pinsan" kunot noong sabi ni Kenji kay Megumi saka lang nagsink in kay Megumi ang sinabi niya."S-sorry Isha, nakalimutan ko ang nararamdaman mo" bahagya ko na lang siyang nginitian na sakto namang pagpasok ni sir Johan sa klase."Miss Makabajo and miss Andes, pwede ba kayong sumama muna sa akin sa offi
"Pinayagan kita sumama sa camp para lalong matuto hindi para lumadi kung kanino!" bungad na pagalit sa akin ni Spencer matapos niya akong makitang bumaba sa kotse ni Gil. Hinatid kasi ako nito pauwi matapos ang camp. Kakauwi ko lang galing camp, ito na agad ang bungad niya."Hindi naman ho ako nakikipaglandian, hinatid niya lang ako kasi parehas kami ng daan pauwi" malumanay na paliwanag ko."At sinong niloloko mo? Kitang kita ko kung paano siya tumingin sayo! May gusto siya sayo!" kumunot pa lalo ang noo niya. Dahil di naman tinted ang kotse ni Gil, kitang kita nga naman ang loob nito na mukhang tinignan talaga ni Spencer."Eh ano naman ho ang problema? Dalaga naman ako at walang karelasyon! Mali ho bang tumanggap ako ng manliligaw? Wala naman ho sa trabaho ko ang ipaalam sa inyo ang