Share

Chapter 33

Agad akong naligo matapos ang saglit na tawag na nareceived ko. Nagluto na din ako’t kumain. Excited akong pumunta sa kumpanya para doon magpa-interview.

“Aalis ka? Saan ka pupunta?” magkasunod na tanong ni Spencer pagkagising niya’t pagkalabas ng kwarto.

“Tinawagan na ako ng kumpanyang inapplyan ko, pinapapunta nila ako ngayon sa opisina nila para doon interview-hin,” nakangiti kong sabi. “Nakapagluto na din ako dyan ng pagkain mo.” Tumango tango si Spencer.

“Goodluck babe.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. “Pagtapos mo doon, uwi ka agad ha.”

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Wala naman na din kasi akong pupuntahang iba kaya uuwi talaga ako matapos iyon saka pasado alas-dose na, 1:30 pm ang interview ko, for sure nasa 3pm na ang tapos nun pahapon na kaya wala na din akong balak maglaboy.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status