MasukYour comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
NAGISING SI CZARINA nang gisingin siya ng kasambahay para sa hapunan. Sa pagod ni Czarina ay gusto niyang kumain na lang sa silid, kaya dinala ang pagkain sa itaas. Napatitig si Czarina sa mangkok na may sabaw. Ang sabi ay kailangan niya iyon inumin para sa kalagayan niya at ng bata. Pero hindi gustong inumin ni Czarina iyon dahil sa sobrang pait. Iginiit pa ng kasambahay na iniutos iyon ni Damion, pero pinagalitan niya ito at sinabing hindi siya kakain kung ipagpipilitan ipainom ang gamot.“May pamilya po akong sinusuportahan, Ma’am Zari… Ayoko pong mapatalsik…” iyak ng kasambahay.“Kahit hindi niyo po ito inumin, may iba pa rin pong magdadala nito sa inyo…” Napabuga ng hangin ang kasambahay. “Kung ayaw niyo po talaga, pwede niyo naman pong itapon na lang. Kailangan ko kasing bumalik sa kusina na walang laman ang mangkok.”Lumuhod pa ang kasambahay, nagmamakaawa at halatang hindi tatayo hangga’t hindi sumasang-ayon si Czarina.Pumayag si Czarina sa gusto nito, pero ang gusto ng kasa
PARA MAIWASANG MAGALIT O MAINIS SI CZARINA, ni minsan ay hindi na binanggit pa ang tungkol sa psychological treatment. Inatasan niya lang ang mga kasambahay na bantayan si Czarina at ireport sa kanya kung may nakikita itong mali.But so far, walang kakaiba kay Czarina, maliban sa pagiging isang manika na parang walang buhay. Ni minsan ay hindi ito nangiti, nagagalit, umiiyak, tumatawa, naiinis o kung ano pa sa kanino man maliban kapag kaharap ang lola.Sa harap ng matanda, doon lang pinapakita ni Czarina ang tunay na siya. Ang masayahin, mapagmahal at maalagang Czarina.Para mapasaya si Czarina, ginawa ng mga kasambahay ang lahat ayon sa utos ni Damion. Kung anu-ano ang nilalapag sa kanyang lamesa, minsan naman ay magkakaroon ng fireworks sa bakuran tuwing gabi, o kaya naman magdadala ng sandamakmak na bulaklak, pero ni isa sa mga pinaggagawa nila ay hindi man lang nakuha ang interest ni Czarina.Tila isang nalalantang bulaklak si Czarina at kung magpapatuloy iyon natatakot si Damion
“...DON’T BLAME ME FOR BEING RUTHLESS!”Puno ng nakakatakot na determinasyon ang tinig ni Damion, na ikinagulat ni Dr. Wang. Nagdadalawang-isip siyang magsabi ng totoo, ngunit sa takot sa kaparusahan, pumayag na lang siyang umalis ang mag-asawa.Maingat na inilagay ni Damion si Czarina sa kotse. Pawis-pawis at nakapikit ang mga mata niya, hindi tumutugon sa tawag. Agad siyang dinala sa ospital.Matapos ang ilang pagsusuri, napansin ng doktor ang mataas na presyon ng dugo, mabilis na tibok ng puso, at hindi matatag na fetal heartbeat. Pinayuhan silang kontrolin ito, bigyan lang ng gamot para kalmahin, at siguraduhing magpahinga si Czarina.Nanatili si Czarina sa ospital nang magdamag, habang tahimik na nagbabantay si Damion sa tabi niya. Iminungkahi ng nars na kausapin siya para pakalmahin, pero alam ni Damion na malamang huli siya sa listahan ng mga gustong makita ni Czarina. Sa buong gabi, tahimik siyang nanatili, at sa umaga, bumalik ang kaunting katatagan ni Czarina, ngunit walan
“WIFE, calm down. No one wants to hurt you.”“No! Nabasa ko ang notes niya. Sinusulat niyang may depression ako o kung ano pa!”Narinig iyon ni Damion at malamig na tumingin kay Dr. Wang. “Kung gano’n, puro kalokohan ang sinusulat nila. They deserve to die.”Namumutla si Czarina habang kumakapit kay Damion. “Let’s go. Ang weird ng lugar na ’to. Ayoko na dito.”“Okay. I’ll take you away.”Ngunit nang tumalikod sila, biglang nagsalita ang assistant ni Dr. Wang.“Sir, bakit po aalis si Mr. Marquez? Hindi pa po tapos ang psychological intervention therapy na naka-schedule para sa asawa niya.”Napahinto si Czarina. “Damion… ano’ng sinabi niya?”Sumimangot si Damion pero mahinahong nagsalita. “Walang kwenta ang sinasabi nila. Ayaw mo naman dito, ’di ba? Let’s go.”Pero hindi iyon kapani-paniwala. Kilala niya si Damion, kung may nagsabi ng kalokohan, siguradong hindi lang ito tatahimik.Pakiramdam ni Czarina ay parang bangungot ang lahat. Gusto niyang magpanggap na wala siyang narinig… pero
PAGKATAPOS NG TAWAG SA DOKTOR, matagal na nakatitig si Damion sa sunset at mula noon lalo siyang naging sobrang maingat kay Czarina.Sa sobrang pag-aalaga ni Damion, halos hindi na pinapayagang gumawa ng kahit simpleng bagay si Czarina. Kapag may gagawin siya—tulad ng pagdidilig ng halaman o paghiwa ng prutas—may biglang lalapit na tao para gawin iyon para sa kanya. Dahil dito, pakiramdam ni Czarina ay parang wala siyang silbi, kahit alam niyang nag-aalala lang si Damion.Isang araw, paglabas niya ng shower, nakita niya si Damion na nakasimangot habang hawak ang isang silver box mula sa dressing table niya. Bukas iyon, at sa loob ay may mga knife handles at blades na kumikislap sa ilaw.“Wifey, are all of these yours?”Hindi ito itinuring ni Czarina na malaking bagay. Habang pinapatuyo ang buhok, sagot niya, “Yeah. Yung gunting na gamit ko sa paggawa ng damit ng baby mapurol na, kaya bumili ako ng medical scissors. Ang bilis nilang mag-cut.”“Yeah, mabilis din silang makahiwa ng balat
MATIGAS ang ulo ni Czarina kaya sinundan na lang siya ni Damion para siguraduhing ayos siya. Pagkatapos ng exhibition, nagustuhan na ni Czarina ang mga artwork at napaisip pang bumili ng ilang handicrafts para sa sarili niya at sa lola niya.Habang pumipili siya, sandaling lumayo si Damion para sagutin ang tawag ni Enzo tungkol sa trabaho, at pagkatapos ay bumalik na kay Czarina.Pero pabalik na sana siya nang makasalubong niya si Cassidy. “Damion!” masayang tawag ni Cassidy.“What are you doing here?” malamig na tanong ni Damion.“Mga Galvez ang nag-organize nito. Ininvite ako ni Seth,” nakangiting tugon ni Cassidy.“Oh. Then enjoy it.”Halatang malamig ang pakikitungo ni Damion. Ayaw sumuko ni Cassidy kaya hinabol niya ito.“Damion, bakit ang lamig mo sa ‘kin? May sinabi bang masama si Czarina tungkol sa ‘kin kaya ka ganito?”“What someone said isn’t important,” malamig na sagot niya. “What matters is what I saw.”Napahinto si Cassidy. “Anong ibig mong sabihin?”Kung tama ang hinal







