Home / Romance / Trapped in Love / Kabanata 14 Wala Kang Pakielam

Share

Kabanata 14 Wala Kang Pakielam

Author: Kitty Song
Walang magawang tinitigan ni Caroline ang guwapo niyang mukha.

Sapagkat hindi siya makahanap ng paraan para makaalis sa pinaguusapan nila na tungkol sa pera, pinalitan niya ang topic nila.

“Hindi ka ba nag-aalala na baka masaktan o magalit si Daniella kapag nalaman niya ang lahat ng ito?” maingat siyang nagtanong, tinitignan ang ekspresyon niya.

Sa kasamaang-palad, seryoso ang mukha niya ng sumagot siya, “Wala ka ng pakielam doon.”

*

Sa sumunod na araw ng alas otso ng sa opisina, tumungo sa banyo si Caroline habang nasa meeting si Evan.

Aksidente niyang nakabangga si Daniella na naghuhugas ng kamay.

Agad na umiwas ng tingin si Caroline matapos sulyapan si Danielle, pero ngumiti si Daniella at nagsalita, “Ms. Shenton, dedicated ka talaga. Pumapasok ka pa din sa trabaho matapos magulpi ng husto.”

Nanigas si Caroline. Nandoon ba si Daniella noong gabing iyon? Maaari kayang kaya hindi sinagot ni Evan ang tawag dahil kasama niya si Daniella?

Habang kalmado ang ekspresyon, sumagot siya, “Ms. Love, huwag mo sana pakielaman ang buhay ko.”

Pero lumapad lamang lalo ang ngiti ni Daniella. “Hindi ba’t nagalit si Evan sa iyo?”

Dumiretso ng tayo si Caroline at tinitigan ng malamig si Daniella. “Anong ibig mo sabihin?”

Kumuha ng tissue si Daniella at tinuyo ang mga kamay niya. “Kung tama ang hula ko, kinamumuhian ka na siguro ni Evan, tama? Wala nga naman may gusto sa babaeng sinusubukan areglohin ang utang niya gamit ang katawan.”

Sa isang iglap, naintindihan niya ang ibig sabihin ni Daniella matapos maalala ang surveillance video. Si Daniella ang nag set-up sa kanya!

“Paano niya itong nagawa?! Siya ang dahilan kung bakit ako napahiya ng ganito at bantay sarado ngayon. Napaka bitch!” Habang iniisip ito ni Caroline, lalo siyang nagagalit.

“Daniella, ano bang problema mo sa akin?” galit na tanong ni Caroline.

Ngumiti si Daniella at humakbang siya palapit. “Siyempre galit ako sa iyo. Inaagaw mo ang lalake ko, Caroline. Hindi mo ba nakikita kung gaano ako kagalit sa iyo? Mukhang wala kang kaalam-alam.”

“Bakit mo sinusubukan na habulin ang lalake na gusto ko? Nakikita mo naman na ang pamilya mo ay butas na walang hangganan, sa tingin mo ba talaga may lalake na buong puso na ibibigay ang kalooban sa iyo?”

Biglaang natuwa si Caroline sa aroganteng ugali ni Daniella.

Kalmado siyang sumagot, “Anong problema, Ms. Love? Natatakot ka sa abilidad, academic qualifications, at itsura ko? Kaya ba ang nilalait mo lang ay pamilya ko?”

Noong narinig ito ni Daniella, nagbago ang mukha niya at naging pangit ang ekspresyon.

Nandidiring tinignan ni Caroline si Daniella bago dumiretso sa banyo. Nagulat siya at sinundan siya bigla ni Daniella at sapilitan na hinatak ang kamay niya.

Itinulak siya bigla ni Caroline at sa sumunod na iglap, isang sigaw ang maririnig. Humarap si Caroline at nakita si Daniella na nakahiga sa sahig.

Habang nahihirapan tumayo, tinignan ni Daniella si Caroline na tila nasaktan. “Ms. Shenton, bakit mo ito ginawa sa akin?”

Walang masabi si Caroline.

Anong sinusubukan makamit ni Daniella?

Naluha siya habang sinasabi, “Nag-aalala ako sa iyo at gusto makita ang pinsala mo sa mukha. Bakit mo ako itinulak?”

Tumawa ng malamig si Caroline. Sasagot sana siya ng bigla siya nakarinig ng mga yabag na palapit.

“Anong nangyayari dito?”

Noong narinig niya ang pamilyar at malamig na boses, bumilis ang tibok ng puso ni Daniella. Humarap siya at nakita si Evan na palapit kay Daniella.

Habang lumuluha, yumakap si Daniella kay Evan. “Evan, sobrang sakit ng binti ko.”

“Alam ko.” Tinitigan niya ng malamig si Caroline bago binuhat si Daniella at tumungo sa opisina.

Nanlumo si Caroline matapos makita silang paalis.

Ang isa ay umaarte at ang isa naman ay naniwala ng husto. Bigla, nakita niya na siya ang masamang tao sa pangyayaring ito.

Habang palabas siya ng opisina, ang dalawang katrabaho niya ay hindi napigilan na kutyain siya.

“Ms. Shenton, nararapat lang iyan sa iyo.”

“Ang akala ko pataas na siya. Iyon pala, pamalit lang siya kay Ms. Love. Kaloka!”

Sinulyapan sila ng malamig ni Caroline. “Kung hindi tugma ang performance mo sa required na standard sa katapusan ng buwan, kaya kitang paalisin anytime.”

Taas noo siyang bumalik sa opisina niya.

*

Matapos ang trabaho, inihatid ni Reuben si Caroline pabalik sa Villa Rosa. Naghanda si Lily ng hapunan para sa kanya.

Matapos maghugas ng kamay at maupo sa hapagkainin, ngumiti si Lily at sinabi, “Ms. Shenton, ang suwerte mo.”

Nabigla si Caroline at naguguluhang tinignan si Lily. “Ako?”

Tumango si Lily at ipinaliwanag, “Oo, ikaw. Sinabi sa akin ni Mr. Jordan na gusto mo ang mga pagkain na ito, kaya inutusan niya akong lutuin ang mga ito bago ka umuwi.”

Tinignan niya ang mga pagkain sa harapan niya. Totoo na ito ang mga paborito niya.

Pero ano naman kung mga paborito niya ito? Nawala naman ang kalayaan niya.

Kumain siya ng ilang subo lang, at dahil wala siyang gana, naghanda siyang umakyat.

Ngunit, noong naabot na niya ang tuktok ng hagdan, pumasok si Evan sa villa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Trapped in Love   Kabanata 364 Wala Kang Karapatan Umiyak

    Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga

  • Trapped in Love   Kabanata 363 Kasalanan Niya Ang Lahat

    Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva

  • Trapped in Love   Kabanata 362 Tumigil Ka na Sa Kalokohan

    Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin

  • Trapped in Love   Kabanata 361 Umakyat Mag-isa

    Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s

  • Trapped in Love   Kabanata 360 Galaxy Amusement Park

    Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak

  • Trapped in Love   Kabanata 359 Babalik sa Aking Date

    Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status